“Aaah!” naiiritang sigaw ko habang pumapadyak.
Tumakbo agad ako palayo sa kanila nang mamukhaan ko ang Shark na 'yon. Alam kong hindi ko naman matatakasan ang isang 'yon pero pagtakbo agad ang pumasok sa isip ko nang makita ko siya.
Bakit kasi kailangan mangyari 'to?! Bakit dito pa nag-aaral ang Shark na 'yon?!
‘Baka nakakalimutan mo Jam, may kasalanan ka sa lalaking 'yon.’ sabi ng makulit kong isip.
Napabuntong hininga ako at umupo sa bench. Paano kaya ako mabubuhay ng tahimik sa school na 'to kung nandito ang pating na 'yon? Siguradong gaganti 'yon sakin sa nagawa ko kagagahan dati.
Natigilan ako nang maalala ko ang sinabi ni Nicole...
“Kapag napagtripan niya kayo maiiyak na lang talaga kayo dahil wala siyang sinasanto kahit babae pa. 5 months ago, meron siyang babaeng estudyante na pinatakbo ng hubo't hubad sa soccer field, ganon siyang katindi.”
Aaaah! Bully nga pala ang pating na 'yon! Wala na talaga! Sira na ang kinabukasan ko sa lalaking 'yon!
“Jam, bakit ka nandito?” agad akong napalingon sa nagsalita.
“Ikaw pala Ailee.” sabi ko saka tipid na ngumiti sa kanya.
“Hindi pa ba nagsisimula ang klase mo?” tanong niya.
“Magsisimula na nga pala, sige mauna na ko.” paalam ko sa kanya. Ngumiti siya at tumango.
Hay, kailangan palayuin ko na si Ailee sakin. Kapag napagtripan na ko ni Shark, baka madamay siya.
Pumasok na ko sa unang klase ko. Tantya ko nasa 20 pataas na ang mga estudyante sa loob. Umupo na ko sa pinakalikod.
Grabe, ang ganda pala talaga ng mga classroom dito lalo na kapag nasa loob kana.
“Siya yung nakatapon ng kape kay Shark diba?” natigilan ako.
Grabe sila magchismisan noh? Yung tipong maririnig ko talaga. Bwiset.
“Hay, kawawa naman. Mukhang scholar.” napapikit ako ng mariin at iniharang ang mukha ko ng libro.
Naglagay na lang ako ng earphones sa tainga kahit wala namang tugtog. Mukhang wala akong makakasundo sa subject na 'to.
“Sa tingin niyo maaawa si Shark sa kanya?”
“Kailan mo ba nakitang naawa si Shark?” tumaas ang mga balahibo ko sa sinabi nung isang babae.
Hindi ba talaga marunong maawa ang pating na 'yon?! Mags-sorry na nga ako sa kanya sa mga pinaggagagawa dati eh.
“Goodmorning.” natahimik lahat nang dumating na yung professor.
“I'm Prof Charles Derin.”
Maayos naman magturo yung prof, medyo sabog lang ang utak ko dahil sa pating na panira ng araw at ng buhay.
“Mr. Ferrer, w-why are you here?” ano daw? Ferrer?
Ferrer... Saan ko ba narinig 'yon?
“Sit-in.”
Natigilan ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na 'yon. Napatingin sakin ang mga kaklase ko. Iba't ibang klase ng tingin ang pinupukol nila sakin.
“Mukhang magsisimula na si Shark.”
“Hindi na talaga siya mabubuhay ng normal dito.”
“Nakakaawa talaga.”
Inangat ko na lang ang libro at iniharang sa mukha ko. Lord, sana po hindi niya ko mahanap.
“But you have---” agad na pinutol ni Shark ang sasabihin ni Sir Charles.
Pasimple ko silang sinilip.
Bastos na estudyante! Dapat sa pating na yan tinatapon sa Pacific Ocean!
“Wala akong klase.” kalmado ang pagkakasabi ni Shark pero napaiwas agad ng tingin si Sir Charles.
“Okay.” pagsuko nito. Napalunok ako at agad na hinarang ang libro sa mukha ko at nagkunwaring nagbabasa.
Wag kang lalapit sakin pating! Utang na loob, sana wag mo kong makita!
Bumagsak ang mga balikat ko nang maramdaman kong may umupo sa tabi ko. Naamoy ko rin ang mabangong amoy niya.
Wag Jam! Wag mong purihin ang baby shark na yan!
Napasinghap ako nang hablutin niya ang libro ko saka 'yon hinagis sa may bintana. Napaawang ang labi ko... yung libro ko.
“Wag kang bastos, you're reading a book while he's discussing in front? Where's your manners?” parang wala lang na sabi nito saka ibinaling na ang tingin kay Sir Charles. Naikuyom ko ang mga kamao ko.
‘Kumalma ka Jam, nagkakaganyan yang pating na yan dahil may kasalanan ka sa kanya.’ nasabi ko na lang sa isip ko.
Saka wala rin akong laban sa kanya kung papatulan ko siya. Isang pitik niya lang sakin siguradong talsik ako paalis ng school na 'to. Sa school kung saan lahat libre at napakaraming opportunities. Napapikit na lang ako ng mariin.
Dali dali kong binitbit yung bag ko nang matapos na ang klase. Kailangan kong umiwas sa pating na 'to lagi, kahit imposibleng makawala sa kanya.
“Aray!” napapikit ako ng mariin at agad na inayos yung palda ko. Tiningnan ko ng masama si Shark.
“Bata ka ba?!” naiiritang tanong ko.
Tinalisod lang naman niya ko kaya para akong tanga dito. Nakatingin na rin samin ang mga estudyante dito.
Natigilan ako nang pumantay siya sakin saka inilapit ang mukha niya sa mukha ko, halos magkanda-duling ako.
“Wala pa yan sa gagawin ko sa mga susunod na araw. Ihanda mo yung sarili mo ha?” tinapik pa ko nito sa balikat.
“...wag ka ng magbalak na tumakas dahil walang ibang school na tatanggap sayo pag umalis ka dito.” nakangising sabi niya. Natigilan ako.
“I'm Shark Damon Ferrer and I'll make your life a living hell in any ways I can.”
***
“Huy, nagchichismisan yung mga kaklase ko. Sabi nila natapunan mo raw ng kape yung Shark na member ng Danger Zone kahapon.” nag-aalalang sabi ni Ailee. Napatango ako habang nakain ng sandwich.
“Kaya dapat umiwas iwas kana sakin Ailee, kasi baka madamay ka dahil lagi tayong magkasama.” sabi ko na lang.
Sa totoo lang magaan ang loob ko kay Ailee pero wala akong magagawa, ayoko siyang madamay sa gusot ko sa buhay. Gusto niya lang din makapagtapos ng payapa gaya ko at ayokong alisin 'yon sa kanya.
“Hindi kita iiwasan, ikaw ang pinaka friend ko sa school na 'to eh.” sabi niya saka ako niyakap sa braso. Napangiti na lang ako. Ang sweet talaga ni Ailee, namiss ko tuloy bigla si Carla.
Natigilan ako nang nagvibrate ang phone ko. May nagtext pala...
From: Unregistered Number
Pumunta ka sa headquarters namin, susunduin ka ni Tiger. Pag hindi ka sumama patay ka sakin!
-Shark
Napairap ako sa text message na pinadala ng pating. Binura ko na lang ang text niya at agad na tumayo.
“Saan ka pupunta Jam?” tanong ni Ailee.
“May pupuntahan lang.” aalis na sana ako pero natigilan ako nang makita si Tiger na papalapit sa pwesto namin.
Bakit ang bilis?! Saka paano niya kami nahanap dito sa may garden?! Grabe, nakakatakot sila seryoso.
“Jam, pinapatawag ka ni Shark.” seryosong sabi nito.
“M-May kailangan akong gawin.” palusot ko.
“Wala kang klase.” napalunok ako sa sinabi niya.
“Basta may gagawin ako.” agad kong binitbit ang bag ko at dali daling umalis.
Wala ba talagang balak ang pating na 'yon na tantanan ako? Hintayin niya muna ko na makapagtapos saka niya ko pagtripan!
Umupo ako sa may bench malapit sa basketball court at doon tinuloy ang pagkain ko ng sandwich. Kainis.
Natigilan ako nang may maramdaman ako na medyo mainit na dumampi sa ulo ko at kumalat 'yon pababa leeg ko hanggang sa tiyan ko.
“Dapat hindi lang sandwich ang kinakain mo.” naikuyom ko ang mga kamao ko nang marinig ko ang sinabi niya.
Tinapunan niya ko ng menudo sa ulo. Pumunta siya sa harap ko at binuksan ang bottled water na hawak niya.
“Bakit wala kang tubig? Baka mabulunan ka.” napasinghap ako nang ibuhos niya rin sa ulo ko ang tubig. Medyo napapitlag pa ko dahil malamig 'yon.
Ang daming nakatingin samin. Yung iba mukhang naaawa sakin, yung iba naman mukhang natutuwa sa nangyayari.
“Kailan mo ba ako titigilan?” mariing tanong ko habang nakatitig sa kanya. Gusto ko na talaga siyang suntukin sa totoo lang.
“Sabi ko sayo pumunta ka ng headquarters pero hindi ka sumunod.” sabi nito habang nakikipaglabanan din ng titig sakin.
Hindi ko na siya pinansin. Hinablot ko ang bag ko at iniwan siya. Pinagtitinginan ako dahil sa hitsura ko pero wala na kong pake.
Napabuntong hininga ako at nagtungo sa locker ko para kumuha ng extra na damit. Napasinghap ako sa nakita ko pagbukas ko ng locker.
Agad na umiwas sakin yung mga estudyante. Napapikit ako ng mariin saka huminga ng malalim.
May mga basag na itlog sa locker ko at bulok pa yung iba kaya amoy na amoy, may mga kamatis pa na halatang pinagbabato sa locker ko.
Pumunta na lang ako sa dorm ko at doon nagpalit. Dalawang araw palang akong napasok pero pakiramdam ko mababaliw na ko. Hindi ko alam na isip bata pala ang pating na 'yon.
Nagstay muna ako ng ilang minuto sa dorm saka lumabas na. Ilag sakin ang mga estudyante, todo iwas sila sakin na para bang may nakakahawa akong sakit. Napabuntong hininga na lang ako, wala rin naman akong pakialam sa kanila eh.
Natigilan ako nang may nagtext...
From: Unregistered Number
Gusto mong pagtripan ko rin 'tong kaibigan mo?! Sumama ka sakin sa headquarters dahil may pag-uusapan tayo!
Napapikit ako ng mariin. Wala ba talaga siyang alam gawin sa buhay kundi mang-inis at mambwisit?!
“Hoy!” naikuyom ko ang mga kamao ko. Speaking of demonyo.
“Ano ba kasi?!” naiiritang tanong ko nang makalapit na ang pating sakin.
“Mag-uusap tayo.” seryosong sabi niya saka hinila ang braso pero agad kong inalis ang pagkakahawak niya.
“Ayoko!” akmang aalis na ko pero agad niya kong hinila at binuhat na parang sako.
“Hoy bitawan mo kong bwisit ka! Bitawan mo ko!” nagpupumiglas talaga ako, baka hipuan niya pa ko bigla. Malapit lang sa mukha niya ang pwet ko eh.
“Wag kang malikot kung ayaw mong iangat ko 'tong palda mo.” natigilan ako sa sinabi niya. Seryoso ba siya?!
“Good girl.” kahit hindi ko siya nakikita, pakiramdam ko nakangisi siya ngayon.
Hindi na lang ako pumalag dahil baka nga itaas niya ang palda ko. Natigilan ako nang ibaba na niya ko sa tapat ng isang malaking bahay na nasa pinakasulok yata ng school. Napaawang ang labi ko habang nakatingin sa paligid.
“Bakit ka pa nakatunganga diyan?! Pumasok ka!” napapitlag ako nang hilahin niya ko papasok sa malaking bahay na 'yon.
“Shark, sino yang cute na yan? May girlfriend kana?” natatawang tanong nung lalaki na mukhang mabait na sa pagkakaalala ko ay si Dragon.
Napatingin ako sa anim na nag-gagwapuhang mga lalaki na may iba't ibang mga ginagawa.
Ni hindi ako tiningnan ng lalaking may asul na mga mata na si Prince, abala ito sa pahgtipa sa phone nito, baka katext yung girlfriend niya, pati si Gun na nakakunot ang noo babang naglalaro ng bowling.
Si Tiger ay busy sa pagbabasa ng libro, si Bullet na may kulay abo na mga mata ay abala rin naman sa pagtipa sa laptop nito, tambak ang mga papel sa table niya.
“Do'n tayo sa kwarto ko.” natigilan ako sa sinabi niya.
“B-Bakit sa kwarto mo pa?” nababaliw ba siya?
Hinila niya ko papunta sa pinto na may Shark na nakalagay sa pinto. May sari-sarili silang kwarto sa malaking bahay na 'to. Ang galing.
“May ganyan ka palang side Shark, wild.” natatawang sabi nung lalaking may brown na mga mata. Si Lion yata siya.
“Wag mo kong igaya sayo gago. Saka hindi ko papatulan ang babaeng 'to kahit siya na lang ang babae sa mundo.” sabi ni Shark saka ako tuluyang nahila papasok sa kwarto saka agad yong sinara.
“Hoy ang kapal mo naman para sabihin 'yon! Hindi rin kita papatulan kahit ikaw na lang ang matirang lalaki sa mundo!” naiiritang sabi ko.
Hindi niya pinansin ang pinagsasabi ko. May kinuha siya sa bedside table na picture frame at ipinakita 'yon sakin.
“Dahil sayo, naghiwalay kami ng girlfriend ko at hanggang ngayon ayaw niyang magpakita sakin.” mariing sabi niya.
Napatingin akonsa picture na nakalagay do'n. Nakaakbay si Shark sa napakagandang babae at ang ganda ng ngiti nilang dalawa sa picture.
Napaiwas ako ng tingin saka napatungo. Nakaramdam ako ng pagkakonsensya. Kung hindi sana ako tatanga tanga nung araw na 'yon edi sana wala akong nasirang relasyon.
“H-Hindi ko naman sinasadya 'yon.” nakatungong sabi ko.
“Wala akong pakialam kung sinasadya mo 'yon o hindi. Ang gusto ko magdusa ka.” malamig na sabi nito.
“S-Sorry, pero sana hayaan mo ko na makapagtapos. K-Kailangan kong makapagtapos para sa tatay ko.” pakiusap ko sa kanya.
“Sa tingin mo ba makakatakas ka pa sa school na 'to? Kahit bumalik ka pa sa lungga mo, aabot don ang koneksyon ko. Papahirapan kita hangga't hindi ako nakukuntento.”
Paulit ulit na binagabag ni pating ang isip ko. Halos hindi na nakatulog.
“Okay ka lang Jam? Mukhang puyat na puyat ka.” nag-aalalang sabi ni Ailee.
“Okay lang ako.” sabi ko saka tipid na ngumiti.
Mailap sakin ang lahat ng estudyante, maski mga canteen staff, janitor at cashier. Grabe, ganon ba silang katakot sa pating na 'yon?
Napatigil ako sa pagbabas ang libro nang nagvibrate ang cellphone ko.
Nandito kasi ako sa library, mas maganda ang library pag nasa loob kana. Ang laki dito at hindi biro ang dami ng libro.
From: pating
Pumunta ka sa headquarters, ngayon na.
Napabuntong hininga ako. Mamaya na siya, tatapusin ko muna 'tong binabasa ko.
Nawili yata ako sa pagbabasa dahil inabot pa ko ng 10 minutes dito. Lalabas na sana ako ng library nang tawagin ako ng librarian na mukhang estudyante lang rin.
“Bakit po?” tanong ko.
“Linisin mo ang buong library.” napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Tama ba ako ng narinig?
“Po?” hindi yata nagprocess sakin yung sinabi niya.
“Inutos ni Mr. Ferrer na linisin mo ang buong library.” huminga ako ng malalim.
Gusto ko mang sumuway, alam ko naman ang mangyayari. Baka tapunan na naman niya ko ng kung ano ano. Mauubusan na ko ng damit.
“S-Sige.” actually hindi ko alam kung saan ako magsisimula na maglinis dahil sa laki ng lugar na 'to. Sobrang nakakalula.
Nagwalis muna ako, saka nagpunas ng alikabok. Inutusan din ako na ayusin ang mga libro, magmop at kung ano ano pa. Grabe, buti na lang mamaya pa yung susunod kong klase.
From: pating
Pumunta kana dito! Ngayon na!
Napairap ako at inayos na ang mop. Kinuha ko na ang mga gamit ko at nagpaalam na sa librarian saka nagtungo sa headquarters nila Shark.
Siya lang ang tao sa loob, prente siyang nakaupo sa may couch. Wala yung ibang Danger Zone
“Ano na naman ba?! Kakatapos ko lang maglinis sa napakalaking library ng school na 'to tapos mamadaliin mo ko dito!” nakapamaywang na sabi ko. Napakunot ang noo niya.
“Bakit mo nilinis yung library?” tanong niya. Napairap ako.
“Malamang, pinalinis mo sakin eh!” nakakairita 'tong pating na 'to ah.
“Sinong nag-utos sayo?” tanong niya.
“Yung librarian, bakit mo---” natigilan ako, hindi na ko nito hinintay matapos magsalita. Agad itong lumabas ng headquarters. Napakunot na lang ang noo ko habang hinahabol siya ng tingin.
Anong problema no'n?
Nagpunta na lang ako ng canteen para bumili ng tubig at tinapay. Ginutom ako dahil sa paglilinis ng library na 'yon.
“Oh my God!”
Napatingin ako dahil maraming tao ang nagkukumpulan sa tapat ng library.
Dahil dakila akong chismosa, nakichismis na rin ako at nakikisiksik.
Napaawang ang labi ko sa nakita ko. Yung librarian...
“Ayoko sa lahat, yung pinapangunahan ako.” sabi ni Shark saka siya muling binato ng itlog na sapul sa noo ng kawawang librarian.
“Ayoko sa lahat yung nagmamarunong.” kamatis naman ang binato niya sa librarian.
Ang dumi dumi na niya dahil puro kamatis na siya at itlog.
“Ganyan ang mangyayari sa inyo, kapag ginawa niyo ang mga bagay na ayaw ko.” malamig na sabi niya sa mga estudyanteng nanonood.
“Ikaw ang maglinis niyan tutal nagmamarunong ka.” sabi niya sa kawawang librarian na umiiyak na.
Grabe siya, wala siyang puso. Bakit niya naman ginawa 'to sa librarian?!
Bahagya akong napaatras nang mapatingin sakin si Shark. Napalunok ako nang maglakad siya papalapit sakin saka ako hinila palayo sa lugar na 'yon.
“B-Bakit mo ginawa 'yon? Grabe ka.” sa totoo lang, natatakot ako sa kanya ngayon. May dahilan naman pala ang mga estudyante dito kaya iniiwasan nila ako.
“Ang tanga tanga mo.” natigilan ako sa sinabi niya. Ano daw?! Tanga ako?!
“Wala akong inutos na linisin mo yung putanginang library na 'yon.” mariing sabi niya. Napakurap ako.
“Sabi niya, inutos mo na---” agad niyang pinutol ang sasabihin ko.
“Wala akong inutos!” napapitlag ako. Bakit ba galit na galit siya?! Ako naman ang nahirapan eh, hindi naman siya.
“Sa text message ko, at salita ko lang ang paniniwalaan mong utos sa susunod. Ang tanga tanga mo!” naiiritang sabi niya. Tiningnan ko siya ng masama.
“Bakit ba bigdeal sayo 'yon?! Ako naman ang nahirapan eh, hindi naman ikaw!”
Tiningnan niya ko ng masama, napaiwas na lang ako ng tingin.
“Walang karapatan yung ibang tao na pahirapan ka...” natigilan ako at napatingin sa kanya.
“...ako lang ang may karapatan na magpahirap sayo.”