"Sir, this is the financial report of the firm last month and this month. As you can see, hindi maganda ang lagay ng firm lalo na ngayong buwan." Inabot ko ang folder kay Sir Shark. Tumango lang siya at tiningnan 'yon. Nagkaroon ako ng pagkakataon para suriin siya. Wala na sigurong bahid ng kahit anong immaturity sa pagkatao nito. Sabagay, sa lawak ng negosyo niya mukhang hindi biro ang ginagampanan niya pati ang pressure para sa kaniya. Napailing na lang ako, kamusta na kaya sila ni Zareya ngayon? "Thank you Ms. Santos, you may leave," malamig na sabi nito at muling tumutok sa laptop nito. Tumango na lang ako at agad na tumalikod para lumabas ng opisina niya. Tila nakahinga naman ako ng maluwag nang makalabas ako ng opisina niya. "Ang swerte mo Jam, ikaw ang nagdadala ng mga reports