Chapter Twenty-one

1392 Words
Inis na tiningnan ni Diego si Felix na palakad – lakad sa loob ng opisina ng uncle niya. Kanina pa sila nandito lang sa loob at pinag – uusapan ang tungkol kay Carlos. “Bakit kasi hindi ‘nyo pa tinuluyan ‘nung binugbog ‘nyo?” at nakita niyang tumingin ng masama si Felix sa kanya. “May nakakita sa amin. Naabutan kami ng uncle ko,” sagot niya at nagsindi ng sigarilyo. Narinig niyang mahinang napamura si Felix. “Kung naiinis ka at bumalik sa buhay mo ang Carlos na iyon, ‘di lalo na ako? ‘Tang ina, gustong – gusto ko si Anna. Kaso mo, bumalik ang tarantado.” Galit na sagot niya. Napahinga ng malalim si Felix at bahagyang napangiti. “Gusto mong makuha si Anna ‘di ba?” paniniguro nito. “Ititira ko sa mansion ang babaeng iyon. Kahit sampu pa ang anak niya sa gagong Carlos na iyon, babawiin ko pa rin ‘yon.” “Kung magawan ko ng paraan na magkahiwalay ang dalawang iyon, sisiguraduhin mo ba na huling laban na ni Emil ang magiging laban niya sa iyo?” sabi ni Felix. Napatawa siya. “Iyon lang ba? Oo ba. Papalabasin nating aksidente,” sagot niya. Napatango – tango si Felix. “Sige. I’ll tell you what to do.” --------------------------------------à>>>>>>> Gabi na ng dumating sa bahay ng mga Lorenzo sina Emilio at Anna. Naabutan nila ang magulang ng lalaki na abala sa paglalaro kay Miggy at natuwa ang mga ito na dumating sila. “Emil, look at Miggy, ‘o? Bagay na bagay ang binili kong damit,” masayang – masayang sabi ng mommy ni Emilio Napailing si Anna dahil nakita niya ang napakaraming paper bags ng mga damit, sapatos at laruan para bata. “Napakarami naman ‘nyan,” mahinang bulong niya kay Emilio. “Bayaan mo na. First time nagkaroon ng apo,” sagot nito sa kanya. “We set up the guest room as a nursery for Miggy. Gustong – gusto niya doon. Kasi marami siyang toys,” sabi pa ng mommy nito. Napahinga ng malalim si Anna. “Sobra naman yata. Baka masanay si Miggy sa luho,” bulong pa niya sa lalaki. Nakita niyang tumingin sa kanya si Emilio na parang nagugulat. “Anna, my family can provide anything for Miggy.” Sagot nito. Napalunok siya. My family. Ang pamilya niya pero hindi siya. Gusto niyang umiyak. Talagang hindi itinuturing na anak ni Carlos ang anak niya. “Gusto ko po sana na magpa – DNA test si Miggy saka si Carlos.” Nakita niyang pare – parehong napatingin sa kanya ang mga taong naroon at parang hindi makapaniwala sa sinabi niya “Iha, there is no need for that. Alam naman namin na totoong apo namin si Miggy,” sagot ng daddy ni Carlos. Umiling lang ako. “Sige na po. Para makasiguro po kayo na talagang anak niya ang anak ko,” at tumingin siya kay Carlos. Nakita niyang seryoso lang itong nakatingin sa kanya. Ramdam niyang parang biglang nagkatensiyon sa paligid kasi walang gustong magsalita. “Fine. Ipa – schedule ‘nyo kami ng DNA test ni Miggy,” narinig niyang sagot ng lalaki. Gusto niyang umiyak. Umaasa siyang sasabihin sana ni Carlos na naniniwala siyang anak nila si Miggy kaya niya nasabi iyon. Pero mali siya. Maling – mali siya ng akala. “Anna, do you like to go out tonight? Sama ka sa akin. Birthday ng isang friend ko. Don’t worry about Miggy. Sila mommy na ang bahala sa kanya,” si Claire ang narinig niyang bumasag ng katahimikan nila. “Oo nga naman, Anna. Para makapag – unwind ka. I am sure papayag naman si Emil,” ang mommy ni Carlos ang nagsabi noon. “Wala naman hong pakielam sa akin ang anak ‘nyo kaya hindi ko ho kailangang magpaalam sa kanya,” sagot niya at tumingin kay Claire. “Saan ang birthday? Uuwi na muna ako para makapagpalit ng damit,” baling niya kay Claire. “No need. Marami akong extra na damit. Come on. I’ll help you choose,” at naramdaman niyang hinawakan siya ng babae sa kamay at pahila na inalis doon. Matagal ng nakaalis si Anna at Claire pero nanatiling nakaupo lang sa sofa sa sala si Emil. He is just looking at Miggy while the kid is playing inside the playpen. Hindi niya alam kung anong pumasok sa isip ni Anna at naisip nito na magpa – DNA test pa sila ng bata. Siguro ay iniisip nito na hindi siya naniniwala sa claim nito. “Sigurado ka bang magpapa – DNA test pa kayo ni Miggy? Emil, I know this kid is your son.” Narinig niyang sabi ng mommy niya. Hindi siya kumibo. “I know your wife is hurting. Wala ka ba talagang maalala tungkol sa kanya?” ang daddy na niya iyon. Umiling lang siya. “I can’t blame her if she is frustrated. I think that woman loves you so much. Ayoko man sabihin ito pero sana, huwag dumating ang panahon na bumalik ang alaala mo pero kinalimutan ka na ng asawa mo,” sabi ng daddy niya. “She is not my wife,” sabi niya. Napailing lang ang daddy niya. “But the pictures that she showed to us. Hindi pa ba pruweba iyon? God damn it, Emil. Gusto ko ng pukpukin ang ulo mo para bumalik na ang alaala mo. Nahihirapan ka. Nahihirapan din naman siya. But she is holding on to the fact na darating ang panahon na maaalala mo ang pamilya mo,” dama niya ang inis sa boses ng daddy niya. Napatingin siya sa gawi ng nanay niya at nakita niyang malungkot itong nakatingin sa kanya. “I don’t want to lose my grandchild, Emil. You better do something about this.” At iniwan na siya ng daddy niya. Napahinga na lang siya ng malalim at napailing. Ano ba ang magagawa niya kung wala naman talaga siyang maalala? Kahit anong gawin niya, the memories of Anna is not in his head. “Pagpasensiyahan mo na ang daddy mo. He loves Miggy so much,” sabi ng mommy niya. “I don’t want to give her a false hope. I don’t know if my memory will still come back. Kung nahihirapan kayo, mas nahihirapan ako. I don’t know who I was the past two years. I am shocked to learn that I can fight, I am surprised that I have a family, I don’t know whom to trust anymore,” parang hirap na hirap na sabi niya at napayukong naisabunot ang mga kamay sa buhok. Naramdaman niyang niyakap siya ng mommy niya. “Kaya nga kami nandito. Tulong – tulong tayo. All we are asking is to give your wife a chance.” Pareho silang napatingin ng mommy niya ng sabay na bumaba si Claire at si Anna. Hindi niya maiwasan ang sariling hindi titigan ang babae. Ibang – iba kasi ang itsura nito kumpara kanina. Inayusan itong maige ni Claire. Anna is how wearing a low neckline spaghetti top and fitted jeans. Alam niyang mga damit ito ni Claire. At hindi niya maintindihan kung bakit parang gusto niyang ibalik sa kuwarto ang babae at palitan ang damit nito. “Mom! Look at Anna! Grabe! Bagay na bagay sa kanya ang damit ko,” hindi maitago ang kasayahan sa mukha ni Claire. “Iha, ang ganda – ganda mo nga,” bulalas din ng mommy niya. “Anong magandan diyan? Your clothes are revealing. Baka mabastos ka pa sa suot mo,” hindi niya alam kung saan nanggaling ang nasabi niyang iyon. Basta naiinis siya kasi bagay talaga kay Anna ang suot nito. Nakita niyang pare – parehong napatingin sa kanya ang lahat ng naroon. “Hoy, Emil. Huwag ka ngang panira ng moment diyan. Hindi naman mukhang bastusin si Anna sa suot niya. Bagay nga sa kanya. Selos ka kasi baka maligawan pa ‘to. Saka talagang sasabihin ko sa lahat ng makikipagkilala sa kanya na single siya kasi wala ka naman pakielam sa kanya,” at inirapan siya ng kapatid tapos ay bumaling kay Anna. “Halika na. Mag- enjoy na lang tayo,” at mabilis na hinila ni Claire ang kamay ni Anna.

Read on the App

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD