2

1144 Words
Noah Sinindihan ko ang sigarilyo na hawak ko at ibinuga sa ere ang hinithit na usok. Nakasandal ako dito sa pader ng classroom at suot ang school uniform kong walang kwenta. Maitim na eyeliner. Nakabukas na mga botones ng panglabas na uniporme at may itim na panloob sa halip na puti, walang corning necktie, maraming earring sa tenga idagdag pa ang kulay ng buhok ko. At higit sa lahat, itim na awra. "s**t Black Army." Nanginginig ang mga estudyanteng 'yon na napaatras nang masulyapan nila ako dito sa pader na nakabulsa ang isang kamay habang humihithit ng sigarilyo. Ba't ba kasi ang tagal ng mga hayop na 'yon? Pag-uumpugin ko talaga 'yon. Para ring si Stanley kumilos. Dinaig pa ang pagong na nireregla. "Yow! Noah." Napalingon ako kay Jey-em na naglalakad na dito. Walanghiya ang lalaking ito may lipstick pa ng babae ang leeg. Sino na naman kayang nahila nito? Katulad ng hitsura ko ay ganoon rin siya. Pito lang kaming ganito sa walang kwentang basurang paaralan na 'to. Kung estudyante ka makikilala mo agad ang Black Army. Literal na kinain kami ng itim na kulay. At mukha kaming sundalo sa awra namin. Kinatatakutan. Seryoso. Puno ng awtoridad. "Nasan na?" Naibaling ko ang tingin ko sa likuran ni Jey-em at nakita si Trenz na may kinakaladkad na lalake. May nakabara pang lollipop sa bibig. Hawak niya ito sa necktie. Seryoso ang mukha niya ganoon rin si Jeck na nakasunod sa kanya at nakapamulsa. Marahas niyang itinapon itong lalake sa harapan ko kaya napaluhod ito. Dumudugo na ang labi. Halatang nabugbog na ito ni Trenz. "Ito ba 'yon?" Nagtaas ako ng kilay sa tatlo na tumango lang. Bakas sa mukha ng lalake ang takot. Hinithit ko ng panghuling beses ang sigarilyong hawak ko at itinapon iyon sa harapan niya saka iyon inapakan. "N-Noah. T-Talagang wala akong alam." Nauutal ang boses nito. Yung tatlo naman napangisi lang. Malademonyong ngisi. "Pumasok ka sa empyernong ito nang walang alam? Pwes. Ipapakilala kita kay Satanas dito." Hinila ko ang kwelyo niya at marahas siyang isinandal. Dumaing siya nang tumama ang likod niya sa pader. "Ano? Kilala mo na kami?" Halos ibaon ko ang kamao ko sa kwelyo niyang hinawakan ko. Nasasakal siya nito lalo na't sinisikap niyang makalanghap ng hangin dahil sa ginagawa ko. Yung paa niya hindi na nakasayad sa lupa. Kung pwede ay isabit ko na ito sa flagpole. Tumango tango siya sa sagot ko. May takot ang buo niyang mukha. "Sabihin mo lahat ng impormasyon. Anong g**g ang nag-utos sayong manmanan kami?" direkta ko itong tiningnan na hindi man lang ako matingnan sa mga mata ko. "Ano Noah? Sapak bawat tanong para mas masaya." Pinatunog ni Jey-em ang magkabila niyang kamao habang ngumunguya pa ng bubblegum. "Mukhang wala namang nakuha yang impormasyon." sabi pa ni Trenz. "Walanghiya kamuntik nang mabuksan ang locker ko. Eh puro brief ko ang nandoon. Bakla ba yan?" Ngumiwi si Jeck. 8 "Anong g**g. Magbibilang ako ng tatlo. Pag hindi mo iniluwa ang sagot sa tanong ko yang dila mo ang siguradong iluluwa mo. Isa." "Oo na! Oo na! Y-Yung Bulletproof!" sigaw niya. Nangibabaw naman agad ang tawa ni Jey-em. Isang tawa na akala mo napakalaking biro ang pagbanggit nito ng pangalan ng g**g. 2 "Bulletproof? Puta! Yung bagong pipitchuging g**g? Kahit ako lang ay mabubuwag ko ang g**g na 'yon eh. Ano? Burahin ko ba Noah?" Ngumisi na ng malademonyo itong si Jey-em. Pagdating sa basag-ulo hindi yan nagpapahuli. Kayang kaya niyang lumaban kahit na nakapikit lang yan. Ang talas makaramdam. Hindi yan magiging Black Army kung wala yang binatnat. 2 "Ano yan? Yan ba yung Spy?" tanong ni Stanley na sumulpot na dito. Ang seryoso nitong mukha ang mas lalong nagbigay ng takot sa mukha nitong lalake sa harapan namin. Masyado siyang maputi pero nangingibabaw ang itim sa mga mata niya na ikinadagdag ng matatalim niyang tingin. Tahimik ang gagong yan pero pag nagalit ay matindi rin. 2 "Oo yan. Nahuli ko kanina sa locker room ko. Pilit binubuksan ng hayop." sabi ni Jeck. Tiningan iyon ni Stanley mula ulo hanggang paa. "Walang kwenta. Iwan niyo na. Yung grupo ang punteryahin niyo. Lagasin natin." Tumalikod rin ito at nakapamulsang naglakad palayo. May hawak pa itong can softdrinks na nagawa niyang lukutin at inihulog saka niya sinipa. 5 Tiningnan ko ng huling beses yung lalake saka ko sinenyasan ang iba na umalis na. Yung ispiya naman ay kulang nalang magkadapa dapa sa pagtakbo. "Di ko alam na sa lahat ng g**g na magiging desperado yun pang pipitchugin." Humalakhak si Jey-em. Hindi naman sana sabog sa droga pero kung makatawa wagas. Sinapian talaga ng demonyo. Habang naglalakad kami sa hallway ng walang kwentang eskwelahan na 'to ay napapatago ang ibang estudyante sa classroom nila. Non government ang eskwelahan na 'to kaya walang pakialam ang nasa taas kung anong katarantaduhang gawin ng mga estudyante dito. Na kahit ang mga guro dito ay walang pakialam sa amin. Mga stockholders ang mga pamilya namin dito kaya hindi rin sila nangangahas na kalabanin kami. Binabayaran ng magulang namin ang mga katarantaduhan namin dito. Sapat narin yung pangalang Black Army para manginig sila sa takot. "Problema niyo?" bungad dito ni Sid nang makapasok kami sa classroom. "Nahuli na yung spy. Pakulo ng pipitchuging Bulletproof." Umupo ako sa desk at naglabas ng panibagong sigarilyo. "Anong plano? Nasan na yung espiya?" tanong naman ni Harold. Kinuha ko ang hinihithit niyang sigarilyo para masindihan yung akin. 5 "Sabi ni Jey-em siya na daw bahala." sagot naman ni Trenz. "Gusto kong manood. Kailangan mo ng moral support ko Jey-em." Ngumisi si Jeck na tinapunan ko ng isang pakete ng sigarilyo. Kumuha narin siya doon at inihagis narin kay Stanley. 1 "Sige ba. Mamayang gabi. Tuturuan ko ng leksyon ang mga baguhan na 'yon." Ngumisi siya at kinuha narin ang isang sigarilyo na inilahad sa kanya ni Stanley na may sindi na. May patakaran ang mundo ng g**g. Lagasin ang gusto mong lasagin na grupo at doon masusukat kung sino ang pinakamakapangyarihang g**g. Bawal gumamit ng sandata. Kamao lang sapat na. Kaya ang raming gustong kumalaban sa amin dahil marami na kaming nalagas na mga g**g. Sa oras na napatumba ng isang g**g ang isang g**g ay burado na ang grupo nila. Matirang matibay. "Sa Bar daw ang lungga nun. Madalas sila doon." sabi pa ni Sid na nagsisimula nang humithit ng sigarilyo "Sige. Mamayang gabi. Si Jey-em ang lalagas." sabi ko. Ngumisi agad ang gago. Bukod kasi sa lalagasin niyang grupo ay narinig rin na sa isang Bar. Pagkatapos niyan sasideline pa yan. Makikipag-one night stand sa babaeng natipuhan niya. Loko loko eh. Bawal babae sa grupo. Yung seryosong relasyon. Sa dami ng g**g na gusto kaming patumbahin ngayon para makuha lang ang titulo na pinakakinatatakutan na grupo ay maraming nagiging desperado. Hahanapan ka ng butas at yun ang gagamitin sayo. Kaya wala kaming sineseryoso para walang sabit. Walang kahinaan.3
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD