Chapter Five

1566 Words
Isang linggo pa rin na namalagi sa ospital si Emilio para magpahinga at magpagaling. Nang dumating ang mga magulang niya ay kulang na lang maglupasay ang mommy niya sa tuwa. Maging ang daddy niya ay hindi makapaniwala na naroon nga siya at buhay. Sa loob ng isang linggo, minu – minuto niyang iniisip kung ano ang nangyari sa kanya sa loob ng dalawang tao. Wala talaga siyang maalala kung saan siya napunta o ano ang kanyang mga ginawa. May mga psychologist at psychiatrist na rin na tumingin sa kanya at maging ang mga ito ay naniniwala na wala siyang problema sa pag – iisip. Lacunar Amnesia or selective amnesia daw ang nangyari sa kanya kaya hindi niya maalala ang nangyari sa kanya sa loob ng dalawang taon. Marahil ay dahil sa nangyaring trauma sa kanya ng kanyang pagkaka – aksidente. Isang linggo pa ng makalabas siya sa ospital ay minabuti na niyang bumalik sa opisina. Ayaw na nga ng kanyang ama na gawin pa niya iyon dahil handa daw itong ipagbili ang buong shares nito sa kumpanya para magkasama – sama lang sila pero hindi siya pumayag. Kailangan niyang magsimula ulit. Kailangan niyang tulungan ang sarili niya para malaman kung anong nangyari sa kanya. Kitang – kita niya ang pagkagulat ng lahat ng empleyado na nagta – trabaho sa opisina ng dumating siya. Tingin niya ay parang nakakita ang mga ito ng multo. Lahat kasi ng mga tao ay inisip na namatay na siya sa aksidente niya. Pagpasok niya sa opisina ay walang naiba doon. Wala daw talagang ipinagalaw doon ang daddy niya kaya maging ang mga litrato nila ni Kristie ay naka – display pa. Napangiti siya ng mapakla at kinuha ang mga iyon tapos ay itinapon sa basurahan. Napatingin siya sa pinto ng marinig na may kumatok. Bumukas at pumasok sa loob ang isang lalaki. Napangiti siya ng makilala iyon. “Sam,” bati niya dito. Lumapit sa kanya ang lalaki at yumakap sa kanya. “We thought you were dead, man.” Sabi nito at kitang – kita niya ang saya sa mukha ng lalaki habang sinasabi iyon. “Kaya ng sinabi ng sekretarya ko na nandito ka, I need to see it myself,” sabi nito. Napangiti lang siya. Sam is the head of their Creative Department. Kaibigan din niya ito at ito ang kasama niya sa mga trabaho niya sa kumpanya. “What happened to you? Where have you been?” sunod – sunod na tanong nito. “I don’t know what happened to me,” tanging sagot niya at naupo sa upuan ng kaharap na mesa at inisa – isa ang mga papel na naroon. “Pare, seriously what happened to you? Halos hindi kita makilala ngayon. You got big. Putok na putok ang katawan mo. Nagbabad ka ba sa gym? Ano ang training mo? Fit na fit ang katawan mo,” sabi pa nito. Napatawa siya sa sinabi nito. Hindi lang kasi ito ang nagsasabi noon sa kanya. Maging ang kanyang pamilya. “Kung hindi lang kita kilala iisipin ko nababakla ka sa akin,” biro niya. Napatawa ito sa sinabi niya. Pareho silang napatingin sa pinto na biglang bumukas. Nakita niyang si Kristie iyon at tumatakbong lumapit sa kanya ang babae. “Oh my god! I thought you were dead! Oh, Emil! What happened to you?!” umiiyak na sabi ng babae habang nakayakap sa kanya. Napatingin siya sa kaibigan at napakibit balikat lang ito at tatawa – tawang naupo sa couch na naroon sa opisina niya. Marahan niyang itinulak ang babae palayo sa kanya. “Yes, Kristie I am alive,” tanging sabi niya dito. “But, where have you been? Hindi mo alam halos mamatay ako sa paghahanap sa iyo. Emil I love you,” sabi pa nito at muling yayakap sa kanya pero umiwas na siya. “You love me and then you are married with Felix,” tanging sabi niya. Kita niyang bahagyang nataranta ang babae sa sinabi niya. “Emil, I thought you were dead. Hindi mo alam ang nangyari sa akin. I was really lonely and devastated with your loss,” sabi pa nito. Pinilit niyang ngumiti sa babae. “I am fine now then go back with your husband,” tanging sabi niya dito. Napatingin siya sa intercom niya at nakita niyang nag – beep ang kanyang sekretarya. “Sir, there is someone here looking for you. Her name is –“ naputol ang sinasabi ng sekretarya niya tapos ay pagsigaw na nito ang narinig niya. “Miss! Miss! Bumalik ka dito!” Maya – maya ay bumalandra ang pinto tapos ay dire – diretsong pumasok doon ang isang babae. Kasunod nito ang sekretarya niya. Hindi lang ito basta babae. Isang magandang babae. “Sir, nagpupumilit kasi siyang pumasok,” depensa ng sekretarya niya. Isinenyas niya sa sekretarya na okay lang at umalis na ito. Marahan lang nitong isinara ang pinto. Hindi niya ito kilala pero parang pamilyar sa kanya ang mukha. Simpleng fitted maong lang ang suot nito at white fitted polo pero kitang – kita doon ang magandang hubog ng katawan ng babae. Nakalugay ang mahaba nitong buhok. Kitang kita niya ang pagkunot ng noo nito ng makitang nakatabi sa kanya si Kristie. “Kaya pala hindi mo na nakuhang umuwi sa bahay. Nandito ka na pala,” bungad nito sa kanya. Napakunot ang noo niya. Ano ang sinasabi nito? “Who are you? Naliligaw ka ba? Umalis ka na dito before I call the guards,” narinig niyang sabi ni Kristie. “Paalisin mo ang babaeng iyan kung ayaw mong manghiram sa pusa ang mukha niya. Alam mo kung ano ang kaya kong gawin sa mga babaeng lumalandi sa iyo,” seryoso pang sabi ng babae. Kitang – kita niya sa mukha nito na parang kaya nga iyong gawin ng babae. “Aba’t –“ hindi maituloy ni Kristie ang sasabihin at napatingin sa kanya. “Sino ba ang luka – lukang iyan? Tatawag ako ng guards para kaladkarin siyang paalis dito!” galit na sabi ng dating nobya niya. “Ako lang naman ang asawa ng lalaking iyan,” sabi nito sa kanila. Napalunok siya. Tingin niya ay hindi nagbibiro ang babae. Kilala ba niya ang babaeng ito? Sa buong buhay ay ngayon lang niya ito nakita. Nakita rin niya ang pagkagulat sa mukha ng kaibigan niya. “What? Anong asawa? Umalis ka dito!” sigaw ni Kristie. Binalingan niya ang kaibigan. “Sam please. Let Kristie out,” pakiramdam niya ay sumasakit na ang ulo niya. “What? You’re kicking me out?! Who the hell is this b***h?!” nagwawala pa si Kristie habang inilalabas ng kaibigan niya. Nakita niyang nananatiling nakatayo lang doon ang babae at nakatingin sa dating nobya na nagwawala. Nang maiwan silang dalawa ay nakita niyang nakatingin sa kanya ang babae. “You want to seat?” tanong niya dito. Naupo naman ito malapit sa kanya. “M – miss. What is your name?” tanong niya dito. Kita niyang bahagyang nangilid ang luha sa mga mata ng babae sa narinig na tanong niya. Nakita niyang lumunok pa ito. “Anna,” sagot nito sa kanya. “Anna. Who are you?” tanong niya. Tumayo ito at lumapit sa kanya. Amoy na amoy niya ang mahinhing pabango nito at hindi niya maintindihan ang sarili dahil parang ibinalik siya sa isang lugar at panahon na tanging ang amoy lang na iyon ang naamoy niya. Nahawakan niya ang sintindo dahil pakiramdam niya ay pinupukpok iyon. “Carlos, hindi mo ba ako nakikilala?” bahagyang nabasag ang boses nito. Umiling siya. “Ako ang asawa mo,” at tuluyan na itong napaiyak. “Miss, wala akong asawa. Maybe you are just mistaken me for someone else. My name is Emilio Lorenzo,” sagot niya sa babae. Umiling – iling ito at kinuha ang hawak na folders at inilabas ang mga litrato para ipakita sa kanya. “Ikaw ang asawa ko. Ikaw ang ama ng anak ko. Ikaw si Carlos Jacinto. Ito ang katibayan ko,” sabi nito at isinabog sa mesa niya ang mga litrato. Napalunok siya ng makita ang mga iyon. Siya nga ang naroon sa mga litrato. Kuha iyon sa iba’t – ibang mga okasyon. Kasal. Naroon siya naka – suot ng barong tagalog at katabi niya ang babae na nakasuot ng isang simpleng pangkasal. Binyag. Naroon din siya hawak ang isang batang lalaki. Birthday. Siya rin at hawak niya ang isang kulumpon ng lobo habang hinahalikan niya sa pisngi ang babaeng nasa harap niya. Nasapo niya ang ulo. Talagang tumitindi na ang sakit noon. “Carlos?” tawag ng babae. Umiling – iling siya. “Hindi Carlos ang pangalan ko,” mahinang sambit niya sa babae. “Pero ikaw ang asawa ko,” halos nagmamakaawa ang boses nito. Muli siyang napatingin sa mga litrato at parang may mga flashes ng okasyon ang rumerihistro sa isip niya. Masakit na masakit na ang ulo niya. “Get out, please.” Mahinang sabi niya sa babae. “Pero –“ “I said get out! Hindi Carlos ang pangalan ko. Hindi ako ang asawa mo! Get out!” sigaw niya sa babae. Mabilis na lumabas ng silid niya ang babae habang umiiyak. Napaupo siya at sinalo ng mga kamay ang namimigat na ulo. Muli niyang tiningnan ang mga litrato. Kahit saan niya tingnan, siya talaga ang naroon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD