JERK

1092 Words
KABANATA 4 JERK Matatanggap ko kung sa ibang bahay o hotel sila. Pero para akong nandiri nang makitang sa mismong kama namin nila ito ginagawa. Here's to your patience and love. Cheers to your fate, Devina Lalaine Almirante. F*ck the fleeting happiness and your promises. "Sweetie? Akala ko kung ano na ang nangyari sayo kaya umakyat ako. Nandyan ba ang asawa mo?" Agad kong pinunasan ang mga luha ko bago pa man makita ni mama. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at iniba ang sagot. "W-Wala po, ma. Alis na po tayo. Dumating kasi si Voss ngayon. Nasa airport na at magpapasundo kay Tito Ortiz." Agad naman na napangiti si mama. Mama is very fond of Voss, that's why. "Really? I want to see him! Invite him to have dinner with us tonight or maybe tomorrow!" masigla nitong untag. "Sige ma. Tara na po, wala pong ibang tao dit—" TUD! Napahawak ako sa braso ni mama nang makarinig kami nang malakas na tunog mula sa itaas. Tinignan ako ni mama na may pagtatakha ngunit may pagbabanta sa kanyang mga mata. Napalunok ako. "I'll ask you again, Devina. Nandito ba si Yuan?" Her serious voice intimidates me. Umiling ako, "W-Wala po." Isang marahang pagtanggal ng kamay ko sa pagkakahawak sa kanyang braso at maawtoridad na naglakad paakyat sa hagdanan ang ginawa ni mama. Agad akong nataranta. "Ma!" pigil ko sa kanya. "Manatili ka lang dyan, Devina! Nasisiguro kong puro kasinungalingan lamang ang sinabi mo sa akin kanina!" Nanginig ako sa takot na baka mahuli niya si Yuan. Sinong hindi masisindak sa bagsik ng galit ng isang Deviana Melaine V. Guerrero? Hindi siya nagagalit ng basta-basta lang at palaging kalmado. Pati si papa ay hindi kayang galitin si mama. Hindi pa man kami nakakaakyat ng tuluyan ay kaagad na naaninag ko ang katawan ni Yuan. Wala itong saplot maliban sa isang tuwalya at kasunod nun ay si Caren Zyller, ang sikat na modelong matagal na niyang itinatago sa akin. "What is the meaning of this?!" Galit na galit na si mama. Kitang-kita ang gulat sa mukha ni Yuan at ni Caren. Sa isang iglap nakalapit si mama sa kanila at hinila ang buhok ni Caren. Tumakbo ako para pigilan si mama. "Ma! Ma tama na!" "Tumabi ka dyan, Devina! At ikaw Yuan! Mag-impake ka na at magmula ngayon hindi na kita kikilalanin bilang asawa ng anak ko!" Iniisip din siguro ni mama na nagsinungaling ako tungkol sa sinabi kong pinirmahan ko ang annulment paper kanina. Hinigit ni Yuan si Caren at itinago sa kanyang likod. Hindi ko man sinasadya'y nakikita ko ang sarili ko kay Caren noong pilit din akong ipinaglalaban ni Yuan sa mommy niya. Hinawakan ko ang kamay ni mama pero inalis niya ito. Bumilis ang paghinga ko at sinabayan pa ng paninikip ng dibdib ko. "Why are you doing this, Yuan? Akala ko matino kang lalaki! Such a jerk!" Nasundan pa iyon ng malulutong na mura. Hindi ko na mabilang kung ilang beses nang minura ni mama si Yuan. Kalmado lamang si Yuan pero ako ay pinipilit ko na lamang na huwag mawalan ng malay. "Well, you have mistaken me, Mama. I fell out of love, we fell out of love," sagot ni Yuan. "It doesn't matter if you fell out of love. What matter here the most is that girl! Pumili ka naman sana 'yung matino-tino naman!" sabay turo ni mama kay Caren. Of course my mother hates the Zyller Clan. We all know that they are all greedy. Hindi lang ako nagsasalita kay Yuan. Malay natin kung alam niya pala tapos tanggap pa rin kung ano siya... Sana tanggap niya rin ako sa kabila ng pagkukulang ko. Sana tulad ni Caren magagawa kong manganak. "She's the one who will ruin your life! The life of my own angel!" malakas na sigaw ni mama kay Yuan na napapapikit na lang. Naging memorable nga talaga. Hindi maalis sa sistema ko ang mga nasaksihan ko. Susugurin na sana ni mama si Caren pero pinigilan ko siya. At sa isang iglap ay nakalapit naman sa akin si Caren at itinulak ako nang malakas. Nanlaki ang mata ko nang maramdamang nadulas ang mga paa ko at diretsong nahulog sa hagdan. Doon ko pa lamang nagawang sumuko sa sakit at kirot na pilit kong nilalabanan. Hindi kayang indahin at tanggapin ng sistema ko ang sakit. Before I could even think of anything, my vision becomes blurry and then I lose consciousness. I always ask myself about fate. I thought believing in my own fate will lead me to the right path. I choose to let it manipulate me. The more I believe, the less my luck is. The more I want to be happy, the high of my chance to pent myself in darkness and live in vain without hesitation, without having a second thought, without regretting any thing. I used to be contented with my own answers to my own questions. I always don't question my fate. But one day I woke up in this kind of situation. I can't answer the simplest question on earth. I always ask for answers. How silly me. Not knowing about the rules of life. There's no winner if there is no loser. Everything becomes blurry when I let fate ruin my plans in life. My focus is slowly sifting but I can clearly see how vague my destiny is, the end of my life. Malakas na sigaw at pagkakataranta ng mga tao ang naririnig ko. Hindi ko maramdaman ang katawan ko. Para akong lumulutang. Napakasarap ng simoy ng hangin. Isang paghigit ang nagbalik sa akin sa aking huwesyo. Akala ko namamalik-mata lang ako pero nasa harapan ko iyong taong pinangarap kong tumanda kasama ako. 'Yong taong kahit paulit-ulit akong saktan magagawa ko pa ring patawarin. 'Yong taong kahit gaano ako kagustong mawala sa buhay niya mananatili pa rin akong naghihintay para sa kanya, mananatili akong sa kanya, mananatili... kahit sobrang sakit na. "Are you out of your mind!? Kakagising mo lang tapos magpapakamatay ka!? Masyado bang nabagok 'yang ulo mo at iyan ang naging epekto, ha, Vina?!" ang galit na galit nitong boses ang mas nagpaklaro sa aking paningin. Ramdam ko ang sobrang lakas na pagtibok ng puso ko, kasabay nun ay ang paghahabol ng hininga ni Yuan. Ngumiti ako sa kanya na parang wala sa sarili. Ngayon ko lang napansin na nasa rooftop ako ng hospital. Madaming nakaaligid at nagbubulungan. Niyugyog ako ni Yuan kaya napatingin ako sa kanya. Bago pa man ito makapagsalita ay agad na akong nagtanong. "Anong petsa na ngayon?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD