"Bilisan mo diyan." Napairap na lang ako ng palihim. Pinalinis niya lang naman sakin 'tong buong headquarters nila tapos bilisan ko raw? Mas malaki ng sampung beses 'to kaysa sa bahay namin eh. "Wipe my shoes." utos na naman niya. Huminga ako ng malalim para pigilan ang sarili ko na masapak siya. Binitawan ko ang mop at lumapit sa kanya, kumuha ako ng bagong basahang bilog at lumuhod sa harapan niya para linisin ang sapatos niya. Grabe, literal na alipin talaga ang buhay ko sa kamay ng Shark na 'to. Napatingala ako sa kanya nang matapos na ko magpunas ng sapatos niya. Natigilan ako at napatitig sa mukha niya. Nakatingin siya sa phone niya habang kunot na kunot ang noo. Lagi siyang nakasimangot pero hindi no'n nabawasan ang kagwapuhan niya. Magulo na naman ang buhok niya pero mas lalo