"Ano? Bakit hindi ka pa natutulog? Himala yata lagi kang maaga matulog eh." Napatingin ako kay Ailee na nagpupunas ng buhok. Tipid na ngumiti lang ako saka tinuloy ang transaction na sinasagutan ko sa accounting. "Inuna kong gawin yung thesis ni Zareya." sabi ko habang nagkukusot ng mga mata. Inaantok na talaga ako pero kailangan kong tapusin 'to. "Grabe pala ang Zareya na 'yon, mukhang anghel nga pero demonyita naman." napapailing na sabi ni Ailee. Napabuntong hininga na lang ako. "Dapat isumbong mo kay Aaron 'yon eh. Napakasama ng ugali!" nanggigigil na sabi ni Ailee. "Wala akong balak isumbong siya kay Aaron. Saka pinsan niya pa rin si Zareya noh." sabi ko na lang saka muling ibinaling ang tingin sa ginagawa ko. "Pustahan tayo ikaw kakampihan ni Aaron. Malakas ang pang-amoy k