SORRY

1263 Words
KABANATA 5 SORRY "Anong petsa na ngayon?" Napakunot ang noo ni Yuan. Napaawang ang bibig ko nang ipakita niya sa akin ang date sa cellphone niya. "August 04… anong petsa—" "Tatlong araw kang natutulog." Hindi ako na-amnesia... Pero pitong araw ang sinabi sa akin ng doctor ko. Pitong araw lang ang natitira sa akin dito sa mundo. At ngayon ay nabawasan ng limang araw. Pumatak ang luha ko at hindi napigilan ang sariling halikan si Yuan sa harap ng maraming tao. Pumikit ako nang gumanti ito sa paghalik. Sana hindi ito ang panghuli. Sana hindi na lang ganito ang tadhana namin. I want my fate to goes the other way around. Kahit ako pa ang pinakamahirap sa buong mundo basta't magka-anak lang kami. Kahit palagi akong nagkakalagnat hindi lang ang magkaroon ng isang incurable disease… Kung tinuloy ko ba ang therapy ko bago pa man ako mabuntis magiging maganda ba ang kinabukasan namin? What if our fate is connected. What if I am not suitable to carry a child in my womb, then he is destined to accept everything about me. Including my flaws and imperfections. What if he didn't meet Caren? What if our child is alive? What if the three of us survived? Bakit hindi palaging pabor sa akin ang panahon at tadhana? Ano bang pagkukulang ko? "I love you, baby..." ang naisambit ko bago mawalan ng malay. "It triggers her Addison's Disease. Before the accident happened, she already stopped taking her therapy, tests and diagnosis. So basically we haven't treated it and it worsened to the point that she has suffered Addisonian Crisis. Hindi ko maintindihan kung bakit mas gugustuhin niyang mabuhay ang bata kaysa siya ang mabuhay. Hindi kami nagkaroon ng pagkakataong sabihin lahat ito sayo bago pa man lumabas ang resulta. Naaawa lang ako sa kanya. Nandoon ako noong oras na nagmamakaawa siyang itago iyon sayo." Nagising ako nang makarinig ng boses. Hindi ko muna idinilat ang aking mga mata. Sobrang hina na ng katawan ko. Parang hindi ko pa maigalaw ang aking mga daliri. "Ibig niyo pong sabihin pinilit niyo siyang magpa opera dahil kung hindi dalawa silang mamamatay?" Ang boses ni Yuan ang nagpaklaro sa aking pandinig. Sumunod ang boses ni Dr. Sasha. "Yes, Mr. Almirante. But that's 58% of her chance to be alive. She took risks. The operation was successful then. Kahit pa alam niyang hindi na siya muling magkakaanak inalala ka niya. Akala ko alam mo na ang tungkol sa sakit niya dati pa? Addison's Disease is not a joke." "Wala po siyang nasabi sa a-akin." Napaluha ako nang mahimigan ang pagkabalisa sa boses ni Yuan. "You could have noticed the symptoms of her disease." Hindi ko narinig na sumagot si Yuan. Halata naman lahat ng symptoms ng sakit ko. Pero sa tuwing tinatanong ako ni Yuan at sinasabing magpakita sa doctor ay sinasabi kong stress lang sa work. Later on nasanay siya. I suffered from hair loss, muscle weakness and fatigue, fainting, and vomiting. Ang ibang sintomas maliban sa nabanggit ay hindi napansin o nakita ni Yuan. "I am sorry to say this but she only have 2 days to live her life. We can't treat her Addisonian Crisis." Naramdaman ko ang paglayo ng mga boses. I opened my eyes. My tears fell. Nasaan na si mama? Hindi man lang ba ako binisita ni Farah o ni Voss? Dahan-dahan akong bumangon. Pero bago pa man ako makabangon nang mabuti ay bumukas ang pinto at bumungad doon si Yuan. Nag-iwas ako ng tingin. Agad siyang lumapit sa akin. "Huwag mo munang piliting bumangon." Sabay hawak sa balikat ko. "O-Okay lang ako. Nasaan ba si mama? Dapat siya 'yong nandito..." mahina ang pagkakasabi ko nun pero narinig niya ata. "Bakit? Wala bang karapatang ang asawa mo na alagaan ka at bantayan dito?" "Hindi ba naibigay ko na sayo ang annulment paper? Bakit ka nandito? Dapat kasama mo si Caren—" "Pinunit ko na" "Huh?" Kinuha niya ang isang evelope na may nakalagay na papel na punit-punit na. Pinunit niya ulit ito. Napakagat ako sa aking labi. "Pinunit ko na. Walang hiwalayang magaganap," matigas nitong untag. Napatungo ako nang maalala ang sinabi ng doctor. Dalawang araw. "Iiwan din kita," malungkot kong tugon. "Pero mananatili ka sa aking puso't isipan." Para akong namamangha sa kanyang mga sinasabi. Ganito naman siya dati pero naninibago ako. Napabuntong hininga na lang ako. Nahagilap ng tingin ko ang laptop ko, isang camera, isang diary at isang bonnet sa lamesa. "Nahanap ko lang iyan. Napanood ko na lahat at ang lahat ng records ay na-send na sa akin ng kaibigan mo. Alam ko na lahat... And I am sorry. Alam kong hindi sapat ang sorry ko. Sabihin mo sa akin kung anong dapat kong gawin," he sincerely said. Umiling ako. Wala siyang dapat gawin. Napatawad ko na siya dati pa. At papatawarin pa rin kung may susunod pang mga kasalanan na magagawa niya sa akin. "Ang laki ng pagkukulang ko, Vina. Hindi ko alam paano ako magsisimula. Kahit ako na lang ang kunin ng Diyo—" "Mas hindi ako mabubuhay kung mawawala ka, Yuan. Mas mabuting ako na dahil ito ang nakatadhana para sa ating dalawa." Tumabi ito sa akin at niyakap ako. Medyo gumaan ang pakiramdam ko nang dumampi sa leeg ko ang mainit niyang hininga. This is the feeling I missed the most. "Siguro nga tadhana na ito. Sakali mang nakatadhana nga talaga tayo sa susunod nating buhay, hahanapin kita pagdating ng araw na iyon. Hindi ko man kayang gawing memorable ang dalawang huling araw mo, kahit sa ngayon gusto kong malaman mo na mahal kita. Nabulag lang ako sa kagustuhan kong magkaroon ng anak. Hindi nagbago ang nararamdaman ko sayo. Alam kong masyadong nakakabigla, but I do really love you, baby." Humikbi ako nang marinig iyon. Dalawang taon ko itong hinintay pagkatapos niyang manlamig. Dalawang taon at salamat sa Diyos at ito'y dumating. Hindi man napaaga pero ang mahalaga narinig ko. Ang mahalaga nasaksihan ko. Ang mahalaga ako pa rin ang pinili sa huli. "If fate is kind enough to let us meet in after life, if only God will let us reunite again, if we are destined to love one another again, I am willing to go first," nakapikit kong sambit. Yuan hugged me from behind. "Take me with you." "You can't. You still have to live your life. Your purpose here hasn't ended yet. Maybe you'll find someone better than me. Someone who can fulfill your dream to have a huge family," pagkukumbinse ko sa kanya. "No. You're the only one." Masyadong malambot ang puso ko sa kanya. Sa simpleng matatamis na salita ay napapagaan na nito agad ang puso ko. Maybe because I am too attached. Dahil nagdadalaga pa lamang ako ay nasanay na ako sa kanya. Sanay na sanay na ako sa lahat. I caressed his arm, "I love you, I love you and I love you always. Only God knows how much I love you and how much I am willing to always be with you. Promise me you'll protect yourself and live your life the way you wanted it to be. Promise me that you will always pray." Huminga ako nang malalim. I think this is my last words to him. Pakiramdam ko maglalaho na ako. Napahigpit ang pagkakayakap niya sa akin. "I promise that I'll love you forever," malambing nitong sagot. Tinampal ko ang braso niya dahil sa iba ang isinagot niya. Tumawa ito nang mahina. Hindi pa rin pala siya nagbabago. Siya pa rin iyong kilala kong Yuan Harris Almirante na mapagbiro. That made me happy.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD