CHAPTER 5
Kristina POV
"Dylan, dalhin mo na ang dalang bag ni Kristina, mabigat 'yan at dapat na ikaw na ang magdala ng gamit niya," utos ni Miss Rein. Alam kong labag sa kalooban niya na dalhin ang bag ko mula sa kamay ko ay padabog niyang kinuha ang dala kong bag na mabigat dahil sa laman na mga damit ko.
Kahit pala mukha siyang hindi sumusunod sa kagustuhan ng Mom at Dad niya ay sinusunod pa rin naman pala niya ang mga ito.
Lumapit sakin si Ma'am Rein. Hinawakan niya ang kamay ko.
"Ikaw na lang ang mapagpasensya kay Dylan, talagang ganyan na siya noon pa man." Nakangiti na sabi ni Ma'am Rein. Hinaplos pa niya ang mga palad ko. Talagang napakabait niya na ipinagtataka ko kung saan nagmana ang ugali ni Dylan.
Ginantihan ko ito nang ngiti.
"O, sige na hinihintay ka na niya sa kotse." Turo niya kay Dylan na nakatingin sa amin mula sa loob ng kanyang kotse.
Binitawan na niya ang kamay ko. Naglakad na ako palapit sa kotse ni Dylan. Habang papalapit ako dito ay labis ang kaba na nararamdaman ko. Bago pa man ako makapasok ay sumigaw pa si Ma'am Rein.
"Ingat!" nakangiti na kumakaway siya sa amin Si sir Jiro ay kanina pa umalis dahil sa maraming inaasikaso daw ito sa kanilang Kompanya.
Mas pinili ko na umupo sa likod hindi sa harap na katabi siya baka ano pa ang sabihin niya, sa hitsura niya ngayon ay nakakatakot siyang pikunin.
Nanatili lang akong tahimik.
"I'm not your driver Kristina, bumaba ka at lumipat ka dito sa harapan katabi ko," mariin niyang sabi na agad naman akong napaisip.
Mukha nga naman siyang driver kong sa likod ako uupo. Ang akala ko lang naman kasi magagalit siya kung tatabi ako sa kaniyang umupo sa harap.
"Make it faster Kristina! Time is running 'wag kang tatanga - tanga lang diyan! Naiintindihan mo ba ako?" strictly voice of him.
Kumilos naman ako kaagad. Bumaba ako ng kotse at lumipat sa kanyang tabi.
Lumipas ang ilang minuto ay tumingin ulit siya sa'kin.
Ano na naman kaya problema niya?
"What are you waiting for? Fasten now your seatbelt! Gusto mo pa ba na ako magsuot niyan sa'yo! Ang tanga tanga mo!" umawang ang labi ko. Natulala sa kaniyang sinabi.
Taranta kong inayos ang seatbelt. Nakita ko na sa TV ang mga ganito pero hindi ako marunong magkabit kaya natagalan ako na ikabit 'yon.
"Stupid" rinig ko pa na bulong niya pero. Ikinagulat ko ang paglapit niya sa akin. Lumapit ang katawan niya. Tinulungan ako sa pag aayos no'n.
Sobra pa akong napahiya.
Inagaw niya sa'kin ang hawak hawak ko at agad na ikinabit sa akin.
"S-sorry, hindi ko kasi matandaan kung paano ikinabit ni Ma'am Rein kanina sakin 'to," pagpapaliwanag ko.
Naamoy ko pa tuloy ang buhok niya na sobrang bango dahil sa ibat-iba siguro na mamahaling pabango o gel ang ginagamit niya dito.
Walang salita na lumayo siya sakin at agad na nagpaharurot ito.
Hindi na muli siyang nagsalita. Tahimik lang kami habang siya nagmamaneho.
Pagdating sa kaniyang penthouse ay hindi pa rin siya nagsasalita. Walang imik na bumaba sa kaniyang kotse. Nauna siya na lumabas na hindi manlang ako nililingon. Mabilis naman akong gumalaw para bumaba at kinuha ang dala kong bag na kanina ay kinuha pa niya sakin 'yon para dalhin. Pero ngayon ni hindi man lang niya ako tinulungan.
Nakasunod lang ako sa kaniya na pumasok pagdating sa loob ay inilagay ko ang dala kong bag at naupo muna sa couch.
Agad na sumalubong sakin ang picture frame na naka display sa maliit na mesa kasama si Dylan. Tatlo sila at pinagitnaan nila ang babaeng mestisa na kung hindi ako nagkakamali ay siya yon babae na naka display rin sa kwarto ni Dylan. Hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa ganda nito.
"Hindi kita sinama dito para tumunganga lang, nagugutom ako ipagluto mo 'ko, hurry up!" Itinapon niya sa couch ang hinubad niyang suit. Pabalang na umupo.
Mabilis akong tumayo at tumungo sa kusina kahit pa nga magkasama kami ngayon ay dahil lang yun sa buntis ako at hindi ibig sabihin no'n na titigil na rin ako sa pagiging personal maid sa kanya. Sa mga gawain dito.
"Kristina!" Napalingon ako sa biglaang pagtawag niya sa akin.
Napalingon ako sa kaniya.
"I'm telling you, don't act like you are my wife, act like a personal maid of mine. Dahil yun naman talaga ang trabaho mo. Still, hindi ko matatanggap ang batang nasa tiyan mo. Malay ko ba kung dinadahilan mo lang 'yan. Maraming nagagawa ang pera. You know what I mean... people now a day, gagawin ang lahat para lang makahuthot ng pera, ganun ka ba, Kristina?" seryosong tanong nito sa akin.
I was stuck. Hindi ko ugali ang ganun.
Naramdaman ko na lang ang luha kong bumagsak na sa aking mga pisngi.
Paulit-ulit ko lang naririnig ang sinabi niya 'still hindi ko matatanggap ang batang nasa tiyan mo'
Patagilid, patihaya at padapa, hindi pa rin ako makatulog sa sinabi niya
Sa maid's room niya ako pinatulog kahit may guest room naman ay mas pinili niya na patulugin ako sa maid's room.
Ano pa ba ini-expect ko? Inaasahan ko ba na magtatabi kami? Mag-isip ka nga Kristina.
Ganun siya ka galit sa'kin.
He hated me that much.
Napabalikwas ako nang bangon ng marinig ko ang malakas na alarm clock. Medyo napuyat ako sa kakaisip. Hindi ko tanda na may alarm clock ako dito sa maid's room or d'di ko lang napansin.
"Wake up!"
Hindi ako nagkakamali boses 'yon ni Dylan. Nasa loob siya ng maid's room.
Napabalikwas akong muli. Bumangon sa kama at umupo. Nakatayo siya sa harapan ko hawak hawak ang maliit na alarm clock. So sa kaniya pala ang alarm clock na 'yon.
"Ano oras mo ba balak na gumising sa hinihigaan mo masyado kang nag -eenjoy sa pagtulog mo! Tumayo ka na at ipaghanda mo 'ko ng almusal, papasok na ako papasukin mo ba ako na hindi pa kumakain. Ganiyan ba ang asawa?" Tumaas ang kilay ko. Bahagyang napangiti sa huling sinabi niya.
"I mean...ganiyan ba ang maid? That is what I mean." Tuluyan siyang lumabas sa maids room. Lihim akong napangiti. Napakagat sa labi. Parang gusto kong tumalon sa tuwa dahil sa sinabi niya. Pero sana nga hindi na niya binawi pa.
"Heto na po, mahal na prinsipe." Habol ko dito. Alam ko naman na hindi niya maririnig ang sinabi ko dahil alam kong nakalabas na siya.
Sandali lang ako nag ayos gaya ng dati suot ko pa rin ang maid uniform. Dahil 'yun naman talaga ako sa bahay na 'to. Isang maid niya lang, wala nga siyang pakialam sa'kin.
Nagluto ako nang almusal, sakto na tapos na ako maghanda sa mesa ay sakto rin naman ang pagbaba niya..
Nakabihis na siya ng kaniyang office uniform. Habang naglalakad palapit ay inayos niya ang kaniyang sleeve.
Umupo siya na hindi man lang sumusulyap sa akin. Nag umpisa ng kumain. Wala siyang balak na yayain ako. Nakatayo lang ako sa tapat niya naghihintay na may iuutos pa siya sa akin.
"Give me some water," utos niya, sa wakas naisipan niya rin na sulyapan ako.
Mabilis din naman ako na naglakad at kumuha ng tubig para sa kaniya. Dahil sa ka lampahan ko ay na tapisod ako. Sakto naibuhos ko ang tubig kay Dylan na ngayon ay basang basa na ang kaniyang suit.
Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na tumayo para manghingi ng sorry sa kaniya.
Umalingawngaw ang boses niya "What the f**k!" malakas niyang mura sabay sulyap niya sa basa niyang kwelyo.
Tumayo ito at mariin niyang hinawakan ako sa aking baba.
Mas lalo pa niya nilakasan ang pagpisil no'n dahilan para masaktan ako ng sobra sa ginagawa niya. Impit akong napaigik.
"D-dylan n-nasasaktan ako." impit ko.
pabalang niyang binitawan ang chin ko.
"You stupid! Now look at me! Kailangan ko pa magbihis ulit. Damn it! Ang tanga tanga mo. Bakit ba napaka tanga mong babae!" singhal niya bago tuluyan na tumalikod sa akin.
Napasandal ako sa mesa at doon nagpakawala ng luha.
Ilang araw pa lang ulit ako sa poder niya ay ang dami ko nang nararanasan na masakit na salita mula sa kaniya. Mas lalo pa siyang naging masungit sa 'kin.
Hindi ko na namalayan pa ang pag alis niya hindi rin naman siya nagpaalam sa'kin. Sino ba naman ako para maisipan pa niyang magpaalam sa akin.
Ibinuhos ko na lang ang oras ko sa paglilinis, pagkatapos ay nagpahinga na muna sa maid's room.
Pahiga na ako nang tumunog ang phone ko. Naka register ang pangalan ni Grace.
"Bakit ang tagal mo naman sagutin?" bungad kaagad sa akin ni Grace.
"Nakaka-ilan dial na ako sa 'yo, ano? Okay ka lang ba diyan besh? Mabait ba totoo si Ma'am Rein?" sunod sunod na kaniyang tanong.
Mabait si Ma'am Rein pero ang unico hijo niya ang demonyito.
"Sorry, abala kasi ako kanina sa paglilinis, naiwan ko rin ang cellphone ko sa higaan kaya hindi ko nasagot kanina," pagpapaliwanag ko.
"Eh, ano na? Okay na ba kayo ni Dylan? Kayo na ba?" halata na excited siya sa sagot ko which is kabaliktaran ang nangyayari samin
Ang akala ko na magiging okay ang pakikitungo niya sakin dahil sa buntis ako ay nagkamali ako mas lalo pa siyang nagagalit sa'kin. Ang mas malala pa ay ayaw na ayaw niya sa 'kin.
Ano ba dapat kong gawin para lumambot ang puso niya.
Nagpakawala ako ng buntong hininga.
"Ano 'yon? Problemado ka ba?" alam kong narinig niya ang pag buntong hininga ko.
"Pagod lang ako, kakatapos ko lang kasi maglinis." Humiga ako habang kausap ko pa siya.
"'Wag ka na magpakapagod... t-teka minamaltrato ka ba ni Dylan? Pinipilit ka ba niya na magtrabaho diyan? Sabihin mo nga sa'kin?" mapang usisa niyang tanong.
"Hindi, ayos naman ako dito kailangan ko rin naman gumalaw kahit papaano kasi kung hindi ako maglilinis sino na lang maglilinis? Hindi naman pwede na si Dylan." Nakangiti kong sagot kahit ang totoo ay iba ang trato ni Dylan sakin. Mabait lang siya sakin kapag kaharap ang mga magulang niya.
"Nice to hear." sagot naman ni Grace.
"O, sige na nga papatayin ko na ang call tatawag na lang ulit ako sa'yo, magpahinga ka ah, kailangan mo ng pahinga, sige bye, preggy."
Paalam niya. Unti-unti kong ibinaba ang phone. Nagpakawala ng buntong hininga.
Marami pa naglaro sa isip ko bago tuluyan nang nakatulog.
Dylan POV
Nakasanayan na talaga namin ni Nikko ang mag pa hatinggabi sa bar. Mas lalo pa ngayon na kasama ko sa bahay ang babaeng kapag nakikita ko ay kumukulo ang dugo ko.
Her face, her presence and I hate all about her. She is so annoying.
Ang babaeng gustong gusto kong makasama ay nasa piling na ng iba. Dammit!
makita ko lang silang magkasama ay gustong gusto ko ng suntukin ang lalaki ni Elianna.
I hate the fact na hindi niya ako gusto.
"Ano ba problema mo? Bakit kulang na lang ay mabasag ang baso na hinahawakan mo sa sobrang lakas ng pagkahawak mo?" basag ni Nikko sa katahimikan. Napansin pala ni nikko ang mahigpit kong paghawak sa baso.
"Do you remember when we had a drink with eliana?"
"And why is that night? Yeah, I remembered," Nilaro laro nito ang alak sa kaniyang baso.
"Something happened that night. That I came home, the next morning i'm with my maid." I told him seriously.
Hindi ko inaasahan ang malakas na pagtawa ni Nikko.
"f**k you!" Sinuntok ko siya ng mahina sa kanyang braso.
"What's funny, huh?"
"Paano naman kasi hindi ako matawa, kahit pala maid pinapatulan mo," patuloy pa rin ang pagtawa niya.
"Anong nakakatawa don?" salubong ang kilay kong tanong sa kaniya.
"Wala naman, natawa lang ako, ano naman ngayon kung nagising ka na katabi ang maid mo? Hindi ka pa ba sanay na magising na may katabing babae?" nakangisi niyang tanong.
"The worst is... she's now pregnant. Mom forced me to marry her, buti na lang... I convinced them that I would not marry her." nakatitig lang ako sa baso habang nagkukuwento kay Nikko.
"Ano ngayon ang pinoproblema mo? Hindi ka naman pala magpapakasal, dapat nga matuwa ka kasi magiging daddy ka na. Daddy Dylan," pang aasar pa niya.
Kahit kailan hindi ako natuwa. Makita ko pa lang ang babaeng 'yon kumukulo na ang dugo ko. There seemed to be something strange about her.
"f**k! I hate that girl. Sa tuwing nakikita ko siya sa bahay naiinis ako. Naiinis ako sa pagmumukha niya, sa mga kilos niya. Even the way she talk. The way she smile, and the way she looks at me." Nagsalin ako sabay lagok ko ng alak.
"Siguro maganda 'yan kasi naiinis ka? Or baka naman... the more you hate the more you love." asar pa niya, mas lalo pa siyang tumawa
"Maganda ba?" dugtong pa niya.
"Fvck you!" sinamaan ko ito nang tingin. Wala siyang magandang sinasabi.
Sa totoo lang maganda siya pero naiinis lang talaga ako sa kaniya. Hindi siya si Eliana, kung siya sana si Eliana matutuwa ako at magtatalon pa ako. Ako na mismo ang magpipilit kay Mommy na ipakasal agad ako kung si Eliana ang nabuntis ko. But no! Luckless to me.
Hindi ko nga matandaan ang gabi na may nangyari samin. Tsk!
"Uuwi na tayo," aya ni Nikko.
"And why?" may pagtataka kong tanong. Gusto ko pa uminom kung pwede na nga lang dito na ako matutulog.
"Kailangan mo ng umuwi baka hinihintay ka na niya, hindi ka ba naaawa? Buntis 'yon tapos mag isa lang siya ngayon sa bahay mo." Inalalayan niya ako sa pagtayo. Medyo nahihilo na at umiikot na rin ang aking paningin. Hinila na rin niya ako palabas.
"Sanay na ang babaeng 'yun." sagot ko nang alalayan niya muli ako palabas. Pasalamat 'to at medyo nahihilo na ako kung hindi nasuntok ko na 'to.
"Kahit na, dapat sa mga oras na ito nasa bahay ka na kasama niya. Kung ako siguro ang lalaking 'yun, hindi ko iiwan ang babaeng nagdadala ng magiging future ko."
Well, sad but you're not.
Nakakailang shots pa lang ako pero nahilo na kaagad ako.
Hinatid lang ako ni Nikko at agad din naman na umalis. Hindi siya masyadong lasing dahil sa hindi naman siya tuloy tuloy na uminom.
Nadatnan ko na nakapatay ang ilaw.
"Where are you woman!" I shouted.
Kristina POV
Napabalikwas ako nang bangon na may narinig akong ingay. Hindi ako nagkakamali boses 'yon ni Dylan.
Sa ganitong oras ng gabi sumisigaw siya. Ano na naman ba ang problema niya?
Agad akong lumabas para tingnan siya kung bakit siya sumisigaw.
"Where are you woman?" Muli ay sigaw niya.
Nakita kong pasuray suray siya ng lakad at nag sisigaw. Sino ba kasi hinahanap niya?
"D-dylan!" tawag ko na lumingon naman agad siya.
Lasing siya alam ko halata sa mga mata niya at sa hitsura niya.
Lumapit ako para alalayan siya pero tinulak niya ako.
"Don't go near me, baka masapak kita. Go away."
Pagtataboy niya sa akin. Tinawag niya ako pagkatapos sasabihin niyang lumayo ako sa kaniya. Ayos lang kaya siya? Naglakad siya paakyat pero bago tuluyan na umakyat humarap ulit siya sa'kin.
"Why is the light off? Do you know that I don't turn off the light. I want always turn it on, do you understand? In this house, I am the law." sermon niya na muntikan pa siyang madulas kaya mabilis akong tumakbo papalapit sa kanya. Nahawakan ko siya sa kaniyang braso. Gusto kong matawa. Pero pinigilan kong hindi matawa dahil sa hitsura niya.
Inalalayan ko siya papasok sa kanyang silid na agad naman niya akong tinulak palayo sa kaniya.
"Don't be too close to me, I might take you and punish you in bed," may pagbabanta niya na sabi pero pagkatapos no'n ay bigla na lang siya nawalan ng malay. Mabuti na lang at sa kama siya bumagsak.
"Hindi naman pala kaya." I whisper.
Sandali ko pa siyang tinitigan. Kapag tulog siya malaya ko siyang natititigan. Napagmamasdan. Ang amo ng kaniyang mukha kapag tulog.
Kumuha na lang ako ng basang towel at pinunasan ang kaniyang noo pababa sa kaniyang leeg.
Kahit nahihirapan ay tinanggal ko na rin ang damit niya, medyo basa yung damit niya, siguro dahil sa alak baka natapunan 'yon.
Napapalunok ako sa tuwing mapapasadahan ng mga mata ko ang kaniyang maskuladong katawan at ang kaniyang matitigas na dibdib.
Bumaba ang mga mata ko sa matambok niyang parte sa ibaba.
Napalunok ulit ako.
Pinagpapawisan pa ata ako kahit hindi naman mainit.
"Eliana..."ungol niya.
Si Eliana pa rin. Si Eliana ulit ang tinatawag niya and that breaks my heart.
Binilisan ko na ang pagpupunas sa kaniyang katawan at tuluyan na rin lumabas. Hindi ko na pinatay pa ang ilaw ayaw niya sa madilim.