chapter 4

1794 Words
Ang tanging magagawa ko lang sa ngayon ay tumitig sa mga mata ni Ramey sa mga oras na ito. Sinisink in ko pa ang mga pinagsasabi niya. Sa huli ay ngumiwi ako. Lumunok ako saka mahina ko sinampal ang kaniyang mukha, sa gayon ay mawala ang kakaibang tension sa pagitan naming dalawa. Alam kong nawindang siya sa ginaw ako pero wala na akong choice. Hindi ko kakayanin kung ipagpapatuloy pa namin ang ganoon. Tumayo na ako't pumasok na sa kuwarto para makapagpalit na ng damit. Rinig ko na tinatawag pa niya ang pangalan ko ngunit tila bingi ako. Ipinagpatuloy ko pa ang paglalakad ko. Kumuha ako ng mga damit pamalit sa aking bagahe saka dumiretso ako sa banyo. Isinandal ko ang aking likod sa pinto saka kumawala ng malalim na buntong-hininga. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata. Pilit kong inalis sa aking isipan ang mga salitang narinig ko mula sa lalaking 'yon. Nagshower ako saglit para mawala ang chlorine sa aking katawan, pagkatapos ay nagpalit na ako ng damit. I composed myself first before I went out from the bathroom. Nadatnan ko si Ramey nananatili pa rin siya sa posisyon kung nasaan ko siya iniwan kanina. Gustuhin ko man tanggalin ang tingin ko sa kaniya ay hindi ko magawa. Nakayapak pa naman ako kaya hindi niya siguro mararamdaman o maririnig sa lagay na ito. Bakit pakiramdam ko ay malungkot siya kahit na nakatalikod siya sa akin? Why I suddenly feel guilty? Kinagat ko nang kaunti ang aking pang-ibabang labi. Humakbang ako pabalik sa kaniya. Bumalik din ako sa upuan kung saan ako nakaupo kanina. Namamangha siyang bumaling sa akin. "Verity..." mahinang tawag niya sa akin. Tumikhim ako at umupo ng tuwid. "Hindi ka pa ba matutulog?" painosente kong tanong sa kaniya. "Hindi pa naman ako inaantok." sagot niya. Kinuha niya ang kaniyang cellphone na nakapatong sa mesa. May kinulikot siya doon hanggang sa marinig ko ang isang pamilyar na tugtog. Muli niya ipinatong iyon sa mesa saka tumayo siya. Tumapat siya sa akin, isang nakakapagtakang tingin ang iginawad ko sa kanya dahil nilahad niya sa akin ang isa niyang palad. "I want to make dance with you, player." Tumalikwas ang isang kilay ko. Ngumuso ako at tinanggap ko ang kaniyang palad. Marahan niyang hinila upang makatayo. Iyon nga lang, mas napadikit ako sa kaniya. Natameme ako sa nangyari. Magkahawak ang mga kamay namin, napalapat naman ang isang palad ko sa isa niyang balikat, ramdam ko naman na dumapo ang isa pa niyang palad sa aking bewang. Nagtama ang mga tingin namin sa puntong ito. But Goddammit, masyadong malapit ang mukha niya sa akin! "Look at the stars Look how they shine for you And everything you do And they where all yellow." "I came along, I wrote a song for you, And all the things you do, And it was called yellow." Lumunok ako ng todo. Kung kanina, nagawa kong magsuplada sa kaniya, ngayon ay daig ko pang tuod sa lagay kong ito. Tila nagagawa niya akong pasunurin sa nais niya. Kahit acoustic ang kanta na pinapatugtog mula sa kaniyang telepono ay nagagawa pa rin namin itong sabayan sa mabagal na paraan. "So then I took my turn Oh what a thing to have done And it was all yellow." "Your skin Oh yeah you skin and bones Turn into something beautiful You know, you know I love you so You know I love you so." Kusang tumigil ang mga katawan namin mula sa agos ng musika ngunit nasa ganitong posisyon pa rin kami. Tila napupugto ang hininga ko lalo na't nararamdaman ko na ang kaniyang hininga. Hindi ako makalunok ng ayos na daig mong may nakabara sa aking lalamunan. Wala rin akong makapang salita para may mapag-usapan. Maliban sa aming mga mata, nababasa ko ang kalungkutan, bakit? Para saan? "Ramey..." mahinang tawag ko sa kaniya. "Hmm?" may halong lambing 'yon. Ibinuka ko ang aking bibig. "T-this song makes me want to sit outside and just look at the stars all night." pahayag ko. Matamis siyang ngumiti. "This is my favorite song after all." marahan siyang pumikit at inilapit ang kaniyang mukha hanggang sa idinikit niya ang kaniyang noo sa akin. Tila may nag-utos sa akin na ipinikit din ang aking mga mata. Hindi ko lang inaasahan na kahit hindi ko nakikita ang ekspresyon ng kaniyang mukha ngayon ay nararamdaman ko ang gusto niyang ipahiwatig—kung anong nararamdaman niya ngayon. "Nagtatampo ka ba?" rinig kong tanong niya. "Magtatampo saan naman?" nanatili pa rin akong nakapikit. "Dahil sinabi kong papakasalan kita, na magiging prinsesa ka nang hindi mo nalalaman." bakas doon ang pagsuyo sa kaniyang tono. "Medyo." pag-amin ko. "Maraming katanungan sa isipan ko, Ramey. Bakit ako pa? Bakit hindi mo rin tulad mo? Bakit sa isang tulad ko na hindi naman muslim? Malaki ang pinagkaiba natin..." Hindi ko rin narinig na nagsasalita pa. Dahil d'yan ay pinili kong dumilat. Bumungad sa akin si Ramey na mataimtim na nakatitig sa akin na akala mo ay inaabangan niya ito. Hindi mawala ang ngiti sa kaniyang mga labi nang masilayan ko ang kaniyang mukha. Hinawi niya ang takas kong buhok. Isinabit niya iyon sa isa kong tainga. "I'm sorry, player." namamaos niyang sabi. Sinusuyo niya ako sa lagay na ito. "Kahit ako tinatanong ko ang sarili ko kung bakit sa iyo pa. Bakit ikaw lang ang may kakayahan na pabaliwin ako ng ganito? Anong magagawa ko? Simulang nakita kita sa unang pagkakataon, hindi ka na maalis sa isipan ko." Bahagyang umawang aking bibig, "R-Ramey..." "Kung ako ang pipiliin mo para pakasalan, balang araw. I will prove to you that people who come from different faiths, nationalities and races can have successful marriage." sagot niya. ** Sa pagmulat ng aking mga mata ay mukha na ni Ramey ang bumungad sa akin. Ngayon ko lang napagpatanto na magkaiba ang kama na hinihigaan namin. Ako ang pinatulog niya sa Queen sized bed, samantalang siya naman ang matutulog sa single bed. Marahan akong bumsngon saka nag-unat-unat. Hinawi ko ang kumot na nasa aking kandungan at umalis sa ibabaw ng kama. Maingat akong pumasok sa banyo para maghilamos at magsipilyo. Pagkatapos ay nakapalit na din ako ng damit. Nagpasya akong lumabas muna sa kuwarto dahil bababa ako para puntahan ang kainan nila dito. Wala masyadong tao maliban sa mga staff nang nakarating ako dito. Pumuwesto ako sa bandang bintana para makapagsightseeing ako. May lumapit na isa sa mga staff para tanungin kung anong order ko. Sandwich and coffee ang sinabi ko. Nang umalis ang staff ay ibinalik ko ang tingin ko sa bintana na malapad ang ngiti sa aking mga labi. Hindi ko rin maitindihan ang sarili ko kung bakit maganda ang gising ko ngayon. Dahil ba sa maayos kami ni Ramey buhat kagabi? I think so... Ilang munti pa ang lumipas ay dumating ang almusal na inorder ko. Isa-isa inilipat ng staff ang pagkain sa mesa mula sa dala nitong tray ay biglang sumulpot sa harap ko si Ramey, hindi pa nakaligo pero nakapagpalit ng damit. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit nakabusangot ito. Hindi yata maganda ang tulog ng isang ito, ah? Umupo siya sa bakanetnag upuan na nasa harapan ko. Nagpangalumbaba ako't tumingin sa kaniya. "Good morning, Prince Ramey." sinadya kong lambingin ang tono ng bati ko, nagbabakasakaling mawala ang pagkayamot niya. "Bakit hindi mo ako ginising? Eh sana sabay tayo mag-aalmusal." bigla niyang sambit saka ngumuso siya, talagang pinapakita niya na nagtatampo siya. Natigilan ako saglit. Saka pinipigilan ko ang pagtawa ko, I didn't know Prince ramey Abadi is so cute especially if he's really grumpy at this moment! "Mahal na prinsipe, hindi ko ugaling mang-istorbo sa mahimbing na natutulog. Kahit sa mga kapatid at pinsan ko, hindi ko ugali iyon." pagdidipensa ko. "Kahit na." matigas niyang pahayag. "Medyo nataranta ako nang makita kitang wala ka na sa kama mo. I thought you're in the bathroom, wala naman akong naririnig ng agas ng tubig doon. Kaya medyo nagpanic ako, kapag nawala ka sa paningin ko, lagot ako sa kuya mo." Okay, it's kinda suprising. Ang isang prinsipe na ituring na tulad ng lalaking nasa harap ko ay natataranta. I admit, he's cool when the first time I met him, pero ngayon? Nawala na 'yon nang parang bula. Dahil lang sa inaakala niya ay nawala ako. "Chill ka lang, okay? Hindi rin ako pwedeng umalis dito nang hindi ka kasama dahil paniguradong patay din ako kay ahia." saka umukit ang matamis na ngiti sa aking mga labi. "Hindi ako aalis, okay? Sabay tayong umalis ng Manila, kaya dapat sabay din tayo babalik doon." Umukit ang pagkamangha sa kaniyang mukha sa sinabi ko. "Really?" Tumango ako bilang tugon. Itinaas niya ang isa niyang kamay para tawagin ang isa sa mga staff. Nakuha naman niya ang atensyon nito saka nilapitan siya. Sinabi niya ang kaniyang order. Umalis din ito para ihanda ng kaniyang pagkain. Inilipat niya sa akin ang kaniyang tingin. "After breakfast, we're going into the community outreach program." "Alright." saka humigop ng kape. "By the way, may sasabihin pala ako sa iyo." "What is it?" "Muntik ko nang makalimutan, after ng community outreach, I need to go back in Manila. May dadaluhan naman akong fashion show abroad." "You're gonna be one of the models there?" Umiling ako. "Nooope, isa lang sa mga guest. The designer is a good friend of mine, actually." "I'll go with you then." wika niya na tila buo na ang pasya niya. Tumingin ako sa kaniya na hindi makapaniwala. "Ramey, baka hindi mo magustuhan ang lugar na 'yon. Especially they will recognize you, public figure ka nga, diba?" Nagkibit-balikat siya. "Wala naman problema sa akin kung anong lugar na pupuntahan mo, basta kasama lang kita." inabot niya ang isa kong kamay. Pinisil niya ang pagkahawak niya sa akin. "Gusto ko din makita kung anong buhay ng mapapangasawa ko. Kung ano ang mundo na meron ka, Verity." Dumapo ang tingin ko sa mga kamay namin. "This is very unusual for the public that we will be a pair for a date..." "Huwag mong isipin kung anuman ang sasabihin ng mga tao sa paligid natin. Dahil ako, wala akong pakialam kung ano ang iisipin nila, as long as I am happy with you, player." "Ramey..." tanging pangalan niya ang tanging nasambit ko. Ngumiti siya sa akin. "Pwede bang gawin natin ang madalas na ginagawa ng mga couple? That I am not from a monarchy and you are not a heiress?" Kumunot ang noo ko. "What do you mean?" "Like what common couples do. Going to beach, karaoke, picnic, hiking, everything." "Pero hindi pa tayo, Ramey." bigla kong sabi. Sa mukha niyang 'yon, parang gumuho ang mundo niya. "Sorry." ngumiwi ako. "So what should I do, then?" Nagkibit-balikat ako saka binigyan ko siya ng isang nakakalokong ngisi. "Do how Filipino guys court the Filipina girls." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD