Chapter 3

3250 Words
“Oo na! Ito na!” inis na sabi ko at agad na binaba ang tawag. Saglit kong inilapag ang dalawang malaking plastic bag at nagpunas ng pawis sa noo. Bwisit talaga ang pating na 'yon! Halos isang buwan na niya ko pinapahirapan. Lagi niya kong inuutusan, maski mga assignment niya sakin niya pinapagawa. Nakapunta na nga ako sa unit niya dahil pinalinis niya rin sakin 'yon. Grabe. Isang beses inutusan niya ko na pumunta ng headquarters nila, na-late lang ako ng 10 minutes ginawan na niya agad ako ng kalokohan, pinagsuot niya ko ng costume na aso buong maghapon. Hiyang hiya ako no'n dahil pinagtitinginan ako ng mga tao. “Ito na yung mga pinapabili mo boss pating.” sabi ko at padabog na nilagay sa mesa ang dalawang plastic bag. Napahawak ako sa braso ko, grabe. Mapapaaga ang buhay ko sa pating na 'to. “Nagdadabog kaba? Gusto mo palakang costume naman ang suotin mo?” masungit na tanong niya habang nagc-cellphone. Siya lang mag-isa dito sa headquarters, lagi naman eh. Madalang ko maabutan yung ibang Danger Zone dito. “Hindi po boss pating, ang saya saya ko nga po na mapagsilbihan ka.” sabi ko saka pilit na ngumiti sa kanya. Kung hindi lang talaga nakasalalay ang kinabukasan ko dito pati na rin ni Mami, matagal ko ng nasapak ang pating na 'to eh. “Hilutin mo yung likod ko, napagod ako kakautos sayo.” napasimangot ako sa sinabi niya. Nakakahiya ah, siya pa talaga ang napagod. Lumapit ako sa kanya at hinilot siya sa bandang balikat. Wow, ang tigas ng muscles niya. Mukhang masipag siya mag-gym ah, siguro may abs siya? “Yeah like that, you're good at this.” napangiwi ako sa sinabi niya. Bakit para siyang naungol na ewan? Saka ang sexy ng boses niya. “Kailangan ko ng pumasok, malapit na yung second claass ko. Taxation pa naman 'yon.” sabi ko pagkatapos ko siyang hilutin. “Hoy, kumain ka.” masungit na sabi niya. Napairap ako. “Wag na boss pating, male-late na ko.” sabi ko at sinukbit na ang bag ko. “Kumain ka, may isang oras ka pa.” may kinuha siya sa plastic bag. Pumunta siya sa kusina at hinanda ang kakainin namin. Ano naman kayang nakain ng pating na 'yon at biglang bumait? Dahil ba 'yon sa paghilot ko sa kanya? Dapat pala lagi ko siyang hinihilot para bumait siya kahit papano gaya ngayon. “Here.” inabot niya sakin ang kanin na may menudo gaya ng kanya. Kahit nagtataka ako kung bakit ang bait niya bigla, kinuha ko na lang 'yon at umupo sa may couch at sumubo. Ang totoo niyan gutom na rin talaga ako. Natigilan ako nang matikman ko 'yon, pakiramdam ko pulang pula na ang mukha ko ngayon. Sobrang anghang! As in sobra talaga! Parang binuhusan ng chili sauce ang menudo na 'to. Nakita ko kung paano umangat ang sulok ng labi ni Shark at prenteng sumandal saka nilapag ang plato niya sa mini table. Painosenteng tumingin siya sakin. “Bakit?” tanong niya. Bwisit! Dapat talaga hindi ako nagtiwala sa kanya, isa siyang halimaw! Hindi, higit pa siya do'n. Demonyo siya! “Tubig! Hooh! Tubig!” umihip ihip na ko sa sobrang anghang. “Ubos na yung tubig dito.” sabi niya saka napangisi. Binitbit ko ang bag ko at agad na tumakbo palabas ng headquarters. Para na kong kabayo sa bilis kong tumakbo papuntang canteen at bumili ng tubig. Agad kong binuksan 'yon at ininom. Naubos ko na ang tubig pero ramdam ko pa rin na parang sinusunog ang bibig ko sa anghang. Bakit maanghang pa rin?! Ganong kadaming chili sauce ba ang nilagay ng pating na 'yon?! “Ito gatas, para mawala yung anghang.” may nag abot sakin ng gatas na nasa babasaging bote. Napakunot ang noo ko at napatingin sa nag-abot. Parang pamilyar sakin ang lalaking 'to ah. Hindi ko tinanggap 'yon, may trust issues na yata ako dahil sa pating na 'yon. Nakakainis talaga ang lalaking 'yon. “Don't worry walang kung ano dyan. Mapagkakatiwalaan ako, by the way, ako si Aaron, scholar din ako dito.” napasinghap ako sa sinabi niya. Oo nga, siya nga pala yung kasama namin na scholar din. “S-Salamat...” kinuha ko ang gatas at ininom. Nabawasan ang anghang na nalalasahan ko. “Napag-iinitan ka talaga ni Shark noh?” napabuntong hininga na lang ako sa tanong niya. Umupo ako sa bench pagkalabas namin ng canteen, umupo naman siya sa tabi ko. “Bakit ka nalapit sakin? Nilalayuan ako ng lahat dahil ayaw nilang madamay sa kamalasan ko.” maliban kay Ailee syempre, kung pati siguro si Ailee iniiwasan ako baka naloka na ko sa school na 'to. “Bakit hanggang ngayon pinapahirapan ka pa rin ni Shark? Natapunan mo lang naman siya ng kape ah.” napabuntong hininga na naman ako sa sinabi niya. “Sana nga yun lang ang nagawa ko eh...” Kinwento ko sa kanya ang katangahan na nagawa ko kay Shark dati. Nakikinig lang siya at hindi nagsasalita. “Para sakin hindi sapat na dahilan 'yon para kawawain ka niya ng ganyan.” natigilan ako sa sinabi ni Aaron. “Hindi, kung hindi lang ako naging engot nung mga panahong 'yon, edi sana hindi sila naghiwalay nung ex niya.” sabi ko na lang. “Kung talagang mahal siya nung babae, papakinggan niya yung paliwanag ni Shark. Pero anong ginawa niya? Iniwan niya basta at hindi man lang pinakinggan yung side ni Shark.” napatango ako sa sinabi ni Aaron, may punto siya do'n. “Pero kawawa kasi ng konti si Shark, halatang mahal niya pa rin si Ate girl.” Nung nilinis ko yung unit niya, nakita ko na may painting na mukha ng ex girlfriend niya sa may kwarto at living room niya. Madalas ko rin makita na nakatitig siya sa phone niya, wallpaper at lockscreen niya kasi yung picture ni Zareya... Si Zareya Sarmiento, ang ex ni Shark. “Wag kang mag-alala Jam, hindi kita iiwasan kahit mapag-initan pa ko ng Shark na 'yon.” sabi ni Aaron saka ako nginitan. Hala, ang gwapo pala ng Aaron na 'to, mabait pa. Sigurado rin na matalino siya dahil nakapasa siya sa napakahirap na scholarship exam. “Salamat Aaron.” Nawili kami sa kwentuhan ni Aaron kaya ayun, na-late ako sa taxation. Syempre napagalitan ako, buti na nga lang at pinagbigyan pa ko na magtake ng quiz eh. “Kaya mo paba?” nag-aalalang tanong Ailee sakin. Tipid na ngumiti ako saka tumango. “Wala sa lahi namin ang mabilis sumuko. Pating lang 'yon, kayang kaya ko 'yon.” sabi ko na lang. Natigilan kaming pareho nang tumunog ang phone ko. Agad kong kinuha 'yon at tiningnan kung sino ang natawag. Napakunot ang noo ko, bakit natawag ang pating na 'to ngayong gabi?! 9 pm na ah. First time na tumawag ni Shark ng gabi, hindi na niya ko ginagambala pag gabi kaya nakakapagtaka na tinatawagan niya ko ngayon. “Hello.” walang ganang sabi ko. Ano naman kayang kailangan ng pating na 'to? “Hoy, lumabas ka. Puntahan mo ko.” napairap ako sa sinabi niya. “Ipapaalala ko lang boss pating, hindi na kami pwedeng lumabas ng dorm kapag 9 pm na.” sabi ko saka humiga sa kama ko. Nanunuksong napatingin sakin si Ailee, loka loka talaga 'to. “Nakusap ko na yung guard, nasa labas ako ng building niyo.” nanlaki ang mga mata ko at agad na napabangon. Agad akong tumayo at sinilip siya sa bintana, nakisilip naman si Ailee. Ayun nga siya, nakatayo siya habang nakatapat sa tainga niya yung phone niya. Nakasuot siya ng jacket na black at jogging pants. “O-Oo na, bababa na ko.” agad kong pinatay ang tawag. “Ano na naman kayang kailangan no'n?!” naiiritang tanong ko. “Bagay talaga kayong dalawa kahit lagi kayong magkaaway, ako ang number one fan ng love team niyo. Sana magkatuluyan kayo.” kinikilig na sabi ni Ailee. Napangiwi naman ako. “Kahit sa panaginip hindi mangyayari yan.” sabi ko na lang at agad lumabas saka sumakay ng elevator. Napaisip ako, ano kayang kailangan ni Shark? Siguro kalokohan na naman yan o kaya may iuutos. Nakakainis naman, kahit gabi pala hindi niya palalagpasin. Buti na lang dalawang subject lang ang pasok ko bukas at 1 pm pa ang simula kaya okay lang na tanghaliin ako ng gising. Tumango lang sakin yung guard, parang pinahiwatig nito na pwede ako lumabas. Naabutan ko si Shark na nakatayo habang ang mga kamay niya ay nasa bulsa ng jacket niya. Hindi ko alam pero bumibilis ang t***k ng puso ko habang papalapit ako sa kanya. Napalunok ako at napailing. Kape kasi ako ng kape eh. Nagp-palpitate tuloy ako. Napatingin ako sa mukha niya nang magkatapat na kami. Natatamaan ng ilaw galing sa building ang mukha niya. Ang ganda pala ng kulay hazel niyang mga mata, ang ganda rin ng makapal niyang kilay kaso laging nakakunot ang noo niya, saka tamang tama ang kilay nito sa matangos niyang ilong pati sa labi niyang mukhang malambot. Sa unang tingin mukha talaga siyang suplado pero ang gwapo niya talaga. Para sakin siya ang pinakagwapo sa school na 'to... Napailing na lang ako sa naiisip ko. Bakit ko ba siya pinupuri?! Ang sama kaya ng ugali niya, kahit na nuknukan siya ng gwapo, balewala 'yon dahil demonyo siya! “Ano na naman po boss pating?” itinago ko ang pagkairita sa boses ko. Baka pagsuotin na naman niya ko ng kung ano anong costume. “Samahan mo ko.” natigilan ako nang hawakan niya ang kamay ko at hinila ako. “Saan na naman ba? Gabi na oh.” tumigil siya at tiningnan ako ng masama. “Nagrereklamo kaba?” masungit na tanong niya, napasimangot ako. “Hindi po boss pating.” sabi ko at nagpahila na lang sa kanya. Nakalabas na kami ng school at nakarating ng car park. Sumakay siya sa kotse niya. “Sakay.” utos niya sakin. Palihim akong umirap at sumakay sa kotse niya. Tahimik kaming pareho sa byahe, hindi ko alam kung saan niya ko dadalhin. Hindi naman niya siguro ako papatayin diba? Masama talaga ang ugali niya at may pagkademonyo rin pero hindi naman niya siguro magagawang pumatay ng tao diba? “Kung may balak kang patayin ako, pwede tumawag muna ko kay Mami. Magpapaalam lang ako ng maayos, baka kasi atakihin 'yon kapag---” hindi niya ko pinatapos sa sasabihin ko. “What the fvck are you saying idiot?” nakakunot noong sabi nito. “Ah, wala ka palang balak na patayin ako?” tanong ko. Tumingin siya sakin saglit saka muling binalik sa kalsada ang tingin. “Bakit? Gusto mo patayin na kita?” napalunok ako at agad na napailing sa tanong niya. “Joke lang hehe.” Hindi na niya ko pinansin. Napasimangot na lang ako at tumingin sa mga nadadaanan namin. Hindi ko alam kung anong trip niya ngayon pero sasakyan ko na lang. Saka wala naman akong choice kundi sumunod sa kanya. “Baba.” tipid na sabi niya at agad na bumaba ng kotse. Napakurap ako at agad ding bumaba, masyado yatang preoccupied yung utak ko, hindi ko napansin na tumigil na yung sasakyan. Napakunot ang noo ko, nandito kami sa tapat ng condominium na tinutuluyan ng pating na 'to. Bakit kami nandito? Pumasok kami sa mataas na building at agad na dumiretso sa may elevator. Nasa pinakamataas na floor ang unit ni Shark at promise, hindi biro ang laki at ganda no'n. Dapat nga penthouse na ang tawag do'n at hindi unit. “Bakit tayo nandito?” tanong ko nang makarating na kami sa unit niya. Painting agad na mukha ni Zareya ang bumungad sakin. Patay na patay talaga siya do'n. Hindi niya ko sinagot, pumasok siya sa kwarto niya. Ako naman nakatayo lang dito sa may living room. “Anong tinatanga tanga mo diyan? Halika dito.” iritadong sabi niya. Napairap ako at sumunod na lang. Wala naman kasi siyang sinabi na sumunod ako sa kanya. “Boss pating, h-hindi mo naman siguro ako pagtatangkaang---” agad niyang pinutol ang sasabihin ko. “That won't happen even in your nightmare.” masungit na sabi niya saka umupo sa kama niya. “Eh bakit po ba kasi ako nandito?” ano? Papatulugin ko ba siya or what? “P-Patulugin mo ko.” natigilan ako sa sinabi niya. Teka, nabingi yata ako. “Ano?!” tiningnan niya ko ng masama.  Tingnan mo 'to, at siya pa talaga ang galit. “You heard me...” sabi nito saka agad na napaiwas ng tingin. Pulang pula ang mukha niya. Grabe, sobrang cute niya naman. Kung lagi siyang ganito baka ako pa ang magvolunteer na pahirapan niya ko. “...I-I can't sleep. Binabangungot na naman ako.” sabi niya habang nilalaro ang dulo ng unan niya. Hindi siya makatingin sakin. Napabuntong hininga ako at umupo sa tabi niya. Kahit mukhang hiyang hiya siya, humiga na lang siya at binalot ang sarili ng kumot. Napalunok ako at napatingin sa buhok niya. Mas mabilis siyang aantukin kapag hinaplos ko ang buhok niya diba? Nanginginig ang mga kamay ko nang ilapit ko ito sa buhok niya. Hindi naman siya kumontra, ipinikit niya lang ang mga mata niya. Ang gwapo niya pa rin kahit nakapikit... “Lagi ka bang binabangungot?” tanong ko habang hinahaplos ko ang buhok niya. Napatango siya. “Kailan mo pa nararanasan yan?” tanong ko. “Highschool palang ako.” kaya naman pala lagi siyang badtrip. Malamang lagi siyang kulang sa tulog. Minsan lang ako bangungutin pero pag nangyari 'yon hindi na talaga ako nakakatulog, siguro ganon din siya. “Kung nandito lang sana si Zareya, hindi na ko babangungutin ulit. Kung nandito lang sana siya, hindi na ko mambubully ng iba dahil pagbabawalan niya ko, k-kung nandito lang sana siya hindi ako nalulungkot ng ganito.” mahinang tugon niya. Natigilan ako. Napailing ako at napalunok, ano 'tong naramdaman ko? Bakit parang ang sakit sa dibdib? Nasobrahan na naman ba ako sa kape? ‘Oo Jam, nasobrahan ka lang sa kape. Yun lang 'yon.’ pangungumbinsi ko sa sarili ko. “S-Sorry Shark, kung hindi lang sana ako umepal sa inyo noon edi sana masaya pa din kayo. S-Sana hindi ka binabangungot ng ganyan, sana hindi ka nambubully, at s-sana masaya ka ngayon. Kasalanan ko lahat, s-sorry...” mabilis kong pinahid ang luhang dumaloy sa pisngi ko. Nakokonsensya talaga ako, sobra. Hindi na siya sumagot, napatingin ako sa kanya, mabigat na ang paghinga niya. Mukhang nakatulog na siya. Nakatulog din ako, pero nagising ako ng 7 am, tulog pa rin si boss pating, nagluto muna ako ng almusal niya saka agad na kong lumabas ng unit niya at umalis. “Aba aba, bakit umaga kana nakabalik babae?” tanong ni Ailee habang nagsusuklay ng buhok pagpasok ko sa dorm. Napakamot na lang ako sa batok ko. Maaga nga pala ang klase ni Ailee ngayon. “Si boss pating kasi eh.” sabi ko na lang at umupo sa kama ko. “Gumawa na kayo ng baby?!” tanong ni Ailee. Agad ko siyang binato ng unan. “Baby ka dyan, lagi ngang galit sakin 'yon eh. Makita pa lang niya ko naiirita na siya.” sabi ko at humiga. “Jamie, aminin mo nga sakin... May gusto kana ba kay Mr. Bully?” agad akong napabalikwas ng bangon sa tanong niya. “Duh! Hindi noh, bakit ako magkakagusto do'n eh wala yong alam gawin kundi guluhin ako, sirain ang araw ko, ipahiya ako at utus-utusan. Paano ako magkakagusto do'n?! Oh siya sabihin na nating gwapo siya, pero hindi 'yon sapat na dahilan para magkagusto ako sa kanya. At kahit siya pa ang pinakagwapo sa buong mundo hindi pa rin ako magkakagusto sa kanya! Kasi yung ugali niya, bulok. Wala siyang kasing sama! Saka makita ko pa lang siya sira na ang araw ko eh, yung pagmumukha niya ang pinakanakakairita sa lahat, hindi ko nga alam kung bakit ang dami pa ring nagkakagusto sa demonyong 'yon eh. Hay! Saka bakit---” agad niyang pinutol ang sasabihin ko. “Chill na teh, isang sentence lang yung tanong ko pero yung sinagot mo pang thesis na eh.” napasimangot ako sa sinabi niya. “Ikaw kasi eh, bakit ganon tinatanong mo?” nakasimangot na sabi ko. “Cute mo baby Jam. Sige bye na, papasok na ko.” paalam niya at agad ng lumabas. Natulog ako saglit at nagising ng 10 am, agad na kong naligo at nag-ayos ng konti. Kamusta na kaya si Shark? Nakatulog kaya siya ng ayos? Sana kinain niya yung almusal na niluto ko. Umupo ako sa bench habang nainom ng kape. Hindi talaga ako nakakasurvive ng isang araw na hindi nagkakape. “Jam.” napatingin ako sa tumawag sakin. “Ikaw pala Aaron.” umupo siya sa tabi ko. “Mamaya pa yung klase mo?” tanong niya. Tumango ako. “Ikaw?” tanong ko. “Magsisimula na nga eh, nakita lang kita kaya binati muna kita.” natatawang sabi niya. Hinampas ko siya sa balikat. Oh diba? Ang feeling close ko. “Pumasok kana, baka ma-late kapa.” pagtaboy ko sa kanya. “Sige, mamaya na lang Jam.” sabi nito. “Sige, bye!” sabi ko saka kumaway sa kanya. Tumayo na ko pagkaalis ni Aaron. Inilagay ko na sa bag ang cellphone ko. Natigilan ako nang mapansin kong may nagkukumpulan sa may gate. Anong meron? Dahil isa akong chismosa, nakisiksik ako at nakichismis. “Lalo siyang gumanda no?” “Sana magkabalikan na sila ni Shark.” “Siguradong titino na ulit si Shark.” “Ayan na siya.” Para akong binuhusan ng malamig na tubig habang pinapakinggan ko ang bulungan ng mga tao sa paligid. Napatingin ako sa babaeng naglalakad papasok ng school. Halos magliwanag siya dahil sa maputing kutis niya. Nakasuot siya ng uniform ng school na talaga namang bagay sa kanya. Kulay brown ang medyo kulot nitong buhok, lahat yata ng detalye ng mukha niya ay perkpekto, ang berdeng mga mata nito, ang matangos na ilong, ang mapulang labi nito, lahat maganda. Siya ang nasa painting sa unit ni Shark, siya ang nasa wallpaper at screen lock ni Shark. Siya nga si Zareya. Natigilan ako nang tumunog ang cellphone ko. Agad kong sinagot ang tawag galing kay Shark. “H-Hello...” “Headquarters.” tipid na sabi nito at agad na binaba ang tawag. Napalunok ako. Kahit kinakabahan ako, natagpuan ko pa rin ang sarili ko na naglalakad patungong headquarters nila. Siguro alam niya na na nandito si Zareya. Dapat masaya ako, makakapag-usap na sila ng maayos. Malilinaw na ang lahat at magkakabalikan na sila. Pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Dahil pa rin ba 'to sa kape? “Boss pating...” Kumpleto ang Danger Zone sa headquarters. Seryoso silang lahat at mukhang alam nila ang nangyayari. Napasinghap ako nang lumapit sakin si Shark saka ako kinwelyuhan. Ang sama ng tingin niya sakin. Pulang pula rin ang mukha niya pero di tulad kagabi, namumula ang mukha niya sa galit ngayon. “Si Zareya... A-Ayaw na ni Zareya sakin.” natigilan ako sa sinabi niya. Tumayo si Dragon para awatin si Shark. “Bitawan mo si Jam, nasasaktan mo na siya.” pag-awat ni Dragon. “I don't give a damn! Walang wala pa 'yan sa nararamdaman ko ngayon!” napapikit ako ng mariin. Ayokong mapaiyak dito, ayokong mapaiyak sa harap nila. “Shark Damon, bitawan mo na si Jam.” pananaway ni Tiger kay Shark. “S-Sorry, kakausapin ko siya. M-Makikiusap ako sa kanya.” sabi ko habang pilit na pinipigilan ang luha ko. “Maghanda ka, mas lalo kitang pahihirapan.” marahas niya kong binitawan kaya napaupo ako sa sahig. Agad akong inalalayan ni Dragon patayo. “What the hell Shark Damon?!” galit na sabi ni Lion. “Damn it!” inis na sabi ni Shark at agad na lumabas. “Sorry about that Jam.” hinging paumanhin ni Bullet. Tipid na ngumiti ako at tumango. “S-Sige, may klase pa ko.” Hindi ko alam kung makakapag concentrate ako ng ayos sa klase. Si Shark lang ang laman ng isip ko. *** 3RD PERSON'S POV~ Nakatingin silang anim kay Prince na tila walang pakialam sa nangyari at nagtitipa lang sa phone nito. “What the fck are you thinking Farthon?” tanong ni Gun kay Prince. “Bakit hindi mo man lang pinigilan si Shark kanina? Sayo lang nakikinig 'yon eh.” sabi ni Lion. Lahat naman sila, si Prince ang tumatayong kuya nila kahit ganyan siya. “Don't stop him, let him do whatever he wants.” tumigil si Prince sa pagtipa sa phone niya. “Kahit masaktan niya pa si Jam physically, wag niyong pipigilan. Wag kayong makialam, hayaan niyo siya.” mas lalo silang nahihiwagahan sa sinasabi ni Prince. Nung may pinatakbo si Shark na babaeng nakahubad sa school halos hindi makilala ang mukha ni Shark dahil sa tindi ng bugbog na inabot nito kay Prince kaya naguguluhan sila ngayon sa mga sinasabi ni Prince. “Believe me...” napangisi si Prince saka muling ibinaling ang tingin sa phone niya. “He'll regret it afterwards and that'll be his biggest punishment.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD