Chapter Twenty-four

774 Words

Nagising si Emil na mag – isa na lang sa kama. Napahinga siya ng malalim ng maalala ang nangyari kagabi. Napatingin pa siya sa mga damit niyang nakatiklop may gilid ng kama. Naalala niya, kung saan na lang niya iyon naitapon kagabi. Bumangon siya at nagbihis. Maayos na rin ang kuwarto. Mukhang nagligpit na si Anna. Papunta pa lang siya sa kusina ay naaamoy na niya ang mabangong niluluto doon. Naabutan niyang nagluluto si Anna. “Good morning,” bati niya dito at naupo sa harap ng mesa. Tumingin lang sa kanya ang babae at alanganing ngumiti. “You wake up early,” sabi pa niya. He wants to start a conversation with her. After what happened last night, pakiramdam niya ay parang nahihiya ito sa kanya. “Maaga talaga akong gumigising,” sagot nito sa kanya at nagpatuloy sa pagluto.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD