"Mabilis lang ako Ailee, ang dami ko pang aasikasuhin." Napasimangot lang siya sa sinabi ko. Napatingin ako sa Danger Zone na may kaniya-kaniyang ginagawa. Si Ailee naman ay nakayakap kay Tiger habang nagtitipa ito ng kung ano sa laptop nito. Hanggang ngayon ang weird pa rin nilang dalawa. Paano ba sila nagtagal? "Magp-plano kasi kami para sa surprise ni Prince kay Shenna," kinikilig na sabi pa nito. Napairap na lang ako. "Bakit kailangang kasama pa 'ko? Anim ang lalaki rito, kaya na nila 'yan at isa pa hindi naman kami close ni Shenna para tumulong sa surprise na sinasabi mo." Sabihan na nila ako ng suplada, wala akong pakialam. Sanay na naman sila sa ugali ko sa tuwing isinasama ako ni Ailee sa gathering o kung ano mang tawag do'n ng Danger Zone. Kung dati ay pwede pa ang basta pagya