Chapter Nineteen

2025 Words
Maaga kinabukasan ay bisita muli ni Anna ang magulang ni Carlos. Marami na naman itong dala para sa kanila na pagkain at mga pasalubong para sa anak niya. Ayaw din niyang istorbohin sa pagpapahinga si Carlos dahil alam niyang masakit pa ang katawan nito dahil sa nakaraang laban nito sa kuwadra. “Sana hindi mo masamain ang pagdalaw namin ulit dito,” sabi ng mommy ni Carlos. Ngumiti siya sa mga ito. “Welcome naman ho kayo dito anytime,” sagot niya. “Nasaan si Emilio?” ang daddy nito ang nagtanong. “Nagpapahinga ho, eh. Gisingin ko lang,” at akma siyang aalis ng pigilan ng mga ito. “Pabayaan mo na lang siyang magpahinga. Mabuti nga at ikaw ang narito. May gusto sana kaming sabihin sa iyo,” sabi ng mommy nito. Parang alam na niya ang sasabihin ng mga ito. “Kung hindi mo sana mamasamain, gusto sana namin na doon na kayo tumira sa bahay ng anak mo. It’s more convenient living there,” sabi nito. “I am not saying that it is not convenient living here pero for Miggy, he can have a larger play area. And makakatulong mo pa kami sa pag – aalaga sa kanya,” dugtong pa nito. Hindi siya kumibo. Magdamag niyang iniisip ito. May punto naman ang mga ito na mas magiging maayos ang buhay ni Miggy doon. Gagawin niya ang lahat para sa magandang kinabukasan ng anak niya. “Pumapayag ho ako,” sagot niya. Kita niyang nagkatinginan ang dalawang matanda. Parang hindi makapaniwala sa sinabi niya tapos ay niyakap siya ng matandang babae. “Thank you. Thank you for doing this,” sabi nito. “May ipapakiusap ho sana ako. Kung puwedeng si Miggy na muna ang mauna sa inyo. Marami pa kasi akong aasikasuhin dito. Saka ang kuya ko pa,” sabi niya. “Sure. Sure iha. Don’t worry about Miggy. We will take care of him,” kitang – kita niya ang tuwa sa mata ng matandang babae. Hindi na alam ni Emilio kung anong oras siya nagising. Tatayo na lang siya pero mabilis din siyang napahiga dahil sa sakit ng kanyang katawan. Naalala na naman niya ang nakaraan niyang laban. Dahan – dahan siyang tumayo at humarap sa salamin. Noon niya nakita ang putok ng mga kilay niya at black eye. Bukod pa sa mga pasa niya sa katawan. Kung ito ang naging buhay niya ng dalawang taon, hindi niya alam kung paano siya naka – survive. Lumabas siya sa silid at naabutan niya si Anna na naglilinis sa kusina. Napakunot ang noo niya dahil nakita niyang nakatiklop ang crib ni Miggy sa sala. “Nasaan si Miggy?” tanong niya dito. “Nagpunta dito ang parents mo kanina. Ipinahiram ko na muna si Miggy. Masayang –masaya sila na kasama nila si Miggy ngayon,” sagot nito sa kanya habang patuloy sa paghuhugas ng plato. “Kumain ka na. Nagluto na ako ng pananghali,” sabi pa. “Why you didn’t wake me?” sabi pa niya at naupo sa harap ng mesa. “Ayaw na nilang ipagising ka. Saka baka magtaka sila kapag nakita nila ang itsura mo,” sabi nito. Napakibit siya ng balikat. May punto ang babae. Hindi nga naman alam ng mga magulang niya ang ginagawa niya dito. “Who is Diego?” walang abog na tanong niya sa babae. Nakita niyang natigilan si Anna bago sumagot sa kanya. “Pamangkin ni Pacheco. Doon siya nagtatrabaho sa kuwadra,” sagot nito. “Why he keeps on telling me that he wants you? Meron ba kayong nakaraan ni Diego?” tanong pa niya. Narinig niyang malakas na binitawan ng babae ang hawak na plato. “Ikaw lang ang lalaking dumaan sa buhay ko. Wala kaming nakaraan ng hayup na iyon. Pero kung gusto mo akong ipamigay sa kanya, sige. Papayag na ako. Papayag na ako sa gusto niya kahit isang gabi lang,” galit na sagot nito sa kanya. “It’s not what I meant. Tinatanong ko lang kung may nakaraan kayo dahil wala akong maalala, Anna. Hindi ko nga siya kilala,” nagpapaliwanag na sabi niya. “At kahit ako hindi mo ako kilala,” malungkot na sabi nito. “I am sorry. I am doing my best to remember you.” Nakita niyang tuluyan ng napaiyak ang babae. Tumayo siya at lumapit dito para pahirin ang mga luha nito. “I don’t know. I can’t explain. I don’t know you but when we do this,” sabi niya sabay halik sa labi nito. “It seems perfect,” mahinang sabi niya Napailing – iling lang ang babae “Gagawin ko ang lahat, Carlos. Gagawin ko ang lahat para maalala mo ako. Para maalala mo kung gaano mo ako kamahal,” umiiyak na sabi nito. Niyakap lang niya ang babae. He knows she’s doing everything for him and napaka – unfair na talagang hindi niya maalala kung sino ba ito sa buhay niya. “Come with me today,” sabi niya dito ng bumitaw sa pagkakayakap dito. Naupo na siya sa harap ng mesa para kumain. “S – saan tayo pupunta?” taka nito. “I want you to know me. I want you to know who is Emilio Lorenzo,” sagot niya dito. Parang ayaw ihakbang ni Anna ang mga paa niya ng makarating sila sa opisina ni Carlos. Naalala niya kung paano siya ipagtabuyan noon ng lalaki. Kaya hindi niya maintindihan kung bakit siya nandito ngayon. “A – anong ginagawa natin dito?” tanong niya habang mabagal na naglalakad pasunod sa lalaki. “I want you to know where I work and my job. I want my employees to know who you are,” nakangiting sagot nito sa kanya habang nakangiting tumango sa mga nakakasalubong na tao. Hindi nakaligtas sa kanya ang nagtatakang tingin ng mga ito dahil sa itsura ni Carlos na puro pasa at putok ang mukha tapos ay kasama pa siya. “Hindi naman na kailangan siguro na pumunta pa ako dito. Umalis na lang tayo,” sabi niya. Huminto si Carlos at humarap sa kanya. “Ano bang kinakatakot mo? I am just going to tell everyone that you are my wife,” natatawang sabi nito at nagpauna na sa kanya. Hindi siya nakakibo. Ano ba ang ginagawa ni Carlos? Bakit siya ipapakilala nito sa mga tao? Gayung hindi nga siya nito naaalala na siya ang asawa nito. Sumunod na lang siya dito ng pumasok ito sa isang silid. Naisip niyang siguro ay ito ang opisina ng lalaki dahil parang pamilyar na pamilyar ito doon. Nakita niyang napatingin sa kanya ang sekretarya nito at bahagya siyang napangiti dito. “Melissa, this is my wife Anna. Can you please prepare some food for us? And call Sam. Tell him to go here in my office,” tanging sabi ni Carlos at dire – diretso ng pumasok sa silid. Kitang – kita niya na gulat na gulat itong napatingin sa kanya. “This is my office. I know you know it already dahil dito mo ako sinugod,” natatawang sabi nito sa kanya. “Pasensiya ka na sa nangyari noon. Desperado na kasi ako. Awang – awa na ako sa anak ko,” sagot niya. Pareho silang napatingin sa pinto ng makitang pumasok si Sam. “Naka – leave ka pa ‘di ba? Anong ginagawa mo dito? Saka anong nangyari sa’yo?” tanong nito pero nakatutok ang tingin nito sa kanya. “Yes I am still on leave. I just want you to meet my wife Anna,” sagot nito. Nakita niya ang pagtataka sa mukha nito na parang hindi makapaniwala. “It’s a long story. She’s helping me regain my memories,” sagot niya at naupo doon at nagbuklat – buklat ng mga papel sa mesa niya. “Your secretary told me you are here and I want to welcome you back personally,” narinig nilang sabi ng isang tinig. Nakita niya ang biglang pag – iiba ng timpla ni Carlos ng makita ang isang lalaking pumasok sa opisina nito. “I’m still on leave. I just need to get something and I want to have a nice time with my wife,” sagot nito. Nakita niyang tiningnan siya ng lalaki mula ulo hanggang paa. Hindi niya maintindihan kung bakit parang bigla siyang naasiwa sa paraan ng pagkakatingin nito. “Your wife? Since when?” tanong pa nito. “Since the time when someone tried to kill me two years ago,” walang kaabog – abog na sagot ni Carlos. Gulat akong napatingin sa kanya. Parang walang anuman iyon sa kanya at abala lang ito sa pagbuklat – buklat ng mga papel. Nakita kong natigilan naman ang lalaking kumakausap sa kanya. Parang may nangyaring hindi niya alam. Saka ramdam niya ang tensiyon sa paligid nila. “Anong ginagawa ng babaeng iyan dito?” Nakilala niya ang nagsalitang iyon. Iyon ang babaeng nandito na nakayakap kay Carlos nang pumunta siya. Kitang – kita niya ang matalim nitong tingin sa kanya. Naguguluhan siya. Sino ba ang mga taong ito? Ano ba ng gustong palabasin ni Carlos at dinala siya dito? “I want you to meet my wife, Kristie.” Sabi nito. “Wife?! What the f**k are you talking about? Kailan ka pa nag – asawa?” dama niya ang inis sa bawat salita ng babae. Lumapit sa kanya si Carlos at umakbay sa kanya. “Do you care?” “Of course I care! When you left, I am your girlfriend. We didn’t have closure. And now you are telling me that you have a freaking wife?!” galit na galit na ngayon ang babae. Napatawa si Carlos at napailing – iling. “Kristie, nandiyan ang asawa mo. Nasa tabi mo lang. Watch your words,” natatawang sabi ni Carlos. “Besides, can you please leave us for now with Sam. We have something to discuss,” sabi nito at naupo sa silyang nandoon. “Emil, we need to talk,” sabi pa rin ng babae. Pero nakita niyang hinihila na ito palabas ng lalaking naroon hanggang mawala na ito sa paningin nila. Hanggang sa labas ay naririnig pa niya ang pagsisigaw ng babae. “Felix is going crazy since you came back. Kaya siguro pumunta dito just to make sure you are really here,” sabi ni Sam. “I’ll be gone for some time, Sam. I want you to do me a favor. Look for this. Please investigate. I want to know what really happened to me the last two years,” sabi ni Emilio at iniabot nito ang isang envelope kay Sam. “What is this?” “Just read it. I want to know if totoo ang mga sinasabi nila dad,” sagot pa nito. Naguguluhang binuklat ni Sam ang envelope at parang gulat na gulat ito sa mga nakikita. “Are you sure about this, Emil?” parang hindi makapaniwalang sabi nito. “I don’t know. Sila dad ang nagpa – investigate niyan. I just want to make sure for everything bago ako gumawa ng hakbang,” sagot ni Carlos. Nakita ni Anna na napapailing – iling si Sam habang binabasa ang hawak na mga papel. “This is serious allegations, Emil. Are you sure Felix is capable of doing this?” Napahinga ng malalim si Emilio. “I don’t know. As of now I don’t know what to think anymore. I don’t know whom to trust,” nakita ni Anna na tumingin sa kanya ang lalaki. “Good thing my wife here is helping me to regain my memories,” sabi pa nito at tumayo na. “We’ll go ahead, Sam. Just let me know if you have some information about that. And please be discreet. I think they are not yet finish with me,” sabi pa ni Emilio. “Don’t worry. Walang makakaalam. Ikaw ang mag – ingat. Sige, bro. Just call me if you need anything.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD