Chapter Four

1090 Words
Pakiramdam ni Emilio ay binabasag ang ulo niya sa sobrang sakit. Napilitan siyang magmulat ng mata at napakunot ang noo niya ng mapansin ang kapaligiran. Puting – puti ang paligid. Napatingin siya sa kanyang kinahihigaan at nakita niyang hospital bed iyon. Mayroong mga prutas at bulaklak sa gilid ng mesa niya. Wala sa loob na hinawakan niya ang ulo at nakapa niyang nakabalot iyon ng benda. Agad siyang napatingin sa pinto at nakita niyang pumapasok doon ang kapatid na si Claire na may mga bitbit na pagkain at mga prutas. Nanlaki ang mga mata nito at mabilis na binitawan ang mga dala at dali – daling lumapit sa kanya at yumakap. “Oh my god! Oh my god! You are awake! I thought I lost my only brother!” sabi nito at mahigpit na mahigpit ang yakap sa kanya tapos ay umiiyak. Natatawa siya at inilayo ang kapatid. “Hey, I know I had an accident last night but I am okay now,” sagot niya. Nakita niyang napakunot ang noo ng kanyang kapatid sa narinig na sagot niya. “Last night? Emilio, you were gone for almost two years!” sabi nito sa kanya. Natigilan siya sa narinig na sinabi ng kapatid. Dalawang taon? Ano ba ang sinasabi nito? “What are you talking about, Claire?” nagugulahan siya at pinilit na tumayo pero pinigilan ng kapatid. “Please, the doctor said you need a lot of rest. Grabe ang mga bugbog mo sa katawan. I don’t know what happened to you and what have you been up to,” sabi nito sa kanya at kita niya ang pagtataka at gulat sa mukha ng kapatid habang nakatingin sa kanya. “Why? What happened to me?” kahit gaano niya isipin ay wala siyang naaalala kundi ang party ng nakaraang gabi na dadaluhan niya. Kailangan niyang mag – speech at kinailangan niyang sunduin ang kanyang nobya tapos nagkaroon nga siya ng aksidente. “We thought you were dead. We looked for you for two years. Mom and dad got depressed kasi hindi ka namin matagpuan. When the police called us about your accident we were really devastated. Kung namatay ka man, at least all we could ask was to find your body but wala kaming makita,” napapaiyak na naman si Claire habang sinasabi iyon. “Where are mom and dad?” “They’ve decided to settle in the States. They already gave up that one day you’re going to comeback or we will have a closure about your death. Ako, I know someday you’ll be back and I am so thankful that you are alive and already here,” at napahagulgol na naman ito. Napapailing siya. Gulat na gulat siya sa mga sinasabi ng kapatid niya. Wala siyang matandaan sa mga sinasabi nito. Napatingin siya sa nakasabit na kalendaryo sa dingding at nakita niya ang taon na nakasulat doon. 2017. Napalunok siya. Ano ang nangyari sa kanya? Nasaan siya sa loob ng dalawang taon? Bakit wala siyang maalala? “Tinawagan lang ako ni Justine, she is a friend of mine who works as a nurse in this hospital. Nakilala ka niya when men brought you here three nights ago pero basta ka na lang daw iniwan. Bugbog na bugbog daw ang katawan mo and I can see that. You can look at it yourself,” sabi pa nito at iniabot ang isang salamin sa kanya. Kahit siya ay hindi makilala ang sarili sa salamin. Puno ng black eye ang mata niya, may mga tahi siya sa kilay. Putok – putok ang kanyang labi. Pati ang katawan niya ay ganoon din. Napatingin siya sa kanyang kamao at kita niya ang mga sugat doon. He is literally black and blue. “Ano ang ginawa nila sa iyo? Ano ang nangyari sa iyo, Emilio?” parang nagmamakaaswa na sabi ng kapatid niya. “I – I don’t remember anything, Claire. I don’t remember that two years na nawala ako,” parang sa sarili lang niya sinabi iyon. “I already called mom and dad about you and they will be here anytime soon.” “How about the company? What happened to the shipping lines?” tanong niya. Kita niya ang paglungkot ng mukha ng kapatid niya. “Felix is now the CEO. Weeks after mong mawala, he and his dad started to take over. They took advantage that dad is really devastated about your loss. We still own thirty percent of the company. They have the thirty – five percent and the rest sa ibang stock holders. Ang office mo nga gustong – gusto ng ipaalis ni Felix but hindi pumayag si daddy. Iyon na lang daw ang alaala niya sa iyo kaya maayos pa rin iyon hanggang ngayon,” paliwanag nito sa kanya. Napahinga siya ng malalim. “Kaya nga kailangan mong magpalakas at magpagaling para makabalik ka na. Felix thinks he can have the whole company. They are starting to buy the shares of other stock holders and kapag nangyari iyon, siya na talaga ang maghahari – harian. And I don’t like the way he handles it. Marami siyang mga illegal na transactions. Ayokong masira ang magandang reputasyon ng kompanya nila daddy,” sabi pa nito. “I won’t allow that to happen,” sabi niya at bahagyang umupo. Agad siyang inalalayan ng kapatid at napatawa siya. “Claire, I can handle myself,” sabi niya dito. “Baka kasi may masakit pa sa iyo,” sabi nito at nag uumpisa na namang umiyak. Ngumiti siya at niyakap ito. “I am fine. Alam na ba ni Kristie na nakabalik na ako?” tanong pa niya. Nakita niyang bahagyang namutla si Claire sa tanong niya at saglit na nag – isip ng isasagot. “Claire? Is there something I need to know?” “Kristie is –“ napailing ang kapatid niya at napahinga ng malalim. “Kristie is now married with Felix. They got married eight months after your accident,” sabi nito sa kanya. Napangiti siya ng mapakla at napailing – iling. “Right. Even my girlfriend gusto niyang makuha sa akin. He took everything from me,” gusto niyang magwala ng mga oras na iyon. “Forget her, Emil. She is not worth it. Ni hindi ko nga siya nakitang nagluksa sa pagkaawala mo. That woman is an opportunist and a social climber. From the start, ayoko na talaga sa kanya,” sabi ng kapatid niya. Hindi na siya kumibo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD