Para akong isang kandila na unti-unting natutunaw, parang bumagsak ang daigdig sa aking kinatatayuan, pakiramdam ko ay mayroong ilang milyong kutsilyo ang tumatama sa aking katawan.
Nangingig ang aking buong katawan habang naglalakad kaming dalawa ni Jordan papunta sa silid kung nasaan ang aking mga magulang.
Hindi pa rin rumerehistro sa aking utak ang sinabi ng pulis kanina sa akin, hindi pa rin ako makapaniwala sa mga narinig ko kanina.
Hindi na natuloy ang aming honeymoon ni Jordan dahil sa nangyari dahil kailangan kong makasigurado na hindi totoo ang mga sinabi ng pulis, kaioangan kong makasigurado na nagkamali lang siya nang sinabi kanina.
Hindi ko inintindi ang mga taong nakatingin sa akin. Nakasuot pa rin ang aking wedding gown, at alam kong nasira na ang make-up sa aking mukha dahil sa pag-iyak ko.
Nang malapit na kami sa silid kung saan sinabi ng nurse sa information desk kanina, mas lumakas ang pagdabog ng aking dibdib. Ayaw kong maniwala sa sunabi ng Pulis sa akin kanina, pero naisip ko kung bakit sa akin siya tumawag!
Nakita ko ang tatlong pulis na nag-uusap sa labas ng kwarto. Nang makita nila kami, may lumapit na isang lalaking pulis na sa tantsa ko ay nasa mahigit apatnapo na ang edad.
"Ikaw po ba si Graciella?" tanong sa aking ng pulis.
Napatango ako da kanyang bilang sagot.
"Nakuha namin ang inyong cellphone number sa cellphone ng isa sa mga magulang mo, Ma'am, at ikinalulungkot ko ang nangyari sa kanila," sabi niya sa akin.
Hindi ako makapagsalita dahil sa sinabi ng pulis sa akin. Napatingin ako kay Jordan, at alam ko na pari siya ay nagulat sa mga nangyari.
Hinaeakan ko ang kamay ni Jordan, at sabay kaming dalawa na naglakad papunta sa kwarto.
Pagdating namin sa bukana ng kwarto, agad kong nakita ang dalawang tao na nakatalukbong ng puting tela. Dito ay hindi ko mapigilan ang masagang luha na lumabas sa aking mga mata.
Naninikip na ang aking dibdib, nahihirapan na akong huminga. Para akong nawalang ng lakas na nakatayo.
Unti-unti kaming naglakad ni Jordan papasok ng kwarto. Tumabi ang ilang nurse na nasa loob. Deretso lang ang tingin ko sa dalawang kama kung nasaan ang dalawang taong nakatalukbong.
Nang makalapit ako sa isang kama, dahan-dahan kong tinanggal puting tela. Nananalangin na hindi si Mom o Dad ang aking makikita, pero nang matanggal ko ang tela, para akong tinamaan ng malakas na kidlat.
Nanlamig ang aking buong katawan at hindi ko na napigilan pa ang aking sarili.
"Mom!" malakas kong sigaw nang makita ko ang mukha ni Mom na puno nang sugat ang kanyang mukha. May nakita akong butas sa kanyang leeg na siguro iyan ang dahipan ng kanyang pagkamatay!
"Anong nangyari, Mom! Paano nagkaganito?!" Naiiyak kong sigaw kay Mom.
Napayakap ako nang mahigpit sa katawan ni Mom. Hindi ako makapaniwala! Kanina lang ay masaya siya dahil sa kasal ko, at kanina lang ay nakangiti siya sa akin!
Naramdaman kong may humaplos sa aking likuran. Alam kong si Jordan iyon, pero para akong nawalan ng pakiramdam.
Ilang saglit pa ay bigla akong nawalan ng hininga. Hindi ko nakayanan ang labis na sakit na aking nararamdaman, hanggang sa mawalan ako ng malay.
Nang imulat ko ang aking mga mata, nakita ko ang aking saeili na nakahiga sa kama.
Napabalikwas ako ng aking katawan nang maalala ko ang mga nangyari kanina.
"Mabuti naman at gising ka na, Grae," sabi sa akin ni Jordan.
"Si Mom? Si Dad, Jordan?" nauutal kong sambit sa kanya.
Niyakap ako ni Jordan nang mahigpit.
"Huminahon ka, Grae, baka mawalan ka na naman ng malay," bulong na sabi sa akin ni Jordan.
Umiyak ako sa kanyang balikat. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, hindi ko alam kung ano ang iisipin ko!
Bakit nangyari ang lahat ng ito sa akin?
Bakit biglaan naman yata ang lahat?
"Ipinaayos ko na ang mga magulang mo, Grae, at bukas na bukas din ay dadalhin na sila sa inyong bahay," sabi sa akin ni Jordan.
Iyak ako nang iyak. Hindi ako makapaniwala na ang pinakamahalaga at pinakamasayang araw sa aking buhay ay siya rin pala ang pinakamasakit sa lahat!
Alam kong hindi ako perpektong anak sa kanilang dalawa. Marami akong pagkukulang, at marami akong naging kasalanan, pero wala silang ginawa sa akin kundi ang iparamdam kung gaano nila ako kamahal!
Noong nagkamali ako sa mga desisyon ko sa buhay, parati silang nasa aking tabi para damayan at pangaralan. Kapag nasasaktan ako, kapag nawawalan ako ng lakas sa buhay dahil sa mga pagsubok na dumating sa akin, sila ang naging takbuhan ko!
Sila ang gumabay sa akin para makamit ko kung nasaan ako ngayon. Sila ang dahilan kung bakit masasabi kong perpekto ang buhay ko, pero ngayon, parang nawasak ang buo kong pagkatao dahil sa nangyari sa kanilang dalawa.
"Tahan na, Grae, ang lahat ng bagay sa mundo ay may katapusan, at siguro, nagawa na nila ang kanilang misyon dito sa mundo kaya kailangan na nilang magpahinga na magkasama," narinig kong sabi ni Jordan sa akin.
May punto siya sa kanyang sinabi lahat ng tao ay mamamatay, lahat ng bagay ay may hangganan, pero hindi maiiwadan na masaktan dahil sa pagkawala ng mahal mo sa buhay.
"Alam kong malakas ka, Grae. Alam kong malalagpasan mo ang nangyari na ito. Nandito lang ako sa tabi mo, at alam kong nakabantay din ang mga magulang mo sa iyo," narinig ko pang sambit niya.
"Hindi sila magiging masaya na makita ka nilang ganyan, Grae. Kilala mo ang mga magulang mo, ang tanging hangad lang nila ay ang kasiyahan mo," dagdag pa niya.
Napahiwalay ako sa pagkakayakap kay Jordan at tumingin sa kanya.
Pinunasan niya ang luha sa aking mga mata at ngumiti siya sa akin.
"Alam kong ibayong sakit ang iyong nararamdaman ngayon dahil sa pagkawala ng mga magulang mo, pero kailangan mong tanggapin ang mga nangyari, Grae. Wala na tayong magagawa pa kundi ang ipagdadal silang dalawa," sabi pa niya sa akin.
Dahil sa mga sinabi ni Jordan sa akin, medyo kumalma ang aking katawan.
Hinawakan niya ang aking mga kamay, " Magpahinga ka na muna, at bukas na bukas rin ay pupuntahan natin ang mga magulang mo."
Kinabukasan, alas dyes ng umaga ay agad kaming pumunta sa aming bahay ayon na rin sa sinabi ni Jordan sa akin na doon nila dinala ang mga magulang ko.
Pagdating namin dito sa bahay, inaayos pa ng Funeral Service ang paglalagyan nila. Hinintay namin silang matapos hanggang sa buhatin nila ang mga labi ng aking mga magulang.
Napalivot ako ng aking paningin sa buong bahay. Maraming mga magagandang ala-ala ang bahay na ito sa amin. Dito kami nagsamang pamilya, dito naming ipinaramdam ang aming pagmamahal sa bawat isa, dito ako nagkaroon ng isipan, dito jila ako tinuruan tungkol sa buhay.
Ang mga masasayang pangyayari kasama ang aking mga magulang ay isa na lamang magandang ala-ala na habang-buhay kong dadalhin.
.......
Siyam na araw din nanatili sa bahay ang mga labi ng aking mga magulang.
Dahil sa nangyari sa kanila, marami ang nagulat at hindi makapaniwala.
Dumalaw ang mga kaibigan ng aking mga magulang. Mga negosyante, mga kamag-anak, mga empleyado ng aming kumpanya, at ilan sa mga tinutulungan nilang tao para makiramay.
Hindi naman lingid sa aking kaalaman na mayroong foundation at dalawang bahay-ampunan na tinutulungan ni Mom dito sa aming syudad. Iyon ang pinagkaabalyan nilang dalawa ni Dad noong isinalin nila sa akin ang Agency, kaya alam kong maraming nagmamahal sa kanilang dalawa.
Makalipas ang siyam na araw, inihatid na namin sila sa kanilang huling hantungan. Bago nila ibaba ang kanilang mga kabaong sa hukay, nagkaroon muna ng misa, at sa huli, nagbigay ako ng pamamaalam sa kanila.
"Masasabi kong ako na ang pinakamaswerteng anak sa buong mundo dahil sila ang naging magulang ko," paninula ko.
"Ang aking Ama ay istrikto sa akin dahil nag-iisa lang akong anak. Wala naman akong naging problema sa pagiging istrikto niya dahil alam ko naman na para sa akin kabutihan ang mga ginawa niya sa akin. Siya ang tumulong sa akin para matuto ako sa maraming bagay, tulad na lang ng pagjawak ng aming kompanya, kung paano makisalamuha sa ibang tao, kung paano maging matatag at marami pang iba," pagpapatuloy ko.
Muli na namang lumabas ang luha sa aking mga mata. Alam ko sa aking sarili na hindi ko na naman mapipigilan ang aking emosyon, pero gaya nga ng sinabi ni Jordan sa akin, kailangan kong tanggapin ang lahat na nangyari.
Pinunas ko ang aking luha gamit ang kaliwa kong kamay, at pagkatapos ay nagpatuloy sa aking mga sasabihin.
"Si Mom, hindi matatawaran ang kanyang naging sakripisyo bilang ina sa akin. Pinaramdam niya ang purong pagmamahal sa akin bilang anak niya. Ginabayan niya ako sa pagiging mabuting babae, tinuruan niya ako sa mga gawain ng isang babae. Sinuportahan niya lahat ng aking mga gusto kahit na taliwas kay Dad ang ilang dito. Pinaglaban niya ako at naniwala siyang kaya ko, na tama ako."
Humugot ako nang malalim na hininga at kinalma ang aking sarili.
"Kaya masasabi kong ako ang pinakaswerteng anak sa mundo dahil sa kanilang dalawa. Ibinigay nila ang lahat sa akin mula sa materyal na bagay hanggang sa emosyonal na aspeto. Hindi sila nagkulang sa akin sa pagmamahal, sa pag-aalaga, at sa paggabay kung ano ako ngayon. Sila ang dahilan kung bakit ko narating ang minimithi ko. Kahit pa na marami akong pagkukulang, mga kasalanang nagawa sa kanila, hindi nila ako iniwan, at sa huli ay bukas ang kanilang palad sa akin!"
Tumingin ako sa aking mga magulang at ngumiti. Pinunas ko ulit ang luha sa aking mga mata.
"Mom, Dad, salamat sa lahat-lahat na ibinigay niyo sa akin. Sinisigurado ko sa inyo, na lahat ng aral na itinuto niyo sa akin ay dadalhin ko hanggang sa muli nating pagkikita. Salamat at mananatili kayo palagi sa aking puso at isipan. Mahal na mahal ko kayo!" pagtatapos ko.
Matapos ang aking pamamaalam sa aking mga magulang, nilapitan ko ang kanilang mga kabaong na may hawak na puting rosas.
Nagsimula ang isang malungkot na tugtog habang pinagmamasdan ko sila sa huling pagkakataon.
"Huwag kayong mag-alala sa akin, Mok, Dad. Alam kong parati niyo akong gagabayan sa lahat ng oras, alam kong hindi niyo ako iiwanan. Magpahinga na kayong dalawa, at ipagpatuloy ang inyong pagmamahalan sa Paraiso, kasama ang Maykapal," sabi ko sa kanila at inilagay ko ang mga puting rosas sa salamin ng kanilang kabauong.
Sumunod naman ang mga nakikiramay na maglagay ng puting rosas kay Mom at Dad habang patuloy na tumutugtog ang malungkot na musika.
Nang matapos na ang lahat, unti-unti na nilang ibinaba ang kabauong ng aking mga magulang. Umiiyak at lumalabas pa rin ang luha ko sa aking mga mata habamg pinapanood ko silang unti-untong bumababa.
Nang matapos ang libing, isa-isa nang umuwi ang mga nakiramay. Naiwan naman ako at kasama ko si Jordan.
"Hindi pa ba tayo uuwi, Grae?" tanong sa akin ni Jordan.
"Dito na muna tayo ng kahit ilang minuto lang," sabi ko sa kanya.
Hindi na nagsalita si Jordan nang sabihin ko iyon sa kanya. Alam kong naiintindihan niya ako kaya nanahimik na lang siya.
Habang nasa ganoong pagtayo kaming dalawa, biglang nag-ring ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito at tumingin sa akin.
"Sagutin ko lang ito, Grae," paalam niya sa akin na kinatango ko na lang.
Nanatili akong tumayo sa harap ng puntod ng aking mga magulang dito sa isnag pribadong sementeryo.
"Huwag kayong mag-alala, Dad, Mom, palagi ko kayong dadalawin dito. Hindi pa ito ang huli nating pagkikita, dahil alam ko na muli tayong magkakasamang tatlo sa piling ng Maykapal," sabi ko sa kanilang dalawa.
Nang masabi ko ang mga katagang iyan, tumalikod na ako sa kanila at pinuntahan si Jordan.
Naglakad ako papunta sa aming sasakyan, at nakita ko siyang may kausap sa kanyang cellphone.
"Huwag kang mag-alala, pupuntahan kita kaagad." Narinig kong sabi ni Jordan sa kausap niya.
"Oo, maghintay ka lang at susunod na siya. Nagawa ko na nga sa mga magulang niya, madali ko na lang magagawa kay Graciella iyon," sabi pa niya na kinagulat ko.
Anong ibig sabihin nito?
Aning sinasabi ni Jordan sa kausap niya?
"Sinisigurado ko na mapapasaakin lahat ng yaman nila, kaya maghintay ka lang. Plaplanuhin ko pa kung paano ko papatayin si Graciella!"