KABIT

1036 Words
KABANATA 3 KABIT Memorable my a*s. Dalawang araw pa lang ang nakakalipas hindi ka na makatiis. Paano pala kung ginawa kong sampung araw? Huminga ako nang malalim bago tinignan si mama. Hindi ko na naitago ang pamumugto ng aking mga mata. There's no need to hide it from her. We are talking about how did Yuan find out the truth. Mama explained everything to me. "Sinabi ko iyon dahil narinig niya kami ng doctor mong nag-uusap kahapon sa isang cafe. Alam kong hindi sinasadyang maitanong ni Dr. Sasha ang tungkol sa nangyari noon. At hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa niya roon. Pero hija hindi ko rin alam kung bakit kailangan mong itago iyon sa asawa mo? Nalaman naman na niyang hindi na kayo magkakaanak pa kailanman hindi ba?" Gulong-g**o na rin si mama sa lahat pero umiling ako. Ayaw sagutin ang tanong niya. Pumikit ako nang maramdamang para na naman akong nahihilo at masusuka. Nandito na naman ang sintomas nito. Hindi ko na lang ipinahalata kay mama na masama ang pakiramdam ko. "Ang sabi ni Dr. Sasha matagal mo nang tinigilan ang therapy mo. Kinansel mo rin ang appointment mo kay Dr. Dhellian. Nagpalit ka ba ng doctor? Anak noon pa man, gusto kong itanong kung hindi mo tinuloy ang mga therapy mo?" nag-aalala ang tono ng boses ni mama pero maawtoridad pa rin. Hindi ko kayang umamin sa kanya kaya agad akong umiling. "No, ma. Kung iyon ang gusto niyong malaman matagal ko nang hindi itinuloy lahat ng tests ko. Okay naman na po ang pakiramdam ko. Mabuti po lahat, hanggang ngayon..." pagsisinungaling ko. Mama stared at me for a little while. Nang makumbinse sa expression ko ay agad na nagtanong. "Hindi ka na nahihilo?" Umiling ulit ako. Kunting push pa, Devina. Matatapos din lahat ng pagsisinungaling mo. Hinawakan ko ang kamay ni mama at ngumiti. Ang gaan sa pakiramdam. Parang ayoko nang bumitaw sa kamay niya. "How about vomiting?" pagpapatuloy niya. "Ma, sabi ng doctor okay na ang sakit ko. Wag kang mag-alala." "Hays. Eh kumusta naman kayo ng asawa mo?" "Hindi po kami okay. Ma, pinirmahan ko na ang annulment paper." Nanlaki ang mga mata ni mama. Hindi ko binawi ang sinabi ko. Nagsalita na agad ako para pigilan siya sa anumang sasabihin niya. Mama is very understanding. Kaya kapag nagpapalusot ako ay nauuna akong magsalita para mapaniwala ko agad siya. "Siguro po hindi kami itinadhanang magka-anak pero sa ibang babae pupwede syang magka-anak. Hindi ko naman po ipagkakait sa kanya ang maging isang ama. Kaya naisip ko na mas mabuting hiwalayan ko siya at nang makapag-asawa siya. 'Yong babaeng kayang maging responsable bilang isang ina. Gusto kong mahanap niya iyong babaeng kaya siyang bigyan ng anak at mahalin higit pa sa pagmamahal ko sa kanya." Mabuti na lang at hindi ako nautal. Nangilid ang luha ko nang makitang umiiyak si mama. Agad niya akong dinaluhan at niyakap nang mahigpit. "May hindi ka pa ba nasasabi sa akin?" Suminghot ako at tumango. Hindi ko kayang kimkimin lahat. Pero siguro naiintindihan niya iyon sa simpleng pagtango ko lamang. Her hugs and comfort is all I need right now. It's healing me. "Bakit masyadong mahigpit ang tadhana para sayo, anak? Buong buhay ko nasaksihan ko ang kabutihan mo pero bakit ganito ang kapalaran mo?" Mas humigpit ang yakap ko kay mama. Dahil iyon ang kapalarang pinili ko. No matter how hard it is for me, I'll choose to continue my journey. The path I've been taking is the right one. It happened that the worst trial has come so fast and is willing to take my happiness from me. This is the end, the reality of the fairytale I've been dreaming for to be ended in a possible happy way. No, it can't be happily ever after because the story had been written to be a tragic one... Pero hindi ba tayo ang gumagawa ng tadhana? Panahon na rin siguro para hindi kapitan ang tadhana ko't gumawa ng para sa sarili ko. If I choose to not end the story, I am willing to be a villain. As long as I can see him happy and contented in his life. "Kukunin ko lang po iyong passport ko. Huwag niyo na lang po tawagan si Voss. Baka pa ma-rush na naman ang flight niya, " paalam ko kay mama bago lumabas ng kotse niya. She nodded. "Hintayin na lang kita, anak. Pina-cancel ko muna ang meeting ko." "Sige, ma." Dumiretso ako sa loob ng bahay. Wala ang mga kasambahay dahil day off nila ngayon. Kaya panigurado walang tao sa bahay. Dahan dahan akong umakyat dahil nararamdaman ko pa rin ang pagsakit ng ulo ko. Nanghihina na ako at alam kong namumutla ako. Para na rin akong masusuka. Hindi naman ganito ka sakit tulad ng dati pero parang natriple ang sakit at kirot... This is unbearable! Tumunog ang cellphone ko kaya napatigil ako sa paglalakad. Agad ko itong sinagot na hindi tinitignan kung sino ang tumawag. "Hello?" pagbati ko sa kabilang linya. "Hi, little sunshine! Hindi mo man lang ba ako susunduin dito sa airport?" masiglang ani Voss sa kabilang linya. "Voss? Dumating ka na?" gulat kong tanong at tumuloy sa paglalakad papuntang master bedroom. "Yup. Actually kakarating ko lang." Hindi ko pwedeng sabihing aalis din ako papuntang ibang bansa ngayon. Pero mukhang sa susunod na lang ako makakaalis. "Hindi kasi ako makakapagdrive ngayon. Sumasakit kasi ang ulo ko." "It's okay. I'll call my uncle to fetch me up here later. Magpahinga ka, okay? Let's just meet tomorrow." Tumango ako kahit hindi niya nakikita bago patayin ang tawag. 'Yong passport ko nalang ang kukunin ko. Baka nababagot na sa kakahintay si mama sa labas. Pipihitin ko na sana ang door knob pero nakaawang nang kunti ang pinto! "Nandito ba si Yuan?" tanong ko sa sarili ko at tuluyan itong itinulak para pumasok. "Yua—" Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ko agad akong napatakip sa aking bibig. There, on our own king size bed, gumagawa ng kababalaghan ang asawa ko at ang kabit niya. Hindi ko man sinadya pero agarang nagsi-unahan sa pagpatak ang aking mga luha. Bago pa man nila ako makita ay agad akong tumakbo palabas habang hinahabol ang hininga.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD