EPISODE ONE
Chapter one
KRISTINA
You Took My Heart Away By: Michael Learns To Rock
Nasa kalagitnaan na ako sa pakikinig ng kanta nang may kumakatok sa pintuan.
Ang sarap talaga sa pandinig ng kantang pinapakinggan ko.
Nag-iisa na lang ako sa bahay, dahil two months na simula nang mawala ang aking ina. At ang aking ama naman ay hindi ko nakilala.
Nang mabuksan ang pinto ay nagmamadali na pumasok si Grace sa loob na para bang hinahabol. Si Grace ay ang bestfriend ko na tumutulong sa akin, kapag may kailangan ako.
"Tingnan mo 'to, Kris."
Nagmamadali na pinakita ni Grace sa akin ang newspaper na dala.
"Ano ‘yan?" tanong ko sa kaniya.
"Ito ang sagot sa matagal mo nang hinahanap," sagot ni Grace. Inilapag niya ito sa aking harapan.
Napaisip ako, kung ano ba ang ibig sabihin niya do’n at nagmamadali siya na pumasok sa bahay. Kinuha ko ang inilapag niya na news paper sa mesa at tiningnan ang gusto niya ipakita sa akin.
'WANTED PERSONAL MAID'
"Ito na 'yon, Kris. Grab the opportunity na. Alam mo ba na ang bait ng pamilyang 'to. Kilala sila dahil sa dami ng negosyo nilang pinapatayo sa bansa at alam mo ba huh! Sobrang gwapo ng kanilang anak. The only son."
Napaisip na naman ako, kung bakit parang familiar sa akin ang mukha na nasa picture.
"Saan naman 'yan, baka naman sobrang layo," walang gana kong sagot, dahil ayaw kong iwan ang bahay na nakagisnan at mami-miss ko 'to.
"Malayo nga, pero ayaw mo ba? Sayang naman 'to, Kris. Mababait kaya sila alam ko, dahil usap -usapan 'yon. Lalo na si Miss Rein. Ang bait daw no’n. Ayaw mo ba talaga?" pangungulit ni Grace.
Kailangan ko ng trabaho hindi naman pwede na umasa na lang ako kay Grace. Si Grace kasi ang nagpapahiram sa akin ng pera.
"Pasensya ka na, Grace. Hayaan mo kapag nakapagtrabaho na ako babayaran kita sa mga nahiram ko sa iyo, huh." Malugod niya hinawakan ang kamay ko.
"Walang problema sa 'kin. Ang gusto ko lang ay makatulong. Papahiramin na lang ulit kita ng pamasahe pero bago ‘yan tatawagan muna natin 'yong number. Sisiguraduhin natin na wala pa ba talaga silang nakuha.”
Tumango na lamang ako kay Grace. Kinuha na nga niya ang kaniyang phone at dinial ang number. Nag-ring lang ito pero walang sumasagot. Pangalawang number naman ay hindi rin sumagot. Kaya ang pangatlo ang dinial ni Grace pero, laking malas dahil nawalan siya ng load.
"Ano ba naman 'to, ubos agad ang load ko," reklamo ni Grace, kasabay sa pagkamot ng kaniyang ulo. Napangiti ako sa kaniyang reaksyon.
"Mamaya na lang, ako na lang ang tatawag," presenta ko.
"Sige! Tawagan mo ha! Alis na muna ako," paalam niya na nagmamadali na naglakad palabas. Halos maiwan na nga ang kanyang tsinelas sa pagmamadali. Naiwan na naman ako mag-isa.
Kailangan ko na talagang iwan ang bahay. Pinasadahan ko nang tingin ang buong bahay na gawa sa kahoy lamang. Kasunod ay sinulyapan ko ang numero na nasa aking harapan.
Nagdadalawang isip pa akong tawagan ito pagkatapos ko makapagpa-load.
Nakailang ring pa lang ito, mabuti naman at sumagot kaagad.
"Hello!" sagot ng baritonong boses sa kabilang linya.
Boses iyon ng lalaki, kinakabahan man ay sinagot ko iyon.
"H-hello! Ahmm, ito po ba ‘yong number ng nasa news po, may nakasulat po kasi na wanted personal maid?" magalang kong tanong.
"What? And who the hell are you?" napakasungit naman nito na sagot.
"Si Kristina po ito. Mag-a-apply po sana ako bilang personal maid,"
sandaling natahimik ang nasa kabilang linya pero nagsalita din naman iyon kalaunan.
"Nagkamali ka ng tinawagan," napakawalang modo na sagot ng lalaking nasa kabilang linya. Walang alinlangan na binabaan ako ng tawag. Baka nga ay mali ang tinawagan ko. Balak ko na lang na puntahan na lang ang bahay ng Chan's family.
Dinaanan ko muna si Grace at nagpaalam. Binigay naman nito ang address na hinihingi ko.
Habang naglalakad palayo, nag-wave naman sa akin si Grace.
"Goodluck, Kris! Dadalaw na lang ako sa ’yo minsan kapag natanggap ka do’n!" Sigaw niya.
Ngumiti lang ako sabay wave na rin sa kaniya.
Kailangan kong sumakay ng jeep para makarating sa Mansyon ng Chan. Pumara na lang ako sa tabi, nang makita ko na ang malaking Mansyon ng Chan na natatanaw mula pa sa malayo. Kailangan ko pa na sumakay ng trysicle.
"Miss, mag -a-apply ka ba diyan sa pamilyang Chan?" tanong ni Manong driver.
"Opo, Manong, paano niyo po nalaman?"
"Kasi, palagi ako dumadaan diyan at may nakapaskil diyan sa labas nang kanilang gate."
Natuwa naman ako sa nalaman dahil kung may nakapaskil pa do’n, ibig sabihin lang ay wala pang nakukuhang maid ang mga 'to.
"Salamat po, Manong sa impormasyon. Nakakatuwa naman at wala pa silang nakukuha. Sana matanggap ako."
Ngumiti muna ang tricycle driver bago nagsalita muli,
"Alam mo ba kung bakit, Miss?" sabi ulit ni Manong
"Dahil walang nagtatagal sa anak ng mag asawang Chan. Ang balita ay napakasungit."
Bigla tuloy ako kinabahan sa sinabi ni Manong driver.
Hindi ko namalayan na nasa harapan na kami ng gate.
"Salamat po, Manong " Tuluyan na akong bumaba sa trysicle.
"Goodluck, Miss!"
Nag-wave pa ito sa akin at tuluyan na umalis. Napangiti ako.
Inayos ko muna ang sarili, bago sinimulan na mag-doorbell. Naka-ilang doorbell pa ako bago ako pinagbuksan.
Ngumiti ako nang kaswal na ngiti,
"Anong kailangan mo, Miss?" tanong ng guard na naka-shades sa init ng panahon.
"Mag-a-apply po sana ako," kinakabahan kong sagot.
"Ah, ganoon ba, sige pasok ka tamang-tama at nandiyan si Ma'am Rein."
Kinakabahan man ay pumasok na ako dala ang isang envelope na may laman na resume. Hinatid ako ng guard sa malaking pinto at lumabas doon ang isang nakasuot ng uniform na maid.
"Ikaw ba ang mag-a-apply? Halika pasok."
Inaya ako ng matandang babae papasok at kitang kita sa loob ang mamahaling gamit na kapag nabasag mo ay isang taon mo pagbabayaran o sobra pa sa isang taon. Manghang-mangha ako sa nakikita ko, sa sobrang laki nito ay hindi ko alam kung nagkikita kita pa ba ang mga tao dito.
"Maupo ka na lang muna at bababa na rin si Ma'am Rein."
Naupo na lang muna ako habang naghihintay. Parang umayon naman ang panahon sa akin.
"Ang swerte mo at nandito si Ma'am Rein. Kasi bihira lang si Ma'am Rein sa bahay na 'to palaging nasa kabilang bahay."
Tumango-tango na lang ako.
Bumaba ang isang babaeng pagkakatingin ko ay nasa 40's. Pero sobrang ganda pa rin at ang kinis ng balat at ang puti.
"Ayan na si Ma'am Rein."
Tumayo kaagad ako nang malaman kong 'yon ang may-ari ng bahay.
"Hello po, Ma'am Rein siya po pala ang mag-a-apply."
Ngumiti ang babae sa akin na lalong nagpaganda dito.
"Hi, po, Ma'am!" bati ko at sabay yumuko. Bilang paggalang.
Ngumiti naman ito sa akin "Ang ganda niya," sa isip ko.
"You are?" tanong nito na agad naman akong nagpakilala.
"Kristina Vasquez po, Ma'am."
Ngumiti na naman ito.
"Mag-a-apply ka ba bilang maid?"
"Opo!" sagot ko kaagad.
"Are you sure? Kasi, halos lahat ng nag-apply dito ay isang araw lang ang tinatagal," paninigurado niya.
Pumunta ako dito dahil kailangan ko ng trabaho. Kaya wala ng panahon para mag inarte pa ako.
"Kaya ko 'to!" Cheer up ko sa aking sarili.
"Sure na sure po ako, Ma'am. Kung puwede nga po magsimula na ako kaagad."
Ngumiti ulit ang Ginang.
"Okay, tanggap ka na, Kristina Vasquez." Sumilay ulit ang ngiti sa labi ng Ginang.
"Talaga po!" ‘Di makapaniwala kong panigurado.
Sobrang natuwa ako dahil sa natanggap ako kaagad. Halos magtatalon ako sa tuwa feeling ko naman ay mababait sila dito.
"Yes, you're officially hired Kristina, pwede ka na magsimula. Tomorrow, ipapahatid kita sa penthouse ng unico hijo ko."
Hindi ko inaasahan ang sinabi niya, ang akala ko ay si Ma'am Rein ang pagsisilbihan ko. Pero ano ‘to sabi ng Ginang. Unico hijo? Ibig sabihin, sa anak nito.
"Hindi siya umuuwi dito kaya naman ipapahatid kita kay Manang bukas sa penthouse niya, bukas ka na lang magsimula. For now, magpahinga ka muna okay, maiiwan na muna kita ah, si Manang na ang bahala sa iyo."
'Yon lang ang sinabi nito at agad na tumalikod sa akin. Hindi ako makapaniwalang sobrang bait ng Ginang. Pagpapahingahin pa muna ako sa araw na 'to hindi naman ako pagod para magpahinga pa.
Hinatid lang ako ni Manang Fely sa matutulugan ko sa isang gabi na pamalagi ko sa mansyon. Nag presenta akong tulungan siya sa gawain, pero hindi na ako pinayagan. Magpapahinga na lang daw ako para sa energy ko bukas.