Chapter 5

2869 Words
― wait for their free time   Tutol sina Leah at Israel na bumalik ako sa isla nang ganoong oras. It was around eleven. But I have already dialed the number of the boat driver. Nakausap ko naman siya bago kami tumulak kanina at payag na bumiyahe nang hating-gabi para sa akin dahil ipinaliwanag ko ang sitwasyon ko.   “It’s so hassle naman,” Leah complained. We stood outside the restaurant and waited for my hired cab. “It’s dark and could be dangerous. Mag-aalala ang daddy mo niyan sa’yo.” “Hindi naman niya malalaman na ganitong oras ako uuwi. He’s usually in bed at nine. Tulog na tiyak iyon pero gusto ko bukas ng umaga ay naroon na ako paggising niya.” “Bakit hindi ka na lang madaling-araw umuwi kung ganoon? Three or five in the morning. That’s better.” I forced a smile. Huminto sa aming harapan ang taxi. “I’m really exhausted now. Kung dito ako mag-stay ay baka mahirapan akong gumising at tamarin pa na bumyahe kinabukasan.” “Hayaan na natin siya, Leah,” pagsang-ayon ni Israel sa akin. “I’m sure she’s worried about her dad. I’ve already troubled her into coming here. Thank you so much, Serene. And I apologize if it didn’t go well.” “There’s no trouble. The party is nice. Hindi lang talaga ako pwedeng magpakalasing dahil kailangan din bumalik. Alam ni daddy na party mo ang pupunta ko at pumayag siya.” “Really?” Leah gasped. “Aprubado ka na pala, Israel!” Nagkamot ng ulo si Israel t tila nagtatanong ang mga mata para sa kompirmasyon ko. Tumango ako at ngumiti dahil totoo naman na alam ni daddy kung ano ang pinuntahan ko.  “Happy birthday ulit,” I repeated dahil naghihintay na ang driver.  Israel nodded. “Thank you for the gift again.” “Gift? What gift?” malakas na tanong ni Leah na namimilog pa ang mga mata. Mahina akong natawa sa reaksyon niya lalo na sa pag-iling ni Israel dahil ayaw niyang ipaalam ang tungkol sa collection niya. But knowing Leah, she will pester him for it.   “You should go,” Israel gestured to the taxi and opened the door for her. “This doesn’t mean we’re not worried about you traveling at this hour and by boat. We understand you but please be safe. Inform us once you’re home.” I nodded and got inside the car after bidding our last goodbye. Bago isara ang pinto ay narinig ko pa ang paghagikgik ni Leah dahil sa sinabi ni Israel.  Naging mabilis lang ang byahe. Only because I was dozing off inside the car. Kinailangan pa akong alugin ng driver para magising. Agad akong humingi ng paumanhin at nang maayos ang lahat ay bumaba. Sa pier ay naghihintay sa akin ang driver ng bangka na malaki ang ngiti at tila ba hindi ko naabala sa ganitong oras.  “Pasensya na po kung nakaabala,” panimula ko na mabilis niyang inilingan. Hindi naman siya katandaan. Siguro ay matanda ng kaunti kay Jaxon at mas bata naman kumpara kay daddy. Sa kabila ng kahirapang bakas sa mukha ay nasa mata pa rin ang matamis na ngiti.  “Walang kaso, iha. Palaging sobra ang ibinabayad mo kaya utang na loob ko iyon. Dapat ay sakto na lang ang ibabayad mo at kahit iyon ay di hamak na mas malaki sa pangkaraniwang pasahero sa mga karatig isla.” “Nagbabyahe po kayo ng ganitong oras?” alangan kong tanong dahil sigurado na hindi. Kita ang sagot sa mga mata niya at sa ginawang pg-iwas ngunit tila hindi naman maliit na bagay.  “Ayos lang talaga. Basta kung kailangan mo ulit nang masasakyan ay ako na lang ang tawagan mo, pwede ba? Kahit anong oras pa iyan. May bagyo o wala.” Masarap kausap ang matanda. Masigla siya sa bawat sinasabi ngunit nang mapuna na tahimik na ako ay tumahimik na rin siya. That’s what I like with people. I could be talkative for a minute and would feel silent the next minute, or throughout the day. Pero kung minsan, may mga tao na kapag nasimulan nang magkwento ay hindi na tumitigil. Minsan ay nakakapagod iyon para sa akin. I have no choice but to reply back because I’m afraid to offend them.  Kahit tumanggi ang matanda ay dinagdagan ko pa rin ang bayad. Para na rin sa abala. Hindi ako sigurado kung tulog siya nang tawagan ko o naghihintay ng tawag dahil mabilis naman na nasagot. Ano pa man ay nagpapasalamat ako na available siya.  Malayo pa ang bangka sa dalampasigan ay pinakiusap ko na ang matanda na patayin ang motor para walang makarinig sa pagdating namin. Ibinalik ko ang ipinahiram na tela sa akin para hindi mabasa. I left my jacket somewhere. Hindi ako sigurado kung sa restaurant or sa bar.  Nang makadaong ay kumalabog ang dibdib ko. Hindi ulit binuksan ng motor ng bangka hanggang sa makalayo. I smiled with gratitude.  Then it was all silence around me. I wrapped my arms around myself as the cold breeze blew. The island is not totally dark because of the moonlight but the house is. Hindi ako sigurado kung bakit. Mas madilim pa ito nang makabalik ako nito lang nakaraan. Even the lights on the loft are all dead. Umahon ang takot sa aking dibdib kaya binilisan ko ang paghakbang palapit sa bahay. I used my spare keys to get to the front door. Agad kong sinubukan ang switch at nagliwanag naman ng paligid. Everything is in its place and looks fine. Bahagyang nawala ang pangamba ko. Sa kusina sana ang tungo ko para sa malamig na tubig ngunit kwarto ni daddy ang tinungo ko. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. His lampshades are on. I saw him sleeping peacefully in his sleep.  Mabilis ko ring sinara ang pinto nang makita na ayos lang siya. Medyo matalas na ang pandama ni daddy dahil sa kalagayan at ayaw ko na abalahin pa ang tulog niya.  The cold water was forgotten. Naalala lang nang makaakyat na sa aking silid. But it suddenly reminded me of my exhaustion. I didn’t even change my dress. I just put my bag down and took off my shoes before letting myself fall down the bed on my stomach. Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko at marahang pumikit. Ngunit agad din namang nagmulat.  The drapes are parted a little. I didn’t turn the lights on because the wall lampshades are lighted. It’s automatic so it will open even if I’m not here unless I purposely turned it off. Through the dim light, I noticed a silhouette standing by my glass window. The moonlight is illuminating his tall frame. His back was facing me and through the parted curtains, he could see the starry night and the ocean. Kita rin mula roon ang darating na bangka.  “J-Jaxon…” I called after calming my nerves. He didn’t move, so I called again. “Jaxon?” “Sleep.” he muttered in a cold, authoritative voice.  I blinked in confusion. “B-But… why are you here?” How long has been standing there? Did he…? And what about the man in a hood lurking in the shadow from earlier? I honestly thought it was him but why and how…  Glancing down his body, he’s in his white shirt and sweatpants. It looks like he didn’t even leave the island. “Why…?” I repeated but my words got interrupted.  “I’m f-cuking mad, Serenity. You better sleep now.” I immediately recognized the annoyance in his voice. Marahil ay naghintay nga siya sa akin at inabot na nang ganitong oras. I bit my lower as I felt the guilt. “S-Sorry kung ngayon lang ako nakabalik. How about my dad? Did he…” He aggressively closed the curtain, turned around and strode out of the room without saying anything. Muli akong napakurap sa bilis ng pangyayari. Ngayon ay tuluyan na akong nag-isa sa silid. Bumagsak ang mukha pabalik sa unan pero naghalo ang pagnanais na makatulog.  His presence startled my system. Para akong nawala sa huwisyo nang makita siya at bumalik din naman nang lumabas siya. He walked out on me and I am sure he was mad. He said it so. Hindi ko alam kung bakit. May nangyari ba?  Or is it because I come home late? Should I have stayed the night at Leah’s place and come home the next morning instead?  Nahirapan akong makatulog dahil sa nangyari. Tinanghali ako ng gising kinabukasan ngunit alam naman ni daddy na nakauwi na ako kaya ayos lang siguro. Hindi naman na siya nagtanong ng kung ano sa hapag-kainan bukod sa kung kamusta raw ang party. Sinagot ko naman siya nang maayos. I told him the truth that I got slightly drunk. He didn’t ask what time I got home so I think he believed I came home before dawn.  I only joined them for lunch. Hindi ko na naabutan ang breakfast. Sirius served the food to our table. Nang maramdaman ko ang presensya niya ay tulad akong umupo. Dinungaw ko ang gamot na itinabi niya sa aking pinggan. I’m familiar with it. It’s for hangover. Lumabas siya at bumalik para sa iba pang pagkain. Nagtama ang mga tingin namin ngunit mabilis ding siyang nag-iwas na para bang isang bagay lang akong nadaanan ng mga mata niya. Not interesting enough to keep his eyes longer at me.  Hindi ako sigurado kung bakit iyon ang naiisip ko. I’m only making myself feel bad. Inabala ko ang sarili sa pagkain. My hang-over isn’t that bad. Just a little dizzy. Still, I take the medicine so I’ll completely feel better.  I failed to inform Leah and Israel I got home safely last night. Nang maalala iyon matapos ang tanghalian ay umakyat ako sa kwarto para i-chat sila. Israel sent five messages to me from last night. I texted him first and when I didn’t get to receive any message from them for a minute; I left my phone on the nightstand. Naligo ako para mas lalong umayos ang pakiramdam. Nang hapon ay wala naman akong balak na matulog pero bagsak din nang mahiga sa kama. I woke up at around five. Sinamahan ko si daddy sa porch para sa meryenda. I didn’t see Jaxon anywhere. Dad moves to the living room to listen to local news. I know it is also time for Jaxon to prepare for dinner. Tiyak na ang daan sa likod na naman ang ginamit niya. I was contemplating whether to go there and offer my help again so I stayed with dad for about half an hour. Hanggang sa nalanghap ko ang amoy ng niluluto niya mula sa kusina.  I didn’t let myself think and just go there already after excusing myself to my dad.  I tiptoed my way inside seeing that he’s facing the stove again. Alam ko naman na ramdam niya ang presensya ko pero wala siyang sinabi. Ni hindi man lang lumingon. I could really feel he’s avoiding me but why would he be waiting for me in my room last night?  But I do really want to help. Hindi ako mapanatag na ginagawa niya ang lahat ng gawain dito sa bahay.  I placed my hands behind me and pinched on my fingertips to feel something as my heart pounded against my chest. I smiled to myself. “Do you need some help?” I asked and moved a little closer to see what he was cooking. Ngunit hindi pa rin ako lubusang makalapit kagaya noong una.  I waited but he said nothing. Muli ay nagpanggap siyang walang narinig mula sa akin.  “I didn’t know you can really cook,” I continued. Dinungaw ko ang nakahanda ng ulam sa island counter. It’s a beef with broccoli. “Kailan ka pa natuto?”  Still nothing. Marahan akong bumuntong-hininga.  “I’m really sorry about last night. Hindi ko alam na naghihintay ka. I should have―” Pabagsak niya inilapag ang sandok. Sa pagkabigla ay napatalon ako at mahinang napatili.  “I’m sorry. I didn’t mean to startle you,” aniya sa marahang boses ngunit nanatili ang likod sa akin. Tipid akong ngumiti dahil ayos lang. Nag-sorry naman siya kaya hindi siguro sinasadya.  I got worried that he may have hurt himself so I stepped closer again but my feet halted. Sa harapan niya ay ang kanyang cellphone. I finally noticed the buds on his ears. He’s on a video call with his girlfriend.  I didn’t notice it earlier. Kaya naman pala hindi makalingon. I was a fool for speaking to no one here. Sarili ko lang pala ang kausap kaya talagang walang sasagot.  Hindi naman yata talaga ako pansin dito dahil abala sa pagluluto at sa pagtawag sa girlfriend. I bet he’s boasting about his cooking skills with her. Dahil hindi rin naman ako napuna ng babae ay dahan-dahan na lang ako na umatras. Bumalik ako sa dating kinatatayuan. I have no idea I was retreating backwards. Dala marahil sa pagkabigla o ano pa man. Ngunit hindi ko sinasadyang matamaan ang pagkain sa mesa. Hindi naman sana matatapon kung hindi lang ako nagpanik.  Nag-alala ako na marinig nila. But the clattering sound of the plate against the marble tiles was enough to get his attention. Napasinghap ako sa nasayang na pagkain. Lalo na nang mabasag pa ang pinggan at humalo sa pagkain.  When I turned to him, his eyes were on the food. Kunot ang noo at kuyom ang panga. The smile of the girl behind him faded. Ngayong hindi na nakaharang ang malapad na likod ni Jaxon ay malaya na niya akong nakikita. Maging siya ay kumunot din ang noo.  “Stop!” the voice thundered when I knelt and tried to clean my mess. I looked up at his raging eyes apologetically. Kinagat ko ang pang-ibabang labi nang manginig iyon.  “Maghintay ka na lang sa labas. Ako na lang bahala,” mariin niyang utos habang dinudungaw ako at ang pagkain. Mabilis na nagtama ang paningin namin bago siya lumapit at lumuhod sa harapan ng natapon na pagkain. I stood to give him the space.  I turned to his cellphone to see his girlfriend still waiting. Her chin is resting on her fist. Her lips are pouted. I know she sees me but there’s no reaction from her. She neither smiles or frowns again. Matiyaga lang siyang naghihintay kay Jaxon.  Tingin ko ay may sasabihin si Jaxon na hindi ko na pinagtuunan ng pansin. Tahimik na lang ako na lumabas dahil sigurado naman ako na iyon ang iuutos niya. I’m disturbing him again. I’m disturbing them again.  Binalikan ko si daddy sa sala. Malakas pa rin ang kalabog ng dibdib ko na animo ay may humahabol sa akin. Dad even noticed my discomfort. Nang tanungin ay sinabi ko na ayos lang ako. Ayos lang naman talaga.  Nakatapon lang naman ako ng bagong lutong pagkain na alam kong pinaghirapan.  Nakita ko lang naman siyang muling katawagan ang girlfriend. I was talking to the air minutes ago like a fool. It’s definitely nothing.  Ako ang may kasalanan pero habang tumatagal at habang iniisip ko ang nangyayari ay naiinis ako. It’s working time. Bakit tumatawag habang nagtatrabaho? He should wait for his free time. They should wait for their free time.  Ipinilig ko ang ulo ko dahil sa makasariling pag-iisip. He was doing fine until I came and ruined it. Hindi niya kasalanan. Kasalanan ko.  Nang lumipas ang isang oras ay nag-aya na si daddy para sa dinner. He asked me to inform Jaxon but I didn’t move. Nang lumipat siya para sa dining ay sinabayan ko rin siya. Jaxon instantly knew it was time for dinner. Kahit hindi ko sinabihan, ilang minuto pa lang kami ni daddy na naghihintay ay handa na.  He was a little late this time. Madalas ay nakahain na bago pa kami dumating. And I know why exactly. I was worried of what he would be serving to my father but it seems like he had cleaned my mess. Wala na ang naunang nailuto at napalitan ng bago kasama nang isa pa niyang niluluto kanina.  “I apologize if I took long,” magalang niyang sinabi sa amin at marahan pang yumuko. It was only me who saw that, of course. And that he was only facing my father, not me. He apologized to him. Not to me. I kept my silence and refrained myself from glancing at him.  “It’s fine. Thank you,” sagot ni daddy bago umalis si Jaxon at bumalik sa kusina. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD