Chapter Fourteen

1461 Words
Kahit sinabi sa kanya ni Arden na doon siya matulog sa kuwarto ni Anna ay hindi niya ginawa. Nagtiyaga siyang matulog sa sofa sa sala. Hindi naman siya sanay na matulog sa ganoong lugar kaya hindi rin siya makatulog. Inis na bumangon siya at naupo na lang. Sana ay sumama na lang siya ulit kay Arden ng bumalik ito sa kuwadra. Sabi kasi nito ay may laban ito ngayong gabi pero naisip nitong dito na lang siya bahay dahil baka manibago pa siya. Napatingin siya sa nakaawang na pinto ng silid ni Anna ng marinig na umiiyak ang anak nitong si Miggy. Hindi siya gumawa ng ingay at sinilip iyon. Nakita niya si Anna na binuhat ang bata at hinele – hele. “Ssshhhh… huwag ka ng umiyak, anak. Shhh… Oo, alam ko nami – miss mo ang pagpapatulog ng tatay mo. Nandito naman si nanay. Si nanay na lang. Mahal na mahal ka ni nanay,” narinig niyang sabi nito habang isinasayaw – sayaw ang bata para tumahan ito. Pero nakita niyang lalo lang lumakas ang iyak ng bata. Nakita rin niya ang frustration sa mukha ni Anna at parang gusto na nitong umiyak. “Huwag ka ng umiyak, Miggy. Masanay na tayo ngayon dahil hindi na tayo kilala ng tatay mo,” malungkot pang sabi nito. Kumatok siya sa pinto at nakita niyang nagulat ito ng makita siya. “Maingay ba? Naistorbo ba ang tulog mo? Pasensiya na kasi hindi makatulog si Miggy,” sabi nito sa kanya. Ngumiti lang siya dito at lumapit. “Bakit ba siya umiiyak? May masakit ba sa kanya?” tanong niya habang nakatingin sa bata na nakatingin na ngayon sa kanya. Nabawasan na rin ang palahaw nito at nakita niyang pilit na inaabot siya. “Sanay kasi siyang ikaw ang nagpapatulog sa gabi,” wala sa loob na sabi nito. “May I?” paalam niya. Nakita niyang napatawa ang bata. Walang imik na ibinigay nito sa kanya si Miggy. Hindi niya maintindihan kung bakit parang sanay na sanay siya sa paghawak ng bata. He doesn’t even have a kid and hindi pa nga niya naranasan na mag – alaga ng bata. Nang hawakan pa lang niya ay nagpapasag na ito at humagikgik. Hindi rin niya maintindihan ang saya na naramdaman niya. “Puwedeng hawakan mo muna siya? Maliligo lang ako? Hindi kasi talaga siya nakakatulog ng maayos mula ng umalis ka,” sabi nito sa kanya. “S – sure,” tanging sagot niya at iniwan na siya ng babae. Hindi niya alam kung anong gagawin niya pero sa halip na umiyak ang bata ay humahagikgik ito sa kanya. Napangiti rin siya at lalong nagtawa ito. Hindi niya maipaliwanag ang saya na bumalot sa kanya sa mga ngiting iyon ng bata. “So, your mom is calling you Miggy, huh? Why are you giving your mom a hard time?” natatawang sabi niya sa bata at lalo itong naghagikgik. “You sleep well tonight, buddy. Give your mom a break. She looks tired already,” sabi pa niya dito. Para namang nakakaintindi na humilig sa balikat niya ang bata at hindi na naglikot. Napangiti na lang siya habang hinihimas ang likod nito. Sa isang sulok ay tahimik na lumuluha si Anna. Nakikita niya kung gaano ka - miss ng anak niya si Carlos. Nag – iba man ang pangalan nito, mananatiling ito ang lalaking minamahal niya. Ito ang lalaking ama ng anak niya. Pero alam niyang pansamantala lang ito. Katulad ng nangyari noon. Pansamantala lang na mananatili sa kanila ang lalaking ito at dapat niyang muling ihanda ang sarili. Lalo na ngayon na kahit siya ay hindi na nito maalala. Tumalikod na siya at tinungo ang banyo. Pababayaan muna niyang makasama ni Miggy ang tatay niya. Alam niya kung gaano ka – miss ng anak niya si Carlos. Pinagalitan niya ang sarili. Bakit ba siya tawag ng tawag ng Carlos sa lalaking iyon. Hindi nga ba’t Emilio na ang pangalan nito ngayon. Emilio Lorenzo. May – ari daw ng isang sikat na Shipping Company. Mataas ang pinag – aralan at kilala bilang mayaman. Kung siya lang ang masusunod, ayaw niyang dumito pa ang lalaki. Alam niyang iba ang mundo nito sa mundo nila. Kanina lang habang tinitingnan niya ito na hawak ang anak niya, ibang tao na ang tingin niya dito. Sa paraan ng pagsasalita pa lang nito sa anak niya, halatang – halata na galing iyon sa may pinag – aralan na tao. Hindi katulad ni Carlos. Napaka – simple lang ng asawa niyang si Carlos. Sapat na ang maliit na kinikita nito para sa kanilang pamilya. Masaya na ito kapag nananalo sa kuwadra at may maiuuwing pera at pagkain para kanilang tatlo. Napatigil siya sa pagbubuhos ng katawan ng marinig na may kumakatok sa pinto ng banyo. “A – anna, pasensiya na. Tulog na tulog na kasi si Miggy, hindi ko naman alam kung paano siya ibababa sa kama,” narinig niyang sabi ni Emilio mula sa labas. “S – sige. Sandali na lang ako,” sagot niya at binilisan ang pagkuskos sa katawan at nagbanlaw na. Tinutuyo niya ng tuwalya ang katawan ng mapansin niyang wala doon ang damit na dapat ay isusuot na niya. Napamura siya ng mahina ng maisip na naiwan pala niya iyon sa loob ng kuwarto. Nag – iisip siya kung paano siya lalabas ng banyo. Ayaw naman niyang lumabas doon na nakatapi lang tuwalya at baka isipin ng Emilio na iyon ay nang – aakit siya. Pero alam niyang wala din siyang magagawa. Mapipilitan talaga siyang lumabas ng banyo na nakatapi lang ng tuwalya. Naabutan niya si Emilio na nasa sala na nakatayo at karga ang tulog na tulog na si Miggy. Kita niya ang pagkagulat sa mukha nito ng makita ang hitsura niyang bagong ligo at nakabalot lang ng maiksing tuwalya ang katawan. “Sandali lang ha? Magbihis lang ako. Naiwan ko kasi ang mga damit ko sa kuwarto,” sabi niya at tuloy – tuloy na pumasok sa silid. Para namang ipinako sa kinatatayuan si Emilio habang nakatingin sa dinaanan ng babae. Mula sa nakaawang na pinto, kita niya ang kabuuan ng babae habang nagbibihis ito. Parang naisip niya, kung totoo ngang asawa niya ang babaeng ito, napaka – suwerte niya. This woman has the curves at the right places. Big boobs, curvy waist, full bottom. Not to mention her beautiful face. Wala sa loob na napalunok siya. Hindi niya maipaliwanag ang init na biglang lumukob sa katawan niya. Mabilis niyang iniba ang tingin ng makita na papalabas na ito ng silid. Nagtutuyo na lang ito ng buhok at lumapit sa kanya. “Kunin ko na si Miggy. Salamat. Magpahinga ka na,” sabi nito sa kanya at tumalikod na. Pero mabilis niya itong hinawakan sa braso para pigilan. Iyon na naman. Nakita na naman niya ang pagkataranta sa mukha nito. Hindi nga nito makuhang tumingin sa kanya. “Can you please stay here? For a while? I want to know more about me,” sabi niya dito. “Si kuya Arden na lang ang kausapin mo,” pag – iwas nito sa kanya. “But you said you were my wife.” Nakita niya ang lungkot na rumehistro sa mukha nito. “Ikaw na nga mismo ang nagsabi na wala kang asawa. Saka, bakit ka ba nagtitiyaga dito? Hindi ito ang mundo mo. Ibang – iba ang asawa ko sa iyo,” nakita niyang yumuko ito. Marahil ay para itago ang namumuong mga luha sa mata nito. Napahinga siya ng malalim. “Why did we get married?” Nakita niyang napatawa ito pero tuloy – tuloy ang pagdaloy ng luha sa mukha. “Sinabi mo na mahal ako, eh. Nangako ka sa akin na hindi mo ako iiwan. Mahal na mahal kita, Carlos. Ikaw at ang anak natin. Kaya kahit alam ko sa sarili ko na darating ang oras na ito, sumugal ako para makasama ka. Pero hindi ko inaasahan na ganito pala kasakit. Ibang – iba ka na,” saglit itong huminto at napayuko. Gustong – gusto niya itong yakapin para mapagaan ang bigat ng nararamdaman nito pero hinid na lang siya kumilos. Nagpahid ito ng luha at tumingin sa kanya. “Sana lang. Kahit bumalik na ang alaala mo, alalahanin mo ang mga panahon na minahal mo ako at alam kong totoo iyon ng sabihin mo sa akin na mahal mo rin ako,” sabi nito at iniwan na siya. Hindi na niya ito nakuhang pigilan dahil alam niyang nagkulong na ito sa kuwarto. Napahinga na lang siya ng malalim. He can feel the pain from her words. Pero wala siyang magawa. Kasi kahit anong gawin niyang pag – alala, wala talaga siyang maalala tungkol sa dito at sa nakaraan nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD