Kusang kumunot ang noo ko. Binigyan ko siya nang naguguluhang tingin nang marinig ko sa kaniya ang mga bagay na 'yon Sa pamamagitan ng mga tingin ko, hinihingi ko ang paliwanag niya. Matagal kaming nagkatitigan. Pero imbis ibigay niya ang kasagutan na hinihingi ko, ay bigo ako. Binawi niya ang kaniyang tingin at humiga. Marahan niyang ipinikit ang kaniyang mga mata. While me? I frowned beacuse of that! I rolled my eyes up and hold my hips. Marahas akong kumawala ng buntong-hininga. Ayan na, sinabi niya sa akin kung bakit siya naririto sa Pinas pero bakit kailangan pa niyang ibitin pa ako?!
"Don't tell me, idadaan mo ako sa tulug-tulugan, Arabo?!" naiinis kong tanong sa kaniya.
"We need to get some sleep tonight, Verity. Maaga tayo gigising bukas dahil tutulak na tayo patungo sa Sorsogon." kalmado niyang sabi.
Ngumiwi ako. Sa huli ay wala na rin ako magawa kungdi matulog nalang din. It makes sense. Maaga nga naman talaga kami pupunta ng Sorsogon kung nasaan ang isa pa niyang Charity work. Oh damn, I miss my cousins already! Nakakainis, baka wala na ako sa happenings na meron sila sa Manila o sa Cavite ngayon! Hangga't naririto pa ang prinsipe na ito, wala akong night life. Wala ding alak! No boys allowed! Dahi paniguradong isusumbong ako ng lalaking ito kay Vander ahia! Patay ako doon! Damn it!
**
Ipinagtataka ko lang kung bakit kaming dalawa nalang ni Ramey nang nakarating na kami ng Bicol. Noong humiwalay na kami kina Zvonimir ahia at Lyndy ay may mga kasama pa kami. Pero bakit ganoon?! Anong nangyayari? Ayoko sanang isipin na humiwalay ang mga ito nang sadya. O dahil hindi na nila kami nasundan pa nang hindi namin namamalayan?
"Ramey!" malakas na tawag ko sa kaniya habang naglalakad kami sa gilid ng kalsada. Tumigil siya't lumingon sa akin. Hawak-hawak niya ang kaniyang cellphone. Mas lumapit pa ako sa kaniya. Nahagip ng aking paningin na wala nang buhay ito. "Hindi ko na nakita ang mga kasamahan natin dito!"
"Yeah, hindi ko na nga rin sila makita." iginala niya ang kaniyang paningin sa paligid. "Do you have your phone? Kontakin natin sila." suhesyon pa niya.
Umawang ang aking bibig. Oo nga pala. Bakit hindi ko naisip ang bagay na 'yon? Agad ko dinukot mula sa bulsa ang aking high-waist shorts ang aking telepono. I-unlock ko sana ito pero napasinghap ako nang makita kong lowbatt na din pala ako. Kusa na itong namatay! Nagkatinginan kaming dalawa. Napabuntong-hininga siya, habang ako naman ay napahilamos ng mukha. Damn, wrong timing naman ang paglowbat ng cellphone ko!
"Hindi na yata uso ang payphone dito." seryosong sambit ko nang iginala ko din ang aking paningin sa paligid.
"Mukhang may event dito." bigla niyang sabi.
"Huh?"
Tumingin siya sa akin sabay turo niya sa mga tarpaulin na nakasabit sa mga poste. Binasa ko ang nakasulat doon. Peñafrancia Festival, eh? Wait, kung sa Cebu may Sinulog, ang Iloilo naman ay may Dinagyang, ang Baguio ay may Panagbenga, so dito sa Bicol region may Peñafracia? So malaking event ang magaganap sa lugar na ito?
"Bago ka magsaya d'yan, ang mabuti pa, maghanap muna tayo kung saan tayo tutuloy ngayon. Alam mo ba kung saang Barangay tayo pupunta para sa Outreach Program mo?" kunot-noo kong tanong sa aking kasama.
Ngumiwi siya, he crickled his nose. "Sorry, but I forgot."
Ibinuka ko ang aking bibig. Marahas akong kumawala ng malalim na buntong-hininga. "So we're done!" I exclaimed. "Hindi bale, once nakapagcharge na ako ng phone, we can get it through. So for now, maghanap na tayo ng matutulog kahit pang overnight lang."
"Alirght." he agreed.
Malalaking back pack ang mga dala namin ni Ramey. Medyo kinakabahan ako dahil maski ako ay hindi ako pupunta sa isang hotel na walang reservations. Hindi ako sanay sa walk in kaya fifty-fifty kami ngayon, Kahit na sabihin naming isa ako sa mga anak ng kilalang Chef at Businessman Magnate na si Vladimir Hochengco at isang literal na prinsipe si Ramey, hindi parin namin masisiguro kung mapapayagan ba kami sa magstay. Oh, damn. Bahala na nga! Ang importante sa ngayon ay dala naman kaming cash, even card to survive in this kind of Hell!
**
Napadpad kami sa Fernando's Hotel, here in Sorsogon. Napagtanungan kasi namin kung ano ba ang sikat na hotel nila ay dito kami dinala. Wala na kaming oras para mag-inarte dahil lagkit na lagkit na ako gawa ng pawis, alikabok at tirik ng araw dahil nasa Probinsiya na kami! Ilang beses na ako nangangalangin na sana ay makapagcheck in kami thru walk in at napakinggan nga ang dasal ko! So ang kinuha naming kuwarto ay Swimming Pool Wing Double. Sinabi kasi ng receptionist na nakaharap namin ay may pool view at pupwede kaming magswimming doon. May queen bed and single bed na din. Walang kagatol-gatol ay kinuha namin ang kuwarto na 'yon. Sinabi na rin sa amin kung ano ang schedule bawat meal so walang problema. Itinuro din sa amin ang daan patungo sa kuwarto kung saan kami mananatili.
Si Ramey na ang kumausap for the rest. Nilabas ko muna ang charger saka isinaksak ko 'yon sa outlet para macharge na ang cellphone ko. Dahil may balkonahe ang kuwarto na ito, hindi ako nag-atubiling lumabas at umupo sa outdoor chair. Umupo ako doon para ipahinga ang aking mga paa na kanina pa kami nasa byahe. Daig pa naming naligaw sa lagay na ito. Hindi man lang ako prepared na malalagay kami sa ganitong sitwasyon!
Rinig ko ang pagsara ng pinto. Rinig ko ang yabag ng kaniyang mga papa hanggang sa naramdaman ko nalang na umupo na siya sa tabi ko. "Are you alright?" nag-aalala niyang tanong sa akin.
"Yeah... I'm good. Pagod lang." tamad kong sagot pero nakatitig ako sa swimming pool. "Maya maya ay makokontak ko na sina Zvonimir ahia o hindi kaya si Vander ahia. Itatanong ko sa kaniya ang mga dapat kong itanong." sabi ko.
"Alright, I understand." he answered. Isinandal niya ang kaniyang likod sa upuan.
Bumaling ako sa kaniya. Sa hitsura niya ngayon, bakas din sa mukha niya ang pagod sa adventure namin kanina. Mula sa Bicol ay talagang tumuloy kami dito sa Sorsogon para hindi mabalewala ang inaasahan niya na Outreach Program. Kaya naman siya narito sa Pilipinas ay para doon. "Bakit pala Pilipinas ang pinili mong tulungan sa lahat ng mga bansa sa mundo, Ramey?" bigla nalang lumabas sa bibig ko ang tanong na 'yon. Bumaling ako sa ibang direksyon. Okay lang din sa akin na napapakinggan ko din kung ano ang isasagot niya.
"Vander showed me a poor family pictures. He showed me the other side of this country. And now I'm wondered, why this country have lots of kids knowing that they are dire poor?" aniya habang nasa malayo ang tingin.
Kumawala ako ng isang malalim na buntong-hininga. Kahit ako ay nasa malayo na ang tingin. "Because they believe in isang kahig, isang tuka."
"W-what was that?"
Tamad akong bumaling sa kaniya. "A filipino idiom that means just having enough to get by." sagot ko pa. Tamad kong isnandal ang aking likuran sa upuan. Tumingala ako sa kalangitan. Good thing, may picnic umbrella dito kaya hindi ako masisilaw nang sobra. "It's use when referring to the poor or those who earns enough for a day."
"Oh I see.."
"Marami din akong naririnig, kung sino pa daw itong mayaman sila daw ang masipag sa pagtatrabaho. Kapag mahirap, umaasa sa biyaya. Hindi naman lahat ng mahihirap ay ganyan, meron din namang todo kayod nga sila, masisipag naman sila pero bakit nanatili pa rin silang mahirap? But, the another truth is, because wages here are low. I used to heard from my aunts and uncles, they hired worker between eighteen to twenty five years old who never graduate from high school. They managed a project that requires their skills. They did a great job, actually. What I learned there was the lack of access of affordable and quality education." I added. "Marami pang aspeto kung bakit mahirap ang mga Pilipino."
"Wow." mahina niyang sambit.
Taas-kilay akong tumingin sa kaniya. "Why?"
"Nothing, I'm just kinda suprised to hear your insights regarding this topic."
I shrugged. "Well, I'm stating here the fact." Malungkot akong tumingala sa kalangitan. Hindi ko man lang nagamit ang tinapusan kong Economics noong nasa kolehiyo ako. Siguro ay dahil hindi ko na kinaya na makita ang totoong mundo. I know it may be sounds like coward, but I'm running away from the reality. Instead, I choose to be like this. To be blind to see the reality. A deaf to do not hear the people cries. To be mute to remain silent. I lose my voice toward these pity people around me.
**
"What?! Tell me you're kidding, ahia!" malakas na bulalas ko habang kausap ko si Vander ahia sa kabilang linya. Nakapagcharge na kasi ako habang natulog. Kaya pagkagising ko, cellphone ko na agad ang una kong hinawakan dahil importanteng tawag ang gagawin ko. "So, tama ang hinala ko na kasabwat mo ang mga dapat kasamahan namin, ganoon?! Ikaw ang nag-utos na iwan kami doon?!" hindi pa rin nagbabago ang tono ng pananalita ko dahil sa inis. Pakiramdam ko ay mapupunta na sa ulo ko lahat ng dugo ko!
Wala naman dito si Ramey, may kakausapin naman daw niya ang kaniyang ina na nasa Abu Dhabi. Baka daw nag-alala na ito sa kaniya kaya tinawagan na din niya ito sa pamamagitan ng telepono ng hotel na ito. Well, mayaman naman siya, kaya niyang bayaran 'yan. Lalo na't ang problema niya ay iba ang sim card niya sa kaniyang cellphone. Isasabay na din niya ang magiging dinner namin pagkabalik niya dito.
"Well, you should consider this as your punishment, Shobe." seryosong saad ni Vander ahia. Rinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Sinabi sa akin ni Zvonimir, nagbad-mouth ka daw kay Ramey, is that true?"
Inikot ko ang aking mga mata. Hinawi ko paitaas ang aking buhok saka nagpameywang. "Okay, nagkamali ako, ahia. Sorry. Nagkausap na din naman kami ni Ramey. Kahit itanong mo pa sa kaniya." sabi ko pa. "Ahia, can you please tell me, ilang araw pa ako mananatili dito? I missed the happenings there!"
"Nothing special, shobe." tipid niyang sagot.
Ngumiwi ako. "Talaga lang, ha? Fine. Ibababa ko na ito. I'll call if I'm done." binaba ko na ang tawag at ipinatong ko sa side table ang aking telepono. Kinagat ko ang aking labi para maibsan ang inis na aking nadarama. Nahagip ng aking paingin ang swimming pool.
Humakbang ako palabas ng balkonahe. Pumuwesto ako sa gilid ng pool at hinubad ang aking damit. Ang tanging iniwan ko lang ay ang isang pares ng bikini na kanina ko pa suot ko. Hinayaan ko lang ang mga damit ko sagilid ng pool. Nag-dive ako saka lumangoy. Dinadama ko ang lamig at malinis na tubig dito. Dinaan ko sa paglangoy ang iritasyon ko, pampalamig lang, kumbaga.
Nang nahupa kahit papaano ang mga negatibong pakiramdam ay nagpasya na akong umahon na. Wala akong pakialam kahit na basang-basa ako ngayon ng tubig. Nadatnan ko si Ramey na nakaupo sa upuan, nasa gilid niya ang mga pagkain na pinareserved niya. May mga prutas din. Ngumiti siyang nakatingin sa akin.
"Ang seksi talaga." kumento niya habang nakadekuwatro siya.
Tumalikwas ang isang kilay ko. "Oh ano? Maghe-hello dear show you boobs ang peg mo, ganoon? Huwag mo nang ituloy, Arabo."
Ngumiwi siya. "Compliment 'yon, chinitang hilaw."
Laglag ang panga ko sa aking narinig. "What did you just say? Chinitang hilaw?" I frown.
"Endearment, actually." inabot niya sa akin ang tuwalya. "Alam kong gutom ka na, kumain ka na muna."
Ginawa ko naman ang sinabi niya. Umupo ako sa natitirang bakanteng upuan. Sinimulan na naming kumain ng dinner. Hindi naman heavy pero sakto lang para sa akin dahil isa akong model, kailangan kong imaintain ang figure ko.
"Hey, Ramey." biglang tawag ko sa kaniya.
Tumingin siya sa akin na nanguya pa. "Hmm?"
"Are you married?" diretsahan kong tanong. "Well, I'm curious here, ya know."
Tumigil siya sa pagnguya. Diretsahan niya ako tiningnan nang mata sa mata. I'm holding my breath, anticipating his answer. "Nope. Single pa ako."
Namilog ang mga mata ko. "Talaga ba? Hindi ba joke 'yan?"
"Player, may isa pa akong dahilan kung bakit ako narito."
Kumurap ako. "What is it?"
"Now I'm finally met you. I'm not here to date or doing s*x with you. I'm here to getting know my bride to be. So yeah, I want to marry you. But before that, let me prove to you that I'm not the other guys you used to hate on. So you'll have to be prepared, soon to be princess Verity."