Chapter Fifteen

628 Words
“He is back,” walang kaabog – abog na sabi ni Kristie ng makapasok ito sa opisina ni Felix. Naabutan siya nitong naninigarilyo at nakaupo sa harap ng tambak na mga papeles. “And what do you want me to do?” “I want an annulment. I want him back,” sagot nito sa kanya. Napatawa si Felix sa narinig na sinabi ng asawa. “And you think tatanggapin ka pa niya kapag nalaman niya ang totoo?” balik – tanong niya dito. Nakita niyang masamang tingin ang ipinukol nito sa kanya. “I thought he was dead kaya ako nagpakasal sa iyo. But nandito na siya ngayon. I want him back. I want to make things right.” Inis na pinatay ni Felix ang hawak na sigarilyo sa ash tray at tumayo. “Believe me, Kristie. Iba na ang Emilio na bumalik ngayon. He is already married with one kid. Iba na siya. And I know, konting panahon na lang, iiwan din niya ang kumpanyang ito,” sagot niya sa babae at lumapit dito. Marahang hinalik – halikan ito sa batok. Hindi naman ito pumapalag at pinapakiramdaman lang ang ginagawa niya. “Just give me some more time. I promise you, I’ll be the sole owner of this company. We can have this together. Hindi mo na kakailanganin pa si Emilio para sa mga pangarap mo,” sabi pa niya dito. “You promise that?” paniniguro pa nito. “When did I let you down?” balik – tanong niya dito at hinalikan ito sa labi tapos ay humiwalay din. “Do you really want to know what happened to Emilio in the past two years?” tanong pa niya. Nakita niyang napakunot ang noo ng asawa. “You know what happened to him?” Umupo siya sa swivel chair at may kinuhang folder tapos ay inilapag iyon sa harap ni Kristie. Kunot – noong binuksan iyon ng babae. “After the accident and they didn’t find Emilio’s body, I have a hunch that he is alive. I got a private investigator and ipinahanap ko siya. One day, I found a picture of him in a newspaper. Lost male and has a problem with his head. There, I know he can’t come back anymore until this day,” pagkukuwento niya. “So you knew what happened to him? Why you didn’t tell his family? Nakita mo kung paano nagluksa ang parents niya,” parang tonong nagpo – protesta si Kristie. “Para ano? Para pagbalik niya maging kaagaw ko na naman siya? He should have died there para wala ng problema,” inis na sabi niya at napakamot ng ulo. Hindi kumibo si Kristie na halatang hindi kumbinsido sa sinabi niya. “He has a family there. When I saw him, he was happy and looked contented with what he has,” sagot pa niya at kinuha ang telepono para mag – dial. “Sinong tatawagan mo?” taka ni Kristie. “An old friend,” tanging sagot niya. “Please connect me to Mr. Pacheco,” tanging sabi niya sa kausap. Ilang minuto lang ang hinintay niya at may sumagot na sa kanya. “Wala si Uncle dito. Sino ito?” “Diego?” paniniguro niya. “Sino ito?” dama niyang naiinis na ang kausap. “This is Felix. May bumalik ba kayong fighter na ang pangalan ay Carlos? Carlos Jacinto?” “Bakit? Sa kanya ka pupusta?” Napatawa siya. “Busy ka ba ngayon? Puntahan mo ako sa opisina ko. May trabaho ako para sa iyo,” sabi niya. Narinig niyang napamura ng mahina ang kausap. “Sige. Nandiyan ako ng alas dos,” at binabaan na siya ng telepono.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD