“Nako lagot ka, bumalik na pala si baby Shark mo.” napangiwi ako sa sinabi ni Ailee. Baby Shark?! “Bahala na siya kung anong gusto niyang gawin, wala rin naman akong magagawa laban sa kanya eh.” sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko sa bag. “Basta kapag inaway ka ng pating na 'yon, ipagtatanggol talaga kita." sabi niya at inakbayan pa ko. Umiling na lang ako. "Wag na Ailee, baka madamay ka pa eh." tumayo na ko at sinukbit ang bag ko. Nagpaalam na ko kay Ailee at lumabas ng dorm. Si Aaron agad ang bumungad sakin. Lalapit na sana ako nang may maalala ako... "You're not allowed to smile and laugh with some fvcktard, you're not allowed to flirt or date anybody." Napailing na lang ako, bakit naman ako makikinig sa kanya? Kahit naman sundin ko 'yon galit pa rin siya sakin eh. "Uy Aa