Chapter 2

2127 Words
― because you’re free I excused myself from my dad and left him in the sitting room. Sinundan ko si Jaxon sa pagpasok niya sa kusina. How he could walk around in silence and without my father noticing amazed me. But his indifference kind of terrified me as well. Pakiramdam ko ba ay pinasok kami ng ibang tao.  Natagpuan ko siyang nakasandal sa ref at umiinom nang malamig na tubig sa baso. I know he expected me to follow him. Nagtaas siya ng kilay nang tumayo ako sa harapan niya at marahan siyang tinitigan. I swallowed hard and ignored the unusual feeling. Bukod sa malamig na pagbabago sa itsura ay siya pa rin naman ang Jaxon na nakilala ko. Subalit hindi ko mawari kung ano ang mali at ganito ang nararamdaman ko ngayong nasa harapan siya. “Jaxon?” I called to get his attention although his eyes were already fixated on me.  Nakita ko ang marahan niyang pagngisi sa ilalim ng malinaw na baso. Inilapag niya iyon sa lababo at isang hakbang na lumapit sa akin. Lalong lumaki ang ngisi niya ngunit wala akong ideya kung bakit.  “You’re here? How?” Matagal siyang tumitig bago malalim na bumuntong-hininga. “You disappoint me. No warmth hugs from my sweetheart?” I heard the mock though the smile on his face looks harmless.  “Paano ka nakapunta rito? Mukhang hindi alam ni daddy na nandito ka. P-Paano?” I remembered how he went with the boat with me before but I was certain he’s not with us this time dahil ilang beses kong inayos ang mga kahon bago kami tumulak para masigurong walang naiwan. I was sure it’s only me and the boat driver.  His jaw clenched. Unti-unting naglaho ang marahang titig at napalitan ng panlalamig. Wala pa siyang ginagawa ay napaatras na ako hanggang sa maramdaman ang marble center island sa aking likuran. Muling sumilay ang ngiti sa sulok ng kanyang mga labi ngunit may kakaiba roon na nagpalamig sa sikmura ko.  “You still confused me.” He jerked his head to me. “I don’t understand what part of me scares you, and what pulls you closer to me.” “Jaxon, it’s not that I’m unhappy to see you, but my dad doesn’t know you’re here and I don’t want him to―” “You’re happy seeing me, then?” He tilted his head to the side and narrowed his eyes. “Because I couldn’t contain myself when I first met you six months ago, after ten long years of waiting.” I blinked, sandaling nagbilang ng araw. Namilog ang mga mata ko. Six months was when I came to see him.  “Y-You remember me back then?” He chuckled. It was a horrifying sound that unnerved me, but I kept telling myself this is the Jaxon I know. This terrifying feeling is nonsense. “Why, sweetheart? You think I’ve forgotten you?” Sinimulan niya ang paglapit. Doon na rin nagsimulang humampas ang dibdib ko. Muli siyang mahinang tumawa at kinagat ang pang-ibabang labi. “You look scared, sweetheart. You don’t want me now? Because you’re free, huh?” Umiling ako, hindi maunawaan ang nais niyang iparating at ang takot na nararamdaman. Tumigil siya nang isang hakbang na lang ang pagitan namin sa isa’t isa.  “J-Jaxon… I don’t―” “Princess?” tawag ni daddy. Dinig ko ang tunog ng kanyang tungkod habang pumapasok sa kusina. Naisipan ko pang itago si Sirius mula sa kanya dahil sa gulat. Napagtanto ko rin naman na hindi na iyon kailangan bago pa ako makagalaw.  “D-Dad.” “Are you okay here? I’ll get to my room now.” “Uh…” I trailed off. Namilog ang mga mata nang tuluyang lumapit sa akin si Sirius. His hand rested on the edge of the island behind me. He cornered me. Sinubukan ko siyang itulak ngunit imbis na hawakan siya ay kumuyom ang mga kamao ko sa pagitan namin. He smirked down at me. Pinangutan ko siya ng noo pero kinagat niya lang ang kanyang pang-ibabang labi. Mariin akong pumikit nang maramdaman ang marahang pagtama ng mainit niyang hininga sa aking mukha.  “Princess?” “O-Okay, dad... You want me to take you there?” “I’m fine.”  I glanced over my shoulder and noticed the frown on my dad’s lips. I sighed, disappointed in myself. He doesn’t want to be asked if he needs help. Ayaw niyang isiping nagiging pabigat siya gayong gusto ko lang naman na makatulong.  Sumunod ako sa kanya hanggang sa pinto ng kusina. Nang lumiko siya para sa silid ay malalim akong bumuntong-hininga. I turned around for Sirius but he was gone. Namilog ang mga mata ko sa bakanteng espasyong iniwan niya. I ran at the back and saw the opened door exiting to the back of the island. Ito rin ang ginamit namin noon nang itakas niya ako rito.  Hindi ko siya nakita roon. Magdidilim na kaya hindi ko na rin binalak pa na sundan siya. Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko pero hindi ko maiwasan ang takot. Isama pa ang malamig na hampas ng hangin sa aking mukha. I closed the door and locked it. Sa huli ay inalis din ang kandado para kay Sirius.  I stared at my room ceiling that night. The door and window are closed, as well as the curtain. I feel bothered. Na para bang anumang oras ay may papasok sa silid ko. I’d be more than willing to accept him here in my room, kung paanong tinanggap niya rin ako noon sa kanyang silid. But the thought of doubting my decision mostly bothered me.  Siya pa rin naman si Jaxon, hindi ba?  Lumipas ang sampung taon at may pagbabago man sa aming itsura ay alam ko na kami pa rin ito.  Sa gabing iyon ay nahirapan akong makatulog. The night seems to be like one of those nights after I gained my consciousness ten years ago when my father brought me abroad. I was torn between the decision of going back to Jaxon and staying. First, I don’t know how to travel alone. Second, I don’t want to go against my father again. Sobrang nasaktan siya nang malaman ang pinagdaanan ko at higit na lalo nang masaksihan niya ang panganib na nakabuntot sa amin.  Third,  I was praying that all those men around Sirius could help him and get him into safety. Tiwala ako sa pagmamahal ng kapatid niya sa kanya at umaasa na hindi siya pababayaan.  But then, I saw him lost in his memories when I came back. Hindi ako maaaring magkamali. Hindi niya ako kilala. Hindi niya ako natatandaan. I don’t know what happened and why he’s here but I was sure he doesn’t remember me.  At kung totoo mang nakilala niya ako noon, bakit siya nagpanggap na hindi? Bakit sa ganoong kalagayan ko siya naabutan?  I have so many questions but all that I asked him was why he’s here. Hindi ba iyon naman talaga ang dapat? Why is he here now after six months of making me believed he lost his sanity?  Hindi ko maintindihan.  Nang mag-umaga ay tinanghali ako nang gising. Sanay ako sa ganoong oras ng gising kapag alam kong walang pasok kinabukasan ngunit noon iyon sa apartment. Without looking for myself in the mirror, I got out of the room and downstairs. Sa dining area ay wala si daddy o kahit sa sala. It’s already ten. Kanina pa dapat ako gumising para maipagluto siya.  Frustrated, I checked him in his room but his bed was empty. I don’t have to go to his comfort room. Patakbo akong nagtungo sa labas at doon nga, sa open space living room, ay natagpuan ko siyang nakaupo at diretsong nakaharap sa kawalan.  “D-Dad…,” I called with a sigh and walked to him. Kumunot ang noo ko sa almusal na nakahain sa kanyang harapan.  “Princess, good morning.” “Good morning!” I kissed him on the cheek, nagpunas ng bibig nang maalalang hindi pa ako nakapaghilamos pa. “Who…?” My voice trailed off when I caught a glimpse of a moving frame from a distance. Sirius has his retreating back to us. Patungo siya sa silangang parte ng isla. Puting damit at sweatpants ang suot.  “Don’t worry, he won’t bother you. He’ll be a shadow and you won’t even notice him.” Pakiramdam ko ay naubusan ng dugo ang mukha ko sa sinabing iyon ni daddy. I was sure he was talking about Sirius. “D-Dad…” He nodded. “I asked one of them to stay before Candy and the others left. I don’t intend to tell you but you saw him, right? Tiyak din na ipagtataka mo ang mga ganitong pagkatataon kaya mabuti pang malaman mo. But it’ll be just like you and me here, kagaya ng gusto mo. Ayoko lang na isipin mong sa’yo ang lahat ng gawain dito. He’s a good cook so cooking won’t be your problem.” “But dad…” “Gusto mo bang paalisin din natin s’ya?” “B-But… one of them? One of your men?” Kumunot ang kanyang noo ngunit tumango rin. Nanlalambot akong napaupo sa bakanteng upuan sa harap niya, hindi na kailangang ipag-alala na matabingan ang magandang tanawin mula sa kanya.  “We agreed not to tell you pero wala akong ibang makakatulong kung pati siya ay gusto mong paalisin. I want you to relax here, Princess. You don’t have to stress yourself of my needs. I don’t want to burden you.” “Hindi sa ganoon, dad,” mabilis kong sinabi. “It’s just… kung talagang pinagkakatiwalaan mo s’ya…” “I trust him, Princess. He’s been working for me for so long now. Naisip ko na siya ang kunin dahil wala namang pamilya pa. Pumayag din naman siya sa kagustuhan ko. I was lucky to get a contact with him before the maids left.” Clearly, he doesn’t know it’s Sirius Jaxon. Kung paanong napaniwala niya si daddy na isa siya sa mga tauhan niya noon ay hindi ko alam.  I joined dad for lunch and I must say, totoo ngang magaling at masarap magluto si Sirius kung siya ang may gawa nito. Ang sabi niya noon ay hindi naman siya marunong magluto. Sa loob ng sampung taon ay hindi ko naman napag-aralan nang mabuti ang pagluluto. Marunong pero ang mga lutuin ko ay para lang sa sarili. Hindi ako confident na ipatikim iyon sa iba.  Ako na na ang nagligpit ng pinagkainan at naghugas. Nang matapos ay bumalik sa kwarto at naligo. I was staring in the mirror and brushing my long hair when I remembered Sirius. Hindi ko sigurado kung kumain na siya. Kaya naman bumalik ako sa kusina at pinaglagyan siya ng pagkain sa pinggan. Ginamit ko ang daanan sa likod upang simulan ang paghahanap sa kanya.  I wonder where he slept last night? Hindi ko sigurado kung saan siya hahanapin pero ang mga paa ko ay diretsong nagtungo sa nag-iisang kubo sa malayo kung saan din niya ako dinala noon. Maayos pa iyon at matatag na nakatayo. Kakailanganin nga lang na muling ipaayos muli kung gusto pang tumagal ng isa pang sampung taon.  But he’s not there. It’s empty. Walang kahit ano na makapagsasabi sa aking ginagamit niya ito. Sighing, I turned around and circled the nipa hut. Sa pag-ikot nga ay natagpuan ko siya sa di-kalayuan. Sa tabing dagat at malalaking batuhan.  Hindi ako nag-alangan pang lumapit. Nakaupo siya sa isang maliit na kahoy na upuan. Nililipad ang nakalugay na buhok. Nang tuluyang makalapit ay natanaw ko ang maliit din na mesa na natatabingan ng malalaking bato. Naroon ang ilang prutas, juice at ilang almusal niya.  Higit sa lahat ay ang cellphone niya na nakasandal sa baso. Tumambad sa akin ang isang magandang babae na malaki ang ngiti sa kanya. Sa nipis at liit ng suot ng bra, isang sundot lang ng daliri ay tiyak na malalantad ang dapat na malantad.  Nanlamig ang sikmura ko. Bumaba ang tingin sa dalang pagkain, nagdadalawang-isip kung tatakbo pabalik sa bahay o itapon na lang ang laman ng pinggan sa dagat bago pa niya makita.  But he slowly turned his head to me. Lazily. Like he’s not interested in my presence. Subalit may bulto ng ngiti sa sulok ng kanyang labi. Nang mang-angat ng tingin sa akin ay pumungay ang mga mata dahil sa sinag ng araw.  “That would be nice!” Humalakhak ang babae. Tanging ang hawak kong pinggan ang kita sa camera kaya agad ko iyong inilayo.  Nagtaas ng kilay si Sirius. Tinikom ko ang aking bibig, tila ba naging isa na rin sa mga batong ito sa aking tabi.  “I thought…” I cleared my throat. “Kumakain ka na pala. I-Ibabalik ko na lang.” Hindi siya sumagot. Kahit pagkibit-balikat ay wala. Ang ngiti sa labi ay maaari kong sabihing hindi niya sinasadya. It’s like seeing a random person outside, offering you something to eat, but since you don’t know her and you don’t trust the food, you just treat her like she’s nothing but some weirdo.  I was so harsh to myself for thinking that way pero iyon ang napuna ko. Lalo na nang ibalik niya ang atensyon sa kausap at tuluyan akong balewalain. I understand the bitterness that I tasted. Tahimik na lang akong tumalikod at hinayaan sila roon.  I wished the other men are still here para may mapagbigyan ako nitong pagkain. Ibinalik ko na lang iyon sa kusina at umakyat sa kwarto. I opened my laptop and watched some random movies on the lists Leah Parker created for me. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD