Past ten na pero wala pa rin si Anna sa bahay nito. Dito na naisip ni Emil na umuwi dahil ayaw niyang matulog sa bahay nila. Ayaw na niyang kulitin siya ng parents niya. Tinawagan na lang din niya si Claire na doon ihatid si Anna. Naka – receive siya ng text kay Claire at nagpapasundo ito. Napakunot ang noo niya. May dala namang sasakyan si Claire bakit kailangan nitong magpasundo? “Where the hell are you?” Narinig niyang tumawa lang ang kapatid. Sa tingin niya ay lasing ito. “Emil,” at tumawa pa ito ulit. “Sunduin mo naman kami ni Anna. Hindi ko na kayang mag – drive,” sabi nito sa kanya. Mahina siyang napamura. “Nasaan kayo?” “Dito lang sa BGC. Text ko sa iyo address, ha? Saka kasi si Anna, lasing na lasing na din,” sabi pa nito. “What the hell, Claire? Mukha namang