BUNTIS

1150 Words
KABANATA 2 BUNTIS When I was young I love watching anime. Later on I learned to love fairytales. Until I met Yuan when we were in highschool. He made me believe that fairytale really do exist. Nine years of having a relationship with him at a very young age, wala na akong ibang mahihiling pa dahil para sa akin perpekto ang relasyon namin. He proposed on the exact date of our 10th Anniversary. Kung tutuusin kilalang-kilala na namin ang isa't isa. Pero bakit ganito ang nangyari? Because this is our fate? Or maybe we just happened to cross path and later on we will parted our ways to meet our destinies because we are just enjoying our time together on our way to our own destination? It feels like my heart is pierced by a sword every time I think of it. Someone taught me to be more thankful as time passes by. Kasi nakasama ko siya nang matagal kahit alam kong panandalian lang 'yon dahil hindi naman talaga siya para sa akin. Kumbaga nakaw lang, nakaw sa totoong taong nakatadhana sa kanya kasi selfish ako. Kasi gusto ko siyang makasama habang hindi pa ako nagdedesisyong umalis. Gusto kong maging selfish kasi ayoko pang umalis. Gusto kong ipagdamot ka kahit tadhana na ang gumagawa ng paraan para magkalayo tayong dalawa. Nginitian ko si Voss at kumaway sa kanya. Isang pagkindat ang naging tugon niya sa akin. Nasa isang resort ito, ang nakikita sa background niya. "Hey there, little sunshine. How's your life there?" natatawa nitong tanong sa akin habang inaayos ang butones ng kanyang suot na polo. "Doing good. How about you? I believe that a Marshal doesn't have a time to enjoy his life," bakas ang panunudyo sa aking boses. "Actually it goes the other way around. A Marshal should enjoy his life before he dies. Sayang naman ang kapogian ko kung walang makakakita." Kumindat siyang muli. "Eww, kapogian? Naririnig mo ba ang sarili mo Voss? So… gross." kunwareng nandidiri ako. Isang paghalakhak ang naging tugon niya. Lumipas ang tatlong minuto at tahimik lang itong nakatitig sa akin na para bang magkalapit talaga kami. Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Hindi pa rin ba kayo nagkakaanak?" seryoso ang kanyang mukha at seryoso rin ang kanyang pagkakatanong. Umiling ako. Tumango na lamang siya. He is Voss Terrain. My childhood bestfriend who lives in France. He is a Marshal there. Isang doctor ang kanyang ina sa isang private hospital dito. Ang papa niya'y isang martial artist naman at dating Marshal din sa France. Oo, hiwalay ang kaniyang mga magulang. Isang mabigat na pagbuntong hininga ang narinig ko sa kanya. Napabuntong hininga na lang din ako. Sinulyapan ko ang wrist watch ko at nakitang alas nuebe na ng gabi pero hindi pa rin nakakauwi si Yuan. Nasaan kaya siya? Tumawag ako kanina sa sekretarya niya pero ang sabi kanina pa siya umalis sa office pagkatapos ng meeting niya. "Alam mo namang walang pag-asa, Voss. Kung meron lang sana ede humanap na ako ng paraan magka-anak lang kami," mapait ang pagkakasambit ko sa bawat kataga. Hindi na lang nagtanong pa ulit si Voss tungkol sa bagay na iyon. "By the way, uuwi ako diyan sa Pilipinas pagkatapos ng limang araw, I guess?" pag-iiba niya ng topic. "Wala kang ibang mission?" tanong ko. "Wala. Tapos na rin kasi ang shooting nina Valerie dito kaya nagpaalam muna akong magbakasyon ng dalawang buwan." "Say hi to Irie for me. Paki sabi hindi ko naipadala kaagad ang gusto niyang painting ko kasi na-busy ako sa kompanya. Pero ipapadala ko kaagad bukas!" Tumango ito bago sumagot ng patanong, "Asan ba si Yuan?" "N-Nasa after party ng mga kaibigan niya. " Kinabahan ako. Sana nga nasa after party lang, hindi nambababae. "Kumusta kayo ni Stella?" Sa pagkakataong ito ako naman ang nag-iba ng topic. "I told you before that I don't like her." He rolled his eyes. Tumawa ako nang malakas. That's his usual expression when he is annoyed. Kay Farah niya iyon nagaya noong highschool pa lamang kami. "Ang ibig kong sabihin nag-uusap pa rin ba kayo?" "Not really… oh hi, Yuan!" Napatalikod ako at napaharap kay Yuan. Wala itong ekspresyon at tuloy-tuloy lang ang lakad. Nilagpasan ako at hindi rin binati si Voss kahit pa ayos naman silang magkaibigan. Napabuntong hininga ako sa kanyang iniasta. Mukha siyang wala sa mood. "I'll call you tomorrow. Seems like the king is not in the good mood, bye Voss." Kumaway ako. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong sumagot at pinatay ko na ang laptop ko. Patakbo akong umakyat sa hagdan. Pagkabukas ko pa lamang ng pinto agad akong nasindak sa pagbato ni Yuan ng aming picture frame sa sahig. Natulala ako nang makitang basag na ito at muntik nang mapunit ang larawan naming dalawa. "Ano bang nangyayari sayo?" mahina kong tanong pero sinamaan niya lamang ako ng tingin. "Ito ba ang paraan mo para hanggat hindi mo pa napipirmahan ang annulment paper ay pagsisihan ko lahat ng ginawa ko sayo?!" His thunder-like voice was heard in our room. Nasindak ako roon. "What are you talking about?" Nanginginig ang mga tuhod ko. I've never seen him this angry. He's always gentle when it comes to me. "Bakit mo hindi sinabing buntis ka noong araw na naaksidente tayo?" nanggagalaiti nitong tanong. Natahimik ako. Bakit ko pa sasabihin sayo kung namatay rin naman ang anak natin, kakamuhian mo ako at ang dahilan ng aksidente ay ang pagkamatay ng anak natin na mauuwi sa hindi na ako kailanman magkakaanak. Nangilid ang luha ko. "Sagutin mo ako, Devina! Bakit pinadaan niyo pa ng maraming taon bago niyo napagplanuhang aminin sa akin!?" Mas nanginig ako sa galit na galit nitong boses. Nagsi-unahan na sa pagpatak ang aking mga luha. But still I managed to answer him. "KASI ALAM KONG KAHIT ANONG PAGPAPALIWANAG ANG SABIHIN KO HINDI KA MANINIWALA. ANG SASABIHIN MO SINADYA KONG PATAYIN ANG ANAK NATIN! KUNG GAANO KA KADISPERADONG MAGKA-ANAK GANUN DIN AKO KADISPERADONG INDAHIN LAHAT NG SAKIT PARA LANG HINDI MO AKO IWAN!" Huminga ako nang malalim, "KAHIT SOBRANG SAKIT NA MAKITA KANG NAGKAKAGANUN TINIIS KO. BAKA SAKALING MAISIP MO NA KAHIT WALA TAYONG ANAK BASTA'T KASAMA MO AKO MAGIGING M-MASAYA PA RIN TAYO!" Nasundan iyon ng paghikbi. Sa araw na naaksidente kami ay buntis ako. Ang sabi ng doctor kinakailangang ma-operahan ako pero maaapektuhan ang bata. Kung hindi ako magpapaopera mamamatay pa rin ang bata at maaaring mamatay rin ako kasabay niya. Nagpa-opera ako, pero nagkataong pang huling anak na pala iyon… dahil hindi na ako kailanman magkakaanak. Dahil sa dating sakit ko, naapektuhan ang bata... Kasalanan ko ang lahat! Kasalanan ko kaya hindi ko na dapat pinupwersa si Yuan na huwag akong iwan. May karapatan siya! "Huwag kang mag-alala. Kung gusto mong mapirmahan ko agad ang annulment paper pipirmahan ko na lang bukas. Pagkatapos nun lilipat na ako. Ako na ang magpapaliwanag kay mama." At tinalikuran siya ng hindi nagdadalawang isip.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD