"Nandito na ba lahat?" Napatingin ako kay Dela nang magsalita ito. Pamay ang tingin nito sa paligid na tila may hinahanap. Napakibit balikat na lang ako. "Ron." Lumingon siya sa'kin nang tawagin ko siya. Napangiti siya saka hinawakan ang kamay ko. Mas sumiksik ako sa kaniya at sumandal sa balikat niya. Inakbayan niya naman ako. "Sigurado ka na ba Ron? Baka napipilitan ka lang eh," nag-aalalang sabi ko. Naramdaman ko na umiling siya. "I'm fine choco Jam, saka ikaw na nga ang nagsabi, ako naman ang mahal mo diba?" Inalis ko ang pagkakasandal ko sa balikat niya saka tinitigan ang mukha niya. "Gamot mo ba 'yan? Three times a day mo ng tinatanong 'yan o baka higit pa," natatawang sabi ko. Sinimangutan niya lang ako. "Lahat ng tungkol sayo gamot ko, 'yong ngiti mo, tawa mo, pagtitig mo