Chapter 12

3067 Words
Malaki ang pagtataka ni daddy sa nangyari pero dahil hindi ko siya masagot nang maayos ay hindi na rin naman nag-usisa. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya. I do remember how Sirius made me choose between everyone around me and him. Kasama roon si daddy. Sa nakita ko sa mga mata niya nang harapin si daddy ay alam ko na malaki ang galit niya rito. Wala akong ideya na ganoon ang nararamdaman niya.  I wonder how he was able to hold it all up if he has this rage against my father and me. May hinanakit siya. At nauunawaan ko. Sumisikip ang dibdib ko habang naiisip na marahil nga ay narito siya para maghiganti.  “I don’t love you anymore. I don’t think I ever did love you.” Punyal sa aking dibdib ang mga salitang iyon. Hindi ko malaman kung bakit hindi ko matanggap gayong may pruweba naman. May mahal na siyang iba. He’s only here for revenge. Hindi katanggap-tanggap ang ginawa ko kaya niya ito ginagawa.  Nanatili ako sa kusina sa paghihintay sa kanya. I no longer needed the conversation. Ayos lang kung wala na kaming sabihin pa sa isa’t isa. Nag-aalala lang akong sa sugat niya sa kamao. Narito sa bahay ang medical kit pero hindi pa niya kinukuha.  Bago magdilim ay pinuntahan ko na siya sa kanyang kubo dala ang first aid kit. Nag-aalalangan man ay hindi ko pwedeng ipagsawalang-bahala ang sugat niya. He’s nowhere around the cabin and its door was closed. I stood outside for more than a minute before I decided to finally knock. Naiwan sa ere ang kamay ko nang bumukas ang pinto.  Blangkong tumitig sa akin si Sirius. Sabay na bumaba ang mga tingin namin sa dala ko. I was about to offer it to him but my eyes darted to his right hand. Balot na ng bandage ang kanyang kamao. He had already attended with his wounds. Hindi na pala kailangan ang dala ko.  Dahil mula nga sa kinatatayuan ay natanaw ko ang first aid kit na ginamit niya. I should have known we don’t have only one of them here. Sa dami ng tauhan ni daddy ay kailangan ng marami noon.  Wala siyang ibng sinabi. Iniwan niya lang na nakabukas ang pinto at bumalik na rin sa loob. He sat on the small rattan chair and picked the phone next to the kit. I instantly knew it was new because of the box on the same table. Tingin ko ay iyon ang pinagkakaabalahan niya at sinusubukan pang ayusin.  I was sure he didn’t use the money I gave him. Of course, he can buy his own. Hindi pwedeng mawalan siya ng cellphone nang matagal. His girlfriend would be waiting for his call.  Dahil hindi na rin naman niya ako nilingon ay dahan-dahan akong umalis doon. Nagtago ako sa gilid at mariing pumikit.  Dalawang araw din siyang hindi pumunta sa bahay pagkatapos noon.  Ako ang nag-asikaso ng lahat and it was all fine. Naisip ko rin na marahil ay nagpaplano na siyang umalis. But then, he said he’s not leaving the island. He was determined when he said it then. O nagbago na ba ang dahil sa naging komprontasyon namin?  After the closure, what do people who have been into heartbreak do? Are they still allowed to see each other? Does the wound completely heal?  But that confrontation between me and Sirius, was it really the closure we needed?  “May nangyari ba kay SJ?” tanong ni daddy kinagabihan. My dad is blind but not stupid. I know he could put two and two together. Ngunit hindi ko pa rin masabi ang tungkol kay Sirius. I was worried of the possibility. Paano kung paalisin niya si Sirius? Paano kung hindi naman pala siya handa pang umalis? Ayaw kong gumawa ng gulo sa pagitan nila. Kahit sa totoo lang ay gulo na itong nakapaligid sa amin.  “Dad? I was thinking of calling Ate Candy? Pwede na po ba silang bumalik dito anytime?” “Is that your decision? Ikaw ang magdedesisyon niyan… Sigurado ka ba na ayos lang kayo ni SJ? Is he making things difficult for you?” “H-Hindi po, dad. Hindi naman po. He’s nice.” “Mabuti nga na may iba siyang makakatulong dito. The island is so big to be managed by one person.” He nodded in agreement with his own opinion.  Kumunot ang noo ko. “Po?” Ganoon din ang naging reaksyon ni daddy sa naging sagot ko. Lately, it felt like we’re barely on the same page. Lalo na kapag si Sirius ang pinag-uusapan namin.  “You don’t think he will leave once everyone’s back, don’t you?” Wala akong maisagot. He believed Sirius had been working for us for years like the rest. Nakapagtataka nga iyon kung bigla siyang aalis kung kailan may makakatulong na siya rito. “I’m sure he’ll tell me if something’s wrong?” pagpapatuloy ni daddy. “Kung hindi na niya kaya ay ayos lang. Maiintindihan ko. Pwede tayong kumuha sa agency ng kapalit… We should understand him, too. Baka naman may problema sa pamilya?” I bit my lower lip and said nothing. Ang tanging pamilya na lang na mayroon siya ay ang kuya niya. Ang problema niya ay narito sa isla.  Kinabukasan  ay hindi pa rin dumating si Sirius. Ipinagtatabi ko naman siya ng pagkain para kung magutom siya ay may maabutan dito pero hindi iyon nagagalaw. That’s why I decided to bring him breakfast nang matapos kaming kumain ni daddy. Palapit pa lang ako ay natanaw ko na siyang nakatayo sa dalampasigan. Kunot ang noo habang hinaharap ang araw. Hawak sa tainga ang kanyang cellphone. Kapansin-pansin ang pamilya na terno na suot niya. Mukhang muli niyang natutunang magustuhan iyon.  Bago pa makalapit ay lumingon siya at agad na natanaw ang paglapit ko. He said something over the phone that I didn’t get. Ibinalik niya ang cellphone sa at pinanood ang paglapit ko. But my steps slowed down. Huminto ako malapit sa tapat ng nakabukas na pinto ng cabin. Saka lang din siya nagpatuloy sa paglakad at bumalik sa loob.  “I brought your lunch,” mabilis kong sinabi bago pa siya maglaho sa paningin ko. Ngunit diretso siyang pumasok at iniwan ako roon. Nakabukas man ang pinto ay wala namang akong lakas ng loob na pumasok kagaya kahapon. I stared at the food on the tray and was planning to go back when he stopped by the door.  Binuksan niya nang malaki ang pinto at halos itulak ang sarili roon upang ipakita sa akin ang espasyo sa kanyang harapan. Kung saan ako maaaring pumasok kung gustuhin. And he was waiting. Mabilis akong kumilos at lumapit doon. Sa loob sa sinalakay ako ng amoy ng kanyang shower-gel. It was around the room and had dominated the entire cabin like his own.  I didn’t know where to put the tray until he gestured the empty small table to me. On the chair were left-overs of take-out foods. Kinuha niya ang mga iyon at ibinalik sa malaking paperbag na pinaglagyan ng mga iyon. The name of an expensive restaurant in town stared back at me. Nakaramdam ako ng hiya sa dinalang pagkain. Hindi hawak naman na mas masarap ang luto nila kaysa sa akin kaya iyon ang gusto ni Sirius.  But I didn’t know he can do take-outs. May mga bangka rin ba na nagdedeliver ng pagkain dito? Hindi naman sa hindi pa namin nasubukan kahit noon pa. Ngunit hindi biro ang distansya nito isla mula sa nayon. Food deliveries were unusual. Unless it was for groceries and we asked for a favor from some boat owners. Unti-unti akong kinakain ng katahimikan. Ni hindi ko namalayan na nakahawak pa rin ako sa tray. I was ready to take it with me anytime. Hindi lang talaga ako makakilos.  “I… I was worried you’re not eating anything. H-Hindi ka kase bumibisita sa bahay at hindi mo nagagalaw ang pagkain na para sa’yo.” “I had no idea there’s food waiting for me,” seryoso niyang sinabi kaya napatingala ako. Nanatili siyang nakatayo roon. Nakadungaw sa akin at sa pagkain na dala ko. Na kung tutuusin ay hindi rin naman kaakit-akit kainin.  It’s corned beef, rice, omelet, bacon, and juice. Dinamihan ko sa pag-aakalang gutom siya. I didn’t think about the plating but it doesn’t look awful. Kung ikukumpara lang talaga sa mamahaling restaurant ay walang-wala ang sa akin kahit hindi pa tikman.  “B-Bakit naman hindi? Tayong tatlo lang ang nandito. Saan ka pa ba kakain kung…” I trailed off and glanced at paperbag again. “I see you’ve been taking care of yourself. Ibabalik ko na lang―” “Leave it,” pigil niya sa tangka kong pagtayo at pagtangay ng tray. He jerked his head to the take-outs. “That’s from last night. Hindi pa ako nag-aagahan.” “T-Talaga?” Hindi ko napigilan ang galak. Hindi dahil hindi pa siya kumakain pero dahil tatanggapin niya ang dala ko. “I’m sure you’re hungry… Here, you should eat now.” Tumayo ako at inalok sa kanya ang upuan. I was smiling until our eyes met.  Mataman siyang nakatitig sa akin at tila binabantayan ang bawat kilos ko. I gestured to the chair again but he didn’t take his eyes off me. Habang tumatagal ay unti-unting naglalaho ang ngiti ko. Hindi ko rin magawang salubungin ang mga tingin niya.  He sighed and looked away. Tumango siya sa sarili bago nilapitan ang pagkain at naupo. He sipped on the juice first. Kaswal niyang kinuha ang mga kubyertos. Lihim akong napangiti sa una niyang pagsubo. I turned around to leave but his voice halted me.  “Stay.” Mahirap para sa kanya na mag-angat ng tingin sa akin. Naging abala siya sa pagkain at matagal bago nadagdag ang sinabi. “I won’t be going to the main house, yet. You should wait for the plate.” I clasped my hands together in front of my thighs and absentmindedly nodded. Kung ganoon ay umiiwas siya na pumunta sa bahay. Subalit walang balak na umalis. I didn’t push myself to ask the question. Napag-usapan na namin ang tungkol sa bagay na ito. Ngunit ngayon ay nagkausap na rin kami ni daddy tungkol sa pagpapabalik sa mga tauhan.  I bit my lower lip and kept my eyes at the floor. Naghintay ako ng sasabihin niya ngunit masyado siyang abala. Mas umaahon ang kaba ko habang patuloy siya roon. Hindi naman siguro siya magtitiis kung hindi niya gusto?  “I do want to keep the professionalism. But you’re aware now I’m not here for work,” he added to break the growing silence. He shrugged nonchalantly.  “H-Hindi pa alam ni daddy. Hindi ko sinabi sa kanya.” “I know you wouldn’t.” He scoffed. Nag-angat siya ng malamig na tingin. “I can always reveal myself to him. Huwag mong isipin na natatakot akong ipagtapat sa kanya kung sino talaga ako. I would want to do it anytime.” I pinched on my fingertips and pursed my lips. Umiwas ako ng tingin at mas pinili na huwag nang sumagot kahit pa gustong ipagtanggol ang kalagayan ni daddy. Now I’m aware that I shouldn’t do that in front of him.  “Back to being mute again?” He chuckled mockingly.  “Ayaw kong makipag-away pa sa’yo, Jaxon.” Pabagsak niyang binitawan sa plato ang mga kubyertos at inilayo iyon sa kanya. Nanliit ang mga mata niya sa akin.  Mabilis akong yumuko. “I mean… SJ?” Kumalabog ang dibdib ko nang iwan niya ang pagkain upang lapitan ako. Pinigilan ko ang sarili na umatras at tumakbo palayo.  “Ayaw mong makipag-away sa’kin?” he repeated. “Tell me, is it because you simply want peace between us, or you’re scared of me. Or… it’s for your father’s own peace?” “K-Kinausap ko na si daddy tungkol sa mga tauhan namin. Pumayag siya na pabalikin―” He grabbed my shoulders and shook me once. Halos mabilaukan sa mga salitang naputol. Namilog ang mga mata ko sa nanlilisik niyang mga mata.  “Stop them,” he demanded. “Pigilan mo sila, Serenity. If you want peace, this is the only peace I can give you. Now, if you continue trying me, baka mawala na kahit itong katahimikan na mayroon tayo ngayon. Naiintindihan mo?” Wala sa sarili akong tumango.  Nagsalubong ang makakapal niyang kilay. “Did I scare you again?” Muli ay mabilis akong umiling. Kahit sa totoo lang ay para nang lalabas ang puso ko dahil sa takot. Nabigla lang din ako sa ginawa niya.  He breathed heavily and gently squeezed my shoulders. “Look at me,” he said and I obliged. Umangat ang kanyang kamay niya upang haplusin ang aking buhok. Ang kaliwa naman ay namahinga sa aking pisngi. Kalaunan ay bumitaw din siya at lumayo.  “Kumain ka na ba?” tanong niya. Nagtama ang paningin namin habang mataman siyang naghihintay sa sagot. He knew I always joined my father with the meal. Nilingon ko ang pagkain na hindi niya natapos.  “Kung tapos ka na…” “Hindi pa ‘ko tapos,” mabilis na sagot niya at agad na bumalik sa upuan. He grabbed the utensils and was about to eat when he glanced at me. Bago pa ako makaiwas ay napansin ko ang magtango niya sa isa pang upuan. “Sit down.” Tahimik naman akong sumunod at naghintay na matapos siya. Ngunit parang natatagalan siya sa pagkain.  “H-Hindi mo naman kailangang ubusin kung ayaw mo talaga.” Nagsalubong ang kilay niya at nagtatangka akong pinanood. Matapos iyon ay marahan siyang tumawa. Ako naman ang nagtaka lalo at hindi naman niya ipinaliwanag kung ano ang nakakatawa. Natigil lang ang ngiti niya nang tumunog ang kanyang cellphone. Nasa nightstand iyon at dahil ako ang mas malapit ay ako na ang kumuha para ibigay sa kanya.  “You don’t have…” he was saying but I already got the phone for him.  Inalok ko iyon ngunit hindi niya tinatanggap. Muli ay matagal niya akong tinitigan. There was something going on in his mind but he won’t be sharing it. Natigil ang pagtunog ng cellphone pero muli namang bumalik ang tawag. Nang dungawin ko ay unregistered number ang naroon.  “It’s Amari. Cancel it.” His voice has suddenly become hoarse. Uminom siya sa juice at iminuwestra sa akin ang utos. Ginawa ko naman at sandaling napatitig sa cellphone. He was watching my reaction. I could tell he was waiting for something. Nagbalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa cellphone.  Hanggang sa bigla na naman siyang tumawa. Napakurap na lang ako sa pagtataka at pagkamangha sa mood niya. Muli ay natigil iyon sa tunog ng cellphone. His girlfriend is persistent, I see.  Ngunit tila napipikon siyang umirap at inilahad ang kamay para sa cellphone. Agad ko iyong inabot bago pa muling mamatay.  “Babe?” he quickly called as he answered the call. My lips parted. Mabuti na lang na hindi siya nakatingin para makita ang reaksyon ko. He looked irritated, but he chuckled at something the other line said. Saka niya ako nilingon kaya tuwid akong tumayo. “Come on, Amari, you’re better than that…” Nilagok niya ang natitirang juice. Kumalabog ang dibdib ko nang tumayo siya at nagtungo sa akin.  “It’s nonsense. Wala akong ibang babae. Wala kang dapat pagselosan.” Ngumisi siya sa akin. His eyes were dark and menacing. Mischievous even. Hindi ko napigilan ang pag-atras. “I told you this is a private island. There’s no other woman. I’m safe.” Sa likuran ko ay ng double-deck kaya hindi na magawa pang makalayo pa. Nang sobrang lapit na niya ay kinailangan kong takpan ang bibig ng mga kamay upang masigurong hindi makagawa ng ingay na maaaring marinig ng girlfriend niya. Subalit marahan iyong hinawakan ni Sirius at ibinaba. I settled with just biting my lower lip. Dinig ko ang boses ng babae mula sa kabilang linya but it was all indistinct. Ang sigurado lang ako ay sumisigaw. Bagay na lalong ikinatutuwa ni Sirius. Muli siyang humalakhak.  “You’re my only woman, Amari. Bata pa ang nag-iisang babae rito sa isla.”  Namilog ang mga mata ko sa kanya. When his thumb grazed my pursed lips, I had to bite my tongue instead. Nanatili siyang nakangti sa sinasabi ng girlfriend niya.  “This is amusing, Amari.” Ngunit namatay ang tawag nang hindi niya pinipindot. I think his girlfriend is not really in the mood. Ngumuso si Sirius sa aking harapan. He put the phone down on the upper deck and stared down at me.  Hindi na muling tumunog pa ang cellphone at iyon ang hinihintay ko. Tingin ko ay hihimatayin ako rito. I looked away as his playful eyes gradually faded. It will become intense and I wouldn’t dare stared for long.  “I-Ibabalik ko na ang pinagkainan mo kung tapos ka na…” Marahan ko siyang inilayo upang makaraan ako. I thought he would allow me, but he quickly grabbed my arm and pulled me back. I went rigid as his lips dived to mine in an instant.  My eyes were wide to his closed eyes and deeply knitted brows.  “J-Jaxon,” I said between his demanding kisses. Nang subukan ko siyang itulak ay mas humigpit ang pagkabig niya sa akin. His right hand on my lower back pushing me to him. His left hand on the back of my head as he deepened the kiss.  I gasped when he lightly bit on my lips. Seconds later, his tongue was invading my mouth. I was right. I think I might faint with the intensity of his kisses. I must be dreaming.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD