“Ang daming dumi sa paligid. Yuck!” Napaismid na lang ako nang paringgan ako nang isang estudyante. Napabuntong hininga na lang siya at nagpatuloy na sa pagwawalis. Gusto ni Shark na linisin ko ang buong school, pero ni wala pa nga yata sa 1/4 ng school ang nalilinis ko dahil sa sobrang laki ng school na ‘to. Napabuntong hininga ako saka pinahid ang pawis sa noo ko. 'Yong saya pala na naramdaman ko kahapon matindi ang kapalit. “Jam!” Napalingon ako nang marinig ko ang boses ni Ailee. “Bakit?” tanong ko saka itinuloy na ang pagwawalis, kung magpapahinga ako malamang ilang araw bago ako matapos. “Baka naman mabinat ka niyan, itigil mo na yan,” nag-aalalang sabi niya saka kinuha ang walis mula sa ‘kin. “Kaya ko na ‘to, sanay na ko sa pagpapahirap ni Shark sa ‘kin,” sabi ko na lang