Chapter Eighteen

1271 Words
Hindi alam ni Emilio kung paano niya ginawa na manalo siya sa laban na ipinagawa sa kanya ni Pacheco. Hindi niya alam ang kanyang gagawin pero hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit parang may sariling isip ang mga kamay at katawan niya na parang alam na alam kung ano ang gagawin sa loob ng kuwadra. Tatlong suntok at isang sipa sa ulo ang ginawa niya kay Dennis at knocked out na ito. Mabilis nga niyang nilapitan ang kalaban para makita kung maayos ang lagay nito pero mabilis din siyang inawat ni Arden. Baka daw makahalata sila Pacheco. “Still my best fighter,” nakangising sabi ni Pacheco ng lumapit sa kanya at iabot ang isang sobre. “Ano ‘to?” taka niya. Nakita niya ang pagtataka sa mukha ni Pacheco sa tanong niya. “Panalo mo. Para namang bago ka ng bago dito sa kuwadra. Huwag kang mag – alala kay Dennis. Maayos na ang lagay niya,” sabi nito at tumalikod na. “Naka – chamba ka lang. Kung ako ang kalaban mo, siguradong lumpo ka na,” narinig niyang sabi ng kung sino mula sa likod niya. Hindi na siya lumingon dahil kilala na niya kung sino iyon. “Alam ko kung anong nangyayari sa iyo,” sabi pa nito. Doon na siya tuluyang humarap kay Diego. Nakita niyang nakangisi ito sa kanya. “Sabi ko naman iyo, ibigay mo na lang sa akin ang asawa mo. Kung napipilitan ka lang dahil may anak na kayo, hindi naman ako maselan. Kahit nilawayan mo na, ayos pa din sa akin. Aalagaan ko pa rin naman,” sabi pa. Malakas niyang itinulak ang lalaki. Napikon na siya. “What is your f*****g problem?!” galit na sigaw niya. May mga taong lumapit sa kanila at mabilis silang inawat. Nakita niyang napatawa – tawa si Diego at muling bumulong sa kanya. “Gago. Kilala na kita, Emilio.” Bulong nito. Diniinan pa nito ang pagkakabigkas ng pangalan niya. Para siyang kandilang ipinako doon. Hindi niya alam kung paano siya nito nakilala. “Diego!” Pare – pareho silang napatingin sa sumigaw at nakita nilang si Pacheco iyon. “What’s going on?” tanong nito. Tumawa lang si Diego. “Kinakamusta ko lang naman siya. Napikon agad,” sagot nito. Hindi na lang siya kumibo at umalis na lang doon. Baka kung ano pa ang magawa niya dito. “Anong nangyari?” takang tanong ni Arden habang pauwi sila. “Alam ni Diego kung sino ako. Tinawag niya akong Emilio,” sagot niya. Hindi nakakibo si Arden at itinutok ang paningin sa kalsada habang nagmamaneho. “Tingin ko wala namang magiging problema kung malaman nila na hindi ako si Carlos at hindi naman talaga ako para dito. This is not my f*****g life!” pakiramdam niya ay parang wala na siyang magawa. “Paano mo malalaman ang nangyari sa iyo kung susuko ka? Gusto mo bang malaman kung bakit ka nagising sa ospital?” Napatingin siya dito. “Grupo nila Diego ang bumugbog sa iyo. Nahuli lang sila ni Pacheco kaya napilitan silang dalhin ka sa ospital. Pinuntahan ka namin ni Anna para malaman ang kalagayan mo pero nalaman namin na bumalik na ang alaala mo. Sa totoo lang, ayoko talagang puntahan ka pa niya pero mapilit ang kapatid ko. Alam kong masasaktan lang siya sa katotohanan,” paliwanag nito sa kanya. Napailing siya. Talaga bang sinusundan siya ng malas? Sa trabaho niya ay naroon si Felix na alam niyang malaki ang galit sa kanya. Ngayon naman, si Diego. Saan ba siya dapat na pumunta? Inihinto ni Arden ang sasakyan sa tapat ng bahay. “Inihatid lang kita. Kailangan kong bumalik sa kuwadra para malaman ko kung anong nangyayari doon,” sabi nito at umalis na rin ng makababa siya. Dire – diretso siya sa silid ni Arden ng maabutan niya si Anna na nagpapalit ng kobre kama. Nakita niya ang pagkagulat sa mukha nito ng makita ang itsura niya na may putok ang mukha at mga pasa pero itinuloy din ang ginagawa. “May laban ka pala ngayon,” tanging sabi nito. “Nasaan si Miggy?” tanging tanong niya at tuloy – tuloy na pumasok. “Tulog na. Magpahinga ka na,” tanging sabi nito at iniwan na rin siya. Napahinga na lang siya ng malalim at naghubad ng t-shirt. His body feels sore. Masakit ang ulo niya at talagang iniinda niya ang sumasakit na tagiliran. Sigurado siyang ilang araw ay lalabas na ang mga kulay ube na pasa sa katawan at mukha niya. Nakahiga na siya na makita niyang pumasok si Anna doon na may dalang bimpo at maliit na planggana. May mga bandages din itong dala at gamot. Walang imik itong umupo sa gilid ng kama niya at pinunasan ang kanyang mukha. Hindi rin naman siya nagsasalita dahil ayaw niyang sumama na naman ang loob nito. “Medyo masakit ‘to. Tiisin mo lang,” tanging sabi habang nilinis ang putok niyang kilay. Tingin niya ay sanay na sanay na ang babae sa ginagawa. Para bang lagi nitong ginagawa ang ganito sa kanya. Pakiramdam din niya ay nangyari na ito. Napapikit ang mata niya at parang flashback na nakita niyang nakahiga din siya sa kama at pinupunasan ng babae. Ang kaibahan ay nasa ibabaw niya ito at sa bawat pagpunas ng bimpo sa mukha niya ay humahalik ito sa kanya. Mabilis siyang nagmulat ng mata. Nakita niyang tahimik lang ito na nakaupo at inaayos ang bandage na ilalagay sa sugat niya. Hinawakan niya ang kamay nito at nakita niya ang kalituhan sa mukha nito at hindi makatingin sa kanya. “Madalas ba natin itong gawin?” tanong niya. “Sa tuwing may laban ka at umuuwi kang ganyan. Lagi kitang ginagamot,” sagot nito at hindi makatingin sa kanya. “How about this? Did we do this?” at pagkasabi noon ay hinalikan niya ang babae. Ang plano niya ay tikman lamang ang labi nito. Pero hindi niya maintindihan. This feels right. This kiss. Her lips. It feels like he tasted this a hundred times. And the softness of her body, talaga namang hindi niya maintindihan ang init na nararamdaman niya. Si Anna ang naramdaman niyang bumitaw sa pagkakahalik niya. Nakita niyang nakatingin lang ito sa kanya. “You told me you are my wife,” tanging sabi niya dito. “Hindi mo nga ako maalala,” sagot nito sa kanya. “Then help me remember you,” sagot niya dito at muli ay hinapit niya ang babae at hinalikan. Hindi naman kumontra ang babae sa ginawa niya. Gumanti rin ito ng halik sa kanya. Pakiramdam niya ay miss na miss niya ang babaeng ito. Walang pag – aalinlangan na hinubad niya ang suot nitong t - shirt. He is right. Her breasts are so full and he can’t help himself not to touch and kiss those. Parang nababaliw na si Emilio. Talaga lang yatang pinipigil lang niya ang sarili pero matindi ang pagnanasa din niya sa babaeng ito. “Carlos,” tanging nasabi nito. Nararamdaman niyang tinatanggal nito ang kamay niya sa pagkakahawak sa dibdib nito. “What?” may halong inis na iyon. Ngayon pa ba siya mabibitin? Sobrang pagod na siya at init na init pa siya. “Umiiyak si Miggy,” sabi nito. Kita din niya ang panghihinayang sa mukha nito. Narinig nga niya ang pag – iyak ng bata. Napahinga na lang siya ng malalim ng makitang nagsuot ito ng t-shirt. “Magpahinga ka na,” sabi na lang nito sa kanya at iniwan na siya. Napapikit siya ng mariin at itinabon ang unan sa mukha. Napamura siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD