Chapter 6
Kristina POV
Maaga pa lang ay umalis na ako ng penthouse ni Dylan. Five months na rin ang tiyan ko. Wala pa rin naman pinagbago ang pakikitungo ni Dylan sa'kin. Palagi pa rin siyang bossy at palagi nya lang ako sinisigawan.
Nagpa check up ako mag-isa. Ang akala ni Ma'am Rein sinasamahan ako ni Dylan pero hindi. Ni isang beses ata ay hindi man lang siya nagtanong kung kamusta ang pinagbubuntis k. Hindi niya tanggap ang dinadala ko.
'Yon ang pinakamasakit na katotohanan.
Nagtitiis pa rin ako kahit pa nga hirap na hirap na ako, titiisin ko hanggang kaya ko.
"Congratulation, Miss. Lalaki ang anak mo." Napangiti ako sa sinabi ng nag ultrasound sa'kin, sobrang saya ko.
"Salamat po doc."
Kinuha ko ang papel at tinupi yun at agad na nilagay sa aking shoulder bag. Gusto ko ipakita 'yon kay Dylan pero parang hindi lang din siya matutuwa.
Useless pa rin kahit ipakita ko sa kaniya. Wala naman siyang pakialam.
Tumuloy ako sa palengke para mamimili ng mga wala na sa fridge.
"Kahit malaki na ang tiyan, sige pa rin Kristina, ang sipag eh!" sigaw ng tindera na kilalang kilala na ako dahil sa pagiging suki ko sa tindahan niya. Every weekend kasi ako pumupunta sa palengke.
Halos lahat ata na nagtitinda na sa palengke ay kilala na ako. Halos kilala ko na rin sila.
"Kailangan po eh!" sagot ko dito.
"Hay naku! Kung ako asawa mo hindi kita pagbubuhatin ng mabigat kristina." loko naman ni Manong Andoy ang matandang kargador sa palengke.
"Sa ganda mo na ‘yan eh, hay naku ineng bulag ‘yan asawa mo." dagdag pa ni Mang Andoy na ikinatutuwa ko.
“Manahimik ka Andoy! Eh hindi naman ikaw ang asawa niya eh! Tumatanda ka nang walang asawa Andoy!” sagot naman ng isang tindera kay Manong Andoy.
Palagi nila akong niloloko natatawa na lang din ako sa kanila.
"Sige po, Mang Andoy, Aling Nena dito na po ako!" paalam ko sa kanila at nag - wave pa. Tuluyan nang naglakad palabas para maghanap ng masakyan. Bitbit ko ang pinamili ko.
Hay ang bigat bulong ko sa sarili.
Mga gulay at karne ang dala ko kahit malaki na tiyan ko ay nagbubuhat pa rin ako. Sanay na rin naman ako.
Kamalas malasan ay lahat ng dumadaan sa harapan ko na jeep ay halos lahat puno ang sakay.
Binitawan ko muna ang dala at nagpahinga.
Mamaya maya pa ulit ang jeep na dadaan. Matagal tagal pa na paghihintay.
Napatingin ako sa kulay red na kotse na huminto sa harapan ko at ibinaba ang tinted window no'n iniluwa doon ang gwapong nilalang este lalaki na nakatingin sa gawi ko.
Napatingin ako sa likuran ko kung may tinitingnan ba siya sa likuran ko pero wala tanging ako lang ang nakatayo sa tinitingnan niya.
"Miss..." maya maya lang ay may tinawag ang lalaki.
Napalingon ulit ako sa likod ko pero wala naman ibang tao kung di ako lang.
"Miss buntis!”
Miss buntis daw.
Napaturo ako sa aking sarili
"A-ako ba?" sinigurado ko pa na ako ba talaga ang tinatawag niya. Sa daming itatawag niya sa akin. Miss buntis pa.
"Yes, ikaw." sagot niya. Inayos pa nito ang mga kilay.
Gwapo siya pero baka kidnapper ang lalaking ito. Mahirap na magtiwala sa panahon ngayon.
"Ano kailangan mo?" tinarayan ko naman ito pero ngumiti naman ito na makalaglag panga. Salubong ang kilay ko. Makangiti naman ito wagas.
"Don't worry, i'm not a kidnaper not also a holdaper. Nagmamagandang loob lang ako, mahihirapan ka na makasakay ngayon dahil sa punuan na ang jeep ihahatid na kita."
Wow may ganito pa pala kayaman na mabait sa katulad kong buntis pinagmamagandahan niya ng loob.
Nagdadalawang isip ako na pumayag pero kalaunan ay tinanggap ko ang alok niya mukhang hindi naman siya masamang tao at isa pa mukhang hindi talaga ako makakauwi nito ng maaga kapag maghihintay pa ako ng jeep.
Pinagbuksan niya ako ng makapasok ay tanging kami lang pala talaga sa loob ng kotse at mukhang galing din siya sa palengke.
"S-salamat." sinulyapan niya ako at ngumiti.
"Welcome!"
Itinanong niya kung saan ako nakatira at sinabi ko ang address kita ko pa ang pagtataka sa kaniyang mukha.
"Bakit?" ‘di ko mapigilan na mapatanong.
"Ahm, never mind may naalala lang akong friend sa lugar mo kapag nagpunta ako doon ay bibisitahin na lang din kita." aniya.
Hindi naman kami close para bisitahin niya ako. Feeling close lang ang peg nito.
"Buntis na ako baka ligawan mo pa ako," wala sa sarili kong sabi 'yon sa kaniya. Hugalpak naman na tawa ang sagot niya.
Matapos niyang tumawa ay tinitigan niya ako. Feeling ko namumula ako sa hiya. Bakit ko nga ba kasi nasabi ‘yon. Nakakahiya ka Kristina. Isang malakas na kutong ang ginawa ko sa aking ulo.
"Well, buntis ka nga pero maganda ka naman kaya baka ligawan pa kita," awtomatikong kumunot ang noo ko sa sinabi niya
"Joke lang." agad na bawi niya. Nag-peace sign pa ito pagkatapos.
Natawa na rin ako. Nakakatawa ang joke niya.
Nang makahinto sa penthouse ni Dylan ay agad na humarap siya sa akin.
"You live here?" parang hindi pa niya makapaniwalang tanong sa bahay hindi naman talaga kapani paniwala na nakatira ako sa ganitong uri ng bahay sa itsura ko ay mukha lang akong maid. Sabagay, maid naman talaga ako.
Tumango tango ako.
"Maid lang ako, hindi ko bahay 'to,” agad kong paliwanag. Tumango tango naman ito.
"Sige, salamat papasok na ako." mabilis na akong tumalikod sa kaniya. Hindi ko na siya nilingon pa. Mahaba-haba pa kasi ang lalakarin ko. Tinawag pa niya ako pero hindi na ako lumingon pa nakalimutan ko n anga na tanungin ang pangalan niya.
Pasado alas dose na nang tanghali at wala pa akong naluto kanina nang umalis ako kaya baka magalit na naman ito sa akin.
Palagi na lang kasi galit ito sa akin kapag wala pa akong naluluto at kapag naman makalat ang paligid pero tiniyak ko naman na malinis kanina pag alis ko.
Buhat buhat ko pa rin ang mabigat na gulay at karne nang pumasok. Napatili pa ako nang may magsalita sa likuran ko. Inasahan ko na talaga na sa oras na ito ay madadatnan ko si Dylan dahil kapag weekend ay hindi ito pumapasok sa kanilang kompanya ang dahilan niya ay pahinga niya sa araw na iyon.
"Dylan!” napatili ako.
Unti unti siya na lumapit sa 'kin at bigla bigla na lang hinila ang aking buhok. Naningkit ang kaniyang mga mata na nakatingin sa'kin.
"Dylan, nasasaktan ako!" reklamo ko. Hindi niya pa rin binitawan ang buhok ko. Sa sobrang higpit nang paghawak niya sa buhok ko. Napangiwi ako.
"Tell me! Anak ko ba talaga ang dinadala mo o pinapaako mo lang sa'kin?" Mas lalong humigpit ang paghawak niya sa buhok ko. Nakipagtitigan ako sa kaniya. Paano niya natatanong kung siya ba talaga ang ama ng dinadala ko.
Wala namang ibang naka angkin sa akin kundi siya lang. Kaya ba hindi niya matanggap itong pinagbubuntis ko dahil iniisip niyang hindi siya ang ama nito. Iniisip niya na hindi niya anak ang dinadala ko.
Mas hinigpitan pa niya ang paghila sa buhok ko hindi pa siya nakontento at hinawakan niya nang mariin ang baba ko.
"Dylan a-ano ba?" Pilit kong binabawi ang sarili mula sa mga pangahas niya. Tuluyan na rin tumulo ang na iipon kong luha sa aking mga mata.
hinawakan ko ang kaniyang kamay na mariin na humihila sa buhok ko.
At dahil sa malansa ang kamay ko ay napangiwi siya nang hawakan ko ang kamay niya at agad na nagtakip ng ilong.
"What the f**k is that smell? It’s stinks!" Binitawan niya ako. Tanging malansa lang pala ang nakakapag pahinto sa kanya. Lumayo siya sakin.
"Kristina, just make sure you’re not fooling me, sa oras na malaman ko na hindi ko anak ‘yan dinadala mo kakasuhan kita." pagbabanta pa niya.
Wala naman araw na hindi niya sinasabi sakin yan. Pero nagtitiis pa rin ako.
Umiiyak ako habang nagluluto. Hindi matigil ang pag-iyak ko.
Hindi ko maiwasan mag isip kung anong kasalanan ko at bakit nagiging ganito ang buhay ko, dinadala ko lang naman ang batang hindi siya matanggap ng kaniyang ama.
Hanggang sa gabi pagtulog ay naiisip ko pa rin ang ginawa na paghila ni Dylan sa buhok ko. Noon ay salita lang ang naririnig ko mula sa kanya pero ngayon halos may kasama ng pananakit ang ginagawa niya sakin wala siyang pakialam kahit buntis ako.
Ang lagi niyang sinasabi ay hindi niya anak ang dinadala ko at hindi niya kailanman matatanggap itong batang nasa sinapupunan ko.
Malaya akong makakagalaw sa araw na ‘to.
Walang Dylan na harang harang sa daanan ko at wala rin sisigaw-sigaw para utusan ako.
Kukuha na ako ng tubig sa fridge ng mapansin ko ang sticky note. Agad ko binasa ang nakasulat doon.
"Bring me lunch in my office."
Wala ngang Dylan na haharang sa daraanan ko, pero may Dylan na nagpapahatid ng lunch sa kaniyang office.
Puwede naman kasi siya mag-utos na lang bakit kailangan pang dalhan ko siya?
Matapos ko basahin 'yon ay nagmadali akong nagluto. Sinulyapan ko ang wall clock. Nanlaki ang mata ko nang makita ang oras. Alas diyes na nang umaga at ilang oras na lang ay tanghali na.
Binilisan ko ang pag galaw, sa wakas ay natapos ako magluto sakto eleven ng tanghali.
Kinabahan ako habang tinatahak ang office ni Dylan. First time kong pumunta sa kaniyang office. Alam kong sisigawan na naman niya ako or hindi kaya ay sasaktan niya ako pero hindi niya pinapakita ang ugali niya. Kapag nasa public place kami lalo na kapag kaharap ang magulang niya takot siya sa ama niya.
Papasok pa lang ako sa office niya hindi na ako nag abala pa na kumatok sa pinto agad ko iyong binuksan ng dahan- dahan. Hindi ko inaasahan ang madadatnan ko. Napako ako sa narinig ko.
"I love you, Eliana. Ikaw ang mahal ko hindi si Kristina. Ikaw ang gusto kong pakasalan not her," Napatakip ako ng bibig sa narinig. Parang pinagsakluban ang puso ko sa narinig.
Ang sakit sakit marinig sa taong mahal mo ang mga katagang ‘yon. Mula sa pinto ng office niya, tahimik akong nakikinig sa kanila na hindi nila alam. Nasasaktan ako bakit ko nga ba siya minahal ngayon puro pasakit lang naman ang ginagawa niya sakin. Puro panlalait at pananakit lang naman ang nakukuha ko mula sa kaniya.
"Please, move on Dylan. Hindi kita mahal, may boyfriend na ako at ikakasal ka na, sana naman ay maintindihan mo ‘yon. Mahalin mo si Kristina. Mabait siya at maganda. Hindi malabong magugustuhan mo siya.” sagot ni Kristina. Hindi ko inaasahan ang sagot ni Kristina. Hindi ko akalaing kilala niya pala ako.
Paano niya ako nakilala ngayon hindi ko siya kilala at ngayon ko lang din siya nakita. Sadyang maganda pala talaga siya kaya patay na patay sa kanya si Dylan.
"f**k! Kahit kailan hindi ko siya magugustuhan!
Sa narinig ko na ‘yon ay sunod-sunod na tumulo ang aking luha ko. Napag-isipan ko nang umalis na sa lugar na iyon. Hinakbang ko ang aking mga paa palayo sa office. Nabitawan ko rin ang dala dala kong lunch ni Dylan.
Ang sakit marinig mula sa kaniya ang mga salitang ‘yon kahit pa nga alam ko na hindi niya ako mahal ay iba pa rin pala talaga ang sakit kapag sa kaniya na mismo manggagaling 'yon. Ang sakit pala.
Sobrang sakit dahil ako mahal na mahal ko siya. Ang babaw ko ba dahil minahal ko siya kaagad.
Siguro nga hindi niya ako matutunang mahalin dahil si Elliana lang naman ang bukambibig niya. Ako isa lang akong choice at isang pagkakamali sa buhay niya.
Isang babaeng nagmamahal sa kaniya na kailanman ay hindi niya magagawang mahalin.
Laglag ang mga balikat kong lumabas na hindi manlang nila namamalayan sa sobrang madamdamin nilang pag- uusap.
Hilam sa luha ang mga mata ko bago tuluyan na makalabas. Siguro sumasabay din ang ulan sa luha ko at ngayon ay umuulan din na sumasabay sa pag iyak ko.
Karugtong ba ng emosyon ko ang ulan?
Pumara agad ako ng bus. Wala akong pakialam sa mga taong nakatingin sa'kin. Bulong bulungan sila habang dumadaan ako sa kanila. Siguro naaawa sila sa hitsura ko na basang basa sa ulan at umiiyak pa.
Kung meron mang nakakaawa na babae ngayon. Ako ‘yun.
Naisipan kong umuwi na lang sa probinsya at bumalik sa kung saan doon ako masaya kabaliktaran sa buhay ko kasama si Dylan
Napagdesisyunan ko na lang na bubuhayin mag isa ang bata kahit pa nga wala siyang ama, pupunan ko 'yon at mamahalin ko siya nang buong buo.
Nagulat si Grace nang makita ako sa may pinto ng kanilang bahay. Mugto ang mata at basa pa ng ulan. Parang basang sisiw.
"Kristina?!" gulat na gulat si Grace nang makita ako. Mabilis siyang lumapit sa'kin at inalalayan ako. Nanlalambot ang mga tuhod ko at parang wala na akong lakas.
Nagmahal lang naman ako pero bakit ako nasasaktan ng ganito?
"Oh my god! Ano ba nangyari sayo? Basang basa ka. Diyos ko naman babae ka." Inalalayan niya ako papasok sa kwarto at pinaupo sa kanyang kama.
Hindi ko na kaya pa. Niyakap ko si Grace at umiyak sa kanyang balikat.
"Kristina ano ba nangyari sa'yo? Bakit nagpaulan ka? Buntis ka pa naman." may pag aalala niyang sabi.
Hindi ako sumagot patuloy lang ako sa pag iyak sa kanyang balikat.
"Magbihis ka na basang basa ka baka mapano ka at ang baby mo." nag aalala na sabi ni Grace.
Tumayo ako at naghubad. Wala akong pakialam kung nasa harapan ko ang bestfriend ko naisip ko lang ang baby ko na baka maapektuhan siya sa mga ginagawa ko.
Binatukan agad ako ni Grace pagkatapos ko ikwento sa kanya ang nangyari.
"Hay naku, Kristina umaasa ka pa na mahalin ka ni Dylan eh, may elianna naman pala siya. Paano ka niya mapapansin? Tapos ngayon umiiyak iyak ka. Hay naku!" sermon lang ang inabot ko sa bestfriend ko.
"Ang rupok mo Kristina." dagdag pa niya.
"Hay, buti pa na hindi na lang kita pinabalik pa doon at hindi ko na lang tinawagan pa si Ma'am Rein. Ano na lang tuloy nangyari sa'yo." sa huli ay niyakap ako ni Grace at maging siya ay umiiyak na rin.
"Sorry, Kris." habang yakap yakap niya ako.
Bumitaw ito sa pagkakayakap sa akin. Bumaba ang tingin niya sa tiyan ko.
"Ang cute mo na buntis, ang laki na ng tiyan mo." Nakangiti niyang sabi.
"Ngayon isipin mo na lang ang magiging anak mo hayaan mo na ang Dylan na 'yon. Pagkatapos magpasarap ay ganyan na lang ang gagawin sayo . Pagdudahan ka pa niya na niloloko mo siya na hindi niya anak ang dinadala mo isa siyang malaking bayag Kristina."
Kahit papaano ay napatawa ako sa sinabi ni Grace.
"Napatawa ba kita?" sabay pa kami nagtawanan.
"Hayaan mo na ang walang bayag na lalaking ‘yon."pang uulit ni Grace.
"Babalik na ako sa bahay namin Grace, baka pumunta pa si Ma'am Rein. Dito mas mabuti na sa bahay hindi nila alam ang bahay ko."saad ko nang tuluyan nang makabawi sa pag iyak.
"Pero paano, ikaw lang mag-isa doon." pag aalala ni Grace.
"Hayaan mo na sanay naman na ako." pilit akong ngumiti.
"Gusto mo ba samahan kita kapag gabi doon?" pag aalala ulit ni Grace.
Kahit papaano ay ma swerte pa rin ako at nagka bestfriend ako nang katulad ni Grace. Ang palagi kong natatakbuhan.