Para akong nabuhusan ng ilang baldeng malamig na tubig dahil sa mga narinig ko!
Tama ba ang narinig ko?
May kinalaman si Jordan sa pagkamatay ng aking mga magulang?
May balak siyang patayin ako para makuha lahat ng yaman ng pamilya ko?
Unti-unti akong napaatras dahil sa mga narinig ko. Hindi ko namamalayan na nabitawan ko ang payong na aking hawak kanina na siyang dahilan ng paglingon ni Jordan sa akin.
"Nandyan ka na pala, Grae," sabi ni Jordan at mabilis niyang ibinaba ang kanyang cellphone
Napalunok ako ng aking laway nakangiti siyang nakatingin sa akin.
"Oh? Bakit parang nakakita ka ng multa? May problema ba?" nagtataka niyang tanong sa akin.
Hindi ako makapagdalita, nakatitig lang ako sa kanya.
Lumapit siya sa aking kinatatayuan, at hahawakan na sana niya ang aking kamay nang pigipan ko siya.
"Huwag mo akong hahawakan!" nauutal kong sigaw sa kanya.
"Bakit? May problema ba, Grae?" nagtataka niyang tanong.
Kumakabog ang aking dibdib. Ano ang gagawin ko?
Gusto kong tumakbo pero parang nawalan ako ng lakas.
"Mukhang may narinig ka na hindi mo dapat marinig, ah!" sabi niya sa akin na nakangisi.
"Huwag mong sabihin na totoo ang lahat ng iyon, Jordan?" paputol-putol kong tanong sa kanya.
Nilapitan niya ako, at hinaplos ang aking pisngi. Kinalibutan ako sa kanyang haplos. Hindi ko maintindihan pero nakaramdam ako ng takot!
Ilang saglit pa, mabikllis niyang hinawakan ang aking braso. Mahigpit ito na siyang nagpadaing sa akin sa sakit.
"Aray ko, Jordan! Ano ba itong ginagawa mo?" tanong ko sa kanya.
"Tatanungin mo pa ako kung totoo ang mga narinig mo, Grae?" tanong niya sa akin na naiiling.
"Napakatanga mo talagang babae. Hindi mo napansin o nalaman ang mga ginagawa ko," sabi jiya at tumawa siya nang malakas.
Napalaki ako ng aking mga mata dahil sa kanyang sinabi. Hindi ako makapaniwala sa mga naririnig ko na nanggagaling kay Jordan!
"Huwag tayo dito mag-usap at baka ideretso na kita sa mga magulang mo, Grae! May puso pa naman ako, kaya pag-usapan natin ito!" sabi niya sa akin at kinaladkad niya ako papunta sa sasakyan.
Binuksan niya ang pinto ng sasakyan at malakas niya akong pinasok.
"Napakasama mo, Jordan! Hindi ako makapaniwala na sa pitong taon nating pagsasama ay puro kasinungalingan pala ang lahat!" sigaw ko sa kanya pero parang wala siyang narinig.
"May sinasabi ka ba?" nakangisi niyang tanong sa akin.
Pinanlisikan ko siya ng aking mga mata. Malakas ko siyang sinipa kaya napaupo siya sa lupa. Mabilis akong lumabas ng sasakyan at mabilis na tumakbo para tumakas.
Nakakalayo na ako sa kanya nang biglang unalingawngaw ang dalawang putok ng baril.
Napatigil ako sa pagtakbo. Napatakio ako ng aking mga tainga. Ayaw ko sanang lumingon, pero narinig kong may paparating na sadakyan.
Nakababa ang bintana ng sasakyan ni Jordan habang nakadungaw ang kanyang baril.
Hindi ko na nagawa pang kumilos dahil s atakot. Nanginig na ang aking buong katawan, at napataas na ako ng dalawang kamay, habang siya ay binuksan niya ang pinto sa kabila ng drivers' seat.
"Pumasok ka sa loob ng sasakyan kung ayaw mong barilin ko ang paa mo!" utos niya sa akin na may pagbabanta.
Napalunok ako ng aking laway. Naiiyak na ako sa takot, dahil hindi ko akalain na may ganitong katauhan si Jordan!
"Isa!"
pagsisimula niyang pagbibilang.
"Dalawa!"
Nanginginig ang aking paa na humakbang papunta sa loob ng sasakyan.
"Susunod din naman pala. Pinagod mo lang ang sarili mo sa pagtakbo!" sambit niya.
Nang makapasok ako sa sasakyan, agad niya itong pinatakbo. Hindi ako makatingin kay Jordan, hindi ako makapahsalita, at ang tanging nagawa ko na lang ay ang umiyak.
Hindi ko lubos maisip na mangyayari ito sa akin kay Jordan.
Hindi ako makapaniwala na magagawa niyo ito sa akin.
Sa loob ng pitong taon, naniwala ako sa huwad na pakikisama ni Jordan sa akin.
Kahit kaunti ay wala akong napansin sa kanya, o baka naging bulag lang ako sa pagmamahal ko sa kanya?
Ang tanong ngayon, bakit niya ito ginagawa sa akin?
Dahil ba sa galing siya sa hirap, naisipan niyang gawin ito para maging mayaman o mayroon pang iba?
Ano kaya?
Bakit kaya?
Wala akong maisip na dahilan. Imposible naman na naisipan niya lang gawin ito ng pitong taon para lang sa yaman?
Hindi ganyan ang pagkakakilala ko kay Jordan. Matalino siya, at disente, pero ngayon, parang hindi ko na siya kilala!
Dahil sa kakaisip ko, hindi ko na napansin na iba na pala ang dinadaanan namin. Hindi ko alam ang lugar na ito. Ngayon lang ako nakapunta dito!
Gusto ko sana siyang tanungin kung saan kami pupunta pero napapatigil ako.
Ilang saglit pa, itinigil ni Jordan ang sadakyan sa harap ng isang gate. Napalibot ako ng aking paningin sa buong lugar at marami namang kabahayan dito. Hindi ito isang subdivision, kundi ang bahay na ito ay kabilang sa normal na lugar, pero mapapansin na ang bahay na nasa harapan namin ay ang pinakamaganda sa lahat!
Nang bumukas ang Gate, ioinasok ni Jordan ang sasakyan, at itinigil niya sa harap ng isang pinto.
May lumapit na isang lalaki kay Jordan. Lumabas si Jordan sa sasakyan at ibinigay ang susi sa kanya.
Naglakad si Jordan palapit sa akin at binuksan niya ang pinto.
"Halika," anyaya niya sa akin.
Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi gumalaw ang aking katawan sa anyaya niya kaya hinablot niya ang aking braso at sapilitan niya akong pinalabas ng sasakyan.
Nakangiti pa rin siya sa akin na para bang wala siyang masamabg balak. Hindi ko alam pero ibang ibang Jordan ang nakikita ko ngayon. Hindi iyong Jordan na mabait, hindi iyong Jordan na mahinahon, hindi iyon Jordan na minahal ko nang pitong taon!
Sino ba talaga si Jordan?
Sa pagkakaalam ko ay kinilala ko naman siya nang mabuti bago ko siya sagutin.
Inalam ko ang kanyang naging buhay sa pamamagitan ng pagtanong sa kanya!
Iyon ba ang pagkakamali ko?
Naniwala ako sa mga kwento niya na puro kasinungalingan lang pala?
Pero, sino ba naman ako para hindi maniwala? Puro kabaitan ang ipinakita niya sa akin. Binulag niya ako sa mga mabulaklaking salita niya, pinaikot niya ako sa kanyang ka-sweetan, at hinawakan niya ang leeg ko sa huwad niyang pagmamahal!
Nang makapasok kaming dalawa ni Jordan sa loob ng bahay, sumalubong ang isang babae na kinalaki ng aking mga mata.
Hindi niya ako pinansin dahil dumeretso siya kay Jordan, niyakap at hinalikan ito sa aking harapan!
Matapos ang kanilang halikan, tumingin ang babae sa akin na nakangisi.
"Hindi mo naman sinabi sa akin na dadalhin mo ang asawa mo dito, Jordan," sabi ng babae sa kanya.
"Biglaan ang nangyari, Sophia. Naeinig niya tayong nag-uusap kanina!" sabi ni Jordan sa kanya.
Siya iyong babaeng nasa litrato, ang bagong talent ng Agency!
Ang ibig sabihin, tama ang lahat ng hinala ko, na may relasyon silang dalawa!
"Hindi ako makapaniwala na magagawa mo ito sa akin, Jordan!" nauutal kong sambit sa kanya.
"Tanga kang babae ka, eh!" sabat ni Sophia sa sinabi ko.
Dahil sa kanyang sinabi, kumawala ako sa pagkakahawak ni Jordan at mabilis ko siyang sinampal nang Malakas.
Mabilis akong hinila ni Jordan palayo kay Sophia.
"Isa kang haliparot na babae! May asawa na ang lalaki, pinatulan mo pa!" Galit na galit kong sambit sa kanya.
"Excuse me lang, ha, Graciella, pero hindi ako ang may kasalanan dito kung bakit naghanap ng ibang babae ang lalaking minamahal mo," sabi niya sa akin na may diin.
"Anong walang kasalanan? Pumatol ka pa sa lalaking may kasintahan, eh ang dami diyang lalaki na pwede mong pagpilian!" sigaw ko sa kanya.
Tinaasan niya ako ng kilay na mas lalong kinainis ko. Nangingining ang aking mga kamay dahil sa nakikita ko sa kanyang mukha.
Oo nga, malaanghel ang kanyang mukha, malamodelo ang kanyang katawan, pero sa likod ng lahat ng magagandang katangihan niya, nakataho ang itim niyang pagkatao!
"Ops, si Jordan ang lumapit sa akin, Graciella. Pinakuhan niya ako ng magandang buhay at sinabi niyang gagawin niya akong Reyna!" sagot niya sa mga sinabi ko.
"Sino ba namang babae ang makakatanggi sa ganoong alok? Bonus na lang ang kanyang talino, at ang kanyang kagwapohan sa akin, dahil ang importante sa akin ay ang makukuha kong materyales na bagay sa kanya at ang pagmamahal na hinahangad ng iba!" dagdag pa niya.
"Tama na iyan!" pagpapatigil ni Jordan sa aming dalawa.
"Akala ko ba papatayin mo rin siya gaya ng mga magulang niya para makuha mo lahat ng yaman nila? Bakit mo pa dinala ito dito? Bakit hindi mo na lang inilibing iyan kasama ang mga magulang niya?" mga tanong ni Sophia kay Jordan.
Dahil sa mga narinig ko, hindi ko na napigilan ang aking sarili at sinugod ko siya. Hindi ako napigilan ni Jordan kaya malaya kong sinabunutan si Sophia.
"Ahhh! Tulungan mo ako Jordan!" sigaw ni Sophia.
Hiniga ko siya sa sahig at doon ay pinagsasampal ko siya.
Ilang saglit pa ay naramdaman kong may humawak sa aking braso at piantayo ako.
Nang makatayo ako, malakas na sampal ang binungad niya sa akin na siyang nagpaikot ng aking mga mata. Nakaramdam ako ng pagkahilo at nawalan ng balanse ang katawan.
"Huwag na huwag mong sasaktan si Sophia kung ayaw mong hindi na matutuloy ang sinabi kong usapan!" madiin niyang sigaw sa akin.
Napaangat ako ng aking ulo at tinignan ko si Jordan na may panlilisik na mga mata.
"Patayin mo na iyan! Wala nang silbi ang babaeng iyan ngayon, Jordan!" sigaw ni Sophia sa kanya.
"Tumayo ka diyan at pag-usapan natin ang dapat pag-usapan, Grae!" utos niya sa akin.
"At ikaw naman, kumalma ka lang," sabi din niya kay Sophia.
Napasimangot na lang si Sophia dahil sa sinabi ni Jordan sa kanya.
Padabog siyang umupo sa isang sofa dito sa sala.
"Ano pang ginagawa mo diyan? Tumayo ka na para matapos na ito!" sabi ni Jordan sa akin.
Dahan dahan akong tumayo habang naglakad si Jordan papunta sa tabi ni Sophia.
"Halika dito!" pagtawag niya sa akin.
"Huwag mo nang isipin pang tumakas dahil maraming bantay sa labas," sabi pa niya.
Wala akong nagawa kundi ang sumunid sa kanya. Tumayo ako sa kanilang harapan na nanlilisik ang mga mata.
"Hindi ko gusto ang tingin mo, Graciella!" sabi ni Sophia sa akin.
"Tumahik ka nga, Sophia," pagsaway ni Jordan sa kanya.
"Ano ang gusto mong pag-usapan natin, Jordan, para matapos na ito?" deretso kong tanong sa kanya.
"Umupo ka na muna. Baka sabihin mong hindi ako gentleman," sabi niya sa akin.
"Hindi na kailangan. Pagkatapos ng usapang ito, aalis din ako!" sagot ko.
Napabuntong hininga siya at paglatapos ay seryoso siyang tumingin sa akin.
"Ibigay mo lahat ng ari-ari niyo sa akin!" sabi niya na kinagulat ko.
"Ano ka, sinuswerte?! Bakit ko naman gagawin iyon?" agad kong sagot sa kanya.
"Sabi sa iyo, patayon mo na lang siya, eh! Hindi ka nakikinig sa akin!" narinig kong sambit ni Sophia.
"Nag-iisip ka ba, Sophia? Kung papatayin ko siya, baka magkaroon ng hinala ang mga awtoridad sa akin at baka makulobg tayo!" sabi ni Jordan sa kanya.
"Wala namang makakaalam, eh. Sabihin na lang natin na hindi niya nakayanan ang pagkamatay ng mga magulang niya kaya siya nagpakamatay!" sohesyon ni Sophia.
Napailing si Jordan, "Pwede ba, ako na ang bahala dito, Sophia?"
"Ah, basta! Sinasabihan na nga kita para mas madali, eh!" sabi ni Sophia.
Tumayo si Sophia sa kanyang kinauupuan at umalis sa aming kinalalagyan.
"Bakit hindi mo sundin ang sinasabi ni Sophia, Jordan? Madali niyo lang itong malulusutan kung gugustuhin ninyo, ah! Hindi pa kayo mahihirapan!" sabi ko kay Jordan.
Napailing si Jordan dahil sa aking sinabi.
"Dahil wala ka namang kasalanan sa akin para patayin ko, Graciella!" sagot niya sa akin.
"Anong ibig mong sabihin, Jordan? Huwag mong sabihin na pinatay mo ang aking mga magulang dahil hindi sila boto sa iyo noon sa akin?" nagtataka kong tanong sa kanya.
"Ganyan ba kababaw ang tingin mo sa akin, Grae?" tanong ni Jordan sa akin na pinagtaka ko.
"Kung ganoon, ano ang dahilan mo! Sabihin mo sa akin para maliwanagan ako!" may diin kong tanong sa kanya.
"Teka lang naman! Masyado kang atat, eh! Sasabihin ko naman sa iyo ang puno't dulo ng lahat ng ito!" Sabi niya sa akin.
"Makinig kang mabuti para malaman mo kung ano ang ipinaglalaban ko dito, Grae!"