“Kaya naman pala baliw na baliw pa rin ang Shark na 'yon sa ex niya, mala-dyosa naman pala sa ganda.” sabi ni Ailee habang nag-aayos ng kama niya. Natahimik ako sa sinabi niya.
Totoo nga na sobrang ganda ni Zareya, pino ang galaw, maganda at nakakaakit ang ngiti. Perpekto yata ang lahat tungkol sa kanya. Walang wala ako sa kanya.
Natigilan ako at napailing, bakit ko ba kinukumpara ang sarili ko sa kanya? Hindi naman ako nai-insecure sa ibang babae dati, bakit ganito ang nararamdaman ko kay Zareya ngayon?
“Oy, bakit ang tahimik mo?” napapitlag ako nang magsalita si Ailee. Alanganing napangiti na lang ako.
“W-Wala, may iniisip lang ako.” sabi ko na lang.
Hindi ko maiwasang hindi isipin yung sinabi ni Shark nung nakaraang linggo. Ramdam na ramdam ko ang galit niya sakin.
Isang linggo na ang nakakalipas nung dumating si Zareya dito sa school. Hanggang ngayon madalas pa rin siyang pag-usapan ng mga estudyante at puro positibo ang naririnig kong usapan tungkol sa kanya.
Isang linggo na rin akong hindi ginugulo ni Shark na talagang nakakapagtaka, hindi ko rin siya makita dito sa school. Madami akong naririnig sa mga estudyante na baka nagbago na raw siguro ulit si Shark at hindi na ulit mangb-bully dahil dumating na si Zareya.
Sa totoo lang nangangati na kong puntahan siya sa headquarters nila o kaya naman itanong sa Danger Zone kung kamusta na siya pero inuunahan ako ng hiya. Kung tutuusin dapat masaya ako dahil hindi na niya ko ginugulo at inuutus-utusan pero hindi ko maintindihan kung bakit hindi ako mapakali at ang kalooban ko sa pananahimik niya.
“Maghanda ka, mas lalo kitang pahihirapan.”
Napailing na lang ako, ano kayang dahilan ng pananahimik ni Shark? Kinakabahan tuloy ako.
Pero sa totoo lang, lagi akong binabagabag ng konsensya ko sa tuwing naaalala ko ang lungkot at sakit sa mga mata ni Shark. Gusto kong makausap si Zareya at ipaliwanag ang side ni Shark pero hindi ko alam kung pa'no sisimulan. Iniisip ko na baka hindi niya ko papaniwalaan o papakinggan man lang.
“Mukhang hindi kana guguluhin ni Shark ah.” sabi ni Aaron saka umupo sa tabi ko. Napangiti ako sa sinabi niya.
“Sana magdilang anghel ka...” hindi ko alam pero pakiramdam ko labas sa ilong yung sinabi ko.
“...pero galit pa rin siya sakin eh, hindi pa kasi sila nagkakaayos ni Zareya.” sabi ko saka uminom ng juice.
“Dapat siya na ang gumawa ng paraan para magkaayos sila nung ex niya, hindi niya dapat 'yon sinisisi sayo...” natigilan ako sa sinabi niya.
“...lalaki siya eh, dapat gumawa siya ng paraan para mapatunayan dun sa ex niya na mahal niya pa talaga siya. Maging lalaki siya, suyuin niya yung ex niya, hindi 'yung sayo niya binubuntong yung galit niya.” napaawang na lang ang labi ko sa sinabi niya.
“Tama ka naman dyan, pero may kasalanan din naman kasi ako.” napakibit balikat lang siya sa sinabi ko.
“Wag mo na lang siya masyadong isipin Jam, ako na lang ang isipin mo.” napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
Napahalakhak siya dahil sa reaksyon ko. In fairness din naman dito kay Aaron, gwapo siya lalo kapag nakangiti. Hindi rin siya mahirap pakisamahan, saka meron siyang aura na napaka-approachable. Hindi rin siya natatakot sa Danger Zone na talaga namang nakakahanga. Kaya marami na agad ang may crush sa kanya dito sa school kahit alam nila na scholar student siya at hindi mayaman kagaya ng mga nag-aaral dito.
Bawing bawi naman siya sa talino at kagwapuhan.
Pero mas gwapo pa rin si boss pating.
Natigilan ako sa biglang pumasok sa isip ko, agad akong napailing. Ano ba 'tong iniisip ko? Bakit naman bigla kong naisip ang pating na 'yon na walang alam gawin kundi sirain ang araw ko?
Muli akong napailing at mahinang sinampal sampal ang sarili ko.
“Huy, bakit mo sinasampal ang sarili mo?” natigilan ako nang magsalita si Aaron.
“Ahm, inaantok kasi ako. Pampagising lang hehe.” palusot ko.
NAISIP ko na magpart time job sa isang convenience shop sa loob ng school.
Buti na lang talaga hindi na ko masyadong pinapansin o pinagbubulungan ng mga estudyante kagaya nung mga panahong pinag-iinitan ako ni Shark. Para na lang akong hangin sa kanila na pabor naman sakin. At least hindi nila ko pinapakialaman, saka wala rin naman akong pakialam sa kanila. Basta hindi ako iwasan ni Ailee at Aaron okay na ko. Sila lang naman dalawa ang tinuturing kong kaibigan sa school na 'to.
“Why don't you just accept Shark's apology? He also wants you back, wag kana magpakipot. Shark Damon Ferrer 'yon girl.” natigilan ako sa dalawang babaeng customer na pumasok.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita na si Zareya 'yon, may kasama siyang babae na sa tingin ko ay kaibigan niya. Napalunok ako at napapikit ng mariin.
“Let's not talk about him.”
Napasinghap ako nang marinig ko ang mahinhing boses niya nang mapalapit siya sa pwesto ko. Hindi nakatakas sakin ang mabangong amoy niya na hindi masakit sa ilong pero babaeng babae.
Nasa lima yata ang customer sa loob ngayon at lahat sila ay kay Zareya nakatingin mapababae man o lalaki. Tila isa itong magandang reyna na hindi pwedeng lapitan o hawakan.
Reyna kasi siya ni Shark.
Napasinghap ako nang lumapit na siya sa counter kasama ang kaibigan niya saka inilagay ang mga pagkain do'n.
Sexy siya pero mukhang matakaw dahil sa dami ng junk foods na kinuha niya, mukhang wala siyang pakialam kung masira ang body figure niya. Perpekto talaga siya.
Kaya siguro mahal na mahal siya ni Shark.
Napalunok ako nang dumako ang berdeng mga mata niya sakin. Mas maganda siya sa malapitan. Nahihiya akong dumikit sa kanya dahil siguradong makikita ang malaking angat niya sakin pagdating sa hitsura.
Natigilan ako nang mapakunot ang noo niya habang nakatitig sakin na tila kinikilatis ang mukha ko.
“You look familiar.” napalunok ako sa sinabi niya.
Namukhaan niya ko! Anong gagawin ko?! Maloloka yata ako sa nangyayari sakin ngayong araw.
“Ahm...” napaiwas ako ng tingin. Kahit malamig dito pakiramdam ko pinagpapawisan ako.
“Wait, I remember now!” napatapik pa siya sa kaibigan niya. Napakurap na lang ako.
“You're the cute girl yesterday. I saw you with Aaron.” nakangiting sabi niya. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
Unang nagprocess sa isip ko ang katotohanan na sinabihan niya kong cute. Cute daw ako?
Agad akong napailing, sinabihan niya lang ako ng cute natameme agad ako. Umayos ka Jam!
“K-Kilala mo si Aaron?” nakakunot noong tanong ko.
“Of course! He's my cousin.”
Literal na nasamid ako sa sinabi niya. Agad niya kong inabutan ng bottled water. Nag-aalangang kinuha ko 'yon at ininuman.
Paano niya naging pinsan ni Aaron?
Natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko. Agad na nag-init ang magkabilang pisngi ko. Babae rin naman ako pero nahiya ako dahil sa lambot ng kamay niya.
“Paano mo napagtyagaan kasama siya? Sobrang sungit kaya ng pinsan kong 'yon.” sabi niya at napaismid pa.
Kahit ano yatang reaksyon ng mukha niya, maganda pa rin siya. Kahit yata mag epic face siya maganda pa rin siya eh.
Bakit ang unfair ng buhay?
“M-Mabait naman si Aaron.” mas lalo akong nahiya sa sarili ko dahil nautal ako.
“Zareya, let's go. Male-late na tayo.” pagputol ng kaibigan niya na halatang nababagot na.
“Fine.” sabi ni Zareya at napairap.
Inayos ko na ang mga binili nila, medyo naiilang ako dahil nakatitig pa rin sakin si Zareya.
“By the way, what's your name?” tanong niya nang maiabot ko na sa kanila ang pinamili nila.
“J-Jamie po, Jam na lang.” napangiti siya sa sinabi ko.
“It's nice to finally meet you Jam. By the way, I think my cousin likes you. Bye!”
Hindi na ko nakapagprotesta nang makaalis na siya. Napakurap na lang ako.
Mukha namang mabait siya, hindi naman pala masama ang ugali niya gaya ng nasa imagination ko.
***
“Aaron!” agad akong lumapit sa lalaki na prenteng nakaupo sa may bench habang may hawak na libro.
Napangiti siya nang mapalapit ako sa kanya. Umupo ako sa tabi niya saka nilagay ang bag ko sa tabi ko.
Hindi na lingid sa kaalaman ko ang masamang tingin sakin ng ilang kababaihan kapag magkasama kami ni Aaron. Gwapo naman kasi talaga siya.
“May hindi ka sinasabi sakin.” seryosong sabi ko habang nakatitig sa kanya. Napakunot ang noo niya sa sinabi ko.
“...wala ka bang tiwala sakin? Hindi ba kaibigan ang tingin mo sakin?” parang naguguluhan siya sa mga sinasabi ko.
“Ano ba 'yon?” tanong niya.
“Si Zareya, pinsan mo siya diba?!” sabi ko at hinampas pa siya sa braso.
Napaiwas siya ng tingin sa sinabi ko. Tila nahihiyang napakamot siya sa batok niya.
“Well...”
Naningkit ang mga mata ko saka tumingin ng seryoso sa kanya.
"Bakit ka pa ba nahihiya sakin? Ako nga walang pakundangan kapag nagk-kwento sayo eh. Magsabi kana kasi." pangungulit ko pa sa kanya. Napabuntong hininga na lang siya.
"Gusto ko lang kasi makawala. Gusto kong mapag-isa at mailabas ang tunay na ako. Wala naman akong gustong patunayan sa mga magulang ko, gusto ko lang maging sarili ko." napatango-tango na lang ako sa sinabi niya.
"Ayos ka ah, may pa-mysterious effect kapa. Nako, pag nalaman ng mga schoolmates natin yan mas lalo ka nilang magiging crush." natawa naman siya sa sinabi ko.
"Ikaw ba? Wala kang crush sakin?" tanong niya at nagtaas baba pa ng kilay. Napangiwi ako sa sinabi niya.
"Ilusyunado ka rin eh." naiiling pero natatawang sabi ko.
Komportable agad ako kay Aaron gaya ng naramdaman ko kay Ailee. Kahit na alam niyang matalino siya, gwapo at mayaman, hindi siya arogante at mayabang gaya ng iba.
"Oh tinititigan mo ko, nako, baka may crush kana talaga sakin." pang-aasar niya. Tiningnan ko siya ng masama saka binatukan.
"Ang kapal mo!"
***
"Jam!" napalingon ako kay Ailee na kakapasok lang ng dorm namin.
"Oh bakit na naman?" tanong ko habang inaayos ang bedsheet ng kama.
"Nagtext daw sayo si Aaron, tumawag din daw siya kaso hindi ka nagrereply." sabi niya saka nilagay ang bag niya sa kama.
"Hala, lobat kasi ako. Naka off cellphone ko." paliwanag ko.
"Sa kanya mo ipaliwanag 'yon." napanguso na lang ako sa sinabi niya.
Kinuha ko cellphone ko na nnakacharge. Natigilan ako nang magsalita si Ailee.
"Gwapo si Aaron at mabait, si Shark hinayupak pero siya pa rin ang manok ko. Go Shark!" napakurap na lang ako sa sinabi niya.
"Ano bang pinagsasasabi mo? Patay na patay yung pating na 'yon kay Zareya noh." sabi ko saka binaling ang tingin ko sa cellphone ko.
Bumungad sakin ang mga text at missed call ni Aaron. Binasa ko ang text message niya.
Gala tayo Jam, wala ka namang pasok ngayon diba?
Napahawak ako sa baba ko, may part-time pa ko mamaya sa may fast-food chain pero hindi naman siguro kami matatagalan, nightshift ako ngayon eh. Nireply-an ko siya...
Okayyy!
Nagpalit na ko ng damit, makalipas ang ilang minuto, tumawag na siya.
"Hello choco Jam!" napasimangot ako sa sinabi niya.
"Anong choco Jam ka diyan?! Sapakin kita eh." tinawanan lang ako ng mokong.
"Nandito ako sa labas ng building niyo. Baka gusto mong lumabas sa lungga mo. Kanina pa ko naghihintay." reklamo niya sa kabilang linya.
"Oo na! Lalabas na!" napailing na lang ako saka itinago ang cellphone ko sa sling bag.
Habang tumatagal mas nagiging close kami ni Aaron, sa sobrang komportable nga namin sa isa't isa nakakapag-asaran na kami na para bang matagal na kaming magtropa.
Tungkol naman kay pating, hanggang ngayon wala pa rin akong balita sa kanya. Hindi ko siya tinanong sa Danger Zone tuwing nakakasalubong ko sila. Kapag nakikita nila ako, tinatanguan naman nila ako o nginingitian.
Minsan nakikita ko si Zareya, pero ginagawa ko talaga ang lahat para maiwasan siya. Mabait siya pero hindi ako masyadong komportable sa kanya, dahil siguro alam ko sa sarili ko na may kasalanan ako sa kanya, sa kanila ni Shark.
"Ako na naman manlilibre, ayos ka rin." sabi ni Aaron saka ako kinurot sa ilong.
Inabot niya sakin ang isang plastik ng mga ihaw-ihaw. Agad akong kumuha ng isang isaw at kinagat 'yon.
"Ikaw nagyaya maggala, malamang libre mo." sabi ko at binelatan siya.
Umupo kami sa may bench. Kakatapos lang namin sumakay sa kung saan saang rides na libre niya ulit, bumili naman kami ng mga ihaw ihaw.
"Nakakahinga kana ba ng maluwag ngayon? I mean, ang tagal ng hindi nagpaparamdam ni Shark." natigilan ako sa sinabi niya.
"Hindi pa rin ako nakakampante, malay mo bigla na lang siyang sumulpot at pahirapan na naman ako. Sa pagkakaalam ko, ayaw pang makipagbalikan ng pinsan mo kay pating." sabi ko at shinoot ang stick sa basurahan.
"Ewan ko ba kay Zareya, halata naman na gusto niya pa ang Shark na 'yon. Kapag nagsawa sa kanya si Shark, iiyak iyak naman siya." napapailing na sabi ni Aaron.
"Gusto mo ba si Shark para sa pinsan mo?" tanong ko sa kanya. Sarkastikong napatawa siya.
"Gusto nina Tita ang Shark na 'yon para kay Zareya, can't blame them, he's one hell of a powerful man. Pero ayoko talaga sa kanya para sa pinsan ko. I don't know why, he's too dangerous for my innocent cousin." napapailing na sabi niya.
"Pero sa tingin ko ayos na rin na magkabalikan sila." natigilan ako sa sinabi niya saka napatingin sa kanya.
"...kapag nagkabalikan sila, hindi na threat si Shark para sakin." mahinang tugon niya. Napakunot ang noo ko.
"Threat ba ang tingin mo kay Shark?" nagtatakang tanong ko.
"Oo, pagdating sayo. Malaking threat siya para sakin." mas lalong napakunot ang noo ko.
Seryoso ang mukha niya habang nakatanaw sa mga tao sa paligid. Hindi ko alam pero may kakaiba sa sinabi niya na hindi ko maipaliwanag.
"Pagdating sakin?" hindi ko siya masyadong ma-gets sa totoo lang.
Tila natauhan siya at napatingin sakin saka tipid na ngumiti. Kinurot niya na naman ang ilong ko.
"Wala 'yon choco Jam. Nga pala, gusto mo ng juice?" napatango na lang ako.
"Libre mo ulit?" nakangiting tanong ko.
"Oo na, malakas ka sakin eh." pagsuko niya.
"Sa sweldo ko, ako naman ang manlilibre sayo." sabi ko saka siya inabutan ng stick na may barbeque.
"Wag na, hindi naman ako naniningil. Ako naman ang laging nagyayaya sayo eh." naningkit ang mga mata ko sa sinabi niya.
"Sus, baka naman singilin mo ko sa future ah." natawa siya sa sinabi ko.
"Maniningil talaga ako sa future." napasimangot ako sa sinabi niya.
"Akala ko ba hindi ka maniningil?" tanong ko at hinampas siya sa braso.
Ang tigas ng braso niya ah.
"Wag kang mag-alala, hindi pera ang kabayaran." natatawang sabi niya saka kinindatan ako. Napasinghap naman ako at agad na napayakap sa sarili ko.
"Baka naman... ang sarili ko ang kabayaran?" mas natawa siya sa sinabi ko.
"Baliw."
UMUWI na ko sa dorm pagkatapos naming maggala ni Aaron kung saan saan. Maghahanda na ko para pumasok sa trabaho.
Pinapayagan naman ng guard kapag alam nilang nightshift ko. Buti na lang talaga.
Nagtaka ako nang wala si Ailee sa loob ng dorm. Agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan siya.
Inihanda ko na ang uniform ko habang hinihintay na sagutin ni Ailee ang tawag ko.
"H-Hello Jam." napakunot ang noo ko.
"Nasaan kang babae ka? Gabi na bakit wala ka pa dito sa dorm?" para akong nanay ah.
"Nandito ako sa bahay ng tigre." napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Ha?"
"J-Joke, I mean, nandito ako sa bahay namin hehe. Pasensya na kung hindi ako nakapagpaalam nanay Jam." napairap na lang ako kahit hindi niya naman ako nakikita.
"Okay, ingat ka ha. Bye!"
Dumiretso ako sa banyo para maligo pagkatapos naming mag-usap ni Ailee.
Natigilan ako nang maalala ko si Shark. Wala talagang araw na hindi ko naaalala ang pating na 'yon. Dapat hindi ko na siya iniisip, wala naman siyang dinulot na maganda sa sistema ko. Bakit ko ba siya iniisip?
Lumabas na ko ng banyo na nakatapis lang ng tuwalya. Kinuha ko ang isa pang towel at ginamit 'yon para patuyuin ang buhok ko.
"Ay palaka!" napasigaw ako sa gulat nang makita ko siya.
Prente siyang nakaupo sa kama ko habang binabasa ang libro ko na regalo sakin ni Mami.
Nag-angat siya ng tingin sakin. Napalunok ako at napahigpit ang kapit ko sa pagkakabuhol ng tuwalya nang tingnan niya ko mula ulo hanggang paa.
Literal na nanginginig ang mga tuhod ko dahil sa presensya niya, ramdam na ramdam ko rin ang paninikip ng dibdib ko at pagbigat ng paghinga ko.
Bakit ganito ang epekto ng pating na 'to sakin?
Tiningnan niya ko sa mata saka inilapag ang libro sa kama. Parang hinihigop ng mga titig niya ang buong pagkatao ko.
Nanginginig na napaatras ako nang tumayo siya at naglakad papalapit sakin.
"B-Boss pating..." nauutal na sabi ko habang pilit na sinasalubong ang tingin niya.
"B-Bakit ka nandito?" gusto kong patapangin ang boses ko pero nauutal talaga ako.
"You're not allowed to smile and laugh with some fvcktard, you're not allowed to flirt or date anybody, you're not allowed to be happy... You're not allowed to do anything until I say so." natigilan ako sa sinabi niya.
"A-Ano bang---" agad niyang pinutol ang sasabihin ko.
"Akala mo yata nakawala kana sakin dahil lang hindi ako nagpakita ng ilang linggo." nakangising sabi niya. Napalunok na naman ako.
"B-Bakit bawal ako makipagdate? Bakit pati 'yon bawal? Sobra naman yata 'yon." pagrereklamo ko.
Gusto kong batukan ang sarili ko. Ang tagal naming hindi nagkita, bakit 'yon pa ang concern ko?
"You're not allowed to ask questions." natahimik na lang ako sa sinabi niya.
Tinalikuran na niya ko at saka dumiretso sa pinto. Tila nakahinga naman ako ng maluwag nang makalayo na siya sakin.
"And by the way..." napalingon ako sa kanya. Napangisi siya bago nagsalita muli.
"Hindi ka sexy." sabi niya saka tuluyan ng lumabas. Napaawang naman ang labi ko.
Ang kapal talaga ng pating na 'yon!