Napatingin si Emilio sa pinto ng makitang may taong dumating doon. Napailing siya ng makitang si Arden ang pumasok. Tulad ng nakaraan, may mga putok ito sa mukha at pasa.
“Parang nakita ko ang kapatid mo sa labas. Pumunta ba dito?” bungad nito sa kanya ng makapasok.
“Oo. Dinalaw lang ako,” tanging sagot niya.
“May problema ba?” tanong nito sa kanya. Napansin marahil ang pagkabalisa niya.
“Dinalaw ako ng parents ko and they’ve met Miggy and Anna,” panimula niya. Kita niyang naghihintay si Arden ng susunod na sasabihin niya. “Tuwang – tuwa sila kay Miggy. And, they asked me if your sister and Miggy would like to live in our home. Alam mo ‘yun, they want to give a better life for your sister and her child. Pero, na – offend yata siya sa sinabi ko. Nagalit sa akin,” paliwanag niya.
Napahinga lang ng malalim si Arden at napatingin sa nakasarang pinto ng silid ni Anna.
“Sige. Subukan ko siyang kausapin mamaya,” sabi nito. “Saka nga pala, may laban ka mamaya sa kuwadra,” dugtong pa nito.
Napakunot ang noo niya.
“Paanong may laban?”
“Kinausap ako ni Pacheco. Ikaw daw ang main event since maraming parukyano ang naghahanap sa iyo. Si Dennis daw kalaban mo,” sabi pa habang nagsasalin ng kape sa baso.
“P – pero, paano akong lalaban kung hindi ko naman alam iyon? Saka sana sinabi mo na hindi na ako lumalaban sa ganyan,” gustong – gusto niyang magprotesta.
Napahinga ng malalim si Arden.
“Ginawa ko na ang lahat ng magagawa ko, Car – “ at napatingin sa kanya. “Emilio,” pagtatama nito sa pangalan niya. “Pero mapilit si Pacheco. Alam mo na daw ang mangyayari kung hindi ka sisipot sa laban,” sabi pa nito.
“A – anong mangyayari?” taka niya.
Napailing si Arden. “Tulad ng madalas nilang gawin sa mga tumatanggi. Pinapabugbog hanggang malumpo,” at nagsalin ng kape sa puswelo ito. “Sa tingin mo ba, ano ang dahilan bakit hindi ako makaalis sa buhay na ganito? Iniisip ko ang sitwasyon ng kapatid ko. Siguradong kapag hindi na ako lumaban, si Anna ang gagalawin nila. Napakaraming koneksiyon ni Pacheco. Mula sa mga pulis hanggang sa mga senador. Hindi ko alam kung hanggang kailan na ganito,” naiiling na sabi pa ni Arden.
Napahinga lang siya ng malalim.
“Ikaw na ang bahala. Alas otso ang simula ng laban mo,” sabi pa at iniwan na siya ni Arden.
Inis na pinahid ni Anna ang luha sa mukha niya. Hindi niya matanggap kung bakit ganito ang nangyayari. Akala niya kapag dumito si Carlos, makakatulong na bumalik ang alaala nito at maalala sila ng anak niya. Pero bakit ganito? Gusto niyang gawin ang lahat para maalala siya nito pero hindi niya alam kung anong gagawin niya.
Napatingin siya sa pinto ng marinig na may kumatok doon. Binuksan niya at nakilala niyang ang kuya Arden niya kaya pinapasok na niya.
“May nabanggit sa akin si Carlos,” sabi nito.
“Huwag mong tawaging Carlos ang lalaking iyon. Hindi na siya ang asawa ko,” sagot niya at tiningnan ang natutulog na anak sa kama.
“Anna, intindihin mo ang sitwasyon niya ngayon. Kung mahirap sa iyo tanggapin ang mga nangyayari, lalo na sa kanya. Bago lahat ito. Narito tayo para tumulong sa kanya na maalala niya ang nakaraan niya,” paliwanag ng kapatid.
Napayuko siya ang napaiyak.
“Hindi ko na alam ang gagawin ko, kuya. Ang sakit – sakit. Mahal na mahal ko si Carlos. Pero sa nakikita ko, mukhang malabo ng mabuo ang pamilya namin,” sa kabila ng mga hikbi ay sabi niya.
Niyakap siya ng kapatid niya. Lalo siyang nagsiksik doon.
“Hayaan mo na, Anna. Ang isipin mo ay ang kinabukasan ng anak mo. May punto si Carlos na mabibigyan nila ng mas magandang kinabukasan si Miggy kung doon kayo titira sa pamilya niya. Doon, mas maayos ang buhay ‘nyo at makakaiwas ka pa kay Diego,” sabi pa ng kapatid niya.
Hindi siya nakakibo. Naisip din naman niya iyon ng sabihin iyon sa kanya ni Carlos. Alam niyang makakabuti iyon kay Miggy.
“Pumayag ka na, na doon kayo ni Miggy tumira kina Carlos. Ako na ang bahala dito,” sabi pa ni Arden.
Umiling siya.
“Hindi kita puwedeng iwan dito, kuya. Walang mag – iintindi sa iyo. Saka hindi ko nga sila kilala. Baka matapobre ang mga iyon,” sagot niya.
“Anna, kaya ko ang sarili ko. Saka sa tingin ko naman, mahal nila si Miggy at sigurado akong hinid ka rin nila pababayaan. Mukhang hindi naman masasamang tao ang pamilya ni Carlos. Saka isipin mo nga, si Carlos minahal mo kahit hindi mo alam ang nakaraan niya. So, pagbigyan mo ang hiling ng pamilya niya. Isipin mo ang kinabukasan ng anak mo.” paliwanag pa ng kuya niya.
Napahinga siya ng malalim.
“Alam mo minsan, naiisip ko na sana hindi na lang bumalik ang alaala ni Carlos,” napaiyak na siya ng tuluyan ng sabihin iyon. “Masaya na kami noon. Kahit walang pera. Kahit minsan kinakapos. At least alam kong nandito siya at buo ang pamilya namin,” napahagulgol na siya.
Naramdaman niyang niyakap siya ng kapatid.
“Ang sakit – sakit kuya. Nandito nga siya pero hindi niya ako kilala. Ibang tao ang turing niya sa akin. Hindi ganoon ang asawa ko. Alam kong mahal na mahal niya ako. Mahal niya kami ng anak namin. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko kayang magtiis,” sa kabila ng pag – iyak ay sabi niya.
Kanina pa nakatayo sa may pinto ng silid si Emilio kaya rinig niya ang lahat ng pinag – uusapan ng magkapatid. Ramdam niya ang paghihirap ni Anna pero wala siyang magawa. Wala talaga siyang maalala. But her presence gives him something familiar. Her scent, her actions are so familiar na parang ibinabalik siya sa isang pagkakataon na kasama ang babae.
This is not his life. Even in his wildest dreams, it never came to his mind to be a cage fighter much more a father and a husband. Naka – plano ang lahat sa buhay niya and everything is in place until that accident happened. Kaya ngayon, hindi niya alam kung saan siya magsisimula. Ayaw naman niyang masaktan si Anna pero ayaw din niyang umasa ito sa kanya. Dahil hindi niya alam kung anong mangyayari sa mga darating na panahon. Hindi niya alam kung babalik pa ba ang alaala niya ng nakalipas na dalawang taon.