"Paano? Jam sabihin mo na, sobrang curious talaga ako." Napailing na lang ako kay Dela na nangungulit sa'kin. Dapat talaga nagsinungaling na lang ako sa truth or dare namin kagabi. "Oo nga Jam, curious din ako," dagdag naman ni Merina. Napabuntong hininga ako at inilapag ang kape sa table saka hinarap sila. Lahat sila ay nakatingin sa'kin na tila nag-aabang sa sasabihin ko. Lahat yata ng babaeng katrabaho ko, nandito sa harapan ko at nakiki-tsismis sa'kin. "Schoolmate ko si Sir Shark no'ng college, naging kaklase ko rin siya sa isang subject." Nagreact naman silang lahat sa sinabi ko. Ano ba naman ang mga 'to? Parang manghang mangha sila sa mga sinasabi ko. "I-ibig sabihin, sa Farthon University ka nag-aral no'ng college?" tanong ni Thea. Tumango lang ako. "Scholar ako Sa Farthon U