Chapter Sixteen

1329 Words
Hindi na alam ni Emilio kung anong oras na siya nakatulog ng nagdaang gabi kaya naiinis siya na may pagkakaingay siyang naririnig sa sala. Doon na kasi siya pinatulog ni Anna sa kuwarto ng kapatid nito para hindi na daw siya maistorbo. Hindi naman kasi umuwi si Arden ng nakaraang gabi dahil may laban daw ito sa kuwadra. “Where is my apo? I want to see my apo,” iyon ang narinig niyang sabi ng kung sino mula sa sala. Kilala niya ang boses na iyon kaya napabalikwas siya ng bangon at dali – daling lumabas ng silid. Naabutan niya sa sala ang mommy at daddy niya kasama si Claire. Nakapalibot ito kay Anna na karga ang anak nito. Kita niya ang kalituhan sa mukha nito. “Mom! Dad!” tawag niya sa mga ito habang nagsusuot ng t-shirt. Napatingin ang lahat sa kanya at nakita niya ang mukha ni Anna na parang nagpapasaklolo. “Iho, my apo is very guwapo. Kamukhang – kamukha mo siya nung maliit ka!” masayang – masaya na sambit ng mommy niya at nilaro – laro si Miggy na panay naman ang tawa. “What are you doing here?” tanong pa rin niya. Tinapunan niya ng masamang tingin si Claire dahil alam niyang pakana iyon ng kapatid niya. “I want to visit you, anak. And I want to meet my apo and of course my daughter in law. She is really pretty. No wonder, you love her,” nakangiti pang sabi ng mommy niya. “Mom please. Can we talk outside first,” sabi niya at nagpatiuna ng lumabas. “What are you doing here?” halos padaing ang pagkakasabi niya noon ng makalabas ang kanyang ina. “What’s wrong? Hindi ba kita puwedeng puntahan dito? Hindi ba namin puwedeng dalawin ang apo namin?” balik – tanong ng ina niya. Napailing siya. “Hindi nga tayo sigurado kung anak ko nga ang batang iyon,” sagot niya. Nakita niyang nanlalaki ang mata ng nanay niya. “Good heavens! Watch your words! Kahit saang anggulo mo tingnan, ikaw ang batang iyon. I am your mom and I know how you looked like when you were a little kid,” dama niya ang pagkairita sa boses ng nanay niya. “But, we can just see each other somewhere else. Hindi na sana kayo nagpunta dito.” Napatingin sa paligid ang nanay niya at napangiwi. “Yeah. About the place. I don’t want my apo to grow up here. Do you think your wife will agree if we ask her to live with us? We can give anything to Miggy and to her also,” suhestiyon nito. “Mom, she is not my wife,” pagtatama niya. “Whatever Emilio! All I want is to give my grandchild a better life. Bahala ka sa buhay mo kung ayaw mong kilalanin ang bata maging ang asawa mo. But for me, he is my apo and she is my daughter in law. I can feel that she is telling the truth,” iyon lang at tinalikuran na siya nito. Walang magawa, nagkakamot ang ulo na sumunod na lang siya. Hindi malaman ni Anna kung sino ang una niyang pakikinggan. Nalilito siya sa gulo ng pamilya ni Carlos. Ramdam naman niya na walang kahalong ka – plastikan ang pinapakitang pagkagiliw ng mga ito sa anak niya pero nahihiya pa rin siya. Tingin talaga niya ay mayayaman ang mga taong ito at hindi nababagay dito sa lugar nila. “Hawakan ko na muna ang apo ko para makapahinga ka Anna. Tingin ko napapagod ka na sa pag – aalaga kay Miggy,” narinig niyang sabi ng mommy ni Emilio. “O – okay lang naman ho ako,” sagot niya. “Kumain ka na muna ng mga dala namin. Ipaghain mo si Emilio ng breakfast. Dito lang kami sa sala. May sasabihin din daw siya sa iyo,” sabi pa nito at nakita niyang tumingin ito sa lalaki. Nakita niyang napakunot ng noo si Emilio habang nakatingin sa nanay nito. “Kumain na muna tayo. Hindi naman nila pababayaan si Miggy,” tanging sabi nito at naupo sa harap ng mesa. Tulad ng nakasanayan niya, mabilis siyang kumilos para ipaghain ito. “H – hey. Stop doing that. I can do it by myself. Kumain ka na lang,” saway nito sa ginagawa niya. Ramdam niyang nag – init ang mukha niya sa pagkapahiya. “Pasensiya ka na. Nasanay na kasi akong pagsilbihan ka. Nakalimutan kong ibang tao na nga pala ako ngayon sa iyo,” tanging sagot niya. Nakita naman niyang parang nagsisisi ang lalaki dahil sa nasabi at napahinga ng malalim. “Sorry. I – I am just not used to this kind of things. Hindi ako sanay na may nagsisilbi sa akin. Hindi ako nasanay ng ganito,” sagot nito sa kanya at bahagyang hinawakan ang magkabilang sentido. Hindi na lang siya kumibo at inayos na lang ang mga dalang pagkain na nandoon. Nang muli niyang tingnan ang lalaki ay nakatingin na ito sa kanya. “Bakit?” takang tanong niya. Nagkibit ito ng balikat bago sumagot. “I was thinking if your brother would allow you and your son to live with my family,” sabi nito sa kanya. Napakunot ang noo niya. Ano ba ang sinasabi nito? “My family can give the two of you a better place. Mas magiging maayos ang paglaki ni Miggy doon,” sabi nito sa kanya. “At dahil bulok ang bahay namin at pangit ang lugar namin hindi na puwedeng lumaki ng maayos si Miggy dito?” pakiramdam niya nag – iinit ang ulo niya. Oo nga at hindi katulad ng Forbes Park ang lugar nila pero maayos naman niyang maalagaan si Miggy dito at lumaki naman siyang maayos. “Look, I am sorry if you feel that I am belittling your place. I know you love this place. Pero isipin mo na lang ang magandang kinabukasan ng anak mo,” sabi pa nito sa kanya. “Kaya kong alagaan ang anak ko. Hindi ko kailangan ang yaman ‘nyo. Kung hindi mo kayang tumagal dito, umalis ka na. Ang Carlos na nakilala ko ay simpleng tao,” inis na sagot niya. “For Christ sake, how many times I am going to tell you that I am not Carlos! So, please! Stop calling me that f*****g name!” bahagyang napataas ang boses ng lalaki at dama niya ang inis sa pagkakasabi noon. Napalunok lang siya dahil pinipigil niya ang mapaiyak. Ibang tao na talaga ang kaharap niya. “Hindi nga ikaw si Carlos. Umalis ka na. Umalis na kayo ng pamilya mo. Kaya kong buhayin ang anak ko. Kaya kong mabuhay kahit wala ka,” iyon lang at tinalikuran na niya ang lalaki. Tuloy – tuloy siyang pumunta sa sala at walang imik na kinuha ang anak na hawak ng ina ng lalaki. Tapos ay dire – diretso siyang pumasok sa silid niya at nagkulong doon. “What happened?” takang tanong ng mommy niya ng pumunta si Emilio. Marahil ay nagtataka ito kung bakit biglang umalis doon si Anna at kinuha ang anak nito. Umiling lang siya. “I don’t know. Ayaw niyang umalis dito,” tanging sagot niya. “She looked upset. Paano mo ba sinabi?” sabat ng daddy niya. “I don’t know, dad. Please. Go home. Babalik na lang ako kapag may progress na ang alaala ko,” bahagya niyang ipinilig ang ulo dahil nagsisimula na namang sumakit iyon. Nagpatiuna ng tumayo si Claire. “Fine. Iwanan na natin ang lalaking ‘yan,” at tuloy – tuloy na itong lumabas. Dama niyang nairita sa kanya ang kapatid niya. “Fix this, Emilio. I don’t want to lose my grandchild,” tanging sabi ng mommy niya at lumabas na rin. Napahinga na lang siya ng malalim at parang nanghihinang naupo sa sofa. Ano nga ba ang gagawin niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD