Chapter One
June 10, 2017.
Tumingin si Emilio sa pambisig na relo at napailing ng makita ang oras. Pasado alas otso na ng gabi pero wala pa rin ang nobya niya sa party na dapat ay sabay nilang dadaluhan. Dapat ay talagang sinundo na niya si Kristie pero mapilit itong mauna na daw siya doon at susunod na lang dahil na-late ang make up artist na mag – aayos dito. Kaya nandito siya ngayon sa grand ballroom ng The Boulevard Suites sa Makati at mag – isa sa kasiyahan na inip na inip.
“Emil!”
Napalingon siya sa tumawag at napangiti ng makilala iyon.
“Claire,” bati niya ng makalapit ang babae at humalik sa pisngi niya.
“I thought you’re with Kristie? Where is she?” tanong nito at hinahanap ang nobya niya. Kumapit sa braso niya ang nakababatang kapatid at iginiya siya papunta sa bar.
“I was supposed to pick her up pero sabi niya mauna na daw ako dito. She’s going to be late,” tanging sagot niya at ininom ang ibinigay na scotch ng bartender.
“Baka ‘di na niya maabutan ang speech mo,” sabi nito sa kanya at iniabot ang margarita drink na inorder nito.
Pilit siyang ngumiti. “I won’t do that speech. Si daddy na lang ang gumawa ‘non. You know me, I don’t like to be in the spotlight,” sagot niya.
Napatawa ang kapatid niya sa narinig na sinabi niya.
“Oh, brother, you will be in the spotlight. Ngayon pang ikaw na ang bagong CEO ng kompanya. All of the board members eyes are on you and they are all waiting for you to make a wrong move. Alam mo naman na Felix is dying to have your position and I know he will do anything just to replace you,” sabi ng kapatid niya.
Napakibit – balikat na lang siya sa narinig na sinabi ni Claire. Totoo naman iyon. Felix is his nemesis pagdating sa pagpapatakbo ng kumpanya ng pamilya nila. Their family owns the fifty – five percent share of Jacinto Shipping Lines. Forty – five percent are distributed to other stock holders at kasama na roon ang ama ni Felix. Halos sabay kasi silang lumaki ng lalaki. Hindi na nga iba ang turingan ng mga pamilya nila dahil matagal ng magkaibigan ang kanilang mga ama. They both studied in an all boy school in Makati at pagdating naman sa kolehiyo, pareho din sila ng pinasukang uninersidad. Nagkaiba nga lang ang kursong kinuha nila. Felix took Economics and he took Business and Finance. Kung siya lang ang masusunod, ayaw niyang magtrabaho sa kanilang kumpanya. Mas gusto niyang magkaroon ng experience na mamasukan at later on magkaroon ng sariling negosyo na ima – manage niya. Matagal na sa industriya ng shipping lines ang kanilang pamilya. Mula pa sa kanyang lolo hanggang sa kanyang ama at ngayon nga, sa kanya gustong ibigay ang pamamahala nito.
“Then he can have my position,” sagot niya sa kapatid at tinungga ang hawak na alak.
“My man! Dahan – dahan sa pag – inom. Baka hindi ka na makapag – speech mamaya,” narinig niyang sabi ng kung sino mula sa kanyang likuran.
Pilit siyang napangiti at napipilitang hinarap ang taong iyon.
“Felix,” napipilitang bati niya dito.
Nakangiti sa kanya ang lalaki at alam niyang pilit din ang ngiti nito sa kanya. Alam na alam niyang hindi totoo ang mga ngiting iyon ng lalaki sa kanya.
“I would like to congratulate you for being the new CEO of Jacinto Shipping Lines. I know the board members knows who is perfect for that position that’s why they chose you,” sabi pa nito sa kanya at itinaas ang hawak na beer para mag – toast sila.
Napangiti siya ng mapakla.
“Thank you,” iyon na lang ang nasabi niya at tumingin sa gawi ng kapatid. Nakita niyang lihim lang itong napapatawa sa nangyayari. Alam naman kasi niyang maging si Claire ay alam na hindi totoo ang mga sinasabi ni Felix. Ang daddy na nga niya ang nagsabi sa kanya na talaga daw kino – contest ni Felix ang pagkakalagay niya sa posisyong iyon. Kung mayroon man daw na karapat – dapat sa posisyon na iyon ay walang iba kundi ito.
“You should prepare for your speech. Congratulations again. I’ll see you around,” sabi lang nito at iniwan na sila.
“Thank god,” naibulalas niya ng mawala ang lalaki.
“Do you believe him? I don’t trust that guy. I know how much he hates you tapos biglang – biglang okay lang sa kanya and kino – congratulate ka pa?” nakikita niyang napapatirik pa ng mata ang kapatid.
Napatawa lang siya.
“Bayaan mo na siya. Let’s just focus on what will happen for the future of the company. Have you seen dad?” tanong niya at inilinga – linga ang tingin.
“I saw him talking to Mr. Montes earlier. Don’t tell me you’re going to argue again about your speech? I am telling you hindi papayag si daddy na hindi ikaw ang gumawa noon,” paalala nito sa kanya.
Napailing na lang siya at kinuha ang tumutunog na cellphone sa bulsa. Nakita niyang pangalan ng nobya ang naka – register doon.
“Where are you? You’re already late. The program is about to start,” iyon agad ang bungad niya sa nobya at muling napatingin sa relo. Pasado alas – otso na.
“I am sorry sweetie. I am still here in Danni’s salon. Can you come over and get me? I can’t get a cab,” sagot nito sa kanya.
“But the program is about to start,” gusto niyang mag – protesta. Sigurado kasing mag – aaway sila ng daddy niya kapag nawala siya at hindi nakapag – speech. Alam niyang ito ang matagal ng gusto ng ama niya. Ang malaman ng lahat na siya na ang papalit na maging CEO ng kompanya. Alam na alam niya kung gaano ito ka – proud sa kanya.
“Please Emilio? I know I am asking too much but I want to be there when you deliver your speech. Please?” dama niya ang pagsusumamo sa boses ng nobya.
Napahinga na lang siya ng malalim.
“Fine. Wait for me,” at pinatay na niya ang telepono at bumaling sa kapatid. “I’ll be gone for just a couple of minutes. Please tell dad I’ll be back,” at humalik na sa pisngi ni Claire.
“W – what? Where are you going? The program is about to start,” narinig niyang sabi ng kapatid niya kahit bahagya na siyang nakalayo.
“Hahabol ako. I’ll be here on time,” sabi niya at tuloy – tuloy ng lumabas.
Napapailing siya habang papasakay sa kanyang sasakyan. Nang makalabas siya sa highway ay naipag – pasalamat niyang wala namang gaanong traffic papunta sa lugar ng kanyang nobya kaya siguradong hindi sila mahuhuli sa programa.
Mag – iisang taon na silang magkasintahan ni Kristie Jimenez. Nagkakilala sila sa isang okasyon din ng kanilang kompanya. Si Felix pa ang kasama noon ng babae. Ang sabi sa kanya ay magkaibigan lang daw ang mga ito dahil magkaklase sa pinapasukang unibersidad sa kolehiyo noon. Naging madalas ang pagkikita nila dahil naging PR Manager ng kompanya si Kristie at hindi ito pumapaltos na makipagkita sa kanya. Maganda naman din kasi ang babae at matalino pa. Galing ito sa maayos na pamilya kaya ng ligawan niya at maging nobya ay wala siyang narinig na kontra galing sa kanyang magulang. Maging ang kanyang nag – iisang kapatid na babae ay wala ring kontra sa kanilang naging relasyon pero dama niya ang pagka – disgusto nito sa babae.
Bahagya niyang binilisan ang pagpapatakbo ng sasakyan. Muli siyang tumingin sa relo at nakita niyang lampas alas otso kinse na. Kailangan niyang makabalik sa hotel ng alas otso y medya kaya lalo niyang binilisan ang minamanehong kotse.
Paakyat na siya sa tulay ng Jones Bridge sa Maynila ng maramdaman niyang parang may kumalampag sa ilalim ng kotse niya. Mabilis niyang inapakan ang kanyang preno para huminto pero kataka – takang wala siyang maramdaman na kapit noon.
Napalunok siya. Wala siyang preno. Mabilis siyang tumingin sa kanyang paligid at mabuti na lang wala siyang mga kasabay na sasakyan. Muli niyang inapakan ang preno ng sasakyan pero wala talaga. Lumulusot lang iyon.
Nasa otsenta ang takbo ng sasakyan niya at mabilis iyon. Pabulusok pa naman ang tulay kaya kailangan niyang mag – ingat talaga. Hanggang sa maya – maya ay may kasalubong na siyang sasakyan. Malakas ang headlights nito at panay ang busina sa kanya. Hindi na siya makakahinto at alam niyang kapag itinuloy niya ay siguradong maaaksidente siya.
Mabilis niyang ikinabig ang manibela pakanan at dire – diretsong bumulusok sa ilog ang kotse niya.