Chapter 1

3079 Words
― there’s a right timing for everything “You don’t have to leave naman. I’m sure your dad will understand,” my co-worker, Leah Parker said with a smile. Bago pa ako magpatuloy sa ginagawa ay nakita ko ang paghaba ng nguso niya nang tanawin ang mga gamit na isinisilid ko sa kahon. I heaved a sigh to give them a nice smile. Mahirap naman talagang iwan ang kahit na ano pang bagay pero habang hindi pa nakakasanayan ay ayos lang naman siguro. It’s only been five months. I’m still under probation pero dahil kaibigan ni Tito Rex ang may-ari ay naging madali naman para sa akin ang umalis.  I’m not abusing the power of the company. Ngunit alam ng lahat kung gaano ako higit na kailangan ngayon ni daddy. Umpisa pa lang ay ayaw ko nang simulan na magtrabaho pero ngayong muntikan na siyang maaksidente dahil sa pag-iisa ay napagdesisyunan kong itigil na nga muna. It’s not like I’m running for life. Living well for twenty five years is already a success for me.  I am the only one left for my father. Hindi naman pwedeng mga kaibigan niya na may sarili na ring mga pamilya ang abalahin ko upang mabatanyan si daddy. And the sad part that my dad doesn’t want that. Ayaw niyang maging pabigat sa lahat. Kaya nga ba kahit hindi naman niya kinakaya ay ipinapakitang ayos lang.  “Hindi ka ba mababagot n’un? It’s only been two months since your grandparents died. Ngayon ka pa lang nagsisimulang magtrabaho tapos aalis ka na agad?” dagdag naman ni Israel Lim na katrabaho rin at kasama sa team. Walo yata silang nandito para panoorin ang pagliligpit ko ng mga gamit.  And there’s nothing much left. Noong isang linggo ay nailipat ko na lahat sa apartment. Ang mga naiwan ay mga papeles at importanteng mga gamit na ayaw kong isama sa bangkang magdadala ng mga iyon sa isla.  Staring at the sky is always fascinating that I decided to pursue a course relating to them. I enjoyed studying about them. I was excited to finally work in the field as an astronomer. But since I’m still on probation, I don’t do all the exciting stuff like always facing the huge telescope. More on mga papeles muna for all the researches and observations.  Astronomers don’t make much money. Depende kase iyon sa pinagtatrabahuhan at maswerte akong napasok sa isang pribadong kompanya. Dala na rin ng pribilehiyong dala na makapagtapos sa ibang bansa. I got paid half of the regular salary during probation. Sobrang liit at kung tutuusin ay mas malaki pa ang allowance na nakukuha ko noon nang nag-aaral pa.  That’s the thing when you started to work. You’ll get little at first. Sinabihan ako ni Grammy na huwag munang maghanap ng higit habang nagsisimula pa. I have to forget all those luxuries I have while studying and start from zero now that I’m in the working field. Huwag muna raw magmadali.  Hindi naman talaga ako nagmamadali. Siguro, kung maaari at may pagkakataon, babalikan ko na lang ulit ang pagtatrabaho. Sa ngayon ay kailangan ako ni daddy kahit itanggi pa niya.  Remembering my grandparents breaks my heart. Sariwa pa rin ang huling araw na nagsalo-salo kami sa mansyon. Naroon din si daddy. Walang okasyon. Basta naisipan lang na magtipon-tipon. Dumalo rin ang ibang mga kaibigan ni daddy ngunit wala sina Seyer dahil manganganak ang mommy niya.  Sobrang saya na ikagugulat mo ang lungkot na paparating. Two weeks later and my grandparents passed away in their bed, embracing each other. Puno ako ng mga luha nang takbuhin ang silid nila matapos ibalita sa akin ng katulong ang nangyari, galing akong trabaho. Pero imbis na sakit ay isang pagtanggap ang naramdaman ko. A bittersweet farewell. Lalo na nang makita ang ngiti sa kanilang mga labi. They looked at peace and were ready to leave the world.  I sat on the edge of the bed and watched the maid pull the blankets over them. I cried during the burial and not on the three days of the wake. Malungkot man ang lahat ay tanggap naman na masaya silang umalis.  Even my dad didn’t cry kahit pa noong libing. Iyon nga lang, simula rin noon ay hindi na siya lumabas ng isla. Marahil ay wala nang ibang pupuntahan dahil wala ng tao sa mansyon. Pero hindi pa rin ako mapanatag na wala siyang ibang kasama roon kundi mga katulong. Wala na ang mga armadong tauhan niya. There’s no used to it, sabi nga ni Mamita noong nasa ibang bansa pa kami.  “Babalik ka pa rin naman, ‘di ba?” patuloy ni Israel. Tinakpan ko ang panghuling kahon kung nasaan ang mga sarili kong photographs ng kalangitan at hinarap sila. They are ten now. They left their posts to give me a warm goodbye.  But this is not goodbye, yet. Hindi naman dahil may aalis ay katapusan na.  “Maybe.” I shrugged. “Pero wala akong maipapangako kung kailan. Ayaw ko namang ibakante nila ang posisyon ko hanggang sa bumalik ako. Siguro ay baka sa iba na ako magtrabaho ‘pag handa na ulit.” “Ang daya naman!” reklamo ni Leah.  She’s like our boss dahil sa kanya dumaraan lahat ng papel. Limang buwan lang pero naging maayos ang relasyon namin bilang workmates. Kagaya ko ay tahimik siya kapag nagtatrabaho. Ang chika ay kapag tapos na ang lahat ng gawain. Magkatabi lang din ang cubicles namin. Pinsan niya ang isa rin sa mga kasama kong probation pero hindi nagtagal ng dalawang buwan dahil natagalan bago makakuha ng regular position. She decided to be a teacher in a secondary school. Hindi na rin masama, ayon kay Leah. Aniya, sa eskwelahan mo higit na maipagmamalaki ang mga nakilala mong celestial things.  “But we can invite you for gatherings, right?” tila may pagmamakaawa pang tanong ni Israel. Mahina akong natawa. Agad naman siyang nagkamot at hinarap sina Leah na nagsimulang gumawa ng ingay.  “Dumidiskarte ka na naman, Israel, aalis na nga ‘yung tao,” biro ni Heidi na isa ring katrabaho.  “Kaya nga didiskarte na. Last chance na ba, Lim?” Sinimangutan sila ni Israel. “Tumigil nga kayo. Baka kung ano’ng isipin ni Serene. Nanghihinayang lang naman ako na kailangan na niyang umalis. Ang sipag pa naman niyang gumawa ng reports.” I smiled at them again. Mamimis ko rin naman sila pero hindi naman siguro sobrang miss na ikalulungkot ko nang sobra.  Years ago, I learned not to be so attached with people. You don’t know who among them only comes and goes. It’s hard to invest feelings. There’s no assurance you’ll reap something off rather than heartache.  I swallowed hard and busied myself again with the boxes. Kahit pa wala naman na talagang gagawin.  Ilang sandali pa ay tumahimik na rin ang paligid dahil tapos na ang break. I went to our head manager for final papers and work.  Nang sumunod na araw ay nasa bangka na ako pabalik sa isla. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na pumunta ako rito simula nang makabalik kami ng bansa just six months ago. Pero iba ang pakiramdam na muli ay titira ulit ako roon. Ngayon ay hindi na ayon sa desisyon ni daddy ngunit dahil sa sarili kong desisyon.  I lived there for fifteen years because he wanted to keep me safe. Now, I’m staying there with him to take care of him as long as he needs me.  Wonderful how life turns back time and reverse moments to remind us she’s not that cruel; that there’s a right timing for everything. Kung paanong tila kulungan para sa kinse-anyos na ako ang isla na ngayon ay tahanang muling uuwian matapos ang sampung taon.  I wrapped my arms around myself as the afternoon cold water finally made me feel. Tila ba nainis na binabalewala ko ang hampas ng hangin at ang alat ng lasa nito dala ng dagat. Smiling, I brought my hand on the side and felt the waves. Doble ang binayad ko sa bangka dahil mag-isa lang ako. Pasalamat na rin sa pagbubuhat ng driver sa iilang kahong dala ko. I was holding one of the boxes when I watched the boat go. I don’t feel the longing, or the eagerness to stop it. I don’t feel like running above water just to get to it. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. In the end, this island owned by my parents remains my only home.  Maliwanag ang kalangitan dala ng papalubog na araw. A golden time. Ngunit bakit parang may kulang? Bakit parang walang kulay? I sighed and embraced the bag. Without looking back to the shore, I walked inside the house.  The inside is still the same. Naayos din naman ito nang bumalik kami. Though everything looks plain and bland now. It tastes bitter to say that to the place I call home. I bit my tongue.  “Dad?” I called out, nagtataka sa katahimikan. I told the maids to make sure there’s noises around. Kahit pa mga ingay sa kusina o ano pang bagay na pinagkakaabalahan nila para kay daddy. My dad preferred to stay outside and listened to the waves but once he stepped inside the house, I want him to know he’s not alone.  “Ate Candy?” I called the head of the maids and started turning the lights on the hallway. Hindi pa naman madilim dahil sa mga salaming bintana pero mamaya lang ay babalutin na ng dilim ang buong bahay pero kahit isang ilaw ay walang bukas.  Or was I wrong. May liwanag na nanggagaling sa kusina. Binitawan ko ang box sa console table at nagtungo roon.  “Ate Candy?” “Princess?” It was dad. Nang tuluyang makapasok sa kusina ay nakita ko siyang nakaupo sa kabisera. Sa harapan ay nakahain ang dinner. Pero masyado pa yatang maaga para roon.  “Dad?” I walked to him and kissed him on his cheek. He leaned closer to welcome it. “Where’s Ate Candy and the others?” Kumunot ang noo ni daddy at itinagilid ang ulo sa kawalan. Ako naman ay sandaling napatitig sa nakahaing barbeque at cedar salad.  “Hindi ba’t pinagbakasyon mo silang lahat noong isang araw? You don’t really have to do that. Kahit pa tayong dalawa lang dito ay hindi naman biro ang gawaing bahay. Hindi pa nga ako pumapayag na iwan mo ang trabaho mo para samahan ako, ngayon naman gusto mong akuin lahat ng gawain dito.” I was gaping at him but he didn’t notice. “But dad…” I stopped when his hand searched for his glass. Lumapit ako nang kaunti upang umalalay ngunit alam naman niya kung saan kukunin.  “But thanks for this dinner, anyway. Join me.” I blinked and glanced at the table. Dinner. “T-This dinner?” I nodded, this time the utensils to pick the slices of barbeque meat. Wala na sa stick ang nasa pinggan niya. He chewed on it before answering, “The delivery man who brought your stuff here said this dinner comes along with it. Which restaurant did you buy this from?” “D-Dad…” I trailed off, not knowing where to start explaining to him this dinner was not from me, and I never told our maids to have breaks. Nasa isip ko naman ang pagtulong sa gawaing bahay upang may mapaglibangan pero hindi na ako ang gagawa lahat.  “Come, join me,” he offered again.  I pulled the chair for myself. Malalim kong pinag-isipan ang lahat ng sinabi niya. Gusto kong isipin na si daddy mismo ang um-order o nagpaalis sa mga katulong pero bakit naman siya magsisinungaling at gagawa ng kwento?  Marahan akong kumuha ng isang stick ng barbeque. Mukha namang masarap dahil marinated at dahil na rin sa sauce. Dad is really enjoying it since it’s our favorite. But I don't know how he would react if I tell him this doesn’t come from me. Luminga ako sa paligid na tila ba makakahanap ng kasagutan pero kakaibang katahimikan ang naroon.  “B-Busog pa po ako, dad.” Ibinalik ko ang barbeque sa pinggan. Hindi naman karamihan ang mga iyon pero kung para sa aming dalawa lang ay marami-rami.  I stayed on the table as he ate kahit pa sinabing magpahinga na ako sa kwarto ko. I was horrified with the thought of him getting poison. Bagay na hindi ko maisatinig habnag kumakain siya sa takot na mali ako at pag-alalahanin ko pa siya.  Tumayo na rin ako nang matapos siya. He reached for his clutch on his right. One moves his arm and it becomes longer, enough for him to feel the floor.  “Sa kwarto na po kayo?” “Sa sala muna,” aniya na patuloy sa paghakbang. Pinanood ko ang bawat tama ng tungkod sa sahig, nakaalalay ngunit hindi pinapahalata. Tahimik ko siyang sinundan doon. Kung alam man niyang nakasunod ako ay hindi na kumibo. He comfortably sat on the sofa. His hand searched for the remote control on his right side and turned the TV on.  Nang makitang ayos naman siya roon ay bumalik ako sa kusina upang ligpitin ang pinagkainan. Nilinis ko lang ang mesa at inilagay sa dishwasher ang mga pinggan bago lumabas upang ipasok naman ang ilang kahong dala ko. Itinabi ko iyon sa nauna kong pinasok. The local news is on the TV.  Muli akong napatitig kay daddy na tahimik na nakikinig. I don’t know if I should tell him what’s bothering me. But in the end, I choose to find it out myself. Naghanap ako sa paligid na para nga bang may mahahanap na sagot ngunit lahat ay malinis at nasa ayos. I booked a courier online. Hindi ko naman inisip na may gagawin masama kung makarating dito at makita ang kalagayan ni daddy dahil tiwala ako na hindi siya nag-iisa. Ngunit mukhang wala namang nawala sa bahay.  “Dad?” I called and sat on the sofa opposite him. “Ano po ang sinabi ng nagdala ng mga gamit ko?” “Nothing. I asked them to leave it on the foyer. Iyon din siguro ang nagdala noong una mong mga gamit dahil nang dalhin ang ilan kanina ay mukhang alam na ano ang gagawin. Pinahabol lang na may pinadala kang dinner…” But the foyer is empty. Wala roon ang mga gamit ko. I guess it's a thief, but then, bakit naman dadalhin pa rito sa isla kung nakakawin pala? At… wala akong pinadala na gamit kanina dahil ako na ang may dala kaya talagang nakapagtataka.  He said the dinner comes along with my stuff.  I stood in panic and started searching for anything again. “Dad, kailan pa umalis sina Ate Candy?” “Last week before the delivery. Why?” “At wala na po kayong ibang nakasama rito? Paano po ang pagkain n’yo?” “I’m not invalid, Princess,” matigas niyang sinabi kaya mabilis akong natauhan sa sinabi. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. “If you’re here because you’re worried about me, I assure you I’m fine. Pwede mo namang pabalikin sina Candy.” Pero wala akong pinapaalis.  My shoulders fell in frustration. Balak kong muling maupo sa sofa nang bumagsak ang tingin ko sa maliit na mesa sa likod ng U-shaped sofa na inuupuan ni daddy. Katabi noon ay isang areca palm at giant white bird of paradise na tumatabing sa mesa. But the blue and sleek fabric seems to shine in its hiding place, eager for me to see it.  Wala sa sarili akong tumayo upang mapakatitigan nang maayos. Nang rumehistro sa akin ay halos patakbo akong umikot para roon. I grabbed it and gasped the softness around my fingers.  “Princess? What’s wrong?” Dad asked, alarm with my abrupt action.  “N-Nothing, dad.” I lied. Because this piece of clothing is everything.  My nightmares flashed on before my eyes. My nights in the Qud’s School. This… This nightwear.  “What’s wrong?” My head spun around the moment dad asked the weight on the sofa I left. As if blown by a jarring wind, I stumbled back, my hands falling on my side. The almost unfamiliar man smirked at my reaction. If not for the dark eyes brooding eyes, and the thick eyebrows, I wouldn’t remember him. His hair is longer now. It reaches the top of his broad shoulders. He looked taller even when seated. My breath was caught in my lungs when I lowered my eyes to his clothing. The same pair as the… I glanced down at the cloth that fell from my hand without me noticing.  “Princess?” Dad asked, but his head was leaning to his right, not to me.  “Jaxon,” I mouthed. His menacing eyes watch me. His fingers leisurely playing with his lips. It was when he lifted one of his eyebrows that I got to push myself to move. Nanlalambot ang mga tuhod ko nang lapitan siya. Just enough to leave more space and to make my dad believe he was talking to me.  “D-Dad…,” I breathe.  “Are you okay?” My eyes were fixated with Jaxon’s orbs. Wala sa sarili akong tumango. “Yes.” He is Jaxon, that I’m sure. But he’s way different from the man I bid my goodbye with. He’s clean, fresh, and looking good. In fact, his shoulder-length hair looks a little damp. And right… that’s my old lavender bath soap. But he’s not a pauper. He’s not homeless. Not lost, or left in time.  He’s not the young Jaxon from ten years ago.  This is a grown-up Jaxon from ten years later and I don’t know why I’m feeling odd. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD