Pagkagaling sa opisina ay dinala si Anna ni Emilio sa isang mamahaling restaurant sa Makati. First time niyang makapasok sa Makati Shangri – La hotel at talagang nalulula siya sa ganda ng lugar. Pakiramdam nga niya ay nanliliit siya dahil mukha talagang mayayaman ang mga taong naroon. Ang gaganda ng mga damit ng mga guest. Samantalang siya, kupasing maong, white blouse at sandals lang ang suot niya. Alam niyang hindi siya bagay sa lugar na iyon.
“Umuwi na lang kaya tayo,” bulong niya kay Emilio habang naglalakad sila papasok sa isang restaurant sa loob ng hotel.
“Nagugutom na ako, eh. Kain muna tayo tapos daan tayo sa bahay para makita mo si Miggy,” walang anuman na sagot nito sa kanya. Magsasalita pa sana siya pero nakipag – usap na ito sa sumalubong na waiter sa kanila at itinuro ang isang bakenteng puwesto para sa kanilang dalawa.
Uneasy pa rin siya kahit nakaupo na sila doon ng lalaki. Palinga – linga siya sa paligid. Marahil ay napansin naman iyon ni Emilio kaya tumitig ito sa kanya.
“Okay ka lang?” tanong nito.
“Hindi kasi ako sanay sa ganitong lugar. Gusto ko na sanang umuwi na lang,” sagot niya.
Natawa ito at napailing. “Dapat masanay ka na. Ganito ang totoong buhay ng napangasawa mo,” sagot nito.
Saglit siyang napatitig sa lalaki na nagtitingin ng menu. Gusto niyang maiyak. Kung puwede lang na totoo na sana ang sinasabi ni Carlos. Nakakaalala na kaya siya?
“I am trying my best, Anna. I am really trying my best to remember you and Miggy. Nakaka – frustrate kasi wala talaga akong maalala. Its just bits and pieces. Flashes of memories pero hindi kita makita doon,” narinig niyang sabi ni Emilio.
Pinigil niyang tuluyang maiyak.
“Nakakatawa ‘no? Ako pa talaga ang taong nawala sa memorya mo,” sagot niya.
Kita niya frustration sa mukha ni Emilio ng marinig ang sinabi niya.
“How did I propose? How did we end up married with each other?”
Hinid napigil ni Anna ang hindi mangiti ng maalala kung paano nagsimula ang pagmamahalan nila.
“Laging nasa bahay si Diego. Kinukulit ako kasi nanliligaw sa akin. Pero ayoko talaga sa kanya kasi nga ikaw naman ang gusto ko,” sabi niya at parang nahiya siyang salubungin ang tingin ng kaharap. “Para ka naman kasing walang pakielam sa akin noon. Hindi mo ako pinapansin. Lagi lang si kuya ang kinakausap mo. Iniiwasan mo ako kaya akala ko wala kang gusto sa akin. Pero naabutan mo ako na pinipilit ni Diego. Galit na galit ka noon kasi hinahalikan niya ako. Binugbog mo nga siya. ‘Yun ang umpisa na naging fighter ka sa kuwadra. Ikaw ang unang nagpabagsak kay Diego,” paliwanag niya.
“Really? I did that? I beat that asshole?” parang hindi ito makapaniwala sa sinasabi niya.
“Tapos niyaya mo akong magpakasal. Ayaw talaga ni kuya kasi sabi niya darating ang panahon na ito. Darating ang panahon na babalik ang alaala mo at masasaktan lang daw ako,” napalunok siya kasi parang hindi na niya kayang pigilin pa ang mapaiyak. Pinilit niyang ngumiti at tumingin sa lalaki. “Pero mahal kita, eh. Kaya sumugal ako.”
Hindi nakakibo si Emilio sa sinabing iyon ni Anna. Alam niyang nagsasabi ng totoo si Anna sa kanya.
“Masaya tayo noon. Kahit simple lang ang buhay natin, masaya tayo kasi kumpleto ang pamilya natin. Pero tingin ko, malabo ng mangyari ulit iyon. Malabo ng maibalik ang dati,” sabi pa ni Anna.
Hinawakan niya ang kamay ng babae.
“This will pass. I promise you. I will do everything to remember you,” sabi niya.
“Carlos? What are you doing here?”
Pareho silang napatingin sa lalaking nagsalita sa tabi ng mesa nila. Isang may edad na lalaki iyon na nakasuot ng amerikana. ‘Yung mga tipong katulad ni Pacheco. Napakunot ang noo niya. Sino ito? Hindi niya ito kilala.
“Mario Ledesma. Don’t tell me you don’t remember me? Ako ang pinakamalakas pumusta sa mga laban mo,” sabi nito.
Napatingin siya kay Anna at nakita niyang mukhang kinakabahan ito.
“Bakit matagal kang nawala? Ang laki ng natalo sa akin ‘nung huling laban mo. You we’re instructed to drop the game pero likas na matigas ang ulo mo at pilit mo pa ring ipinanalo,” sabi nito sa kanya.
Hindi siya makasagot. Hindi niya alam ang sinasabi nito.
“I hope you learned your lesson, boy. Follow your instructions next time. Have a nice day,” sabi nito at iniwan na sila.
“Who was that?” tanong niya kay Anna.
“Isa si Mario Ledesma sa malalakas na pumusta sa kuwadra. Kumpare ni Pacheco. Mayaman siya. Hindi ko lang alam ang kung ano talaga ang totoong nangyari sa iyo ng mabugbog ka pero maraming nagsasabi na si Mario ang nagpabugbog sa iyo kasi nanalo ka sa huling laban mo. Sa kalaban kasi siya pumusta at gusto niya na ilaglag mo ang laban,” sagot ni Anna sa kanya.
Fucking game fixers.
Sigurado na siya na member ng mga mafia ang lalaking iyon maging si Pacheco. Napahinga siya ng malalim. Ano ba itong nasuotan niya? Parang ang gulo – gulo ng buhay niya ng lumipas na dalawang taon.
“Hindi ba sila nahuhuli ng mga pulis?” tanong pa niya.
Umiling si Anna. “May mga kasabwat silang mga pulis. Pati mga congressman saka mga senador din. Kaya kanino ka magsusumbong?” sagot ng babae.
Pakiramdam niya ay parang nanlalaki ang ulo niya at parang binibiyak iyon. Nag – uumpisa na naman itong sumakit. May mga scenes na parang nagpa – flash sa isip niya. He was fighting inside the cage. People were shouting his name. Someone was trying to tell him to stop. He was beating someone badly. He can see so much blood on the man’s face.
“Carlos?”
Doon lang siya parang natauhan at nakita niyang nakatingin lang sa kanya si Anna.
“Alam mo ba kung sino ang huling nakalaban ko?” tanong niya.
“Si Diego,” sagot nito sa kanya.
Napahinga siya ng malalim. Kaya pala talagang ganoon ang galit sa kanya ng lalaking iyon.