Chapter 1

3390 Words
Jamie Citrine Santos (JAM)~ *One year later "Ah!" Naghahabol ako ng paghinga pagkagising ko. Bwisit na lalaki 'yon! Bakit ko biglang napaginipan yung poging 'yon na siniraan ko ng relasyon one year ago? 'Bangungot 'yon Jam, hindi panaginip.' nasabi ko sa isip ko. 'Yon na yata ang pinakamasamang bangungot ko sa lahat. Kahit isang taon ko ng hindi nakikita ang lalaking 'yon na di ko maalala ang pangalan, nakakaramdam pa rin ako ng konsensya, kaba at takot. Sana lang talaga hindi ko na siya makita kahit kailan. "Hoy Jam! Lumabas na yung resulta sa mga nakapasa sa scholarship exam ng Farthon University!" excited na sabi ng best friend ko na si Carla. "Ano?! Anong resulta?!" excited na tanong ko, pero medyo kinakabahan talaga ako. Ang may mga average lang na 95 pataas ang pinapayagan na magtake ng scholarship exam sa Farthon University, sobrang hirap ng exam pero kapag nakapasa ka do'n libre na ang tuition fee, as in ilang taon na pag-aaral mo ron libre na. Pati uniform, ID, yung yearly ball nila, as in lahat libre pati yung magiging dorm namin na sa loob lang ng school at siguradong safe. May matatanggap ka pa na monthly allowance. Kaso ang kahirapan dyan, hindi lumalagpas sa limang estudyante lang ang nakakapasa sa exam. Ganon kahirap ang exam do'n. Kaya nakailang dasal talaga ako na sana makapasa ako do'n kasi sobrang gaan no'n kung sakali. Ang gandang school pa ng Farthon University, kapag nalaman ng mga kompanya na doon ka gumraduate, tanggap ka kaagad dahil sobrang advance ng turo do'n. "Jam! Eto na, tingnan natin kung nakapasa ka!" excited na sabi ni Mami. Bakla si Mami, aksidenteng nakabuntis siya nung binata or dalaga days niya kaya eto ako. Ako ang bunga ng kalandian niya dati, yung nanay ko naman hindi ko nakilala dahil basta niya ko iniwan kay Mami. Pero kahit bakla si Mami wala akong pakialam, hindi ko siya kinakahiya at mahal na mahal ko siya, saka hindi madali ang lahat ng sakripisyo niya para sakin. Tiniis niyang mag isa ako na palakihin, lahat na yata ng raket pinasukan niya para mabuhay ako ng maayos kaya idol ko siya talaga. Kaya todo kayod rin ako sa pag-aaral para hindi na kailanganin ni Mami na magtrabaho ng sobra. "Ikaw Carla loka ka! Bakit hindi mo ginalingan! Hindi ka tuloy nakapasa!" napasimangot si Carla sa sinabi ni Mami. "Mami naman eh, ginawa ko kaya best ko. Ang hirap kaya nung exam, naubos brain cells ko." Dito nakatira samin si Carla, nangungupahan lang siya dati pero nung naging mag bff kami, dito ko na siya pinatira samin kasi pumayag din si Mami. Nasa probinsya yung mga magulang niya. Nandito siya sa Cavite para mag-aral, matalino kasi talaga siya kaya madaming scholarship siyang natanggap don sa Manila. "Sa iba na lang ako mag-aaral, pero sayang talaga yan eh. Teka Mami, tingnan naman natin si Jam kung nakapasa." sabi ni Carla. "Malamang hindi ako nakapasa, ikaw nga hindi nakapasa eh." sabi ko at uminom na lang ng kape. 97 ang average ni Carla at ako 95, malamang sa malamang hindi rin ako nakapasa. "Malay mo naman noh! Subsob ka kaya sa pag-aaral para lang makapasa dito, ikaw ang mas mag-effort sating dalawa. Mami, tingnan natin." pamimilit niya kay Mami. "Okay let's go!" hyper talaga si Mami lagi. "OMG! Nakapasa ka tange!" sabi ni Carla at tuwang tuwa na binatukan ako. Naningkit mga mata ko. "Ewan sayo." ayokong umasa noh. "Oo nga loka! Tingnan mo pa!" sabi ni Mami at itinapat sakin ang laptop niya. Farthon University scholarship exam passers: John Aaron Hidalgo Christian Bailo Jamie Citrine Santos Ailee Blaine Robles Nanlaki ang mga mata ko, sinampal sampal ko pa ang sarili ko kasi baka nananaginip lang ako eh. Natigilan ako ng sampalin ako ni Mami. "Oh ayan ako na sumampal sayo! Totoo kasi! Myghad ha! You're so galing like me junakis!" tuwang tuwa na sabi ni Mami. Para silang ewan na nagtatalon ni Carla. Maluha luha ako habang paulit ulit na binabasa ang pangalan ko na nakalagay sa passers ng scholarship exam. "Isipin mo, almost 500 students yung nag exam pero apat lang yung nakapasa. Ano bang klaseng school yan?" Wala na kong pakialam sa pinagsasasabi nila, basta sobrang saya ko ngayon. "Sabi dito kailangan mo daw pumunta sa school sa Tuesday at dapat dala mo yung mga requirements. " sabi ni Carla habang may binabasa sa laptop. "Grabe girl, nakapasa ka sa pinakamahirap pasukan na school. Ang galing mo talaga!" tuwang tuwa sabi ni Mami at niyakap ako. Ginantihan ko rin siya ng yakap, patalon talon pa kaming dalawa. "Nako Mami, pag nakapagtapos na ko do'n, hindi mo na kailangang rumaket kung saan saan. Magiging señorita ka, pahinga lang ganon." sana talaga makasurvive ako sa Farthon University. "Wag ka ngang emotera dyan babaita, baka maiyak ako. Yung makeup ko huhulas eh!" reklamo ni Mami. Napangiti ako at niyakap ulit siya. "Mag-aaral na kayong dalawa sa Manila, maiiwan ako mag-isa dito. Baka ma-r**e ako." nakasimangot na sabi ni Mami. "Echusera ka Mami, mas malaki pa nga katawan mo sa mga rapist." sabi naman ni Carla, binatukan siya ni Mami. "Gaga ka pala eh, kung hindi kaya kita pakainin ng tanghalian diyan." pananakot ni Mami sa kanya. "Accountancy kukunin mong course diba?" tanong ni Carla. Tumango ako, dati ko pa gustong maging CPA. "Ikaw Carlita, ano bang kukunin mong kurso?" tanong ni Mami. "Ano pa ba? Edi chemical engineering." napangiwi ako sa sinabi niya. Noon niya pa sinabi sakin na chemical engineering ang kukunin niyang kurso kahit mahirap. Alam ko namang kayang kaya ni Carla 'yon, matalino ang babaeng 'to eh, tamad lang talaga minsan. Nakakawindang nga eh, yung 97 na grade niya, tatamad tamad pa siya sa lagay na 'yon. Ako todo effort para sa 95 na grade para makapagtake ng scholarship exam sa Farthon University. Kung mas nagsipag pa nga siya baka 99 na maging grade niya eh. Kaya malakas ang pakiramdam ko na makakasurvive siya sa chemical engineering. "Pagbutihan niyong dalawa ha. Alam kong kayang kaya niyo yan girls. Manang mana niyo ang beauty at talino ko eh." natawa kami ni Carla at niyakap siya. Anak na rin kasi turing niya kay Carla eh. Gagawin ko talaga ang lahat para makapagtapos at mabigyan ng magandang buhay si Mami kaya sana naman maging tahimik ang buhay ko sa ilang taon kong pag-aaral sa Farthon University. Sana talaga walang panggulo... *** Napalunok ako habang nakatunganga sa tapat ng main building ng Farthon University na bubungad sayo pagpasok mo. Mas maganda pa ang school na 'to sa personal kaysa sa pictures na nakita ko sa internet. Pinakamagandang school na yata na nakita ko itong school na 'to. "Wow ang ganda!" napatingin ako sa babaeng nakacivilian din gaya ko. Manghang mangha rin siya sa school. "Grabe, bigtime talaga yung mga Farthon! Omg! Totoo kaya yung tsismis na may mall dito?!" napapatingin sa kanya yung ibang mga estudyante na mukhang mga yayamanin. Mukha kasi siyang loka loka habang picture ng picture sa paligid tapos kinakausap niya pa yung sarili niya. Napatingin siya sa pwesto ko, bahagya akong napaatras. Grabe ang ganda niya naman. Simple lang yung ayos niya pero ang ganda niya sobra. "Hello! Hindi ka nakauniform, scholar ka rin?" tanong niya pagkalapit niya sakin. Ngumiti ako at tumango. Mukha siyang mabait, ang cute rin ng personality niya. "Ako nga pala si Ailee." nakangiting sabi niya. Nakakahawa yung magandang ngiti niya, at ang ganda ng pangalan niya ah. Naaalala ko nga yung pangalan niya, isa siya sa passers. "Ako naman si Jamie, Jam na lang. At oo scholar rin ako dito." nakangiting sabi ko. "Grabe ang ganda dito noh? Ang ganda rin ng uniform nila. Excited na tuloy ako na medyo kinakabahan." ang cute niya talaga. "Ano nga pala kukunin mong course?" tanong niya habang naglalakad kami papuntang administration building. Actually hindi ko alam kung saan 'yon, sinusundan ko lang siya. "Accountancy, ikaw?" tanong ko. Napasinghap siya sa sinabi ko. "Accountancy? Edi magaling ka sa Math?" namamanghang tanong niya. Agad akong umiling. "Hindi naman." pa-humble ako syempre kahit 98 grade ko sa Math. "Ako naman business management kukunin ko. Malamang may ilang subject na magkaklase tayo. Excited na ko." nakangiting sabi niya. "Teka, alam mo ba kung saan yung admin? Diba sabi doon daw tayo dumiretso?" tanong ko sa kanya. "Hehe, hindi ko nga alam kung saan 'yon eh. Teka magtanong tayo." lumapit si Ailee sa lalaking nakaupo sa may bench na busy sa pagbabasa. Grabe, parang lumaklak ng energy drink 'to si Ailee. Para siyang si Carla, napabuntong hininga tuloy ako. Miss ko na agad sina Carla at Mami. Actually nandito lang din sa Manila mag-aaral si Carla at may nakuha na siyang dorm. May mga tita rin kasi siya sa ibang bansa na sinusustentuhan siya. Saka nagpa-part time job siya. "Kuya, saan po yung administration building?" tanong ni Ailee doon sa lalaki. Itinigil nung lalaki yung pagbabasa at tumingin samin, especially kay Ailee. Hala, ang gwapo niya. Pwedeng pwede siya maging artista, actually mas gwapo pa siya sa mga artista eh. Kaso mukhang suplado. Napangiti ako nang mapansin kong natulala siya kay Ailee. Ayos ah, mukhang may lovelife agad si Ailee. Napatikhim siya at napaiwas ng tingin kay Ailee. Tumayo siya at lumapit samin. Grabe, ang tangkad niya. Nanliit tuloy ako. "Sasamahan ko na kayo. By the way, kayo yung scholars diba?" tanong niya. Tumango kami ni Ailee. Grabe, ang gwapo talaga niya. Sana madami pa silang gwapo para ganahan ako pumasok lalo. "By the way, I'm Tiger John Falcon. Just call Tiger. And you?" tanong niya kay Ailee. "Ailee Blaine Robles, Ailee na lang." nakangiting sabi nito. Natulala na naman si Tiger sa kanya. Ayos ah, mukhang hindi na kailangan malaman ni Tiger ang pangalan ko dahil kay Ailee palang solve na siya. Pero sabagay, bagay naman silang dalawa. Nakakakilig siguro kapag nagkatuluyan sila. Napaiwas ng tingin si Tiger kay Ailee, salamat naman kasi ang tagal na niyang nakatitig kay Ailee. Masyado na siyang obvious eh. Napatingin sakin si Tiger. "Ako naman si Jamie Santos, Jam na lang." natigilan siya sa sinabi ko. "Jamie Santos? Oh, you're the unlucky woman." nakangising sabi nito. Napakunot ang noo ko. "Ha?" tanong ko. "Nothing, don't mind me. So, let's go?" tumango na lang kami ni Ailee. Nagsimula na kaming maglakad patungo sa administration building. Madami kaming nadaanan, basketball court, gymnasium, soccer field, restaurant, arcade, library na sobrang laki at kung ano ano pa. Para naming naging tour guide si Tiger dahil panay ang salita niya habang nililibot niya kami. Mukha namang hindi siya masungit, baka talagang weird lang siya. "Here's the administration building. By the way, I really need to go. See you around, bye Ailee." sabi nito kay Ailee. Wow, so hangin pala ako dito? "And Jam..." napatingin ako kay Tiger. "...goodluck." sabi nito saka umalis na. Pakiramdam ko may ibang ibig sabihin ang goodluck na 'yon pero napailing na lang ako, napapraning lang yata ako. Agad kaming pumasok sa loob. May dalawang lalaking nakacivilian na nakaupo sa may couch. Mukhang scholars din sila. "Hello." pagbati ni Ailee sa kanila. Ang cute ni Ailee, mukhang friendly talaga ang isang 'to. "Hi." sabay na sabi nung dalawang lalaki. "Ako nga pala si Ailee, at ito naman si Jamie." pagpapakilala ni Ailee. "Jam na lang." sabi ko at ngumiti sa kanila. "Christian." tipid na sabi nung isang lalaking nakasalamin na busy sa pagbabasa. Mukhang introvert ang isang 'to at pag-aaral lang ang gusto sa buhay. Sayang, medyo cute siya. "I'm John Aaron, pero Aaron na lang ang itawag niyo sakin." nakangiting sabi niya. Mukhang mabait ang isang 'to ah, at gwapo rin. "You're all here." natigilan kami at napalingon sa babaeng papalapit samin, estudyante lang din siya dahil naka uniform siya. "I'm Nicole Del Pilar, president ng student council. Nandito ako para asikasuhin kayo." nakangiting sabi niya saka inayos ang eyeglasses niya. "Ako naman si Ailee." pakilala ni Ailee. Nagpakilala rin kaming tatlo nina Christian. Nagsimula na kaming i-tour ni Nicole sa school. Medyo pamilyar na samin yung iba dahil nga kay Tiger. "Next week niyo makukuha ang uniform at ID niyo. Lagi niyo dapat dala ang ID niyo dahil iniiscan 'yon at 'yon ang nagsisilbi niyong attendance." "Nicole, bakit may mga estudyante na? Hindi pa pasukan diba?" tanong ni Aaron. Oo nga noh. "Iba iba ang start ng klase depende sa course. Business management ka diba? Pati si Ailee? Nagstart na yung pasukan niyo last week kaya medyo maghahabol kayo. Ikaw naman Jam, since accountancy ang course mo, next week ka pa. Tapos ikaw Christian, since law ang course mo, ngayong week nagsimula ang pasukan niyo." Law pala ang kurso ni Christian nerd, wow. "Merong canteen para sa mga scholar, mas mura yung mga pagkain don kaysa sa mga main canteen na ginto talaga ang presyo ng mga pagkain. But don't worry, hindi dini-discriminate ang mga scholar dito. Pinagbabawal ni Ma'am Amy 'yon. Si Ma'am Amy Elizabeth Farthon ang asawa ng may-ari ng school na 'to." napatango kami. Natigilan kami nang may limang na lalaking naglakad palabas ng canteen, kasama si Tiger do'n. Halatang kinikilig yung mga babaeng estudyante habang nakatingin sa kanila. Napatitig ako sa limang lalaki, grabe. Akala ko solve na ko sa pagmumukha ng Tiger na 'yon, lima pala silang nagagwapuhan sa school na 'to. As in ang gwapo talaga. "Silang lima miyembro sila ng Danger Zone." napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Danger Zone? "Grupo sila ng mga kalalakihan, pito silang miyembro. Mas maganda kung wala na lang kayong makakaencounter ni isa sa kanila. Hindi sila basta bastang mga estudyante dito." "Yung dalawang nasa unahan na nag-uusap, si Lion at Tiger. Mag ingat kayong mga babae kay Lion kasi babaero talaga yan. Kahit poste basta nakapalda papatusin niya. Si Tiger naman ang pinakamatalinong estudyante sa school na 'to. Yung tatlo, yung nasa bandang kaliwa, si Bullet. Sa murang edad niya, hinahandle na niya ang BRF empire." BRF empire?! Pamilyar sa pandinig ko. "Hala! Sobrang yaman pala nung Bullet na 'yon." sabi naman ni Ailee. Napatango si Nicole. "Yung nasa gitna naman si Dragon. Kabaligtaran niya yung name niya kasi mabait talaga ang isang yan, siya lang ang mabait na member ng Danger Zone. Tas yung nasa bandang kanan naman, si Gun. Siya ang may pinakamaikling pasensya sa kanila. Matindi magalit yan, muntik na niyang mapatay dati yung sisiga sigang estudyante ng kabilang school." Napangiwi ako, mukhang dapat kong iwasan ang isang 'yon. Mukhang mayayaman pa naman ang mga lalaking 'to at kayang idaan lahat sa pera. "Ito naman si Ice Prince Farthon." ipinakita niya samin ang picture ng lalaking may asul na mga mata. Wow, ang gwapo niya sobra. Kaso mukhang hindi marunong ngumiti man lang ang isang 'to. "Anak siya ng owner ng school na 'to. Siya rin ang leader ng Danger Zone, wala yang pakialam sa mundo, basta kayong boys, wag niyong lalapitan yung girlfriend niya na si Shenna Reyes. May kalalagyan kayo pag nagkataon. Napakaseloso pa naman ng isang 'to." napapailing na sabi ni Nicole. "Wala akong picture ni Shark pero iwasan niyo ang isang 'yon..." babala ni Nicole samin. Natigilan ako. Shark? Bakit parang pamilyar sakin ang pangalang 'yon? "Kapag napagtripan niya kayo maiiyak na lang talaga kayo dahil wala siyang sinasanto kahit babae pa. 5 months ago, meron siyang babaeng estudyante na pinatakbo ng hubo't hubad sa soccer field, ganon siyang katindi." tumaas ang mga balahibo ko sa sinabi niya. "Grabe naman siya." natakot yata si Ailee kaya napakapit siya sa braso ko. "Wag kayong mag-alala, di naman kayo pagtitripan no'n kung wala kayong gagawin na hindi niya magugustuhan." imbis na gumaan loob ko, mas lalo lang akong natakot sa sinabi niya. Hinatid na niya kami sa magiging dorm namin. Napanganga kami nang makarating kami sa building na 'yon. Dalawang building 'yon. Ang laki at ang ganda! "Boys iyong nasa kaliwa ang inyo, ang girls naman sa kanan. Bawal pumasok ang mga babae sa building niyo kaya kayo ng bahala do'n. Kayo ring boys bawal pumasok sa building ng mga babae. Nga pala, 3rd floor, room 243 ang room niyo, kayong dalawa ang magkashare. Hindi pa nakaset ang PIN code ng room niyo, kayo ng bahala magset." bilin niya kina Christian. Tumango naman silang dalawa at pumasok na sa building nila. Hinatid na kami ni Nicole sa building ng girls. May binilin muna si Nicole bago kami iniwan ni Ailee. "4th floor, room 312 ang room niyo. Kayong dalawa ang magkashare. Ailee, kailangan mo na agad pumasok bukas. Don't worry, maiintindihan naman ng mga professor na late ka. Sige ha, I'll go ahead." tumango kami ni Ailee. Sumakay na kami sa elevator ni Ailee. Ang sosyal naman, may elevator pa. Nakarating na kami sa 4th floor, room 312. Napatitig kaming dalawa sa PIN code chuchu. Wala pang nakaset na PIN code para sa room namin. "Ano kayang pwede nating ilagay na PIN code? 4 numbers daw diba?" napatango ako sa tanong niya. "Kailan birthday mo?" tanon ko sa kanya. "May 17, bakit?" so, 17. "Ang magiging PIN code natin at 1705, May 17 birthday mo, akin February 5. Okay ba?" napatango siya sa sinabi ko at napangiti. Sinet na namin ang 1705 bilang PIN code ng room namin. Napanganga kaming pareho pagpasok namin sa loob. "Wow, nasa hotel ba tayo?" tanong ni Ailee habang patingin tingin sa kabuuan ng kwarto. Totoo ang sabi ni Ailee, para ngang hotel ang dorm namin. Alam ko na mayaman talaga ang mga Farthon pero hindi ko inaasahan na ganitong level pala. Nakakalula. "Saan gusto mong kama Jam?" tanong ni Ailee. May dalawang kama dito, yung isa nasa left yung isa nasa right side. Simple lang ang design at masarap tingnan, feeling mo nasa hotel ka talaga. "Ako na lang dito sa may gilid, gusto kong malapit sa bintana. Okay lang sayo?" tanong ko kay Ailee. Tumango siya. "Okay na okay! Wah!" nagtatalon siya sa kama. Napangiti ako, naaalala ko talaga si Carla sa kanya. Nag-ayos na kami ng mga gamit namin sa dalawang malaking cabinet. Halos kumpleto na talaga dito, may ref na katamtaman lang ang laki, at may tv rin. May Wi-Fi pa talaga. Nakalagay yung password sa sticky note na nakadikit sa tv. "Jam, sana makasurvive tayo at makapagtapos noh?" sabi ni Ailee habang nakatingin sa labas ng bintana. "Kaya natin 'to." *** "Wow bagay na bagay sayo yung uniform Jam!" sabi ni Ailee at pinicturan pa talaga ako. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin, ayos naman. Napatingin ako kay Ailee na busy sa pagpicture sakin, bagay na bagay rin sa kanya ang uniform. Ngayon lang nadeliver ang uniforms at ID namin. Isang linggo na ang nakalipas, ngayon na ang simula ng first day ko. Si Ailee nung nakaraang linggo pa. Ang saya nga raw eh, may mga kaibigan na siya. Hindi na ko nagtataka dahil napaka approachable ni Ailee at friendly pa. "Sige Jam, mauna na ko. Baka ma-late ako sa first class ko." sabi niya habang inaayos ang mga gamit niya. "Bye!" sabi ko na lang. Kinuha ko ang cellphone ko pagkalabas ni Ailee. Nagselfie ako at sinend kina Mami at Carla anf picture ko. Naghintay muna ako ng 10 minutes saka lumabas. 25 minutes pa bago magsimula ang first class ko which is financial accounting. Naglibot libot muna ko sa paligid. Saulo ko na yung mga classrooms na papasukin ko dahil inaral ko na 'yon last week pa para hindi ako magkandaligaw kaya naglibot muna ko. Bumili ako ng kape sa canteen. Mas mura nga talaga sa canteen para sa mga scholars kaysa sa main canteen nila. Ininom ko ang kape ko habang naglalakad. Natigilan ako nang nagvibrate ang phone ko. From: Mami Ganda ng junakis ko! Go baby girl! Kaya mo yan! Napangiti ako sa text ni Mami, para sa kanya 'to. Lahat ng 'to, ganon ko siya kamahal. "What the fvck?!" napapitlag ako sa mariing mura na narinig ko. Napasinghap ako nang mapatingin sa dibdib ng lalaki pababa sa tiyan, natapunan ko ng kape yung uniform niya! Busy kasi ako kaka-cellphone eh! "Nako kuya sorry po talaga!" pinunasan ko pa ng panyo ko yung uniform niya kahit wala namang maidudulot 'yon. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil nakakaagaw na kami ng atensyon ng mga estudyante. "Sorry po tala--- Natigilan ako nang mapatingila ako at mapatingin sa mukha ng lalaki. Napakunot ang noo ko habang nakatitig sa kanya... pamilyar yung mukha niya. Teka, saan ko nga ba siya nakita? "Pinanganak ka ba talaga para sirain ang araw ko?" mariing tanong niya habang nakatingin ng masama sakin. Napasinghap ako at napatakip sa bibig ko. "Shark..." tama! Shark ang pangalan nung lalaking siniraan ko ng relasyon one year ago! Siya 'yon... At malakas ang kutob ko na siya ang Shark na miyembro ng Danger Zone! Nagtayuan ang mga balahibo ko nang mapangisi siya. "It's payback time woman." Mukhang yung tahimik na buhay na gusto ko sa school na 'to imposible ng mangyari.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD