Gustong – gustong magsalita ni Anna habang bumibiyahe sila pauwi ni Carlos. Pero hindi man lang siya nito tinitingnan. Kunot na kunot ang noo nito habang nagmamaneho. Panay busina sa mga sasakyang tumatabi dito. Nakakatakot nga. Naalala na naman niya kung paano nito binugbog si Diego noon ng maabutan siyang hinahalikan. Awang – awa siya kay Diego kasi kung hindi lang ito naawat noon, baka lumpo na si Diego ngayon. Pero naisip din niya, bakit magagalit sa kanya si Carlos? Wala naman siyang masamang ginawa? Saka kapatid naman nito ang kasama niya. Kilala naman ni Claire ang kausap niya. Saka, kay Carlos na nga nanggaling na hindi naman siya maituring na asawa kasi nga hindi naman siya maalala. Napasimangot siya ng maisip iyon. Bakit nga kaya umaarteng nagseselos ang lala