PABANGO

1113 Words
KABANATA 1 PABANGO Kung ito ang paraan ng Diyos para siya'y magkaanak, kahit sa ibang babae pagbibigyan ko siya. After all he deserves to have a son or a daughter. Hindi niya deserve na manatili sa katulad kong hindi kayang magdalang tao para sa kanya. Iyon pa naman ang magka-anak ang pinakapinapangarap niya nang mga dalaga't binata pa lamang kami. Bumangon ako nang matunugan kong tulog na si Yuan. Hindi ako makatulog. Kinuha ko ang isang camera at ang laptop ko. Nandoon lahat ang videos namin. Paulit-ulit kong piniplay ang isang video roon. Sa lahat ng unforgettable moments namin iyon ang pinaka gusto ko. Dahil sa video na iyon masaya niyang sinasabi sa akin kung gaano niya kagustong magkaanak kami. Hanggang ngayon ramdam ko iyong kasiyahan at excitement sa tono ng kanyang pananalita. Sobrang saya ko rin sa sandaling iyon dahil ikakasal na kami. Lahat ng plano na iyon ay nagiba nang sa isang iglap nalaman na lang namin na hindi ako kailan man pupwedeng manganak. Masyadong masaklap. Pero ang sabi ko sa sarili ko na iyon ang kapalarang dapat kong harapin. Tinanggap ko kahit sobrang sakit para sa aming dalawa. "Are you sure about this? Oh come on, you must be out of your mind! Alam mo na ngang niloloko ka ibibigay mo pa ang kagustuhan niya?" naiinis na untag ng aking kaibigan. Hindi ako makatulog kaya napagpasyahan kong mambulabog sa penthouse ng kaibigan ko. We were both sitting on her couch. "Farah, alam mong hindi ako manganganak," sagot ko. "Tapos? 'Yon na 'yon? Eh pinangakuan ka diba? Sa mismong harapan ko noong nalaman niyang hindi ka manganganak! Ano ito, breaking the promises kasi nakahanap ng excuses para makasama ang babaeng iyon? Wow, eh sira pala 'yang utak ng asawa mo. Nangangako pero di tutuparin? Bullshit!" Sumisigaw na si Farah kaya pinagtitinginan kami ng mga tao. Pero hindi roon nag-focus ang atensyon ko. "Farah hindi sira ang utak ng asawa ko." Hindi siya nagsalita. Senyales na hindi na niya kailangang iparating ang gusto niyang sabihin dahil memoryado ko na. You are so into him that you'll give everything for him even if it means it can end your life. Bakit sa kanya ka pa napunta? Bakit sa sobrang bait mo at mapagmahal sa taong hindi pa na-a-appreciate lahat ng paghihirap mo ikaw pa napunta? Yuan is the right man for me, Farah. "Wala siyang kasalanan. Gusto lamang nitong magkaroon ng anak. Pati ba naman iyon ipagkakait ng tadhana sa kanya, ipagkakait ko rin ba sa kanya?" I tried to explain this to her many times. Pero pareho pa rin ang sagot. "Umampon na lang kayo!" Wala akong maisip kunde ang ako lang ang makakaintindi kay Yuan. Masyado ko ata siyang mahal. "It's not the best choice for him..." Huminga ako nang malalim. Kaya wala siyang nagawa kundi ang manahimik na lang. Kilalang-kilala nga talaga ako ni Farah. Sa tuwing alam niyang problemado ako, dito sa dalampasigan niya ako dadalhin. Sinulyapan ko siya na pinipindot-pindot ang screen ng cellphone niya. She bit her lower lip. "Pwede ka nang sumigaw. Isipin mo na lang na wala ako rito." Hindi ako gumalaw kaya hinigit niya ako papuntang kabilang gilid at itinuro ang papasikat nang araw. "Oh! The sunrise! Dali na! Favorite moment mo ito habang naglalabas ng sama ng loob, hindi ba? Balik tayo dito mamayang papalubog ang araw para effective ulit. Diba nga sabi mo pag lumubog ang araw sasabay lahat ng hinanakit mo, mawawala ng parang bula. Kaya isigaw mo lahat ng hinanakit mo," tuloy-tuloy nitong ani. Pinunasan niya ang naunang luhang pumatak sa aking pisngi. Ngumiti ako nang mapait bago siya tinalikuran at magsimulang ilabas lahat ng sama ng loob ko. Lahat ng hinanakit. "Magiging selfish ba ako kung gusto kong huwag mo na akong hiwalayan pero papayag akong pakasalan mo pa rin siya? Magiging selfish ba ako kung ayaw kong mawalay sayo kahit ikaw gustong-gusto mo na? Kalimutan na natin ang lahat ng pangako huwag mo lang akong hiwalayan! Tiniis ko ang dalawang taon na iyon. Tiniis ko ang dalawang taon na hindi sinasabi ang lahat ng nalalaman ko sa panloloko mo sa akin. Tiniis ko kasi alam ko kung bakit ka nagkaganyan! Taliwas na taliwas sa sinasabi ko ang gusto kong mangyari... PERO GAGAWIN KO KASI PAG UMALIS NA AKO ALAM KONG MAIIWAN KANG MASAYA AT HINDI NAGLULUKSA!" Minsan hindi dahil umayaw ka sa isang bagay ibig sabihin pinipigilan mo itong maging parte ng buhay mo. Kasi ang totoo umaayaw ka kasi iyon nga lang ang natitira sa pride mo. Ang hirap kapag ang mismong gusto mong ipaglaban ang siyang iyong kalaban. Pero sobrang hirap kapag gusto mong kalabanin si tadhana kahit alam mong hindi ka mananalo. How ironic. Ibinaba ko ang bag ko sa sofa bago dumiretso sa kwarto. Hindi pa rin ata nagigising si Yuan. Agad akong napatakbo sa kanya nang matandaang may meeting pala siya. "Yuan! Wake up!" Niyugyog ko ang kaniyang magkabilang balikat pero hindi pa rin siya nagigising. "Psh! Yuan, mali-late ka na sa meeting mo—" Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niya akong higitin at yakapin nang mahigpit. Napaibabaw ako sa kanya at saka nito isiniksik ang mukha sa aking leeg. "Hmm…" Inaamoy nito ang leeg ko. Pinilit kong bumangon dahil hindi ako komportable sa aming posisyon pero napatahimik at napatigil ako nang kanyang amoy-amoyin muli ang aking leeg. One bite and he sucked my neck, that will probably leave a kiss mark. "Yua—" "Mamaya na love. Inaantok pa ako." Napatahimik ako bigla. Love... That's not his endearment for me. Suddenly I remembered about that model. Kailan ba matatapos ang lahat ng ito? Isang pag-amoy muli sa aking leeg at narinig ko ang naiinis na boses ni Yuan kahit nakapikit ito. "Nagpalit ka ba ng pabango? Mas gusto ko 'yong dati mong pabango…" Dahil sa hindi ko mapigilan ang inis sa sarili buong lakas kong itinulak ang katawan ko para makawala. Hindi ako kailanman nagpalit ng pabango, so it is very clear that he is pertaining to that girl. "Hindi ako nagpalit, sadyang ibang pabango lang ang naaamoy mo," sagot ko sa tanong niya. Bahagya akong huminga ng malalim nang makawala at ikinalma ang sarili. Great, just great. This will be memorable tsk. I still have remaining 6 days. "D-Devina?" Gulat na gulat si Yuan nang idilat niya ang kaniyang mga mata. Nginitian ko siya. "Hindi ka ba mali-late sa meeting mo?" malumanay ang pagkakatanong ko niyon. Pagtatakha at pag-aalinlangan ang nakikita ko sa kanyang mukha. Nginitian ko ito para iparating na wala akong balak na sumbatan o pagalitan siya. Inayos ko ang nakalugay kong mahabang buhok at tinakpan ang kiss mark doon dahil napadako roon ang kanyang tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD