prologue
Namulat ako na ako palagi ang pinoprotektahan ng mga kuya ko. Siguro dahil ako ang nag-iisang babae at bunso pa sa pamilya. Kapag may nang-away o nang-aasar sa akin, sina Vander ahia at Zvonimir ahia na ang mismong sumusugod para gumanti. Samantalang si Vladan ahia naman ang yumayakap sa akin para hindi ako saktan. Ramdam ko na mahal na mahal nila ako, na importante ako para sa kanila. Madalas din ay sila ang kalaro ko, minsan pa ay dumadating ang mga pinsan namin para samahan kaming maglaro dito o hindi kaya ay nagbabakasyon sila dito tuwing Mayo.
Naalala ko din nang tumuntong ako ng senior high school, lumipat ako ng school. Perfect! Marami na naman ako makikilala magiging aktibo na naman ako sa mga activities dito, marami na naman ako magiging kaibigan.
Pero nagkamali ako.
Hindi lahat ng tao ay mapi-please mo. Doon ko napagtanto na iba't ibang tao ang makakasalamuha mo. Iba din ang tingin nila sa iyo.
"Verity, chocolates pala para sa iyo." nakangiting alok sa akin ng kaklase kong lalaki habang nasa Cafeteria kami. Hindi lang siya ang nag-aalok sa akin. Maski ang iba pa naming kaklase na lalaki, kahit sa ibang strand pa.
"Nakakahiya naman, okay lang ako. At saka, hindi ako mahilig sa tsokolate." saka yumuko habang hawak ko ang tray na may lamang pagkain. Lunch break kasi namin ngayon.
Buntong-hininga ako nakaupo. Sisimulan ko na sana kumain nang may narinig akong nagsasalita sa bandang likuran ko.
"Ang akala ko ba, maraming admirers? Eh nag-iisa lang ang prinsesa?"
Rinig ko ang mga halakhak ng nasa paligid ko. "Kungwaring mahinhin, 'yon pala, malandi rin naman." dagdag pa ng isa.
Maahan kong ibinaba ang tinidor na hawak ko. Tikom ang aking bibig kahit sa loob-loob ko ay akala mo ay binuhusan ako ng malamig na tubig. Parang nagising ako sa katotohanan. Ito pala ang sinasabi nilang reality. Anong kasalanan ko sa kanila kung bakit ganito? Kasalanan ko ba kung bakit itinuring ko ding mga kaibigan ang mga lalaki sa eskuwelahan na ito? Boyfriend ba nila ito? Kasi kung oo, pupwede naman akong lumayo. Ako ang lalayo dahil may respeto ako sa isang relasyon.
Kinagat ko ang aking pang-ibabang labi. Nawalan ako ng gana dahil sa mga narinig ko. Hindi ko masikmurahan ang mga akusa na ibinabato nila sa akin. Gusto kong tumakbo, gusto kong lumayo sa sitwasyon na ito. Ayoko silang makita nang mata sa mata. Ayokong makita ang mapanghusga nilang mga tingin.
But it caught me off guard, natisod ako't sumubsob sa sahig. Marami sa kanila ay pinagtawanan ako. Nakaturo pa sa akin ang mga ito. Gusto kong maiyak pero hindi pwede. Ayokong maging mahina sa harap nila. Kahit nangingibabaw man sa akin ang takot ngayon dahil nag-iisa ako dito. Wala sina kuya, wala din ang mga pinakamalapit kong pinsan na sina Vesna at Eilva. Walang tutulong sa akin kungdi ang sarili ko lang.
Tama, sarili ko lang ang maaasahan ko. Kaya ko harapin ang lahat na ako lang ang nag-iisa...
Kakapost ko lang sa i********: ng updated photo ko. Sumilay ang ngiti as aking mga labi. Ibinaba ko ang aking telepono sa mesa. Tumingin ako sa labas ng Coffee Shop at nagpangalumbaba. Kasalukuyan ay may hinihintay ako. Ako na mismo ang nagsabi sa kaniya na dito kami magkikita. Hindi rin naman ako magtatagal dito dahil may importante akong sasabihin sa kaniya.
I grabbed a cup of coffee and sip it a little bit. Ibinalik ko din ito sa mesa. Napatingin ako sa pinto na nang tumunog ang store door bell. Tanaw ko mula doon si Chad, my recent boyfriend. May dala siyang bouquet. Doon ay tumalikwas ang isang kilay ko. Well, maraming nagsasabi na galing sa isang buena familia ang tulad niya. Kabilang din sa alta sociedad. Ilang buwan nang nanliligaw sa akin ang isang 'to. Pero ang mga kapatid ko lang ang ayaw sa kaniya sa hindi ko malaman na dahilan.
Iginala niya ang kaniyang paningin hanggang sa makita niya ako. Lumapad ang kaniyang ngiti. Humakbang siya palapit sa akin. "Verity, flowers for you." sabay inabot niya sa akin ang dala niyang bulaklak.
Matamis akong ngumiti. "Oh, thank you, Chad. How beautiful." tinanggap ko ito at inilagay sa aking kandungan.
Hinila niya ang upuan na nasa harap ko at doon ay umupo siya. "Parang ikaw. Anyway, bakit mo pala ako gustong makita?" bakas sa mukha niya na tuwang-tuwa siya.
Tumingin ako nang diretso sa kaniyang mga mata. Nawala na parang bula ang aking matatamis na ngiti. "Let's break up." diretsahan kong pahayag.
Natigilan siya sa kaniyang narinig. Sa hitsura niya ngayon, sinisink in niya kung ano ang sinabi ko. "H-ha? Kakasagot mo lang sa akin kanina, ah...?" mahina niyang sambit.
Hinawi ko ang aking buhok at inikot ang aking mga mata. "And times up. Bored na ako, okay? I don't like hanging out with you. Jinowa lang kita dahil wala akong kasama sa pagmomall kanina. So doodles." nag-iwan pa ako ng matamis na ngiti na huli na niya makikita. Tumayo na ako saka isinuot ko na ang aking sling bag. Lalagpasan ko na sana siya peor nahuli niya ang isa kong kamay. Gulat akong tumingin sa kaniya.
"No! Hindi ako papayag na makipagkalas ka sa akin lalo na't walang malalim na dahilan!" pinaghalong galit at kalmado niyang sabi.
"Bitawan mo ako o magigising ka nalang, nasa kulungan ka na? Wala kang karapatan diktahan at hawakan ako, Chad. You know what can I do in just one snap." matigas kong turan.
"V-Verity... Hochengco..."
I gave him a devil smirked. "Yes. Remember my name, who made your heart break and awful." tagumpay kong nabawi ang aking kamay at nagmamadali akong iwan siya sa loob ng Coffee Shop. Hinawi ko patalikod ang aking buhok.
This is what am I, I never let them know my next move. And my motto is I don't chase them. I replace them. I do play love when I got bored, that's all.
Naglalakad na ako papunta sa Parking Lot para puntahan na ang sasakyan ko. Gusto ko nang umuwi sa Penthouse para makapagpahinga na. Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Tanaw ko na ang sasakyan ko na. Medyo malapit na ako nang biglang may bumangga sa akin mula sa aking kana.
"Oh s**t!" rinig ko ang boses ng isang lalaki.
Nanlaki ang mga mata ko. Napatingin ako sa yumapos sa aking bewang at umikot kami ng direksyon. But, what the hell? Bakit nagiging slowmo ang nangyayari?! Lalo na't nagtama ang mga mata namin? Isang pamilyar na mukha ang tumambad sa akin. Hindi ko lang maalala kung saan ko nakita ang isang ito. Pero iisa lang ang nasisiguro ko, may lahing arabo ang isang 'to! Nangingibabaw sa akin ang amoy niya, ang bango at lalaking lalaki! Sandali, teka lang! Bakit medyo malapit ang mukha niya sa akin?!
"Tawaquf ya sahib aljalala! (Stop, your majesty)" may narinig kaming mga boses na papalapit lang sa amin.
Sabay kaming napatingin. "Oh, damn." sunod kong narinig mula sa kaniya. Sabay tumingin siya sa akin. "You have your car, right?"
Hindi agad ako nakapagsalita. Sa halip ay sunod niyang hinawakan ang aking kamay. Hinatak niya ako kung saan. "What are you doing?" malakas kong angil.
"Stop whining, where's your car and help me to escape." he command. "Save the explanation, just give me a hand to help, shall we?"
Matik sumunod ang katawan ko sa kaniyang gusto. Mabilis natin dinaluhan ang sasakyan hanggang sa sabay kaming pumasok sa aking kotse. Medyo aligaga ako nang buhayin ko ang makina. Ginalaw ko ang kambyo bago ko hinawakan ang steering wheel at tinapakan ang gas. Humarurot kami ng takbo. Hindi na kami nagawang habulin ng mga lalaking nakaitim na suit. Base sa mga suot nila ay mga bodyguard sila.
"Sorry about that, I can't help to escape. It makes me suffocating." he said while playing his lower lip with his finger. Bumaling siya sa akin. "Thank you, Verity Ho."
Kusang kumunot ang noo ko. Humigpit ang pakahawak ko sa manibela. "How come did you know my name, huh? And who are you?"
"You're one of the top models." he answered. "Right?"
Ngumiwi ako. Oo nga pala, muntik ko nang makalimutan na iyon pala ang profession ko. Bakit kasi nawala sa isip ko 'yon?!
"And I heard you're a player." he added.
Walang sabi na iniliko ko ang sasakyan. Itinabi ko 'yon sa gilid. Halos masubsob siya sa pinto dahil sa ginawa ko.
"Hey! What was that for?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"I'm already gave you my help. So you have to get off my car." I demand.
Laglag ang panga niya sa sinabi ko. "Unbelievable." umiiling-iling pa siya. Sa huli ay sumuko na siya. Binuksan niya ang pinto na nasa gilid niya. Lumabas siya pero bago niya isinara 'yon ay yumuko siya. "Nice to meet you, Verity the player. By the way, I'm the coach." ginawaran niya ako ng isag mapaglarong ngisi bago niya niya tuluyang isinara ang pinto.
Nagtiim-bagang ako. "Kapag nakita kita, patay ka sa aking Arabo ka." muli ko tinapakan ang gas at humarurot ako ng takbo.