Hindi ko maipagkaila ang pagod, hinihingal at halos masubsob na ako sa lupa nang narating namin ang maliit na komunidad na nasa tuktok pa ng bundok somewhere in Cordillera. But damn, ang nakalimutan ko na kung kailan ang huling bisita ko sa gym. Nakalimutan ko na rin magwork out dahil biglaan na mapapadpad ako sa ganitong lugar. Marami kaming kasama dito. Mga volunteer at staff ni Lyndy sa itinayo niyang charity. Maiksing panahon lang pero marami nang gustong tumulong. Ang iba naman ay nagdonate ng pera at mga kagamitan para sa mga bata at matatanda na galing pa sa ibang bansa. Bumili pa kami ng mga prutas at gulay para doon na din kami magluluto for feeding program. Dala ko man ang cellphone ko ay hindi ko rin naman magalaw dahil busy kami sa pag-akyat ng bundok!
"Narito na tayo." narinig ko ang masiglang boses ni Arabo sa hindi kalayuan. Nakasunod siya sa isa ko pang nakakatandang kapatid na si Zvonimir at sa hipag ko na si Lyndy. Pero walanghiya, bakit hindi ako kasali sa usapan nila?!
May mga naghihintay sa aming mga tao mula sa maliit na barrio na ito. Hinandugan nila kami ng katutubo nilang tugtugin at sayaw bilang pagsalubong nila sa amin. Ang iba sa kanila ay lumapit pa sa amin para sabitan ng mga kuwintas na gawa sa mga bulaklak.
"Magandang araw po!" masayang bati ni Lyndy sa mga taga-Nayon. "Pasensya na po kung medyo nalate kami, dumaan pa po kasi kami sa mga palengke."
"Naku, wala po 'yon, Mrs. Ho. Pero masaya po kami dahil kami ang pinili ninyong tulungan." wika ng matandang lalaki, na tingin ko ay siya ang headchief ng tribo na ito. Nilahad niya ang kaniyang palad sa kanila. Teka, talagang out of place na yata ako dito?! Hindi ba counted na kasama nila ako? Hellooo? Narito pa ako, hoy!
Sinabihan kami ni Lyndy na may lugar naman kung saan kami makakapagpahinga o magpapalipas ng gabi. Ibinaba ko ang back pack ko sa bahay ng mga Ifugao na kung tawagin nila ay Bale or the No-nail house. According to some local of this community, This made from the timber of amuwagan trees and straws, commonly wheat, and rice. It only covered with stones as structural elements. Prekso pa ang hangin na nalalanghap ko dito, malamig pa kaya hindi na kailangan pa ng aircon.
Nagpalit ako ng damit dahil basa na ito ng pawis. Pababa na ako nang naabutan ko si Lyndy na dumaan sa harap ko. Mukhang nakita niya ako kaya tumigil siya't tumingin sa akin. "Verity, aasikasuhin ko muna ang mga gamit, ha? Ichecheck ko lang kung may kulang pa ba." paalam niya sa akin.
Tumango ako saka ngumiti. "Puountahan ko nalang si ahia para tulungan magluto..."
Nagthumbs up siya. "Oo nga pala, nagluluto ka nga rin pala. Sige! See you later!" kumaway pa siya bago niya ako iwan dito. Hinatid ko lang siya ng tingin. Binitawan ko na ang hawak kong hitsura at bumagsak iyon sa lupa. Bumaba na ako saka isinuot ko ito.
Iginala ko ang aking paningin sa paligid para mahagilap ko kung nasaan si Zvonimir. Nadatnan ko siyang nagbubuhat ng mga kahon na nasisiguro ko ay mga sangkap na gagamitin sa pagluluto. Nakasunod sa kaniya ang iba pang volunteer. Hindi ako nagdalawang-isip na lapitan siya.
"Good timing, magsisimula na tayo magluto." sabi niya sa akin habang buhat pa rin niya ang kahon. "Sabay ka na sa akin kung saan tayo magluluto."
Tumango ako at sumunod kung saan kami pupunta.
Sa likod ng bahay ng headchief kami magluluto. Nakahanda na din ang mga utensils. Nakahilera na din ang mga kahon na naglalaman ng mga bigas, gulay, prutas, kahit karne. Tinanong ko si Zvonimir ahia kung ano ba ang menu namin. Ang sabi niya sa akin, chop suey at chicken and pork adobo. Pati din daw sandwiches. Sumang-ayon ako sa menu na gagawin niya. Ang iba naman ay sila na ang bahala sa bigas para magsaing.
Magkatuwang kami ni Zvonimir ahia sa paghiwa ng mga gulay. Natutunan namin ang pagluluto kay baba na isang sikat na cheif at gastronomist. Hindi lang magkakapatid ang marunong, maski ang mga pinsan ko. Wala sa amin ang hindi marunong. Ang sabi sa amin ay isa sa mga tatak sa amin bilang Hochengco ay marunong at may kaalaman sa pagluluto. Si mama naman ay marunong din naman magluto pero more in Filipino dish o kung minsan pa nga ay mga Japaneses cuisine pa dahil nag-aral siya sa Japan noong kolehiyo niya.
"Ako na bahala sa chop suey, ahia." sabi ko nang tapos na namin balatan at hiwain ang mga gulay pati na din ang magiging sahog nito.
"Alright." he let me. Alam niya kasing hindi ako magpapahuli sa kanilang tatlo pagdating sa pagluluto. Then he mind his own business.
Basta pagdating sa pagluluto, sinasabi ng iba ay wala kaming arte. May mga nagtatanong din sa akin at nabuhayan ng kuryusidad. Bakit pinili ko pa daw maging modelo kaysa pupwede naman akong maging chief o may-ari ng isang restaurant? Madali lang naman ang sagot d'yan, mas prioritize ng angkan ang mga kapatid at pinsan kong mga lalaki pagdating sa business. Kami namang mga babae ay malaya kami kung ano ang gusto kaming tatahakin na karera. Suportado pa rin ako ng angkan kung anuman ang gugustuhin ko. Iyon nga lang, medyo nagdadalawang-isip si baba nang sinabi ko sa kaniya na papasukin ko ang mundo ng pagmomodelo. Nag-aalala lang siya na baka hindi ako maging focus sa pag-aaral ko. Nababahala din siya na baka isusuko ko ang pag-aaral sa oras na makahawak ako ng pera na pinaghirapan ko. Pinatunayan kong mali ang kaniyang iniisip. Kahit na pinasok ko kung ano ang gusto kong karera ay hindi ko pa rin pinabayaan ang pag-aaral ko kahit na minsan ay nakakaranas na ako ng bully.
Tandaan ninyo, kahit maganda, binubully din.
Malapit na ako sa paghahalo ng mga gulay at tinakpan ko ito. Sunod ko naman ginagawa ay mga sandwich. Kinuha ko ang mga binili nilang mga tasty sa isang bakery, mga tuna in can at mayonaise na binili naman sa isang grocery store. Piknayaw na nga ni Zvonimir ahia 'yon para lang dito. Eh di may buena mano na ang bakery na 'yon?
Gumawa ako ng tuna sanwdwich. Hindi mawala sa mga labi ko ang ngiti. Ang turo kasi ni baba, sasarap ang luto ko kapag hindi ako malungkot o hindi kaya galit kasi malalasahan daw 'yon ng mga kakain. Lalo na't dapat may kasamang pagmamahal.
"Wow, marunong ka pala magluto, player." rinig ko ang pamilyar na boses sa hindi kalayuan.
Tumigil ako sa ginagawa ko. Napangiwi ako nang makita ko ang Arabo na papalapit sa amin. Mukhang nakapagpalit na din siya ng damit sa lagay na 'yan.
"Player?" ulit ni Zvonimir ahia na parang nalilito sa tawag sa akin.
"Nothing, dude." nakangising sagot nito sa kapatid ko. "Tapos na ako sa paghanap ng mga panggatong. Anyway, how can I help?"
"Umupo ka nalang d'yan." pasuplada kong sabi. "Prinsipe ka, hindi bagay sa iyo ang mga ganitong trabaho."
"We're not talking about my royal status here, aright? Kaya ako narito ako sa Pilipinas para magvolunteer. Hobby ko na tlaaga ito kapag wala naman akong importanteng meeting na pupuntahan kapag nasa Palasyo ako." nilapitan niya ako. "Tuna sandwich?"
Inirapan ko siya. Pinili ko na huwag nalang siyang sagutin. Ipinagpatuloy ko ang paggawa sa sandwich. Nilapitan naman ni Zvonimir ahia ang chop suey na gawa ko. Tinanggal niya ang takip at tinikman niya kung tama ba ang timpa na ginawa ko. Kung sakto na ba ang luto ko sa mga gulay. Pinapanood ko kung anong ekspresyon ng kapatid ko. Nakita ko na patangu-tango siya, ibig sabihin pasado sa panlasa niya ang niluto ko!
**
Nakangiti ako habang pinapanood ko ang mga bata na kumakain ng mga niluto namin. Ang iba pa sa kanila ay lumalapit sa amin para humingi ng tulong para buksan ang juice. Hindi naman abala 'yon para sa akin. Gumagaan pa ang pakiramdam ko kapag nakikita ko ang mga batang ito na nag-eenjoy sa kinakain nila. Nagpalaro din sila para sa mga ito.
Hanggang sa sumapit na ang gabi. Gumawa sila ng malaking bonfire para handugan nila kami ng tugtog at mga sayaw. Medyo natawa naman ako dahil nakisali pa ang mga kasamahan ko sa mga katutubo habang pinapaligiran nila ang apoy. Bumitaw ako mula sa pagkayakap ko sa aking binti. Kinuha ko ang pagkakataon na ito para makaligo dahilbuong araw na akong nagtatrabaho para sa community outreach na ito. Bumalik ako sa bale para kumuha ngmga damit pamalit pati na din ng tuwalya. Itinuro sa akin kung saan ako pupwedeng maligo. Hindi ko lang sukat-akalain na magkahiwalay pa pala ang banyo sa bahay nila.
My goodness, Verity! Huwag ka na mag-inarte!
Lakas-loob kong pinasok ang banyo. May dala pa akong flashlight para magsisilbing liwanag. Ipinapanalangin ko sa aking isipan na wala sanang sisilip o dumaan na lalaki dito dahil hindi talaga ako sanay.
Ilang beses na akong nagpasalamat nang payapa akong nakalabas ng banyo. May dala din naman akong mga damit pagpunta ko dito kaya nakabihis na din ako. Pabalik ako sa bale ay tapos na din ang social gathering nila dito. Ang iba ay nagligpit na. Ang iba pa ay nagsibalik na sa mga bale kung saan inookupa nila. Gustuhin ko man tumulong sa kanila na magligpit ay mukhang malabo na dahil nakaligo at nakabihis na ako!
Pumasok na ako sa loob ng bale ay nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang bulto ng isang lalaki. "W-what are you doing here?!" hindi ko mapigilang taasan ang boses ko.
Humarap siya sa akin at nakapameywang pa siya sa lagay na 'yan! Malapad ang kaniyang ngiti. "They haven't told you? Pareho tayong matutulog ngayong gabi dito." sabi niya.
Kusang kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "You're kidding, okay?" pilit kong maging kaswal at balewalain ang kaniyang sinabi.
He gave me an innocent look. Sabay itinuro pa niya ang kaniyang sarili. "Sa tingin mo, nagbibiro pa ako sa lagay na ito?"
Ngumiwi ako. Parang uusok na naman ang ilong ko dahil sa inis. Padabog kong ipinatong ang mga madudumi kong damit sa sahig ng bale. Inis akong bumaba ng hagdan at mabibigat na hakbang ang pinakawalan ko habang papunta sa bale kung nasaan sina Lyndy at Zvonimir ahia. Kumatok ako sa pinto ng tatlong beses. Napatingin ako sa kaliwa ko. Marahas akong suminghap. At talagang sumunod pa sa akin ang Arabo na 'yon!?
Rinig ko ang pagbukas ng pinto. Tumambad sa akin ang kapatid at ang hipag ko. Mukhang matutulog na sila.
"May problema ba, Verity?" nagtatakang tanong ni Lyndy sa amin.
"Gusto ko, ikaw ang katabi kong matulog, Lyndy." matigas kong turan. Itinuro ko ang Arabo na nasa likuran ko. "And I'll never wanted to be with this guy though he's a prince for Pete's sake!"
"Calm down, shobe." wika naman ni Zvonimir ahia. "Anong problema kung makasama mo siya? Vander told me he's harmless."
Umawang ang bibig ko. "Ahia, hindi ko siya kilala. Ano naman kung prinsipe ang isang 'to? Malay ko ba kung may balak na masama sa akin ang isang 'to."
"Wow, how prejudice you are." sumingit ang Arabo sa usapan.
"Stop bad-mouthing, Verity." iritadong suway sa akin ng nakakatanda kong kapatid. "That guy is a damn prince."
"Pero ahia..." halos nagmamakaawa na ako.
"Just sleep. Bukas pupunta naman kayo sa Sorsogon para sa community outreach niya. Hindi na kami makakasama ni Lyndy sa inyo dahil may mga trabaho na kami." saka pinagsarahan na niya kami ng pinto.
Laglag ang panga ko sa ginawa ng kapatid ko. I was like, what the f**k?! Is he serious?! Talagang pinagkakatiwalaan niya ang lalaking ito?! Porke kaibigan siya ni Vander ahia? Really?!
Umuusok na naman ang ilong ko dahil sa inis. Padabog akong bumalik sa bale. Nakabuntot lang sa akin si Arabo. Inayos ko ang higaan. Matalim na tingin ang iginawad ko sa kaniya pagkapasok niya dito. Kinuha ko ang mga backpack. Ginawa ko itong harang para na din sa pag-iingat. Humiga na ako. Tinakpan ng kumot ang katawan ko dahil mas naging malamig ang panahon ngayon. Pumikit na ako. Ramdam ko naman na humiga na din siya.
"Verity," tawag niya sa akin.
Nanatili akong tahimik.
"Wala talaga akong alam. Pero nagtataka lang ako kung bakit ayaw na ayaw mo sa akin? May ginawa ba akong masama sa iyo? Sa pagkakatanda ko, ikaw ang maraming utang sa akin."
"It's none of your business."
"Bakit ba galit ka sa akin? Gusto ko lang malaman para alam ko."
"I hate a guy like you, okay? If you have any plans to hitting on me, it's bettter to stop. Wala kang mapapala sa akin. Boys are my hobby. And so you are, girls are your hobby, too. And we're total strangers to each other." sagot ko kahit nakapikit pa rin.
"Why do you hate me?"
"Walang kwenta ang mga lalaking tulad mo."
"Why?"
"Because it reminds me how my mother got a tragic experience."
"Do you mind to share what is it?"
Dumilat ako at tumingin sa kaniya. Nakabangon siya at mataimtim siyang nakatingin sa akin. "My mom is a r**e victim. And I want to revenge to all boys out there-"
"And don't make me pay for the mistakes that other boys made, Verity." he seriously said.
Natigilan ako sa kaniyang sinabi. Nanatili lang akong nakatingin sa kaniya. Itinikom ko ang aking bibig.
"Yeah, I'm a playboy once. You don't know everything yet... I played because of you. I almost gamble everything just to make it here. To finally meet you."