Chapter Six

229 Words
Umiiyak si Anna habang sumakay sa owner type jeep na naghihintay sa kanya sa parking lot. Naroon ang kapatid niya hawak ang isang batang lalakin na mahigit isang taong gulang ang edad. “Anong nangyari?” nag – aalalang tanong nito ng makita siyang umiiyak. Umiling lang siya at kinuha dito ang bata tapos ay umiyak ng umiyak habang yakap ito ng mahigpit. Napahinga ng malalim ang kapatid niya. “Sinabi ko na naman sa iyo, mali itong plano mo, eh. Sinabi ko na sa iyo na masasaktan ka lang. Sa umpisa pa lang sinabi ko na sa iyo na mangyayari ito,” sabi ng kapatid niya. Lalo siyang napaiyak. Naramdaman niyang niyakap siya ng kapatid. “Umuwi na tayo. Kalimutan mo na ang lalaking iyon,” sabi ng kapatid niya at binuhay nito ang makina ng sasakyan. “Hindi niya ako kilala, kuya. Hindi ako kilala ng asawa ko. Ibang tao ang tingin niya sa akin,” umiiyak na sabi niya. Napahinga ng malalim si Arden. Hindi alam kung paano pagagaanin ang nararamdaman ng kapatid. “Paano na kami ng anak ko? Mahal na mahal ko si Carlos,” umiiyak pang sabi niya. “Mas mabuting umalis na tayo dito, Anna. Hindi na si Carlos ang taong pinuntahan mo. Alam mong darating ang oras na ito,” sagot nito sa kanya. Lalo lang siyang napaiyak ng marinig iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD