Chapter 7 Kristina POV Buong maghapon ko nilinis ang bahay dahil sa wala nang nakatira ay sobrang maalikabok na ito. Tinulungan na rin ako ni Grace na maglinis pagkatapos ay nag meryenda naman kami sa sobrang gutom na inabot sa paglilinis. "Malaki sisingilin ko sa 'yo dito Kris, ah," loko ni Grace bago tuluyan kaming naupo sa tapat ng mesa. "Okay lang, singilin mo ako ng malaki, wala ka naman masisingil sa ‘kin," ganti ko. Nagtawanan kami. Kinagabihan ay naiwan na naman ako mag-isa. Dapat nga sanayin ko na ang sarili na mag-isa dahil simula ngayon at sa susunod pa na araw ay ako na lang mag-isa. Nag-umpisa na naman ang mga luha ko sa emosyonal kong pag-iisip. Namimiss ko na naman ang ina ko sa bahay na 'to. Napahawak agad ako sa tiyan ko. Hindi dapat ako malungkot dahil sa susunod