chapter 1

2266 Words
Inikot ko ang aking mga mata nang marinig ko na naman ang hikbi ni Eilva. Sinubsob niya ang kaniyang mukha sa bar counter. Ngumiwi akong tumingin sa kaniya. Si Vesna naman ay naiiling-iling na tila alam niya na ganito ang mangyayari. Nagpangalumbaba ako. Kaming tatlo ngayon ang magkakasama. Ang iba naming mga pinsan ay sobrang busy sa kanilang mga business, ang iba naman sa kanila ay busy sa kani-kanilang mga pamilya. "Eilva, ang akala ko ba magpaparty-party tayo dito? We're suppose to have fun, not to be a drama queen." tinatamad kong sambit. Kinuha ko ang isang shot ng whiskey. Mabilis ko 'yon nilagok. Ipinatong ko din ang baso sa counter. "Ang mga lalaking tulad niya, hindi niya dapat iniiyakan. My goodness, ilang taon na, bakit hindi ka pa rin makamove on sa kaniya?" Tumingin siya sa akin. "Hindi mo kasi alam kung anong nararamdaman ko, Verity." she said. Uminom na din siya ng inorder niyang inumin pero hindi pa rin sumusuko ang kaniyang mga luha sa pagtulo. "Ikaw ba, madali ba para sa iyo na makalimutan ang childhood sweetheart mo? Tapos naging boyfriend mo? Tapos napag-alayan mo ng virginity mo? Sige nga." hindi na rin niya namalayan ay pati inumin ni Vesna ay kinuha niya at ininom din. Huminga ako ng malalim. "Yeah, right. Wala akong childhood sweetheart, wala akong matinong karelasyon, pero birhen pa ako. Huwag ka nga." kinuha ko ang susunod kong inumin. Taas-kilay akong tumingin sa kaniya. "Dahil para sa akin, ang mga lalaki, walang kwenta. Our clan is exception." uminom ulit ako. "Akala ko, katulad niya si baba." dagdag pa niya. Kumuha siya ng tissue mula sa kaniyan sling bag at dinampian niya iyon sa ilalim ng kaniyang mga mata, tinatanggal niya ang mga luha dahil baka masira ang kaniyang make up. "Kaya naniniwala ako na maraming namamatay sa maling akala." segunda pa ni Vesna. Nagpangalumbaba na din siya. "Okay lang sa akin na magboyfriend pero hinding hindi ako magpapakasal." "Parehong talaga kayo." halos pareklamong sabi ni Eilva. Kumawala siya ng marahas na buntong-hininga. "Ako lang yata sa aking tatlo ang marunong pagdating sa commitment." Nilahad ko ang aking palad sa ere. "Well, boys are my hobby." "We don't afford someone like them." wika naman ni Vesna. Humarap siya sa dance floor. "Bakit hindi nalang tayo maglaro? Para naman mawala ang frustration nito ni Eilva?" she said suggestively. Lumiyad ako ng upo para tingnan siya. Tumalikwas ang isang kilay ko. "Anong laro naman 'yan? Siguraduhin mong matutuwa ako. Para naman hindi sayang ang suot ko ngayon. You know me, cous." "Yeah, yeah, I know." then she chuckled. "Let's play a dare." Kumunot ang noo ni Eilva. "Huh? How?" Sumilay ang mapaglarong ngiti ni Vesna sa amin. "Well, lahat tayo ang taya dito. Maghahanap tayo ng kahit isang guy na mahingian natin ng number. Kapag wala naiprisinta ni isa, may consequece. Ang deadline, bukas, sa Hochengco Mansion. Got it?" Ngumuso ako at tumangu-tango na tila naitindihan ko ang ibig niyang ipahiwatig. "Alright, then. Call." "Teka, hindi ako marunong sa ganyan!" apila bigla ni Eilva. "Alam mo namang hindi ako ang gumagawa ng move, hindi ba? Kahit sa panliligaw o kapag nag-aaway kami ng ex ko." Vesna release a deep sighs. "Eilva, narito rin naman tayo. Nagpapakasaya tayo. Huwag mo masyadong seryosohin. Narito kami ni Verity para turuan ka na hindi lahat ng bagay seseryosohin mo, lalo na pagdating sa mga lalaki. Opinyon ko lang, ano pang silbi mo kung loyal ka, nag-invest ka ng sobra para sa karelasyon mo pero sa huli lolokohin at paglalaruan ka lang pala? Eh di luging-lugi ka? Why don't you try kahit ngayon lang? Kalimutan mo muna ang walang kwenta mong ex." Mukhang wala na rin magawa pa si Eilva, hindi na kami nakarinig pa sa kaniya na reklamo o anuman. Sa halip ay bumuntong-hininga na lang din siya. Sabay kaming umalis sa bar counter kahit may mga amats na kami. Kahit na namumula na ang mukha ko. Nagkahiwa-hiwalay na kami nang narating na namin ang dance floor. Kahit na nakikipagsabayan ang katawan ko sa indak ng muika ay isiya naman paggala ng aking paningin sa paligid. Naghahanap ako ng magiging prospect ko. Dapat guwapo, matipuno ang pangangatawan, mala model din. Ha! Chicken lang sa akin 'yan. Anupa't si Verity Hochengco ako kung hindi ko makukuha ang gusto ko? Napadpad na ako sa gitna ng dance floor. Ineenjoy ko pa ang mga upbeat music dito. Pero sino naman ang hihingian ko ng number? Alam ko naman kasi ang gusto ni Vesna, she wanted Eilva to get out on her shell. To discover the world. Na hindi lang ang ex niya ang lalaki sa mundo. Hindi naman ito ang kawalan. Sa katunayan pa nga, sa panahon na ito ay hindi na rin malaking issue ang pagiging birhen mo. Pero sa estado ko kasi, makakaya ko din naman ibigay ang pagkakabae ko sa lalaki pero may pumipigil lang sa akin. "Hey," Napalingon ako. Tumaas ang isang kilay ko nang tumambad sa akin ang isang lalaki. Hindi ako pamilyar sa kaniya pero nakukuha niya ang ideal ko na kanina ko pa iniisip. Matamis akong ngumiti bilang ganit. "Hi!" masigla at malambing kong bati sa lalaki. "You're Verity Ho, right?" he asked. Mas inilapit pa niya ang kaniyang sarili sa akin. "I'm Kevin." "Nice to meet you, Kevin." wika ko na hindi pa rin nawawala ang pagiging malambing sa aking boses. "So, what's up?" "Definetely fine when I saw you. Well, I'm one of your fan, actually." Napaletra-O ang aking bibig. "Oh, really? How sweet of you." hindi nawawala ang matamis kong ngiti. Sanay na kasi ako makipag-usap sa iba't ibang klase ng lalaki na nakakaharap ko. Mas lalo lumapad ang kaniyang ngiti. "Medyo nagdadalawang-isip lang ako na lapitan ka dahil baka snob ka." saka hinawakan niya ang kaniyang batok, nahihiya. Inilapat ko ang aking mga labi. Ako naman ang lumapit sa kaniya. Alam kong nagulat siya sa aking inakto. Lumapat ang mga palad ko sa kaniyang dibdib. Masuyong naglakbay ang aking mga daliri patungo sa kaniyang mukha. "Do you mind if I get your number, Kevin?" malumanay kong tanong, may halong pang-aakit. Umawang ang kaniyang bibig. Mas lalo siya nabigla, hindi makapaniwala na hihingin ko ang kaniyang numero, on the spot pa. Dudukutin sana niya ang kaniyang cellphone nang biglang may humigit ng aking braso. "Sorry, pare. Naligaw na naman ang girlfriend ko." isang pamilyar na boses ang aking narinig. Mabilis kong binalingan kung sino ang nagmamay-ari ng boses na 'yon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang Arabo na ito! Teka, anong ginagawa niya dito?! At papaano niya akong nakita sa dinami-dami ng tao na naririto. "What-" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang tuluyan niya akong hinatak palayo kay Kevin! "Let me go." apila ko pero tila bingi siya sa utos ko. Sige pa rin ang paghatak niya hanggang sa narating namin ang labas ng Club. "Sabing bitawan mo ako!" angil ko sabay binawi ko ang aking kamay. Doon siya tumigil. Lumingon siya sa akin. Seryoso ang kaniyang mukha. "What the hell are you doing, huh? Don't you know, I'm in middle of the game, alright?" iritada kong sabi sa kaniya. "Really, Verity Ho? You're a woman and you won't suppose to do that stuff!" matigas niyang sabi. "Kababae mong tao, ikaw ang kumukuha ng numero ng lalaki?" Namilog ang mga mata ko sa aking narinig. "What the-You can speak tagalog?!" bulalas ko. Gulat na gulat. "Don't change the topic, Verity." mas matigas niyang sambit. Halos umuusok na ang ilong ko dahil sa inis. "Sinabi kong naglalaro ako. Kahit ng mga pinsan ko. So, back off, okay?" itinulak ko siya at lalagpasan ko na sana siya pero nakaramdam na ako ng hilo na dahilan para matapilok ako. Ang akala ko ay tuluyan na akong babagsak. Ngunit may mukhang may sumalo pa sa akin. Hindi ko na inalam kung sino dahil alam ko na kung sino 'yon. Hindi ko na kinaya ang hilo ko. Dahan-dahan kong ipinikit ang aking mga mata hanggang sa itim nalang ang nakikita ko. ** Mabilis kong idinilat ang mga mata ko. Bumangon din ako pero napasapo sa aking ulo at dumaing dahil sumakit ang ulo ko. Damn, hang over! I check myself. Hindi naman ako nakahubad, ito pa rin ang suot ko mula kagabi maliban lang sa sapatos ko na isa isang tabi lang. Wait, nasaan ako? Hindi ito ang Penthouse ko, hindi rin ito ang kuwarto ko sa Hochengco Mansion! Iginala ko ang aking paingin sa paligid. Puros puti ang kagamitan ito. Parang kuwarto ito ng lalaki. Umalis ako sa ibabaw ng kama. Kinuha ko ang sapatos ko. Maingat akong lumabas ng kuwarto. Dahan-dahan ko din isinara ang pinto. Aalis ako dito ngayon din! Kailangan kong makabalik sa Penthouse ko. Kukuha ako ng taxi para magpahatid doon. Kukuha naman ako doon ng pambayad ko ng fare. Nagtiptoe ako. Hinahanap ko kung nasaan ang pinto para makalabas na ako dito. Tumigil ako sa paglalakad at nanlaki ang mga mata nang makita ko na may dalawang lalaki na nakaitim, na tingin ko ay mga bodyguard. Nakabantay sila dito sa hagdan. Damn, anong gagawin ko?! Papaano ako makaalis dito?! "Oh, gising ka na pala." Humarap ako sa nagmamay-ari ng boses na 'yon. Napasinghap ako nang makita ko ang Arabong ito na nakaputing long sleeves polo shirt at black slack. Tinutupi niya ang mga mangas ng kaniyang polo hanggang siko pagkatapos ay inayos niya ang kaniyang mamahaling relo. Wait, ibig sabihin, siya ang may-ari ng bahay na ito?! "Are you okay?" nag-aalalang tanong niya. "Tamang-tama, sabayan mo ako sa pagbebreakfast para makainom ka ng gamot." mauuna na sana siyang bumaba nang bigla ako nagsalita. "What happend last night?" Tumigil siya't humarap sa akin. "You passed out because you're drunk. So I decided to brought you here at my house so you can stay until your conciousness went back." itinuro niya ang pinto kung saan siya lumabas kanina. "Don't worry, walang nangyari sa atin. Sa guest room ako natulog." Umawang ang aking bibig sa hindi makapaniwala. Like, what?! Pinatulog niya ako sa kaniyang kuwarto tapos siya na mismong may ari ng bahay na ito, sa guest room natulog? Seryoso ba siya?! "So..." he snapped. Ibinalik ko sa kaniya ang aking tingin. "Shall we?" sabay turo niya sa hagdan. Lumunok ako. Wala na akong makapang salita para makipag-argumento pa sa kaniya. Sa halip ay sumunod ako sa kaniya sa baba. Nakasunod lang ako sa kaniya habang dinadaanan namin ang pasilyo patungo sa Dining Area. Naiwan lang namin ang dalawang bodyguard niya na nagbabantay. They didn't leave their post. Nakarating na kami sa Dining Area. Nadatnan namin na may dalawang maid na nag-aayos ng almusal. Naglapag din sila ng mga plato at mga kurbyertos. Dinaluhan ng Arabo na 'yon ang isang upuan at hinila niya ito. Tumingin siya sa aking direksyon. "Here, sit, Verity." he said. Tahimik akong lumapit sa kaniyang kinaroroonan. Umupo tulad ng kaniyang nais. Inalalayan niya ako hanggang sa makaupo ako ng maayos. Napabaling ako sa plato na nasa tabi ko. Ginapangan na ako ng pagtataka kung bakit may sobra pa? Hindi kaya nagkamali ang maid? O may inaasahang bisita ang Arabo na ito? "Ameer Ramey, the visitor has arrived." biglang may nagsalita na isang lalaki. "Oh, please let him in." utos ni Arabo sa kaniyang bodyguard. Inabangan ko kung sino ang papasok dito. Laglag ang panga ko nang bumungad sa akin ang bulto ng isang lalaki na nakabusiness suite. Seryoso ang kaniyang mukha nang nakatingin sa akin. Teka, anong ginagawa niya dito?! "Vander!" masiglang bulalas ng Arabo nang tawagin niya si Vander ahia! Dinaluhan niya ang nakakatanda kong kapatid. Nagfistbump pa sila! Anong ibig sabihin nito?! "Natanggap ko ang tawag mo. Mukhang may ginawa na naman ng kalokohan ang bunso naming kapatid, Ramey." saka tumingin sa aking direksyon, may panghihinala sa kaniyang mukha. I swallowed hard. Tumuwid ako ng upo. Pinili kong manahimik. "Wala naman siyang ginawang kalokohan, pare. Maliban sa nalasing siya. Pasensya, I don't know your home even her house." "No problem, dude." Bakit ang kaswal nilang mag-usap?! Sino ba kasi ang Ramey na 'to?! Dahil d'yan ay tumayo ako para makuha ko ang kanilang atensyon. "Vander ahia, who is this man?! Bakit kilalang kilala ninyo ang isa't isa?" hindi ko mapigilang magtanong. Huminga ng malalim si Vander ahia saka bumaling sa akin. "He's my long time friend since were high school. And he's one of the Ameer from the house of Abadi. He's a from a royal family and his family ruling Abu Dhabi." Natigilan ako sa sinabi ni Vander ahia. Para akong robot kung tumingin kay Arabo. Matamis siyang ngumiti sa akin. Ako naman napangiwi. Sarap murahin ang sarili ko dahil prinsipe pala ang nakasagupa ko! Kung kasama niya kagabi ang mga bodyguard niya, tiyak pugot na ang ulo ko! "Dapat kikitain ko ang kuya mo pero pinababa mo na ako ng sasakyan kaya nagbus nalang ako." sabi pa niya. Mas lalo ako nabato sa aking kinakatayuan! What the hell?! "Narito siya sa Pilipinas para sa isang community outreach program. Since may itinayo si Lyndy na charity, gusto din ni Ramey tumulong at magdonate personally. Tatlong charity program ang gagawin niya dito. Ako na bahalang magsabi kay Zvonimir." paliwanag ni Vander ahia. "At ikaw, shobe (bunsong babae) ang mag-aaccomodate sa kaniya papunta sa mga lugar kung gaganapin ang mga community outreach." "Glad to work with you, Verity." nakangising sabi ni Ramey sabay nagthumbs up pa! Nanlambot ang mga tuhod ko sa sinabi niya. What the hell?! Bakit ako ang inatasan para makasama ang Arabo na ito?! Papaano na ang social life ko?! Don't take my paradise away from me!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD