Chapter Nine

729 Words
Napapailing si Emilio habang tinitingnan ang kanyang mga magulang at kapatid na hindi malaman kung ano ang uunahing tingnan sa mga litratong ipinakita niya na ibinigay ng babae. Ang mga ito ay gulat na gulat at hindi makapaniwala dahil talagang siya ang taong naroon sa mga litrato. “You got married?! I cannot believe it,” bulalas ni Claire ng makita ang isang litrato na naroon siya at ang babaeng Anna ang pangalan. “I don’t remember that,” tanging sagot niya. “But the pictures don’t lie! Ikaw ang nasa mga ito. You got married and you have a child?” hindi makapaniwala ang mommy niya. “Where is this girl? ‘Yung babaeng nagpunta sa opisina mo? Why you didn’t talk to her?” ang daddy naman niya. “Hindi ko nga siya kilala. She just came in the office telling me that I am her husband. I told her to go away dahil hindi ko talaga siya kilala,” naiinis na siya. Ito na nga ba ang sinasabi niya kaya ayaw niyang sabihin sa pamilya niya ang tungkol dito. Talagang hindi titigil ang mga ito hangga’t hindi nasasagot ang mga tanong nito. “That was your mistake, Emilio. Hindi mo dapat pinaalis ang babaeng iyon. She might be the key para malaman natin kung ano ang nangyari sa iyo. And if this is true na mayroon kang anak, aba dapat na makilala mo ang anak mo. Kailangang panagutan mo iyan,” sabi ng ama niya. “Dad, I don’t know who is that woman. I don’t even know where to find her,” protesta niya. Bahagya niyang hinilot – hilot ang sintido dahil sumasakit na naman ang ulo niya. Napahinga ng malalim ang daddy niya. Kinuha nito ang telepono at may tinawagan. Nakita niya ang mommy niya at si Claire na iniisa – isa ang mga litrato. Napapangiti pa ang mga ito habang tinitingnan iyon. “What is funny, Claire?” naiinis na siya. Umiling lang ito. “I cannot believe that you already have a kid. Mom thinks this is really yours. Kamukhang – kamukha mo daw ‘nung maliit ka pa,” sabi nito. “Emilio, you know how I missed to have a kid in the house kaya nga ipinagtutulakan na kitang ipakasal kay Kristie noon. Pero kung anak mo talaga ang batang ito, hindi mo alam ang kasiyahan na ibibigay nito sa akin,” sabi ng mommy niya. “Ma, stop it. Hindi nga natin alam kung totoo ang sinasabi ng babaeng iyan. Baka manloloko lang ‘yan at ginagamit ang litrato na iyan,” inis na sagot niya. “Ano ka ba? Look at this picture,” sabi ni Claire at tumayo para lumapit at ipakita sa kanya ang isang litrato. “You think this picture lies? You are the picture of a man in love here. Look closer,” sabi ng kapatid. Hindi nga nagsisinungaling ang kapatid niya. Sa litratong iyon ay nakatitig lang siya sa babae at ito naman ay nakatingin sa hawak na bata. Kuha ito sa simbahan ng isang binyagan na okasyon. Muli niyang natitigan ang babae. Ang cute na bilugang mukha, ang magandang mata. Para sa kanya ay isang napakagandang babae noon pero hindi talaga niya maalala kung sino ito sa buhay niya. “I already talked to your secretary, Emil. Good thing nag – log sa log book ang babaeng sinasabi mo at iniwan doon ang pangalan at kumpletong address niya. We better go and talk to her para maliwanagan tayong lahat,” sabi ng kanyang ama. “Dad, pabayaan na natin ito. I am okay. Saka hindi na importante kung ano ang nangyari sa akin. Ang mahalaga ay okay ako at nakabalik na ako,” kontra niya. “We need to know what happened to you. Makakatulong siya para malaman natin kung ano ang nangyari sa iyo. The police thinks your accident is really not an accident. When they checked your car, the brakes were not working dahil pinutol daw ang brake lines ng kotse mo,” sabi ng daddy niya. Maang siyang napatingin sa ama. Ngayon lang niya nalaman iyon. “Hindi namin sinasabi sa iyo dahil ayaw ka namin na mabigla. But this, itong nangyayari ngayon, kailangan na nating harapin at alamin kung ano talaga ang nangyari sa iyo.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD