“B-bakit ka nakatingin ng ganiyan sa ‘kin? B-bakit ka nakatingin sa labi ko?” nauutal na tanong ko. Naningkit ang mga mata niya sa tanong ko. “Why are you accusing me like that? Napatingin lang ako, masyadong tuyo ‘yang labi mo. Babae ka ba talaga?” naiinis na binato niya sa mukha ko ang bimpo. Napasimangot ako at binato ‘yon pabalik sa kaniya. “Ang kapal mo naman! Ikaw nga parang bakla, ‘yang labi mo pambabae saka kulay pink pa tapos mukhang malambot…” Natigilan si Shark sa sinabi ko, kahit ako natigilan din. Bakit ko ba nasabi ‘yon? Napakagat ako sa ibabang labi ko saka agad na napaiwas ng tingin sa kaniya. Pakiramdam ko nag-akyatan ang lahat ng dugo sa mukha ko. “Don't tell me you're fantasizing my lips? Grabe, nakakatakot ka.” Tumayo na siya at umiwas sa ‘kin. Natawa ako sa nag